Chapter One: Second Section
Hi guys! Sinong nakakaramdam ng suspense? Alisin ang hiya at i-share mo ang expectations mo! Unless you prefer to keep it dahil mas feel mo yung story kapag ganun.
Very well, this is Chapter One: Second Section
"All I wanted is a pair of ears to listen only to me, not thousands of mouths telling advices, telling me to get over it." -from Dear Author
~~~
Nasa ospital ako nun.
Napatingin ako kay Denmar nang binuksan niya yung pinto. Dali-dali niya akong niyakap na ikinagulat ko. Hindi naman siya ganito ka-touchy pagdating sakin. Feeling ko namula ako ng konti. Pero naramdaman ko ulit yung pagsikip ng dibdib ko kasabay ng pananakit ng tagiliran ko. I gasped for air.
"Denmar..." I hit his shoulder with my fist in desperation for air. He immediately let go as I coughed, followed by deep breaths. "P-Pasenya n-na." Napayuko siya. Bahagya akong nagulat. Pangalawang beses ko siyang nakita na parang hinang-hina dahil sa isang maliit na bagay. Hindi kasi siya yung tipong hindi nagpapalabas ng sama ng loob o lungkot. Terno ko yan sa kasiyahan.
Hinawakan ko yung mga balikat niya. "Uy, ok lang yun. Hindi mo naman sinasadya." Sabi ko habang nakanguso. Ewan, ganito talaga ako magsalita pag nakakaramdam ako ng guilt o depression. Katahimikan...
Pinakinggan ko na lang yung tanging ingay sa loob yung paghinga namin. Mayamaya, napansin kong bumibilis yung paghinga niya. He's getting hiccups. But then I realized-
It took seconds for me to sink in. The boy that was always wearing a gleeful grin is now crying because of me. My guilt is rising. I took his shaking hands. "Wala kang kasalanan sa nangyari sakin." Hinampas ko yung balikat niya ng marahan. "Uy! Nasan yung Denmar na kilala ko? Ibalik mo siya!" biro ko. Ang seryoso ng paligid. Ayoko ng ganito kahit na nakikita ko ngayon ang isang side ng personality niya, ayokong nakikitang nahihirapan siya sa kaloob-looban niya.
He sat beside me and rested his head on my shoulder. "Akala ko mawawala ka na..." Uminit nanaman yung pisngi ko. Tangna! Ba't ako nagkakaganito... May gusto pa rin pala ako sa lalaking to.
TIME SKIP
"Naalala mo yung sa grade six?" Tumigil si Denmar sa pagtawa. "Hmm?" Pinipigilan ko naman yung sarili ko na tumawa. "Yung si Jhon? Nag-flip bottle challenge tapos nahulog yung bote sa mukha niya?" Humagalpak kami sa upuan namin sa kotse namin-este nila. Nakikita ko na ang campus kaya napatigil na ako sa pagtawa at tumili. Grabe two months na rin. Kinabahan ako.
"Huy! Ok ka lang?" Tangna. Di ba siya nae-excite? Abno talaga. Pero mas malala pagka-abno ko. Charot. XD
"Haha..." I laughed sarcastically. "Palibhasa, parehong klase lang naman sayo kaya hindi mo alam kung gaano ako kinakabahan ngayon." Nilapit niya yung mukha niya ng bahagya. Sign na mambabara siya.
Seryoso, Elainor? Hello? Babae lang nambabara! Baliw lang, no? "E, ba't pinababa mo yung grades mo?" Pambabara niya. Ewan, mapagkamalan pa kitang bakla diyan, eh. Inirapan ko lang siya. "Akin na lang yun." Nasa first section kasi ako nung last year, seventh grade. Bale kaklase ko si Denmar nun. Bumaba yung grades ko sa di malamang kadahilanan. Kung ano man yun, ayokong maalala muna yun.
Tumigil yung kotse at bumilis yung tibok ng puso ko. Heh, brand new classmates. Sinubukan kong buksan yung pinto sa tabi ko pero bigla akong nalito. Uhm... san nga ulit yun? Waa, baka masira ko pa yung sasakyan. May narinig akong click at napatingin ako sa kanan ko. Shet! Nakalabas na siya agad! Nagmadali akong pumunta sa binuksan niyang pinto bago pa sumara.
"Ba-bye!" Tangnang-Iiwanan pa talaga ako ng abnong to-"Hoy!" Being the polite girl I am, nagba-bye na muna ako kay Ate Maggie, yung nag-drive samin na ate ni Denmar. Rinig ko nagtatrabaho na siya.
