COVID ka Lang
Nagmamasid ang alapaap sa mga kaganapan,
Tila tahimik ng mundo sapagka't kaunti ang taong nagsisilabasan.
Ito ba ang magpapatigil sa yugto ng kanilang kasiyahan?
Paano na ang mga planong matagal pinag-isipan?
Kasama na rin ang inaasahang kabuhayan?
COVID-19 nagsimulang kumalat sa iba't ibang parte ng mundo,
Kabuhayan ng karamihan ay sobrang apektado.
Nakapirme lamang sa kanilang mga tahanan at nagtatago,
Maiwasan lang ang kakaibang salot ng lipunan sa panahong ito.
Ikaw? Sinusunod mo ba ang mga alituntunin at pag-iingat,
Upang ang nakamamatay na salot ay hindi na kumalat?
Kung OO, mabuti at ika'y kaisa namin sa pagpuksa ng lamat,
Magkaisa at sumunod upang tayo'y makalabas at bumanat.
Ito ang panahon na buo ang pamilya sa hapag-kainan,
Nagkakaroon ng oras upang sila'y magkwentuhan.
Panahon rin upang hanapin at hasain ang mga kakaibang natutuhan,
Balikan rin at panatagin ang paniniwala sa gumawa nitong sanlibutan.
Mundo natin ay unti-unting naghihilom mula sa mga sugat na ating idinulot,
Sapagka't mundo ay hindi na maganda ang anyo at madami ng sigalot.
Oras na para magpagaling sa sakit na iniinda at maghilom ng kusa,
Ito'y sa dahilan na kaunti na lamang ang polusyon at kung ano pang nakasisira sa kaniya.
Sa kabilang dako, sa mga oras na ito kumusta na nga ba ang mga bayani ng bayan?
Sila 'yong walang pahinga sapagka't kailangan na maisalba ang isang buhay do'n sa binggit ng kamatayan,
Nawa'y pagkalooban kayo ng tatag at lakas upang mas marami pa ang matulungan,
Kapit lang alam kong di kayo pababayaan ng Diyos at kayong lahat ay poprotektahan.
Ating mga frontliners kabilang ang mga doktor at nurses ang kaagapay mapanatili lamang ang kaayusan,
Upang sakit ay hindi na kumalat kanino man.
Saludo ako, kayo ang yaman ng sanlibutan,
Matiwasay na sinusugpo ang lason ng lipunan, COVID-19 ang pagkakakilanlan.
Salamat, frontliners sa inyong ambag sa ngayong panahon,
Upang bigyan ng makulay na buhay ang susunod pang henerasyon.
We Heal As One bukambibig ng karamihan,
Ngunit paano natin ito mapapanindigan kung marami sa atin 'di sumusuporta sa laban.
Tulungan natin ang mga tao sa taas ng ating lipunan,
Sapagka't tayong mga mamamayan ang may malaking ambag sa pagsugpo nitong kadiliman.
Hihintayin pa ba natin na
dumami ang kaso ng mga patay,
Sapagka't hindi tayo marunong makinig sa simpleng pamantayan.
Isa-isip naman natin na pagod na rin ang mga bayani ng bayan,
Dahil araw-araw silang sumasabak sa laban ni kamatayan.
Maswerte tayo nakapirme lamang tayo sa ating tahanan at kasama ang pamilya,
Paano naman ang mga frontliners na babad sa kakaibang giyera.
Sila'y napakatapang sapagka't buhay ay itinataya,
Makatulong lang mapaggaling ang positibong pasyente sa virus na corona.
Virus ka lang, Pilipino kami!
COVID ka lang, may Diyos kami!
Sakit ka lang, may Tiwala kami!
Corona Virus ka lang, Babangon kami!
Laban lang,
Walang sukuan sa giyera ng kamatayan.
Laban Pilipino,
Laban Pilipinas,
Bangon!
©️phiemharc
Date Written: March 30, 2022
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top