Chapter 37 - Newspaper

Chapter 37 – Newspaper

Cassey's POV

"NORMAL lang ba 'to?" I asked Theyn nang mapag-isa kami sa kwarto. Lumabas ng kwarto sandali si Cindy kasi may kukunin siya sa kotse niya.

Tonight is my bridal shower daw. Kami lang naman kasing tatlo ni Theyn at Cindy kaya hindi ko alam kung maco-consider ko 'tong bridal shower. Ayaw kasi ni Ivo na umalis ako at pumunta na naman sa bar kasi baka raw maulit ang dati. Siya na lang ang umalis at nag stay muna sa Scarlette Hotel para makapag bonding kami. And since dati kaming mga tao, we still believed in the supersticious na hindi dapat magkita ang groom ang bride the day before the wedding.

"Ang alin?" tanon ni Theyn habang namimili ng papanuorin naming movie.

"You know, second thoughts. Nagdalawang isip ka ba no'ng ikakasal ka kay Kent?" I asked. Sandali siyang napahinto sa ginagawa saka tumingin sa akin.

"Are you having second thoughts?" she asked. Her eye brows are furrow.

"No! I mean... kasi parang kinakabahan ako. Natatakot at the same time. Pero siguro excited lang ako." I said. Ngumiti naman siya sa akin ng makahulugan.

"Wedding jitters. Normal lang 'yan. Naramdaman ko rin 'yan noon." She said to me.

"Talaga?"

"Oo naman. Kaya huwag kang mag-alala, tingnan mo na lang kaming dalawa ni Kent. Masaya and... expecting our second baby." She said grinning at halos manlaki ang mga mata ko sa balita niya.

"Oh my god!" I gasped. "You're pregnant again?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yup! Kahapon lang namin nalaman." She giggled at halata ang kasiyahan sa mukha niya.

"Congrats!" lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. "I hope it's a girl para ma-spoil ko siya!"

"Haay naku. Prehas lang kayo ni Kent." Natatawa niyang sabi.

"Hey, hey, hey! What's the commotion is about?" biglang sumulpot si Cindy na may dalang mga CDs

"She's pregnant!" I squeal. Gulat din ata si Cindy sa balita ko kaya agad siyang tumakbo palapit kay Theyn at niyakap 'to.

"Sharp shooter si Kent, ah!" natatawa niyang sabi kaya pinalo siya ni Theyn sa braso. Natawa lang ako sakanya. "Pero teka, okay lang ba na sundan niyo si baby Thyrone kahit hindi pa one year old?" she asked.

"Oo naman. Gusto namin ng maraming-maraming anak." Pahayag niya.

"Me too," segunda ko sa sinabi niya. "Gusto ko rin ng malaking pamilya lalo na't alam ko ang pakiramdam ng walang kapatid."

"Ay for sure gusto 'yan ni Ivo." Sabi ni Cindy saka humalaklak na parang baliw. Tapos bigla siyang natahimik. Naging seryoso ang mukha niya, "Naiinggit ako sa inyo. Mabuti pa kayo." She said pouting. Inakbayan namin siya ni Theyn.

"Magkaka love life ka rin." Paninigurado ko.

"Kailan?" she pouts. Eh 'yong tipo kong lalaki may ibang gusto. Turn off na nga ako do'n, eh."

"Ah basta. May lalaki kang makikilala at mala-love at first sight siya sa'yo." Sabi ni Theyn as if magkakatotoo ang sinabi niya.

"Baka naman unrequited love 'yan. As in gusto niya ako pero siya 'di ko gusto." Sabi pa ni Cindy. Tawa lang ako ng tawa sa dalawa. Parang mga baliw. At kailan pa naging manghuhula 'tong si Theyn?

"Imposibleng unrequited love kasi gwapo ang lalaki. 'Yong tipong makalaglag panty!" sabi ni Theyn at napatili ng malakas si Cindy.

"Ay gusto ko 'yan!" pumapalakpak na sabi ni Cindy.

The whole night mga random things lang ang pinag-usapan namin. Kadalasan si Cindy ang lagi naming inaasar. Nakakatuwa kasi ang pagiging sports niya at sinasakyan niya pa ang kabaliwan namin ni Theyn.

Siguro advantage namin ang pagiging nocturnal kaya kahit mag-uumaga na ay gising pa rin kami.

"Why don't I try my wedding gown?" I suggested at agad na napatango si Cindy. I saw Theyn cringed her nose. Sabi na, eh.

"It's bad luck. Baka hindi matuloy ang kasal." She said.

