Chapter 38 - Runaway

Chapter 38 - Runaway

Cassey's POV

DUMATING ako sa Vampire City na walang ibang dala kaya aalis ako rito na wala ring dala. Gusto kong mag-paalam kay Theyn at Cindy pero hindi ko magawa. Alam kong masusundan ako ni Ivo kapag ginawa ko 'yon. As of now, gusto ko munang lumayo. Dito naman ako magaling, eh. Ang takbuhan ang problema. Ang takasan ang sakit.

Nakalabas akong portal ng Vampire City ng walang kahirap-hirap. Gustong-gusto kong dumeretso sa hospital para makita si Daddy pero alam kong 'yon agad ang iisipin ni Ivo na pupuntahan ko. At ayaw kong sundan niya ako. I need time to think. I need to be away from him to heal. Hindi ko 'yon magagawa kung nandiyan lang siya sa tabi ko. I won't heal if everytime I see him, the only thing I can remember was his lies.

Siguro isa sa mga pinagpapasalamat ko ay ang kakayanan kong mag teleport. Hindi ako nahirapan maglakad. Hindi ako na-mroblema na wala akong sasakyan para maghanap ng matutuluyan.

Dapit hapon na. Gusto kong pumunta kay Sandy pero natatakot ako na baka nandoon si Kuya Seth. Wala akong ibang mapuntahan at isang tao lang ang pumasok sa isipan ko.

"Lyrron," I mumbled.

Pumunta ako sa isang phone booth dinial ang number niya sa office. 'Yon lang kasi ang number niya na memorize ko since sa office.

"Mr. Candilaria is on leave, Ma'am. May I know who's on the line?" said his secretary.

"Uhm, his friend. Sige, salamat." I hang up at sa bahay niya ako tumawag. Luckily, sinagot naman ng isa sa mga maids niya. Nasa Bicol daw si Lyrron kasi grand reunion ng family nito. Hindi ko tuloy alam kung pupuntahan ko siya. Pero siya lang ang gusto kong lapitan ngayon. Wala nang iba.

Walang kahirap-hirap na nakarating ako sa pent house ko. Kinuha ko ang mga importante kong gamit. 'Buti na lang at naglalagay ako ng pera sa safe ko. Pati passport ko kinuha ko na rin. I wore my jeans, blouse, and a cardigan. Nag-suot din ako ng shades and cap for my protection.

Dala-dala ang back pack ay nagteleport ako papunta sa isang bus station. I can't teleport from here to Bicol. Hindi pa ako gano'n ka-expert. The more na magteleport ako, the more na pwede akong ma-trace ni Ivo. And I don't want that to happen. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo sakanya.

I'm also tempted na puntahan si Daddy. Gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko kaya. Sobra akong nako-konsensya sa pang-iiwan ko sakanya. Pero ayaw kong i-reveal ang sarili ko lalo na't hindi ko pa alam kung ano ang balak ni Kuya Seth. Siya ang may kagagawan nitong lahat. Isa rin 'to sa dahilan kung bakit hindi ko magawang humingi ng tulong kay Sandy kasi alam ni Kuya Seth na sa bestfriend ko ako hihingi ng tulong.

Sumakay akong bus. I felt alone and lost. I was happy. Pero ngayon parang binawi 'to sa akin. Sana hindi ko na lang nakita ang newspaper. Sana kasal na kami ni Ivo ngayon. Pero kung pinili ko pa ring pakasalan siya kahit nalaman kong tinago niya sa akin ang totoong kalagayan ni Daddy, mapapatawad ko pa ba siya? Magiging masaya pa ba ako sakanya?

Mag-uumaga na nang makarating akong province ni Lyrron. Thank god at alam ko pa kung saan ang daan papunta sakanila. Sumakay lang akong traysikel papunta sa anscestal house nila. Sana lang nandito siya.

Nag doorbell ako sa gate at isang matandang babae ang sumabat sa akin. She looks familiar to me. Ngumiti naman siya nang makita ako.

"Ikaw 'yong kababata ni Lyrron, diba?" binuksan niya ang gate.

"Ako nga po. Na saan po siya?" I asked politely.

"Ay tulog pa siya, hija. Pasok ka, gigisingin ko muna siya."

Sumunod ako sakanya hanggang sa makapasok kami sa bahay. Naalala ko no'ng una akong makapunta rito. Nagbibiruan pa kami ni Lyrron kasi hinahanap ko ang mga gwardiya sibil nila.

"Maupo ka na, hija. Gusto mo ba ng maiinom? Alas singko y media ng umaga pa lang kasi. Naghahanda pa lang kami ng umagahan." Mabait niyang sabi sa akin.

