Chapter 41 - The Vampire Hunter

Chapter 41 - The Vampire Hunter

Cassey's POV

"Kent, I can take care of myself. Hindi mo ako kailangan sundan nang sundan," I said to him habang pabalik ako sa kwarto ni Daddy. After ng unexpected phone call ni Ivo ay sabay kaming bumaba ni Kent.

"I know that. But I was just concern about you. I wanted to help," he insisted. I stopped my track at hinarap ko siya.

"I'm very much grateful with your help, Kent. Pero hindi ka ba natatakot na madamay? You already have a family to take care of at ayaw mo naman sigurong madamay ang mag-ina mo, diba?" I said to him. But he just beamed at me.

"Damay ako rito, Cass dahil kauri ko ang nasa panganib. Noong ako ang may problema noon, Ivo was there to help. Kung hindi dahil sakanya, siguro nakuha ng tuluyan ng mga blood suckers si Theyn," lumapit siya sa akin at pinatong ang isang kamay niya sa balikat ko. "Kayong dalawa ni Ivo ang kaibigan namin ni Theyn kaya tutulong ako. And don't worry about my family, they're safe inside the Vampire City. At huwag mong akuin lahat ng problema na binibigay ni Seth. Don't underestimate our power as Venomous especially Ivo and I." he grinned at me.

Alam ko naman na malakas silang dalawa. Alam ko 'yon. Siguro kasi natatakot lang ako. Hindi ko rin kasi talaga alam ang gagawin ko lalo na't involve na ang Vampire Hunters. Kung sinasabi ni Kent na hindi sila kagaya ng normal na tao, may kakayanan silang patayin ako-kami ng kauri ko. At 'yon ang kinatatakot ko.

Changed of plans. 'Yon ang sabi sa akin ni Kent. Matutuloy si Daddy na magpagaling sa US pero hindi ako kasama. To keep Daddy safe, si Cindy at Lyrron ang sasama. Cindy just have to hide her identity to Lyrron. I trust both of them. Sana lang magkasundo si Cindy at Lyrron kahit hindi pa sila nagkikita. Kent told me na bukas daw ay lalabas si Cindy. Mabuti na lang at hindi kilala ni Ly si Cindy personally dahil alam ng mga tao ay matagal ng patay si Cindy.

Dumating kami sa kwarto at si Lyrron na lang ang natira. Umuwi muna raw si Sandy. Mabuti na rin 'yon kasi ayaw ni Kent na malaman ni Sandy ang plano kahit pa raw kakampi 'to. Hindi naman sa nagdududa siya kay Sandy. Pero hindi maikakaila na kapatid pa rin ni Sandy si Seth.

"Who's Cindy?" tanging tanong ni Lyrron nang maipaliwanag namin ni Kent ang lahat.

"Matalik siyang kaibigan ni Theyn-asawa ni Kent. Close rin ako sakanya. Don't worry, mabait 'yon," nakangiti kong sabi.

"How sure of you that we can trust her?" Lyrron sternly narrowned his eyes on Kent. I can feel that he's having doubts.

"And how sure are we that we can also trust you?" Kent retorted and I wanted to mentally slapped my forehead. Mukhang hindi gusto ni Lyrron si Kent.

Nagtagisan sila ng tingin at kahit isa ayaw bumitaw. My gods! Eto na nga ba sinasabi ko, eh!

"Guys, guys!" pumagitna ako sakanila dahil natatakot akong baka bigla na lang silang magsuntukan sa harapan ko. Tumingin ako kay Kent at pinandilatan siya. Ang highblood ng lalaking 'to.

Bumaling din ako kay Lyrron at tipid ko siyang nginitian.

"We can trust Cindy, Ly. Kayo lang dalawa ang pinagkakatiwalaan kong mag-alaga kay Daddy," seryoso kong sabi sakanya kaya natahimik siya. I heard his heavy sigh saka tumingin sa akin.

"When can I meet her?" he asked. Ngumiti naman ako ng matamis sakanya.

"She'll be here tomorrow," I answered.

---

"Cassey!" sinugod ako ng mahigpit na yakap ni Cindy. May dala siyang backpack. Alam na niya ang plano at tuwang-tuwa ang babae dahil part daw siya ng action. "Akala ko hindi na kita makikita," sabi niya habang nakanguso.

