Chapter 44 - Beyond Pain


Chapter 44 – Beyond Pain

Cassey's POV

KINAKABAHAN akong nakatingin kay Cindy. Humupa na ang pag-iyak niya but her lips are trembling. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang hawakan niya ako sa mga kamay ko. I knew she was about to spill a bad news kaya tinatagan ko sarili ko.

"Cass, tumawag si Kent," maingat niyang sabi. Alam kong may masamang nangyari at dina-dahan-dahan niya lang na sabihin ang totoo para hindi ako mabigla pero para na akong pinapatay sa sobrang kaba.

"What happened?" I tried to calm myself. This is not the right time to breakdown.

"K-kasi si Ivo raw..." She bit her lower lip. I knew something is wrong. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigilan ang kung ano mang emosyon na mararamdaman ko kapag narinig ko ang sasabihin niya.

"Cindy, get straight to the point. Ano'ng sinabi ni Kent tungkol kay Ivo?" kinakabahan kong sabi. Then she started crying again. Hindi na ako makatiis at naiinis na rin ako. Para ng lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. "Cindy!"

"P-patay na si Ivo. H-hindi ko alam ang nangyari. S-sabi ni... sabi ni Kent, sumabog daw 'yong barko. Hindi ko na alam..."

Bigla akong napalayo kay Cindy. I gape at her while shooking my head.

"Cindy, stop joking I round," I forced a laugh. "B-buhay si Ivo, 'di ba?"

"Cass," she hugged me and I felt a tear escaped my eyes. Para bang naninikip ang dibdib ko. Siguro isa lang 'to sa mga prank niya tapos su-surpresahin niya ako. Hindi siya mamamatay kasi malakas siya. Vampira siya, 'di ba?

Tuluyan na akong napahagulhol. Cindy tried to comfort me pero hindi ko magawang tumahan. Ayaw kong maniwala na wala na siya. Not until I see his body.

I clasp my chest. The pain is beyond bearable. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Para bang nawalan ako ng dahilan para mabuhay. I was full of regret kasi alam kong hindi sana 'to mangyayari kung hindi ako umalis sa vampire city. Sana hanggang ngayon kasama ko pa siya.

"H-hindi, buhay siya. S-si Kent... tawagan mo uli si Kent. Sabihin mong bawiin niya ang sinabi niya! Cindy, hindi totoo 'yon! Naiintindihan mo ba ako?!" halos pa-sigaw kong sabi sakanya.

Gusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong magwala. Gusto kong magbasag ng gamit. Pero kapag ginawa ko ba 'yon, babawiin ba nila ang sinabi nila? Sasabihin ba nilang hindi totoong patay si Ivo?!

"Ayaw ko rin maniwala. Believe me, Cass, sana nga nagkamali lang ako ng narinig. Pero alam mong hindi magbibiro si Kent sa ganitong bagay, 'di ba?" alam kong masakit din 'to para kay Cindy lalo na't kaibigan niya si Ivo.

Nagpapasalamat ako at gising na ang Daddy pero hindi ko akalain na ito ang kapalit. Ganoon ba ako kasama noon para parusahan ng ganito? Can't I get what makes me happy? Can't really get the best of both world? Dapat may isang mawala?

---

Kahit ang sama-sama ng pakiramdam ko ay pinilit kong pumuntang hospital. Nang makapasok ako sa kwarto ni Daddy ay agad ko siyang niyakap. I didn't cry. Inipon ko ang sakit sa loob ko. Ayaw kong makita ako ni Daddy na mahina. Kagigising lang niya at ayaw kong isang masamang balita ang isalubong ko sakanya.

"Kumusta ka na po, Daddy?" I said forcing a smile.

"I'm fine, hija. Pakiramdam ko ang haba-haba ng tulog ko. Ang sakit ng likod ko," he said with a beaming eyes. Pinilit kong tumawa kahit ang sakit-sakit.

"Kakausapin ko po mamaya ang doctor kung kailan kayo puwedeng i-discharge," sabi ko. Nakita kong lumabas sa CR si Lyrron at agad siyang ngumiti nang makita ako. Gusto kong suklian ang mga ngiting pinapakita niya pero hindi ko kaya. Kusang napapangiwi ako kapag sinusubukan ko.

"Kumain ka na ba, Dad? Are you hungry? Do you want something to eat?" I asked to divert my feelings. Isasantabi ko muna ang nararamdaman ko. Ang Daddy na muna ang iisipin ko.

"I'm actually craving sinigang. Mayroon ba no'n dito?" natatawang sabi ni Daddy kaya napangiti ako. Not a genuine smile but enough for them to believe na okay ako.

"Nasa New York tayo, Dad." Napapailing kong sabi.

