Estrangherong Mundo

- Estrangherong Mundo -
Titik ni: Mharc Seduco

Kinalas ko ang piring na nakaharang sa aking mga mata,
Agad kong nasilayan ang nakatagong parte ng mundo na kakaiba,
Tunay ngang ito'y daigdig na magbibigay saya,
Sa nagugulumihanang isip na puno ng dilema.

Ako'y sinalubong ng maliwanag na kaharian,
Na taga-pagkubli ng totoong tamis nang kasiyahan.
Tunay na ito'y isang makabuluhang kaganapan,
Na magpapahiwatig ng kaluwalhatian na aking karamdaman.

Inilibot ko ang aking mga mata,
Nakakapanibagong masaksihan ko na ito ng kusa,
Napakagaan at nakagiginhawa,
Nakawawala na ng mga dalang problema.

Sa aking paglalakad ay napakagaan ng aking pakiramdam,
Tila nasa isang paraiso ako na walang kamalayan.
Pinilit kong subukang malaman,
Saang parte nga ba ito ng mundo matatagpuan?

Hanggang napagtanto kong walang ibang tao,
At isang pultahan ang kaharap ko,
Teka lamang! Parang naguguluhan na ako,
Ito na ba ang langit at kaharap ko na ba talaga si San Pedro?

©️August 15, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top