Chapter 48 - Cure

Chapter 48 - Cure

Cassey's POV

He pushed me away from him. Tiningnan ko siya at puno nang galit ang mga mata niya.

"I-Ivo..." I said with quivering lips. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang ikinikilos niya. "I-It's me... Cassey," I said almost whipering.

He didn't recognize me. He's like a complete different Ivo.

"He's now my puppet. And now you're next!" rinig kong sabi ni Seth kaya nilingon ko siya.

"What did you do to him?!" I angrily asked him.

"I just made a few experiments to make him my... let's say, personal soldier? But don't worry. He's not going to kill you. You're going to be like him," he grinned evily.

"You're sick!" I said full of disgust and hatred. He's gone mad and low. I cannot believe he will do such thing.

Hindi ako makakapayag na gawin niyang puppet si Ivo. Now that I know he is still alive and being controlled, I will do my very best to cut whatever Seth was using to control him.

"Terminate her!" rinig kong sabi ni Seth and next thing I knew ay sinugod ako ni Ivo at naglabas siya ng dagger under his sleeves.

Umiwas agad ako nang akma niya akong sasaksakin.

I cannot believe this! So this is what I have trained for? Fight the man who is the reason why I learned to fight?

Tiningnan ko sa mata si Ivo pero para bang wala man lang emosyon do'n. Para bang wala siyang ibang nasa isip kundi ang patayin ako.

"I'm sorry, Ivo. But I have to fight you," I mutter.

Hinubad ko ang trench coat ko at kinuha ang dalawa kong patalim sa boots ko. Damn! I shouldn't have let go of my sword.

"But before I do that. I should kill him first." I said and I shifted my eyes from red.

Bumaling ako kay Seth at agad ko siyang sinugod. But before I could even stab him ay humarang na si Ivo at itinulak ako. I did not fall but I landed on my knees.

"Damn it! Ivo, wake up!" I shouted in frustration.

"Kill. Kill." He uttered repeatedly.

I teleported from my place to Seth's back pero agad akong nasundan ni Ivo. Nanggigil na ako dahil panay ang protekta niya sa lalaking 'yan. With so much frustration, I fished my knife to my boots at ibinato ko 'yon sa braso niya. He winced in pain but he easily removed the silver knife from his shoulder.

"I'm sorry," I uttered when I lanced another silver knife on his chest.

God, I am sorry, Ivo!

I keep on stabbing him with my knife hanggang sa naubos lahat ng patalim sa boots ko at sa belt ko. Tiningnan ko siya and I can see glint of sadness on his eyes. Hopes rise inside me. I know he was still there. I just need to make him remember me.

"Kill her now!" I heard Seth ordered.

Hindi ko siya pinansin at kay Ivo lang ako nakatingin. Parang nagdadalawang isip siya kung susundin niya si Seth o hindi.

"I said kill her, Primotivo!" utos muli ni Seth and Ivo stiffened.

His features darkened and gave me a narrowing look. Tumalas ang mga pangil niya na animo'y handa nang pumatay. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin but I didn't move. I'm scared of him. Kahit ano'ng gawin niya, siya pa rin ang lalaking minahal ko.

Nang makalapit siya sa akin, gamit ang kanang kamay ay sinakal niya ang leeg ko. I was lifted in the ground and the next I knew, he threw me on the walls. Ramdam ko ang malakas na impact niya nito kaya halos manghina ako. Nilapitan niya muli ako at mahigpit na hinawakan ang mukha ko.

"I-Ivo..." I said almost choking. A tear escaped my eyes. I was hurting. Pilit kong iniintindi na wala siyang alam sa ginagawa niya pero hindi ko mapigilang masaktan para sa kanya. Hindi ko matanggap na ito ang kinahinatnan niya.

"Die!" he said between gritted teeth. Anger was flaring on his eyes. Wala akong makitang awa sa mga mata niya

"M-mahal kita. A-and I will... n-never... e-ever... hold grudge on y-you... i-if I die," I said to him. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa mukha ko.

Napapikit ako nang mariin. Naging malakas nga ako. Pero si Ivo ang kahinaan ko. He will always be.

Inilapit niya ang kanyang mukha papunta sa leeg ko. He parted his mouth as his fangs showed. The man who gave me the life of a vampire is the man who will take back everything I have.

"Cassey!" pareho kaming natigilan ni Ivo nang marinig namin ang boses na 'yon.

In just a second ay biglang nawala si Ivo sa harap ko. I saw Kent used his strength and ward off Ivo from me. He was now pinned on the wall. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Cindy na hawak-hawak si Seth sa leeg.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kent at tinulungan niya akong makatayo.

"How do you guys know I'm here?" I asked.

"It's a long story. First, we have to cure Ivo and bring Seth in vampire city with us."

"What?! No! I have to kill him. Now is my chance!" I angrily said.

"You're not a killer, Cassey. Come on."

Kent gave Cindy a signal at bigla na lamang 'tong nawala kasama si Seth. May itinurok naman si Kent sa leeg ni Ivo kaya nawalan ito ng malay.

"What did you gave him?" I asked.

"Some fluids that could make him asleep for the mean time," he said the stared at me. "Now, let's go."

Hinawakan ni Kent ang braso ko kasama si Ivo at bigla na lamang kaming nag teleport papunta sa vampire city.

Nakapunta kami sa parang isang laboratory. May mga medical apparatus sa loob at may metal na higaan sa gitna. Inihiga doon ni Kent si Ivo at pinusasan ang leeg, mga kamay at mga paa. May isang lalaking pumasok na nakasuot ng lab coat. May bitbit siyang tray na may mga lamang syringe.

