Mukha ng Kahihiyan

May kahihiyan sa'yong hitsura,
May kahihiyan sa'yong postura,
May kahihiyan sa'yong obra,
Anong kahihiyan pa nga ba?

Iyan ang boses ng taong walang tiwala,
Iyan ang letra ng mga salitang walang magawa,
Iyan ang pambato sa talentong iyong panangga,
Iyan ang musika na sa inggit nagmumula.

Tandaan mo, sa ALAT ng kanilang mga salita,
Ikaw ay isa pa ring nagniningning na TALA,
Sa TALAS nang kanilang pananalita,
Ikaw ay 'di SALAT sa yaman ng pagpapala.

Sapagka't ang salitang PERPEKTO ay makikita lamang sa diksyunaryo,
Ngunit ang pagiging maka-TAO, nasa-sarili na mismo,
Kaya 'wag kang magpa-APEKTO,
Sapagka't tao rin naman sila na may bahong itinatago.

Isiping...
May kahihiyan sa hitsura ng inggit,
May kahihiyan sa posturang sa talim kumakapit,
May kahihiyan sa obra nang salitang masasakit,
Ano nga ba ang dapat sabihin sa taong maraming hinanakit?
"Matuto ka na lang pumikit."

©️phiemharc

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top