Chapter 40 - Blood Thirst
Chapter 40 - Blood Thirst
Cassey's POV
I paced back and forth while waiting for the doctor. Nagawa pa naming dalhin sa hospital si Owen-alive. He saved me. At hindi siya puwedeng mamatay ng hindi ako nakakapagpasalamat. I owe him my life.
"Ms. Aragon..." napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Chief Francisco.
"Nahuli niyo po ba ang bumaril kay Owen?" I asked him pero iling lang ang sagot niya sa akin.
"Nakita namin 'to sa bahay na inuupahan ni Owen Clemente. Sa inyo nakapangalan ang sulat kaya alam namin para sa'yo 'yan." Sabi niya. Inabot ko naman ang sulat at tiningnan ang sobre. To Cassey lang ang nakalagay. I doubt kung binasa na 'to nila Chief pero sealed pa naman ang envelop.
"Thank you po," sabi ko sakanya. "May lead na po ba kayo kung na saan si Seth?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sakanila na nakita ko si Seth sa rooftop. Siguro kasi natatakot ako na mabisto kung anong klaseng nilalang na ako. Magtataka sila kung paano ko nakita si Seth sa malayuan.
"Wala pa po. Wala ring record na lumabas siya ng bansa kaya nakakasigurado po kaming nasa paligid lang siya." Tumango lang ako sakanya.
Isang mortal lamang si Seth at kayang-kaya ko siyang damputin at iharap sa mga pulis. Pero alam kong may kakayanan siyang patayin ako. Kung nagawa niyang saktan si Ivo, magagawa niya rin 'yon sa akin.
Saktong umalis si Chief ay lumabas naman ang doctor sa emergency room. He removed his mask at bumaling sa akin.
"He's safe, for now. We will transfer him to ICU para mas ma-monitor ang progress niya. Excuse me," bumalik sa loob ang doctor kaya nakahinga ako ng maluwang.
Dahil nasa iisang hospital lang si Owen at Daddy ay pumunta na akong room ni Daddy. May mga boduguards sa labas at loob ng kwarto niya at nandoon din sa loob si Lyrron.
Derederetso akong pumasok sa loob na nakatungo. Ilang araw na lang ay aalis na kami ni Daddy papuntang America pero ang daming problema pa ang dapat kong harapin. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.
"Cassey..." napaangat ako ng tingin at halos manlaki ang mga mata ko na makita si Sandy. Nakaupo siya sa sofa at agad na tumayo ng mapatingin siya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. I wish I can read her mind. But her expression was hurt. Galit ba siya sa akin? Mas pipiliin niya ba ang kapatid niya kesa sa akin?
"Nagtatampo ako sa'yo," malungkot niyang sabi.
"S-Sandy, I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit 'yon lang ang nasabi ko sakanya. Sa totoo lang ang dami kong tanong sakanya. Ang dami kong dapat sakanyang sabihin pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para magsalita. Masyado akong nae-stress sa buhay ko.
"Bestfriend mo ako. Kung hindi ko pa napanuod sa TV hindi ko malalaman na bumalik ka na. Hinihintay kong tawagan mo ako pero hindi mo ginawa. Isang linggo na ang nakalipas at aalis ka na naman papuntang America pero wala ka talagang balak kausapin ako. Are you mad at me? Dahil ba sa kapatid ko ang nagtatangka sa buhay niyo kaya ayaw mo akong kausapin?" ramdam ko ang panunumbat sa boses niya. Siguro kung sa akin 'yon ginawa nagtampo rin ako. I understand that she felt neglected. Pero ayaw ko lang siyang idamay sa gulo na mayroon ako.
"I'm not mad at you, Sandy. Ang dami lang na gulong nangyayari. At inaamin ko na sinadya ko talagang huwag kang i-contact dahil baka gamitin ka sa akin ng kapatid mo," sabi ko sakanya. Nakita ko siyang napangiwi at bumuntong-hininga.