"What could possibly stop their wedding? Mamaya nang gabi, oh. Kaya sige na, Cass, try it na. Para makita rin natin kung kasya pa sa'yo." Pang-e-encourage sa akin ni Cindy.

"Ah basta. Don't tell me I didn't warn you, ha." Nakahalukipip na sabi ni Theyn.

Excited na pumasok ako sa walk in closet ko at nilabas ang wedding gown sa kahon niya. Kahapon pa 'to diniliver sa akin pero hindi ko pa siya nakikita. 'Yong mother-in-law ng pamangkin ni Kent ang nag-design nito.

Agad kong sinuot ang gown. It was what I imagine it to be. Simple but elegant. The suede texture of the white gown has a gold glittering. The sleeves was effortlessly off to the shoulder. It was bare back with a crisscross ribbon. Medusa cut ang skirt that could show my figure.

Lumabas akong wal in closet at nakatingin lang sa akin ang dalawa. Hindi mawala ang pag-aalala ni Theyn pero nakangiti pa rin naman siya.

"Ang ganda! Sexy mo sa wedding gown, Cass." Cindy complimented me kaya napangiti ako ng maluwang.

"I have to admit. Bagay talaga sa'yo, Cassey. Very classy. For sure luluwa ang mga mata no'n ni Ivo." Sabi ni Theyn.

"'Yon naman talaga ang gusto ko, eh." I said smirking. Tiningnan ko ang reflection ko sa vanity mirror. Kung puwede ko lang hilain ang oras ginawa ko na. Hindi na ako makapaghintay na maging Mrs. Hidalgo.

Excited na ako sa kasal namin mamaya. Kung sana nandito si Daddy para ihatid ako sa altar. Pangarap kong si Daddy ang makakasama ko sa gitna ng aisle but things change. I have to sacrifice my dream for Ivo. Mahal na mahal ko siya na kaya kong ipagpalit si Daddy sakanya. Alam ko naman kasing nasa mabuting kalagayan si Daddy kaya hindi ako mag-aalala.

When I was just a kid, I always dreamt of getting married to a Man that could love me unconditionally. Who can handle my stubbornness and bitcheness.

But God didn't gave me my dream man. He gave me a man that compliments me. A man that fills my flaws and my emptiness. Not just an ordinary man, but a vampire Man.

At exactly 5 am when I received a text from Ivo. Si Theyn nakahiga lang sa kama ko habang si Cindy naglalagay ng cutix sa paa. Hinubad ko na rin ang gown at nilagay ko sa closet.

From Ivo:

Kumusta ang bonding niyong tatlo?

Agad akong napangiti sa text niya. Parang gusto ko siyang makita. We're no longer humans kaya wala na naman sigurong masama kung hindi namin 'yon susundin, diba?

To Ivo:

Okay naman. Where are you? I want to see you!

Narinig ko ang malakas na tawa ni Theyn at Cindy. May pinapakita si Theyn kay Cindy. Ano'ng trip na naman kaya nitong dalawa?

From Ivo:

Babe, mamayang gabi na ang kasal natin. Konting oras na lang. Miss na rin kita pero worth it naman ang paghihintay, diba?

Napasimangot lang ako sa text niya. Damn his reasons. Gusto ko siyang makita. I want to hug him. I badly want to feel his kiss. God, I can't wait to be his.

To Ivo:

Okay, I love you!

"Hahaha, oh my gosh!" react ni Theyn at nagtawanan na naman sila ni Cindy.

"Bagay kay Ivo!" Cindy said then burst out laughing.

"Ano 'yan?" nakapameywang kong sabi. Natigilan ang dalawa at tinago ni Theyn ang phone niya.

"Wala," ani Theyn. Well, isa sa magandang quality ni Theyn kasi hindi talaga siya magaling magsinungaling. Mabubuko mo pa rin.

"I heard Ivo's name."

Nagkatinginan ang dalawa saka humagikhik na naman. Inagaw ko kay Theyn ang phone at tiningnan 'to.

"Pfft~" pigil tawa ni Cindy. I glared at her.

"This is not funny." I said calmly.

Ivo's wearing a bunny outfit. Boxer's short, topless, and a head band bunny ear. Hawak niya sa kanang kamay niya ang phone niya at sa kabila ay beer.

Sa background pa lang alam ko na kung saan 'to. Sa bahay nila Kent at Theyn.

"Saan ka pupunta, Cassey?" Theyn asked me when I handed her phone and readied myself to teleport.