"Bakit naman?" natatawa kong sabi. Nandito kami sa rooftop ng hospital kasi sabi ni Kent dito raw dederetso si Cindy sa pagteleport nito. Napansin ko ang bagong hair color niya-dirty blonde na maiksi hanggang balikat. May bangs din siya at naglagay siya ng brown contact lens to hide her red eyes. Kailangan niyang mag disguise para walang makakilala sakanya.

"Eh kasi iniwan mo si papa Ivo," malungkot niyang sabi. Pero maya-maya lang ay biglang bumalik sa pagiging masaya ang aura niya. "So... when can I meet that Lyrron Candelaria who have doubts about me?" nakataas kilay niyang sabi. She was playfully grinning at para bang may gagawin siyang masama kay Lyrron.

"Nasa kwarto siya. But Cindy, you have to remember. Act normal in front of him. Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan maging tao, diba? Baka mamaya bigla ka na lang magteleport sa harap niya," natatawa ko sabi habang pababa kaming rooftop.

"Syempre naalala ko pa. Don't you worry, Cass. Ako ang bahala sa Daddy mo... at kay Lyrron." Tumawa siya ng nakakaloko kaya mas lalo akong napailing.

Nakarating kami sa kwarto at halos ramdam ko ang palihim na pagkurot sa akin ni Cindy. Alam ko. Ramdam ko. Gusto niya si Lyrron.

"Gwapo," bulong niya pero rinig ko pa rin.

"You must be Cindy?" pormal na tumayo si Lyrron at nakipagkamay. Cindy stared at his hands. Alam kong nagdadalawang isip siya kung kukunin ang kamay nito. Mararamdaman ni Lyrron na malamig ang balat ni Cindy.

"Pasensya ka na, madumi kasi kamay ko, eh. And yes, I'm Cindy. Finally glad to meet you, Lyrron," ngumiti ng malapad si Cindy.

Iniwan ko ang dalawa na mag-usap. Pumunta akong accounting to settle the bill. Bukas na kasi ang alis nila.

"Babe, okay ka lang?" bigla akong napalingon sa likod ko. My adrenaline went up dahil akala ko si Ivo 'yon. Dalawang teenage lovers magkausap sa likod ko. May cast ang left arm ng lalaki at nakaalalay sakanya ang babae.

"I'm fine, babe," sagot ng lalaki.

Hindi ko mapigilang hindi ma-miss si Ivo. I wish he was here with me. I miss how he calls me babe. I promise kapag naayos namin ang problema na 'to, sunod kong aayusin ay ang relasyon namin.

"Heto na po ang release papers ni Mr. Aragon, Ma'am," ibinigay sa akin ng babae ang papers na agad ko namang kinuha.

Bumalik ako sa kwarto ni Daddy saka ko ibinigay kay Lyrron ang papers. Mukhang nagkakasundo na sila ni Cindy. Mabuti naman at ayaw kong mamroblema pa.

Naka-receive naman ako ng text galing kay Kent na nilagyan niya ng blood supplies ang fridge ko sa pent house. Alam niya kasing nagugutom ako lagi dala na siguro ng stress.

Nag-paalam ako kay Lyrron na uuwi lang ako sandali. Pinahiram niya sa akin ang susi ng kotse niya. Wala sana akong balak mag drive kasi magteteleport sana ako pero ayaw kong magtaka siya kaya um-oo na lang ako.

Nasa basement ng hospital naka park ang sasakyan ni Lyrron kaya doon ako dumeretso. I unlocked the car at akma kong bubuksan ang front seat nang maramdaman kong para akong na-estatuwa. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Damn! Every part of my body can't move.

"I knew it. You're already one of them," gusto kong lumingon sa likod ko pero hindi ko magawa. I felt like my body was paralyzed. Only my eyeballs can move.

"I put up a trap aroud Lyrron's car because I thought he was already a vampire like Ivo. But I was surprised as fvcked to see you in my trap-cold skinned," naramdaman kong lumapit siya sa akin at sinalat ang leeg ko. Napakislot ako sa loob ko.

Ginawa ko ang lahat para makagalaw ako para mapatay ko na nang tuluyan si Seth pero masyadong malakas ang trap na sinasabi niya. Totoo nga talaga ang sinabi ni Kent na hindi dapat maliitin ang kakayanan ng mga Hunters.

Hinawakan ni Seth ang magkabilang braso ko at pinaharap niya ako sakanya. His eyes was full of anger and rage. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya at kug bakit galit na galit siya kay Ivo at sa uri namin. Hindi sa akin nabanggit ni Ivo kung bakit ganito kalaki ang galit ni Seth kay Ivo.