"I want you to know that I am on your side. Hindi ko alam kung tuluyan na ba talagang nabaliw si Kuya. Pero hindi ibig sabihin na kapatid ko siya ay kakampihan ko na siya. Mali ang ginagawa niya at hindi ko 'yon kukunsintihin." She said frowning. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I'm relieved na sa akin siya kumampi pero ayaw kong magkasira ng kapatid niya.
Umupo kami sa sofa habang ako ay nakatingin kay Daddy. Lumabas daw sandali si Lyrron kasi nagutom 'to.
"Lyrron told me everything. He also told me that you almost marry Ivo. What happened?" napasulyap siya sa kamay ko. Suot ko pa rin ang sing-sing.
I told her everything except sa pagiging vampire ni Ivo. She doesn't have know.
"Do you still love him?" she asked.
"Of course. Hindi naman 'yon agad mawawala just because he lied to me. Aayusin ko ang problema namin ni Ivo kapag gumaling na si Daddy. This time, si Daddy na muna ang pinipili ko. Tama na muna sa pang sariling kapakanan," I said. She beams at me.
"Magiging maayos din ang lahat, don't worry." She said sincerely.
Dumating si Lyrron na may dala-dalang mga pagkain. Akala mo nag grocery sa sobrang daming bitbit.
"I bought you foods. Hindi kita nakikitang kumain, Cass. Alam kong gutom ka na," he said.
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo gutom ako pero iba ang kine-crave ko. I crave for blood. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto sa akin kung kakain akong human food.
"Maasahan ka talaga basta sa pag-kain, Ly." Natatawang sabi ni Sandy.
"Oo naman," may nilabas na take-out box si Lyrron sa paperbag at binigay sa akin. Chinese noddles and braised beef toppings.
I opened the box at agad kong naamoy ang aroma ng Chinese cuisine. Makakahalata sila kapag hindi ako kumain. Ivo didn't tell me kung ano ang mangyayari kung kakain kaming human food. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
Sinabayan ko ang dalawa sa pagkain. So far wala namang nangyayari sa akin. Nalunok ko naman siya. The only different is that it doesn't have a taste. So bland. Mas lalo lang tumaas ang cravings ko sa blood.
"U-uhh... excuse me." tumayo ako saka ko pinatong ang take-out box sa table.
"Where are you going?" tanong ni Sandy na busy sa pagkain ng lasagna niya.
"B-bibili lang ng maiinom," I lied. Pero nakita kong naglabas ng coke-in-can si Lyrron. Boy scout siya!
"Here," inabot niya ang in-can.
"Tubig sana ang bibilhin ko," lihim akong nagdadasal na sana wala siyang biniling bottled water.
"Oh sh.t! Nakalimutan ko!" napapakamot niyang sabi.
"Sige, bibili ako ng tubig." Nagmamadali kong sabi. Agad akong lumabas ng kwarto at hindi ko na sila hinintay na magsalita.
Hindi ko alam kung bakit tumaas ang craving ko sa dugo. Nako-control ko naman 'to dati dahil ti-in-rain ako ni Ivo. Siguro dahil nasa hospital kami kaya ganito.
Pumasok ako sa isang laboratory. I don't want to do this pero nauuhaw talaga ako. Pakiramdam ko rin nanghihina ako kaya kailangan ko talagang uminom ng dugo.
Mabuti na lang at walang tao sa loob ng laboratory. Agad kong tinungo ang malaking refregirator. May mga blood pouch doon. Iba't-ibang type. Kumuha ako ng isa saka ako nagteleport papuntang rooftop ng hospital. Mas safe kung doon ko 'to iinumin. Walang makakakita sa akin.
Sinuri ko ang kapaligiran bago ako naupo sa railing ng rooftop. I tear the pouch saka ko ininum ang dugo.
Ah! It's refreshing. Mas masarap pa 'to sa chinese noodles. Nararamdaman ko rin na unti-unti akong lumalakas.
