Karahasan

Nakatingin sa kawalan at sarili'y di maintindihan,
Nakatayo sa kwadradong silid ng kahihiyan,
Di maipaliwanag kung ano ang tunay nararamdaman,
Takot at pag-aalinlangan ang bumabalot sa katawan,
Mahirap nga talagang hanapin ang tunay na kaligayahan.

Hindi mapakali sa bawat segundo na lumilipas,
Mga mata'y nakatingin tila ako'y isang malas,
Hinuhusgahan ng bawat bulong ang aking pagkatao,
Wala naman akong nagawang kasalanan, bakit ako ginaganito?

Nais kong maglaho na parang isang bula,
Wakasan ang buhay sapagka't hindi na nakakatuwa,
Inisip na wala na ring pag-asa sapagka't ito na ay nangyari,
Kasalanan ng iba na sa akin sinisisi.

Hindi ako iyan,
Hindi ako ganito,
Hindi ako ganyan,
Isa lamang akong biktima ng nakakatakot na karahasan,
Di ko naman ginusto na ako'y pagsamantalahan,
Kaya nais ko lamang 'wag ninyo akong husgahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top