Nagtataka Ako

Nagtataka ako,
Bakit kaya mabait ang mundo?
Sa tuwing kayo ang nangangailangan,
Wala namang pakialam ang ibang tao?

Maski nga kadugo mo,
Hindi ka kilala kapag nasa laylayan na kayo,
Pero kapag ikaw naman itong naka-angat,
Akala mo naman kung sinong mababait na demonyo.

Sobrang bait pala ng mundo, 'no?
'Yong pag-uusapan ka nila,
Kahit naman nagsusumikap ka lang talaga,
Bakit nga ba?
Natatakot bang lamangan?
O sadyang 'di lang nila kayang higitan?

Nakakatawa naman,
Na maski pisong duling 'di ka man lang mabigyan,
No'ng kayo ang nangangailangan,
Aysus, baka nadadala lang talaga ng yabang?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top