Chapter 4 - First Kiss Memories
Chapter 4 – First Kiss Memories
“Ivo, ilayo mo ako rito!” bulong ko sakanya habang nagsasayaw kami. Kilala ni Ivo ang daddy at nakita niya raw ito. Ayaw ko naman lumingon dahil ayaw kong makita si daddy. Ayaw kong makumpirmang nasa paligid lang namin siya.
“Huh? Why?”
“Kukunin ako ni daddy! Umalis na tayo!” I wanted to shout but I wanted to remain calm. Gusto kong isipin ni daddy na hindi ko siya nakita.
“Your dad is harmless, baby. He won’t hurt you,” malambing niyang sabi. Kung hindi ko lang iniisip ang problema sa daddy ko baka inisip ko na nilalandi ako ni Primotivo.
“I beg you, Primotivo. Umalis na tayo rito. Take me anywhere—“
“Sshhh… Your dad is walking towards us, sweety.” Mas inilapit niya tenga niya sa akin. Para akong mapapatalon dahil sa kilabot na dumaloy sa batok ko. Makakatikim talaga sa akin ang vampirang hilaw na ‘to!
“What?! Ugh! Tara na! Tara na!” bumitaw ako kay Ivo at hihilain sana siya paalis sa dance floor but he just stood up staring at my back. Shiz!
“What’s the rush, my princess?” said the curvy baritone. Napapikit ako ng mariin and breathe heavily.
Abruptly, I turned around wearing my oh-so-fake-smile that could fool everybody but not my daddy.
“Hi, dad!” I blurted out sounded like I was happy to see him. Napatingin naman si daddy kay Ivo at tiningnan ito mula ulo hanggang paa saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang.
“Why is my princess with Mr. Hidalgo?” daddy said with high pitch. His eyebrows were arched at pumipitikpitik ang mga daliri. And yeah, my daddy is gay. Don’t ask me why. Nagkaro’n ako ng isip at bakla na siya.
“Ah, good evening, Mr. Aragon.” Ivo extended his arms to shake hands with my father but I was shocked with his next move. He pull Ivo near him and hugged him with matching himas sa likod. Ack! Kadiri!
“Dad! You don’t do that to my… to my…” hindi ko alam ang sasabihin ko sh*t! This night is full of pretending! “To my live in partner!” halos mapasigaw ko ng sabi. I stomped my feet as I separate Ivo from my father.
“Live in partner? Kailan pa? And care to explain why you came home without notifying your father?” inilabas ni daddy ang kanyang infamous pamaypay saka niya ‘to dinuro-duro sa akin.
“Dad, not here. Okay?”
“Alright. But you have to come to our house.” He said.
“Hindi puwede! A-ayaw kong mahiwalay kay…kay Primotivo!” what is happening to my fabulous life? Bakit napupuno ng pagsisinungaling?! Napatingin si daddy kay Ivo.
“Do you love my princess?” seryosong sabi ni daddy. Sobra akong nagulat sa tanong niya. Sa dami kong lalaki na pinakilala sakanya noon, he always asks the guy is they love me at kapag hindi nagustuhan ni daddy ang sagot or hindi siya convinced, pinagpapahiwalay niya sa akin.
“She may be your princess, but I’ll assure you I’ll treat her more than a princess. Cassey is my Queen, as I am his King. And a King and Queen should live together in their Kingdom.” Napatulala ako sa sagot ni Ivo. Sa sobrang mixed emotions na nararamdaman ko, I felt like all those feels were washed away by his words. Yes I was treated as a princess but no one even dares to treat me as a Queen. Kahit sinasabi lang ‘to ni Ivo para sakyan ang mga inembento naming kasinungalingan, parang ang sarap sa pakiramdam. Sobrang nakaka-flattered.
Napatingin ako kay daddy at seryoso lang siyang nakatingin kay Ivo as if he was deciphering something in his words.
I can see dad was pleased because of his slight smile on his lip. For sure kinilig ‘yan sa sinabi ni Ivo.
“Kilala kita, Primotivo. Isa ka sa mga eligible bachelor in the country dahil na rin sa ikaw ang nagmana ng Hidalgo Empire. Pero hindi ko mapapalagpas kapag sinaktan mo ang nag-iisang prinsesa ko. Regardless if I’m gay, I can cut your spine down to your balls. Do you get me?”
Nangilabot ako sa sinabi ni daddy. Natakot ako para kay Ivo. Hindi lang pagbabanta ang binibigay ni daddy sakanya kasi alam kong kaya niya ‘yong totohanin.
“I won’t hurt your daughter, Sir.” Confident naman na sagot ni Ivo. I mentally smirked at him. He can’t hurt me kasi hinding-hindi ako magkakagusto sakanya. I won’t let myself indulge from another heartache.
-=-
“Ilang taon ka na bang namumuhay bilang vampira?” I asked Ivo while we’re on our way home. That party was a disaster. Full of lies and prending.