May inilabas siyang kwintas na nakatago sa loob ng damit niya. It was a rectangular shape na may mata sa gitna.

"See this amulet? It means no Vampire can harm me. Not even your beloved Ivo," he scoffs as he mention Ivo's name. Gusto kong ibuka ang bibig ko at magsalita. Marami akong tanong sakanya pero pati boses nawalan ako. All I can do is groan.

"I really can't understand why you people likes to be converted as a disgusting blood sucking vampire. You want to have an eternal life? You want to be strong? That's bu//sh/t! Your kind doesn't even value life! You feed your hunger and thirst in human's blood at wala kayong pakialam kung ang nabibiktima niyo ay babaeng mahal na mahal ng kanyang asawa! Hindi niyo inisip na baka gusto nilang bumuo ng sariling pamilya!" galit na galit na sambit ni Seth.

I can feel his pain, his anger, and his agony. Hindi ko pa alam ang buong pangyayari pero parang alam ko na ang dahilan. Nabiktima ng isang vampire ang asawa niya. Gusto ko mang ipagtanggol ang lahi namin na hindi lahat ng vampira ay gano'n pero hindi ako makapagsalita. Damn this trap!

"Walang awang pinatay ng mga kauri niyo ang asawa ko. My wife whom I loved so dearly. We didn't even reached our 1st month as husband and wife. So I made I promise in front of my wife's grave to kill every vampire I will encounter. And you're not an exemption, Cassey Aragon." His blood shot eyes pierced through me and I can't do anything but to stand in front of him as if I am a willing victim.

May kinuha siyang dagger sa loob ng jacket niya. It was silver and I knew it could kill me. He slit the dagger through my arms at halos mapasigaw ako sa loob ko sa sobrang sakit nito. Kita kong umuusok ang hiwa na ginawa niya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Gods, he no different from a monster. Kung halimaw ang tingin niya sa amin, mas malala siya.

"Alam mo bang may gusto ako sa'yo, Cassey? I always find you beautiful and interesting. Akala ko nga makaka-porma ako sa'yo but that monstrous Ivo came into the picture. I'm so sorry if I asked Owen to put up a CCTV in your pent house. But thank you for that. Noong ipinagbili mo kay Ivo ang pent house, doon ko nalaman na ang boss ko, ay isa palang Vampira. What a blessing in disguise, isn't it?" he grinned evily.

"It hurts to see you being tortured but it gives me pleasure to see a vampire hurting." Tumawa na naman siya. He sounds like crazy. God, nababaliw na siya!

He made another slit on my arm kaya napangiwi na naman ako.

"Maybe I really should thank the Vampire Hunter council for this amazing dagger. What d'you think, Cassey?" he said to me.

Tangina mo! I wanted to scream. I swear ako ang papatay sakanya kapag nakawala ako rito. Gods! Hindi niya alam kung gaano ko inalagaan ang sarili ko lalo na ang skin ko tapos susugatan lang niya?

Ngayon ko lang napansin ang hawak niyang silver chain. Ipinulupot niya 'yon sa bewang ko kasama ang dalawa kong kamay. Inilayo niya ako sa trap kaya medyo nakakagalaw na ako. But this silver chain has something that drawns my strength. Parang dahan-dahan nitong inuubos ang lakas ko.

Sumakay kaming kotse pero bago niya pa tuluyang mapaandar ang kotse ay biglang may tumalon sa bubong. Ramdam ko ang malakas na impact at kit akong bumakat ito.

"What the-" muling umibis ng sasakyan si Seth at nagulat na lang ako nang tumilapon siya palayo. Nakita ko siyang nawalan ng malay. Gusto ko sanang tumakas pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako.

Bumukas ang pinto sa side ko. I can feel my eyes slowly shutting and before I completely pass out. I felt an arms hold me. He hugged me and carried me away from the car.

Tinanggal niya sa akin ang chain at medyo nabawasan ang panghihina nang katawan. But it was not enough to gain my strength. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Pero kahit wala akong malinaw na makita, kilala ko kung sino ang kasama ko. Kilala ko kung sino ang nagligtas sa akin. His scent was very familiar at ilang gabi ba akong humiling na sana mahagkan ko muli siya.

I snuggled my head on his chest. I felt safe in his arms. And never will I doubt his love for me again.

----

Note:

I'm so down right now. :( And i humbly ask everyone to please avoid "bitin or update" comment please? I need an true comment for my story.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top