Hinabol ko na si Denmar at napahawak ako dun sa backpack niya. Napatigil kaming dalawa sa pagtatakbo at naglakad na lang. "Pano yan, may meet and greet." Napangisi ako sa sinabi niya. Naalala ko nanaman yung introduction niya last year. "Ay, tapos ikaw, sasabihin mo na I'm Denmar C. Tesorero, 13 years old and I live in a house. Tao po ako, I'm young, pure, and innocent and I love anime and dark chocolate." Hinampas ko siya sa braso. "Tangna, luma na yan."
"Sinaulo mo talaga yun para pagtripan ako?" Sayang, di ko na makikita ang second round ng kaabnormalan neto. Di na bale, magkukwentuhan na lang kami. Di naman malayo yung room ko sa kanila. As a student from second section, katabi lang naman ng room ko yung room nila Denmar. I took a deep breath para kalmahin yung sarili ko.
I'm overrating my thoughts again like always. "Sige mauna na ako.” Nung sinabi niya yun, lalong lumala yung kaba ko. Huhu... mag-isa na lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na dito muna siya para mawala man lang kahit konti yung kaba ko ngayon. Pero ang nasabi ko lang eh, "Ba-bye." Yun lang tas tumalikod na siya para pumasok sa room.
Napatingin ako sa taas ng doorway. May nakadikit doong designed styro na may nakalagay na '8-A'. Dumirestso ako sa paglalakad hanggang nakita ko yung loob ng kabilang room galing sa bintana. Yung magiging classroom ko. Ang una kong nakita, yung mga lalaking panay ang Pub G kung ano man yun. d=__=b
Hindi naman siguro masama. Ayoko lang talaga na nakakakuha ka ng atensyon na parang akala mo may nakita silang mali sa mukha ko. May phobia talaga ako sa public humiliation. Binuksan ko na yung pinto na may '8-B' na nakalagay at pumasok. Bumungad akin ang white painted walls at ceiling ng room na may kahalong light green. Yung sahig naman ay waxed red cement.
May two groups naman ng armchairs, at nung nakita kong may nakaupo sa top right corner sa mga armchairs sa left side ng room, doon na lang ako umupo sa upuan na nasa top left corner ng mga armchairs sa right side. Kinuha ko yung phone ko at nagbasa ng Wattpad. Wala lang, nabo-boring lang talaga ako. d= .=b
TIME SKIP
"Okay class, now take your seats." Without second thoughts, umupo sa kanya-kanyang upuan ang mga magiging kaklase ko. Nilibot ko na sa wakas ang paningin ko at may mga napansin akong mga familiar faces at yung the rest ay extras. Siyam sa kanila, mga kaklase ko last year, apat sa kanila yung mga kaklase ko ng elementary, at iilan yung mga acquaintances lang.
"Uy, Howard! Tama na yan!" narinig kong suway ng isa samin sa bandang likod ko. Umayos ako ng upo at napalingon ako dun sa direksyon ng boses at nakita ko sa third row ng mga upuan ang isang lalaking maputi, balingkinitan, at siguro mas matangkad sakin ng konti lang naman (height ko 148 cm d=.=b) na tinatago na yung cp niya sa bulsa ng brown khaki pants niya at umayos na ng upo, elbows out, fingers intertwined, slouched. Okay, anong klaseng porma yan... d=__=b
Unang tingin ko pa lang to sa likod ko kaya sinulit ko.
d0__0b
TAENANG-Ah, wala lang. Naulit rin lang naman yung sa last year. Yung ako lang ang babae sa grupong to! Oo, ang saya. Note the sarcasm. d= ^ =b
“So, 7 girls and 20 boys. How will I manage 27 students?" d0__0b Nagbibiro lang ba si Maam? Kaya ba parang ang ingay? Hehe No offense, boys.
Taenataenataena... Umayos na ako ng upo para di mapagalitan ni teacher habang may mga pumasok sa room na mga magiging kaklase namin. Isang lalaki tas babae... hmm... parang mestisa.... tas hindi ko na na-track kasi busy akong makinig kay Mrs. Buenavente.