"Naku okay lang po. Hindi naman po ako gutom." Nakangiti kong sagot.

"Akyat lang ako. Gisingin ko si Lyrron." Tumango lang ako sakanya bilang sagot.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Lyrron. Sasabihin ko ba sakanya ang totoo? Sasabihin ko rin ba sakanya na hindi na ako isang tao? Natatakot akong baka layuan niya ako or worst, katakutan.

"CASSEY!" halos mapatayo ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Lyrron mula sa second floor. Nagmamadali siyang bumaba sa hagdan at walang pasabi na niyakap ako. Sobrang higpit. Sana lang hindi niya mahalata ang malamig kong balat.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap. Gusto kong maiyak. Gusto kong ilabas lahat ng frustrations ko pero hindi dapat ako pangunahan ng damdamin ko.

Bahagya siyang lumayo sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. As if he was checking kung may mali sa akin. Lihim akong napangiti dahil sa ayos niya. He was wearing boxer's shorts at baliktad pa ang white t-shirt niya na parang nagmamadaling sinuot. Pati ang buhok niya gulo-gulo rin. Mukhang naistorbo ko talaga ang mahimbing niyang tulog.

"Paano ka nakatakas sa kidnaper mo? Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Lyrron..." I said softly. Niyakap niya muli ako at rinig ko ang mahinang hikbi niya. Is he crying?

"I thought we lost you. Akala ko hindi ka na babalik," halos pabulong niya lang na sabi. Binitawan niya ako at muling pinagmasdan ang mukha ko.

"Masyado kang maputla, Cassey. Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Ayos lang ako, Ly." Pinaupo niya ako at tunabihan niya ako.

"Alam mo naman sigurong marami akong tanong sa'yo, diba? Kaya magpahinga ka na muna. Doon ka sa dating silid na ginamit mo noon."

"Salamat, Ly." I sincerely said to him.

"Wala 'yon. Teka, alam na ba ni Sandy? Alam mo na ba ang nangyari kay Tito Martin?" he said habang paakyat kami sa kwarto.

"Puwede bang huwag mo munang sabihin kay Sandy na nandito ako? At 'yong tungkol kay Daddy, oo alam ko na. Pero hindi ko alam ang buong pangyayari." Sabi ko naman sakanya.

Huminto kami sa harap ng pinto at agad akong pumasok sa loob. Kahit hindi ako matutulog, gusto kong magpahinga.

"Kapag handa ka na, ipatawag mo ako sa maid. Okay?" sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Halos pabagsak akong humiga sa kama. Doon biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. I wish I can't feel this kind of pain. Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Ivo. Kasi sa tuwing akala ko masaya na kami, may problema naman na darating.

Ayaw ko kasi sa lahat ay 'yong nagsisinungaling sa akin. Ayaw kong pinaglilihiman ako. How can I trust him as my husband kung may tinatago pala siya? And god forbid, paano na lang kung hindi ko siya nabuking? Naikasal pala kami? Naikasal ako sakanya na hindi ko man lang nalalaman na comatose na ang Daddy.

Part of me wants to easily forgive Ivo and forget what he did. But I can't just pretend na okay lang ang lahat. I need time to heal. At kung makakapaghintay siya, babalikan ko siya. 'Yon ay kung mahal niya pa ako.

Alas nwebe nang umaga ako lumabas ng kwarto. nakapag refresh na rin ako. I put a light make-up that could hide my pale skin. Nag long sleeves din ako para kung sakaling madikit ang balikat ko kay Lyrron ay 'di niya mararamdaman kung gaano ako kalamig.

Pagbaba ko ay naabutan ko ang Abuela ni Lyrron sa living room. She was watching news on her wheel chair. Agad naman siyang napangiti nang makita ako. Siguro sinabi ni Lyrron na nandito ako kaya hindi na siya nagulat na makita ako.

"Mag-breakfast ka na, hija. Nasa backyard si Lyrron." Nakangiting sabi ni Abuela.

"Kumain na po ako kanina," palusot ko. "Pupuntahan ko lang po si Lyrron." Sabi ko saka tumalikod.

Pumunta akong likod ng bahay nila at nakita ko si Lyrron na papalabas sa back gate papunta sa rice field nila. I silently followed him. Umupo siya sa may nipa hut habang pinapanuod ang mga trabador.

"Lyrron," tawag ko sakanya. Agad naman niya ako nilingon. Parang walang nagbago sakanya. Gwapo pa rin.

"Cassey! Akala ko mamaya ka pa babangon, eh." sabi niya. Inalalayan niya ako umupo sa bamboo seats.

"Hanggang kailan ka rito, Ly?" I asked.