"Gusto ko lang makita si Ivo." Nakangiti kong sabi sakanila. I wanted to see him. I miss him at wala akong pakialam sa superstitious belief na 'yan.

"Ha? Bawal 'yon—" hindi ko na hinintay na magsalita pa si Theyn at agad akong nagteleport papunta sa bahay nila.

Tahimik sa loob. May mga kalat sa living room. Nakita ko rin ang bunny head band na nakalagay sa mesa. Kanina pa ata tapos ang stag party niya na ilan lang sa mga kaibigan nilang vampira ang imbitado. Mabuti nga ata sila more than three ang kasama, eh. Samantalang ako, kami lang nila Theyn at Cindy.

Tahimik lang akong naglakad paakyat sa second floor nila Kent. I can feel Ivo's presense. Alam kong nandito siya. I wanted to surprise him.

Nakaawang ang study room ni Kent kaya pumasok ako.

"Ivo... Kent?" I called pero wala sila. Saan naman kaya 'yon pumuntang dalawa?

Nakita ko sa office table ni Kent ang phone ni Ivo. Nakapatong 'to sa isang folder. Lumapit ako saka 'to kinuha.

"Ano naman kaya 'to?" I asked to myself. I know curiousity kills that cat pero nagkalat kasi ang documents na may nakalagay na Ivo's Files. I opened the folder at mga papers tungkol sa bank statement ni Ivo. Ni-withdraw niya pala lahat ng pera niya sa bangko at nilipat sa bangko rito. Nag-scan pa ako ng papers at nakita ko ang titulo ng mga selled properties niya. Nandito rin ang business details na sinabi niya sa akin noon na magtatayo sila ni Kent ng kumpanya rito sa Vampire City.

Napailing na lang ako sa dalawa. Puro business ata ang pinag-uusapan nila. Lumaki akong organize ang gamit kaya parang instinct ko ng ayusin ang mga folder sa table.

Napakunot ako kasi may mga newspaper sa ilalim ng folder. Tig-iisang page sa iba't-ibang date. 3 months ago pa ang newspaper. Puro front page.

The first news is about Ivo. It is said that he kidnapped me. Of course 'yon ang ipapakalat nila. Another news ay update lang sa pagkalawala ko. Hindi ko na sana babasahin pa ang pangatlong diyaryo nang mahagip ng mata ko ang pangalan ng Daddy ko.

Nakakunot noo akong binasa ko 'to.

Mr. Martin Aragon, 52 years old, the CEO of Aragon Jewelry Company, had an heart attack and currently comatosed after her daughter—Cassey Aragon, the only Heiress was kidnapped by the Mr. Primotivo Hidalgo—the CEO of Hidalgo Empire. There are rumors that Mr. Hidalgo threatened Mr. Aragon asking for a million dollar ransom in exchange for her daughter's life.

"Cassey?"

Nakatiimbagang na nilingon ko ang tumawag sa akin. Hawak ko ang newspaper at napatingin siya doon.

"Babe, I can explain."

"Why didn't you tell me?" I said coldly. Unti-unti nararamdaman ko ang galit sa dibdib ko. Nagagalit ako. Pakiramdam ko tinraydor ako. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong anak dahil habang ako maganda ang buhay ko rito, ang Daddy ko naman ay naghihirap.

"Babe—"

"My Dad had a heart attack and currently comatosed and you didn't even bother telling me?!" nagtaas ako ng boses. Kita ko ang guilt sa mukha ni Ivo. Tama 'yan ma-guilty siya sa pagsisinungaling niya sa akin. He lied. Alam niyang hindi maganda ang sitwasyon ni Daddy pero hindi niya sinabi!

"I'm sorry," lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Sasabihin ko naman dapat sa'yo, eh. Pero natatakot ako."

"Natatakot?! Ano naman kinatatakutan mo?! You're so selfish! My god!" winaksi ko ang kamay niya at napahawak ako sa noo ko.

"I was afraid na baka mawala ka sa akin. I know you choose me over your Dad pero natatakot pa rin ako na iwan mo ako kapag nalaman mong hindi magandan ang kalagayan niya."

"Gano'n ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo? Sa tingin mo iiwan kita? Hindi pa ba sapat ang pinili kong maging kauri mo para mapatunayan kong mahal kita? Sana sinabi mo sa akin, Ivo! He's my father! Comatosed ang Daddy at ako ang may kasalanan kung bakit 'yon nangyari! Sobra siyang nag-alala sa pagkawala ko!"

I felt numb. I know I wasn't suppose to feel anything dahil isa na akong vampira pero pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Ang sakit-sakit ng ginawa niya.

