Maling Tama

🖤💔🌈

                 // Maling Tama //
          

Paano natin sisimulan ang TAYO?
Kung sa una pa lang IKAW at AKO lang ang may gusto,
Paano natin tatahakin ang DULO?
Kung sa una pa lang sa ibang tao ang totoong direksyon ng pana ni Kupido?

                         Stupido...
                           Loko...
                     Nakakabobo...

Hindi magiging tama ang lahat kung pinipilit lang natin itama,
Hindi tayo magiging masaya kung pinipilit lang natin sumaya,

                  Pasensiya ---

Hindi ko na kaya,
Kinikitil lang natin ang ating sarili sa pagmamahal na tayo lang ang pumipilit.

Paano? Paano na ang lahat?
Wala! walang saysay ang nagaganap.
Ngunit, wala na bang konting tyansang matanggap?
Kahit alam kong mali ang aking hinahangad?
Paano? Paano natin ipaglalaban?
Kung marami sa atin ang humahadlang, nandidiri at hindi tayo nagugustuhan.

Porket ba lalaki ka at bakla ako?
Porket ba mayaman ka at dukha ako?
Porket ba gwapo ka at simple lang ako?
Ganun ba ang criteria ng pang-iinsulto?

Kaya, tama na kahit masakit pa,
Itigil na! kahit mahal pa kita.
Lalaki ka at dapat sa babae nakatakda,
Bakla ako, walang karapatan na ipaglaban ka,
Kalaban ko dito ang mga matang mapanghusga,
Kaya ayaw ko, pasensiya!

*******************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top