Kalmado siyang magsalita, pero parang strikto rin na ewan. Friendly rin naman ata. Okay rin... "So ngayon, mag-iintroduce na tayo," whispers filled the room, pero ako... d - -, b "And again, I want all of you to be silent. Now, kumuha kayo ng 1/8, isulat yung buong pangalan niyo at i-submit sakin." Pagkasabi ni Maam na 1/8, pinuno ng pagbubulungan rin ng 1/8 ng mga kaklase ko-tanong ata o pagre-remind lang sa sarili kasi wala naman talagang nage-exist na 1/8. Naging logical lang si Maam. d- .-b
Trololol.
"Pag nabunot yung pangalan niyo, sundin niyo ang format na to sa pag-introduce niyo." Habang nagsusulat si Maam sa board, busy kami sa paghahanap ng ¼ para mahati to. "Lengthwise o crosswise?" Tanong nung nasa kanan ko sa katabi niya. Duh, crosswise malamang. Baliw lang, tol?
"Crosswise." Tipid kong sagot. Ok, sana di ko yun ginawa. "Crosswise?" lumingon siya sakin at (subconsciously) I gave a small nod. "Ok." Tas tinupi na niya yung papel niya. Hmm... akala ko magrereklamo eh. Yung response kasi niya yung pinaka-last na in-expect ko sa pagkakataon na yun.
Ano ba naman ang response ng isang tao sa taong biglang sumingit sa usapan? Diba magrereklamo? Pero hindi ang isang to. Iba rin siguro ang mga tao dito sa second section. Hindi katulad ng nasa kabila na parang akala mo hindi sila pwedeng makihalubilo sa mga dukhang katulad ko. Karamihan kasi sa kanila mga kaklase ko nung elementarya. And gossips spread, pero hanggang first section lang yun.
Pagkatapos mahati yung papel ko, ikukuha ko sana yung bolpen ko nang biglang tumama yung siko ko sa sandalan ng armchair ko kaya imbis na mahawakan, eh nasagi lang naman ng kamay ko yung bolpen ko kaya nahulog yung bolpen ko sa likod ng armchair ko. d - -, b Pilit kong inabot kahit alam kong hindi ko kaya nang may malaking kamay na pumulot ng bolpen ko. Una kong napansin yung black wristwatch at dun pa lang, masasabi kong matipuno sya. Ang laki ng braso‼!
Nang binigay niya sakin yung bolpen ko, napatingin ako sa kanya. Nung una, wala akong mapansin kundi yung mga mata niyang nakatingin sakin. Nakaramdam ako ng kaginhawahan sa kaloob-looban ko na mainit na ewan. Kahit isang segundo lang yun, para akong nalunod sa mata niya na literally, kasingkulay ng pools ng chocolate.
Nahuhumaling lang talaga ako sa taong may hazel or brown eyes. Dito kasi samin, bihira kang makakita ng taong may ganung mata. Kadalasan black-brown eh. Iba talaga ang nararamdaman ko sa taong to. Tumalikod na ako kasi pag tinagalan ko pa, baka sabihin niyang may gusto ako sa kanya. Tutal may gagawin pa kami. Pinramis ko rin sa sarili ko na hindi na ulit ako magkakagusto...
Pagkatapos ng nangyaring yun...
Pagkasulat ko ng buong pangalan ko, pinasa ko na yung papel ko at umupo habang nakatingin sa pisara, binabasa yung format ng pagpapakilala. Like seriously, kailangan ba niyan?
Name:
Age:
Birthday:
Hobbies:
Stereotype:
Bunot... bunot... bunot... "Elainor Tesorero." Pagkasabi ni Mrs. Buenavente ng apilyedo ko, a few pairs of eyes widened. Mas lalo akong kinabahan kaya para mawala yung kaba ko, I jumped up from my seat instead of simply standing up. I shook my arms a bit before pinning my hands behind my back, wriggling my fingers.
"So I'm Elainor P. Tesorero, I'm 12 years old and my birthdate is this upcoming August 3. My hobbies are reading, writing, and singing. I do believe that my stereotype is a socially awkward person." I followed up with a weak smile and sat down.
Ngayon pa lang, feeling ko magiging opposite ang stereotype ko sa totoong ako. Ewan, bahala na si batman.
~~~
Namangha ba kayo sa personality niya? At ano bang nangyari sa ospital? May gusto siya kay Denmar pero blood related sila! Sa tingin niyo, SIYA na ba yung lalaking pumulot ng bolpen niya? Ano kayang nangyari sa past ni Elainor?
Ang rami atang tanong na pwedeng nasa isip ngayon ng mga readers natin. Anong hula niyo? Comment the possibilities! Vote if you felt the emotions that went through the story!
-Lovely xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top