"That will cure him?" I asked hopefully.

"Yes. He will take care of Ivo. At tayo naman, we will do something to Seth that could stop him from ruining our kind,"

"And what is that?" hindi ko mapigilang itanong.

"You'll see," sagot lang niya.

Lumabas kami sa laboratory at pumasok sa isang kuwarto na puro kulay puti. The wall was made of glass and so is the sliding door. Sound proof ang nasa loob kaya hindi mo maririnig kung ano ang sinasabi niya sa loob.

Walang ibang gamit sa kuwarto kundi ang isang arm chair na may built-in shakle on hands and feet. Para siyang 'yong napapanuod ko sa TV na gumagawa ng mga experiment. At walang ibang nakaupo doon kundi si Seth. Wala siyang malay at dahil sa maliwanag sa loob ay kita ko ang mga sugat na ginawa ko sa kanya.

Wala akong maramdaman kundi guilt. Marami na siyang ginawang mali sa amin pero nagawa ko pa ring maawa at makonsensya. Isang bagay na dapat kong baguhin sa sarili ko.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Kent. Pareho kaming nakatingin kay Seth. Kagaya kanina sa laboratory ay may pumasok naman na lalaki sa loob ng white room and he is wearing the same lab gown. May mask din siya sa bibig at may inilapag siyang tray sa gilid ng metal table.

"We decided to erase his memory. The elders don't want to kill a mortal for it will trigger a war between the hunters and the vampires," I heard Kent said.

Hindi na lang ako umimik. Right at this moment hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin kay Seth. Gusto ko na lang ng tahimik na buhay kasama si Ivo.

"Paano niyo ako nahanap?" tanong ko habang pinapanuod na i-inject sa katawan ni Seth ang malaking syringe.

"I have been watching you since your arrival in vampire city, Cass. Cindy called us that you runaway kaya alam naming gaganti ka," paliwanag ni Kent.

"Bakit hindi niyo agad ako pinigilan?"

"You're stubborn, Cass. The more na pigilan ka namin, the more na magpupumilit ka. And you tend to do reckless things that's why we let you go alone. Besides, that time, we don't know Seth's hideout or where he's hiding Ivo so we let you do the job. And I must say that you impressed me. Para kang assassin kung gumalaw,"

"Oh, shut up, Kent!" I said while shooking my head.

"Fan na fan ka na naman nga ni Theyn, eh. Hindi ko alam kung ano ang mayro'n sa'yo kung bakit ikaw ang lagi niyang pinaglilihian," napapailing niyang sabi.

"It's because of my awesomeness, Kent. Try to remember that," pagmamalaki ko. "Pero teke, all this time pala alam niyong buhay si Ivo. Bakit sinabi niyong patay na siya?"

"We really thought that he's dead. Nobody can survive the explosion at the middle of the sea. Pero no'ng binalita namin sa'yo na wala na si Ivo ay doon naman siya nagpakita. He attacked me at doon ko nalaman na kino-control siya ni Seth. Ayaw naming bawiin sa'yo ang balita dahil akala ko maaayos ko ang gulo kahit wala ka."

"He better wakes up remembering me or I will really kick his ass!" nakasimangot kong sabi.

"He will. Just believe in him. The guy loves you so much," sabi niya kaya napaangat ako nang tingin sa kanya.

"Alam mo Kent, lagi kong iniisip noon kung bakit hindi mo ako magawang magustuhan noon. 'Yon pala kasi hindi ka pala talaga para sa akin. Siguro gumawa lang ang tadhana ng paraan para makilala kita para magkatagpo kami ni Ivo. Alam mo naman, pinagtatagpo talaga ang parehong awesome," pagyayabang ko kaya natawa siya.

"You're right. Besides, I have always see you as a friend. Ikaw 'yong tipo ng babae na may malakas na personality kaya ang kailangan mo sa buhay ay 'yong medyo easy-go-lucky,"

"Now that I've thought of it, I think you're a bad match for me. Pareho tayong sasabog."

Pareho kaming natawa ni Kent. Nahihiya ako sa sarili ko kapag naalala ko ang mga ginawa ko para lang angkinin siya.

***

Sabay kaming bumalik ni Kent sa laboratory. Nakita ko si Ivo na nakahiga pa rin sa metal bed at may mga nakakabit na apparatus sa katawan niya. Ang sabi ng lalaki ay matatagalan pa bago gumising si Ivo dahil mahirap tunawin ang lason sa katawan niya para bumalik siya sa dati. Lagi rin daw siyang tuturukan ng pampatulog dahil delikado kapag nagising ito. Maari raw itong magwala or worst ay pumatay.

"I think it is best kung babalik ka muna sa New York, Cass. Tito Martin is really worried about you," ang sabi sa akin ni Cindy.

"Gusto ko kasi paggising niya ay ako agad ang makita niya," sabi ko habang hinahawakan ang malamig na kamay ni Ivo.

"Magiging okay na rin naman siya, eh. Wala nang maggugulo sa inyo. Pero kailangan ka rin ni Tito Martin," she said trying to convince me.

"I will call you if he wakes up," singit naman ni Kent.

"Pero—"

"Cass, sige na. Please? Ilang beses mo nang pinili si Ivo over you Dad. Kaya maiintindihan ni Ivo kung gigising siyang wala ka sa tabi niya," sabi ni Cindy. Napapikit naman ako and gave a sigh of resignation.

Cindy was right. Kaya kahit labag sa loob ko ay tumango ako.

"S-sige. Babalik na ako sa New York,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top