Kaibiga'y Karibal


Nagsimulang magsulat ng mga titik ang aking pluma,
Gustong ipabatid sa karamihan ang nararamdaman niya.
Isiwalat na raw ang tunay na istorya,
Para daw ito sa may mga crush na di crush ng crush niya.

Di ako crush ng crush ko, linya na palagi kong naririnig.
Maski kaibigan ko ito ang palaging bukambibig.
Di bale ikwekwento ko ang aking sinapit,
Ngunit istorya ito ng  kaibigan ko at crush kong higit.

Naranasan niyo na ba ang humanga sa isang tao?
Imposibleng hindi, nagmamahal nga pati engkanto.
Pero yung paghangang iyon ay hindi pareho,
Sa nararamdaman ng crush mo sa iyo.

Mabuti na lang nariyan si kaibigan na susuporta,
Tulay sa pagitan “daw” naming dalawa,
taga-konekta,
Tulay na magdudugtong sa layo ng agwat niya,
Mula sa akin patungo sa kaniya na ang layo ay ilang milya.

Ngunit, nabigla ng si kaibigan siya rin ay natipuhan,
Ang pagtulong na mapalapit sa crush mo yun pala’y napipilitan.
Di namalayan sila na ang nagkalapit ng kalooban,
Naniwala sa masarap na kasinungalingan,

Kaibigan, bakit kayong dalawa ang nagkatuluyan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top