"I knew it!" napalingon ako sa nagsalita at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino 'to.
He was hiding near the generator house. He walk towards me and smirked. Why didn't I felt his presence?
"What are you doing here?" nakataas kilay kong sabi. Inubos ko ang dugo sa pakete saka ko 'to tinapon sa malapit na basurahan.
"He told me na bantayan ka. Gusto mo pa ng dugo? Mayroon pa rito sa bag ko." He said.
"No, I'm good. And don't follow me, Kent. Hindi mo ako kailangan bantayan." Sabi ko sakanya.
Yes, it was Kent. Ivo probably asked him na sundan ako. Haay naku. Kung siguro in love pa ako kay Kent malamang kanina pa ako kinilig.
"Ivo was worried about you. Isang linggo na rin kitang sinusundan. Pasalamat ka hindi ko sakanya sinabi na kay Lyrron ka unang lumapit nang tumakas ka."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sinundan niya ako?
"Mas importante ngayon ang buhay ng Daddy ko. Kung kami talaga ni Ivo para sa isa't-isa, kahit ilang beses kaming magkalayo fate will brought us," I said to him.
"Ivo can help you. We can help you. Hindi mo kailangang solohin ang problema lalo na't hindi naman ikaw ang involved sa gulo nina Ivo at Seth,"
"Dinamay ni Seth ang Daddy ko kaya involve na ako. And where the hell is Ivo? Bakit ikaw ang nagpapaliwanag para sakanya?" nakapameywang kong sabi.
"Sinusundan ni Ivo si Seth. He's making sure na hindi siya lalapit sa'yo. Nahihirapan din kasi kaming hulihin si Seth because he's under the protection of the vampire hunters. Heard of it?"
"V-vampire hunters? They exist?" gulat na gulat kong tanong.
"They're originated in Italy dahil doon naman talaga naninirahan karamihan sa mga vampires. Pero nagsisimula na rin silang bumuo ng organization dito sa Pilipinas lalo na't nalaman nilang may Vampire City dito,"
"Pero mga tao rin naman ang mga vampire hunters, diba? Mas vulnerable sila kesa sa atin," I said.
"Yes and no," Kent said. "May mga powerful amulet ang mga vampire hunters para makapatay sila ng mga uri natin. Kaya huwag mong maliitin si Seth, Cass. Hindi natin alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin,"
Natahimik lang ako. Kent was right. We shouldn't let our guards down.
Pareho kaming natigilan ni Kent nang tumunog ang phone niya. Kinuha niya 'to sa bulsa niya at sinagot ang tumatawag.
"Yes, I'm with her. You wanna talk to her? No? I thought you missed her? No? You don't want to marry her anymore? Oh, sorry to hear that. Cassey will be very devastated if she hears this. And oh, she's still wearing the engagement ring. Best of luck, Ivo."
Napataas kilay ko dahil sa sinabi niya. Binaba niya ang phone at hindi pa nga niya 'to naibabalik sa bulsa ay may tumawag na naman.
Before he answers it ay tinapat niya sa tenga ko ang phone at saka in-accept ang call.
"Damn you, Kent. Kasama mo ba talaga si Cassey? Tell her I miss her so much. Can I talk to her?" hindi ako nag-salita. May gusto akong sabihin pero kusang umuurong ang dila. "Hello, Kent?"
Nakatulala lang ako sa baba. Sobra kong na-miss ang boses niya. Fvck, I wanted to hug him right now.
Kinuha ko kay Kent ang phone saka ako humugot ng lakas ng loob.
"I miss you too, Ivo." Pagkasabi ko noon ay agad kong pinutol ang call. Napatingin ako kay Kent na kanina pa nakangisi.
"Well, that was cheesy," he said pero inirapan ko lang siya.
"Shut-up!" iritado kong sabi.
I missed him. Longed for him. Sana makasama ko na ulit siya. Na walang problema na sasagabal sa amin.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top