"Kanina nagtaka pa ako kung bakit mga Amerikano ang nurse ko. 'Yon pala nasa ibang bansa ako," sabi niya. Gusto kong makipagbiruan pero hindi ko magawa. Mabuti na lang at nandito si Lyrron para pagaanin ang atmosphere. Hindi ko pa masabi sakanya ang nangyari kay Ivo. Hindi ko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sakanya.

"Ah, punta lang akong cafeteria. Ibibili kita ng pagkain, Dad," sabi ko.

"Ako na lang, Cass. Dito ka na lang," biglang sabi ni Lyrron kaya umiling ako.

"I can manage. Besides, hindi ko rin kasi alam kung ano ang gusto kong kainin kaya mamimili pa ako," pagdadahilan ko.

"Oh, sige," nag-aalangan na sabi niya.

Lumabas akong kwarto at naglakad sa gitna ng pasilyo. May mga nakakasalubong akong nurse at mga pasyente pero para bang everything is a blur. Hindi ko na rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Para bang gusto ko na lang magmukmuk sa sulok at umiyak.

Bago ako pumuntang cafeteria ay dumeretso ako sa clinic ng doctor ni Daddy. Puwede na raw siyang i-discharge kapag natapos na ang ilang series of test. Dahil din daw matagal na nasa coma ang Daddy ay hindi nito maalala ang pinaka-huling nangyari sakanya. Lihim akong nagpasalamat kasi alam kong may kinalaman doon si Seth at hindi ko alam ang sinabi niya kay Daddy bago ito atakehin sa puso.

Right at this moment, lihim kong hinihiling na sana maaksidente ako. Kasi kagaya noon, kapag nasa kapahamakan ako, laging nandiyan si Ivo para iligtas ako. Baka sakaling kapag naaksidente ako ay makita ko siyang buhay at iligtas muli ako.

Naramdaman ko na naman na may luhang pumapatak sa mga mata ko. Marahan ko 'to pinahid pero ang traydor lang ng mga mata ko at ayaw matigil sa kakaiyak.

Napahinto ako sa paglalakad nang may nabangga ako. Isang American doctor kaya agad akong nag-sorry.

Imbes na sa cafeteria ako pumunta ay lumabas akong hospital. Nakasuot ng winter coats ang mga tao sa labas. 'Yong iba ay talagang balot na balot ang katawan with bonnet and ear muffs pa. Wala sa sarili na inilahad ko ang mga kamay ko at may pumatak na snow dito.

Ang sabi ko sa sarili ko noon, kapag naayos na namin ni Ivo ang lahat ay pupunta rin kami rito sa sa New York para magbakasyon. Kahit parang hindi na 'yon mangyayari ay umaasa pa rin ako.

My phone vibrated. I was gonna ignore it pero si Theyn ang tumatawag. Agad ko itong sinagot at umaasa na sana bawiin niya ang sinabi ni Kent kanina.

"Cassey, kumusta ka na?" agad niyang sabi sa kabilang linya. Bakit ba niya ako kinu-kumusta? Dapat ang sinasabi niya ay hindi totoong patay si Ivo. Dapat tumatawa siya kasi na-troll nila akong mag-asawa.

"May sasabihin ka pa ba, Theyn?" I said nonchalantly.

"Cass, I know you're hurting. Gano'n din naman kami. Pero tatagan mo ang sarili mo. Ivo wouldn't like it kung magiging mahina ka," sabi niya pa. I wanted to get angry at her. Ano ang karapatan niya para sabihin 'yon? Bakit ba siguradong-sigurado na sila na wala na talaga si Ivo?!

Gusto ko magalit sa mundo pero nanaig ang sakit na nararamdaman ko. 'Yong iwan niya ako kasi hindi na niya ako mahal ay matatanggap ko. Pero 'yong alam kong wala ng pag-asa na makita ko muli siya? Isang napaka-samang panaginip.

"Cass, nandiyan ka pa?" I heard her say.

"The last time I'm with him, I told him I don't want to marry him anymore. Iniwan niya akong hindi man lang kami naging okay. Ang daya niya, Theyn. Paulit-ulit niya akong sinasaktan," I said trying to suppress my cry. God, ang sakit na. Para na akong sasabog sa mga sakit na kinikimkim ko.

"Cindy texted me na okay na raw ang Dad mo. Siguro sakanya mo na muna ituon ang attensyon mo. Divert your emotion for the mean time. Masyado ka ng maraming sakit na pinagdaanan, Cass."

"Hindi ko kaya, Theyn. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, alam mo ang sinasabi ko. Hindi ko matanggap lalo na't wala akong magawa dahil nandito ako. I don't even know why he died and I don't think I wanted to ask you about it kasi hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa may gawa nito sakanya," I said sharply. Iniisip ko lang parang may namumuong paghigante sa loob ko. Gustong-gusto kong pumatay.

2iVJK-


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top