"Bukas na sana ang alis ko. But since you're here, hindi muna ako papasok." Nakangiti niyang sabi.

"Pumasok ka. Sasama ko sa'yo." Seryoso kong sabi.

"Are you sure?" parang nag-aalinlangan niyang sabi.

"Yes," bakit pa ba ako matatakot? Isa na akong immortal. Kuya Seth can't hurt me. Kaya ko siyang labanan.

"Bakit ka nawala ng matagal, Cassey? Did Ivo really kidnapped you?"

I stared at him. I know I can trust Lyrron. At kung ano man ang sasabihin ko sakanya ngayon, alam kong he will keep it a secret.

"No," sagot ko. Napatango naman siya sa akin. "But I was with him the whole time." I confess.

"I met an accident. Ivo saved me. Dinala niya ako sa lugar na hindi ako mahahanap ng taong gustong pumatay sa akin. I choose to be with Ivo rather than go home. Handa akong iwan ang lahat para makasama si Ivo. Sabi niya sa akin mahal niya ako. Na nilayuan niya lang ako para huwag akong madamay sa taong galit sakanya. Tahimik ang buhay namin doon. Ikakasal na nga dapat kami kahapon, eh."

Lyrron gaped at me. Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko sakanya ang tungkol sa kasalan part. Aware naman ako sa feelings niya sa akin noon.

"Bakit hindi natuloy kasal niyo?"

"Nalaman kong comatosed ang Daddy. At nalaman kong alam niya ang tungkol do'n pero hindi niya sinabi. Masama ang loob ko. Handa kong iwan ang lahat para sakanya at ang natatanging bagay na lang niyang puwedeng gawin ay sabihin sa akin ang totoo pero pinili niyang maglihim."

"Cassey, tell me if I am wrong. Si Seth Medina ba ang sinasabi mong nagtangka na pumatay sa'yo?"

"Oo, that's why I don't want Sandy to know na nandito ako kasi alam kong malalaman 'yon ni Kuya Seth."

"I knew it!" Lyrron gritted his teeth. "At lahat ng nangyayari ay binibintang niya kay Ivo. Pati ang pagka-comatose ni Tito Martin, sabi niya si Ivo ang may kasalanan. He even took over the company of Ivo. I knew there's something wrong with that guy!"

My poor Ivo. I thought. Nawala na sakanya ang kumpanya niya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ma-konsensya. I suddenly felt the feeling of regret of leaving him. Pero hindi dapat kami magpakasal na maraming problema. I should fix this first bago kami magpakasal.

"Tutulungan kitang makulong si Seth. Nandito lang ako sa tabi mo. Since wala si Ivo, I will be the who will protect you." He said.

"Thank you, Ly."

"At huwag kang masyadong magalit kay Ivo. Sometimes, nakakagawa ng mga stupid selfish things ang mga taong in love. Siguro ginawa 'yon ni Ivo sa sobrang pagmamahal niya sa'yo. Kaya patawarin mo na siya. As much as I wanted you for myself, alam ko naman na hindi ka magiging masaya sa akin so I settled as a friend for you."

-----

Nag-update agad ako pero maikli lang. Nagba-back read kasi ako at ang tagal-tagal kong nawala sa story kaya mejj nakalimutan ko na ang story line. May mga mali pala akong nasabi sa mga unang chapter na hindi nag match sa mga last chapter. Tulad no'ng una kong nabanggit na may kaaway si Ivo sa office na matandang lalaki. It suppose to be 'lalaki' lang since si Seth ang tinutukoy ko dun. Papalitan ko na lang 'yon kapag may oras. Marami talagang loop holes ang story na 'to kasi wala siyang matinong plot. Baka palitan ko rin ang Prologue kasi mejj nalihis talaga ako sa outline niya, eh. Hindi na nasunod ang prologue. Pero okay lang 'yan. Maiintindihan niyo pa naman ang kwento. Sa totoo lang, napapakamot na lang ako ng ulo kapag nakakakita ako ng mali. Hahahaha. Sana maintindihan niyo ako. Salamat sa mga nagbabasa pa rin. Sobra akong nata-touch sa mga naghihintay talaga. Pasensya na rin kung hindi ako nakakapag-dedicate, hindi ko kasi alam kung paano magdedicate sa mobile, eh.

Tapos guys, may tanong pala ako. If ever i-self-publish ko ang My Knight in Shining Fangs, bibili ba kayo? Ayaw ko na kasi siyang i-publish sa publisher ko for some personal reasons. Comment kayo dito sa line na 'to para mabasa ko agad. :)) GOOD NIGHT!

-Ate Thy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top