"Babe, I'm so sorry." Hinawakan niya muli ang kamay ko pero lumayo ako sakanya.

"Walang magagawa ang sorry mo, Ivo. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang Daddy diba, diba? Pero mas mahal kita kaya iniwan ko siya. Pero ang hindi mo sa akin sabihin ang totoo niyang kalagayan? Only proves how selfish you are. It only proves how you underestimate my love for you. And honestly, I doubt if you truly love me. Because true love is not selfish."

"Huwag mo 'yang sabihin, babe. I love you! Mahal na mahal kita. Sorry for not telling you everything. I thought it's for the best. Believe me, hindi ko gustong magsinungaling sa'yo. Please, babe, huwag tayong mag-away. Not today. Not the day of our wedding." He begs.

"Wedding?" I scoff. Hindi ko na alam kung gusto ko pang ituloy ang kasal. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa pala siya tuluyang kilala. "I'm sorry, Ivo. But the wedding if off. Walang matutuloy na kasal!"

His eyes widened. Naglakad ako at nilagpasan ko lang siya. Lumabas akong study room ni Kent at nakita ko siyang nakatayo sa labas. Alam kong narinig niya ang lahat. Alam kong alam niya ang sikreto ng kaibigan niya. Tinapunan ko lang siya ng tingin saka ako bumaba.

Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Ivo pero hindi ko siya pinansin. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin pero derederetso lang ako hanggang sa makalabas akong bahay nila Kent.

"Cassey wait!"

Hindi ko siya pinansin ang matulin akong naglakad. Ayaw ko siyang kausap. Galit ako. Ayaw ko rin magpakita ng kahinaan. Ilang beses ko na ba siyang iniyakan noon? Iba na ngayon.

Nahabol niya ako at hinigit ang braso ko. Winaksi ko ang kamay niya at tiningnan siya ng masama.

"Babe, 'wag ganito, please. Ayusin natin 'to." pakiusap niya.

Tiningnan ko siya. He looks helpless. 'Yong mukha niya parang anytime iiyak.

"Alam mo kung ano ang masakit, Ivo? 'Yong buong puso kong binigay ang tiwala ko sa'yo. Buong-buo. Wala akong itinira. Mahal na mahal kita. Mas minahal kita kesa sa mga lalaking nagdaan sa akin. Ang sabi mo gusto mo akong protektahan. Ang sabi mo ayaw mo akong nasasaktan. Pero bakit gano'n? Bakit ang endgame, ikaw lagi ang nananakit sa akin?"

May luhang gustong umalpas sa mga mata ko pero agad ko 'tong pinunasan bago pa pumatak. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit ng yakap niya pero hindi ako gumanti.

"Mahal na mahal kita, Cassey. Wala akong maida-dahilan sa'yo kundi dahil sa mahal kita. Nagawa kong magsinungaling kasi mahal kita. Pero hindi ko akalain na itong kasinungalingan na 'to ang magiging dahilan para mawala ka sa akin." Bahagya siyang lumayo sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Pero hindi. Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin. Para mo na rin akong pinatay kung hindi matutuloy ang kasal natin."

"You think gusto ko pang makasal sa'yo matapos mong magsinungaling sa akin?" mapait kong sabi sakanya. Siguro nga tama si Theyn, may bad luck na kapalit ang pagsuot ng wedding gown kahit hindi pa naman ang oras ng kasal. Siguro kasi nagpumilit akong makita siya kaya ganito.

Nasa akin naman ang desisyon kung matutuloy ang kasal o hindi. Pero hindi ko kaya. Daddy ko ang pinag-uusapan dito. Ang Daddy na balak kong kalimutan para sakanya.

I walked away. Iniwan ko siya sa gitna ng kalye. I left him broken while I am walking away hurting.



------

Hi! Pasensya na kung ang tagal-tagal kong mag-update. Busy lang kasi ako at minsan nagkakaroon ako ng writer's block. Nawawalan na ako ng spirit para magsulat, di ko rin alam kung bakit. After ko kasing matapos ang Vampire City 3, parang part of me wants to quit writing na. Siguro kasi nabigyan na ng satisfaction ang pagiging writer ko nang tuluyan ko ng tapusin ang Vampire City Series. Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat matapos lang 'to at sana hindi na umabot sa 2016.

HAPPY BIRTHDAY TO MY FIRST BIAS IN KPOP WORLD, CHOI SEUNG HYUN aka TOP. Mahal na mahal kita, hubby ko!!! *O*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top