“30 years,” he said. Napatingin naman ako sakanya.
“Hindi ba nagtataka ang mga kasamahan mo na hindi ka tumatanda? Mas nauna ka pa palang naging vampire kesa kay Kent.”
“Can you keep a secret?” he said without looking at me.
“Yeah, what it is?”
“Akala nila anak ako ng tatay ko. Ang totoo niyan, ako at ang tatay ko ay iisa. Nawala ako sa Pilipinas for almost 15 years after I was converted as a venomous Vampire. Bumalik ako bilang anak ni Emmanuel Hildago. Everything was planned. Pinalabas kong isa akong illegitimate son of Emmanuel. I was tagged as the youngest business man in the world dahil 18 years old ako nang hawakan ko ulit ang company.”
“So ano ang real age mo?”
“You don’t have to know my real age kasi pati ako hindi ko na maalala. I guess my body will be forever 30. Kung wala lang siguro akong kumpanyang inaalagaan, hindi ko na kailangan pang magpanggap.”
“So ibig sabihin hindi ka pa nagkakaro’n ng asawa?”
“Hindi pa,”
“Eh girlfriend?”
“No’ng tao pa lang ako, marami akong naging girlfriend. Pero nang maging vampire ako, nahirapan na akong magmahal—until I met Theyn. Did I tell you na wagas kaming magmahal” tumawa siya ng malakas pero ramdam ko naman ang pait sa mga salita niya.
Wagas. Kaya pala hirap siya mag move on.
“M-makakalimutan mo rin siya.” Nakangiti kong sabi sakanya.
“Sinabi ko rin ‘yan sa sarili ko pero hindi ko nagawa.”
“Tutulungan kita,” nasabi ko na lang.
“How?” then he laugh. “Don’t give me this idea na maging tayo. Porket naka move on ka na ganyan ka.” Then he laugh again. Tiningnan ko naman siya ng masama. Bwesit ‘to.
“Ihahanap kita ng puwede mong mga i-date. Just try, okay? Ako ang bahala sa’yo. Marami akong kilalang mga katulad mo ang tipo.” Nakangiti kong sabi.
-=-
Nasa harap kami pareho ni Ivo sa laptop ko at naghahanap sa Instagram ng mga friends kong maaring maging date niya. Nakakainis nga, eh. napaka choosy ng vampirang ‘to.
“Parang ang arte niya.” He commented.
“Her name is Jasmine. Maarte talaga ‘yan pero masaya namang kasama. She’s now an interior designer.” I said.
“Nah! Hanap ka pa.” sabi niya. Napairap na lang ako.
“Arte!”
“Eh ikaw ang nakaisip ng ganitong idea.”
“You’re not giving them a chance, stupid!” I scowled.
“Eh ‘yan? Maganda siya.” Tinuro niya ‘yung naka-thumbnail na profile. Agad ko naman siyang binatukan.
“Ako ‘yan damba*s!”
“Really? Ang ganda mo dyan. I-view mo nga!” sinunod ko naman siya.
“See? Ako ‘yan. Tsk.”
“Ang ganda mo dito,” matutuwa na sana ako. Kaso parang sinasabi niya na dyan lang ako maganda. Besides, that picture was taken in Colorado at ni wala nga akong make-up dyan. My hair was in messy bun at simpleng loose shirt and cotton shorts lang suot ko.
“Maganda ako everyday, okay!” I hissed. Natawa naman siya sa akin.
“Maganda ka. Pero mas napansin kong may mas igaganda ka pala.” Tumingin siya sa akin. He cupped both of my cheeks at parang pinupunasan. “Don’t wear make-up, babe. Mas gusto kong simple ka. Kagaya sa picture.”
Naduduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang lakas ng heartbeat ko at parang nakikipag unahan sa karera.
Napatingin ako sa mga labi niya. Hindi ko alam kung babaliw na ako pero parang nakita ko ang sarili ko na hinahalikan ni Ivo. Wala raw akong malay at magpalapit ang labi namin.
“Sh*t!” napalayo ako sakanya. Napakunot naman siya at parang nagtataka sa ikinilos ko. Nahihirapan akong lumunok. What is happening to me? gosh!
“Are you, okay, Cassey?” nag-aalala niyang tanong. Hindi ko naman siya sinagot at napatayo ako at tumakbo paakyat sa kwarto.
And you know whats the weirdest thing of all? I felt like I already tasted his lips. For crying out loud hindi ko pa siya nahalikan bakit ganito nararamdaman ko?!
xxxxxx
About the Kiss? Only those who read the Epilogue of MKiSF ang makaka-relate.
Feeling ko mas madalas ko ‘tong maa-update kesa sa Bloody Fangs. As for Crimson love, nakagawa na ako ng update hindi ko lang ma-post, baka mamayang gabi na lang.
©THYRIZA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top