Chapter 36 - Sweet Lies
Chapter 36 – Sweet Lies
Cassey's POV
"ANG swerte mo diyan kay Ivo. Nakakainggit!" kinikilig na saad sa akin ni Cindy habang kasama ko siyang pumipili ng magandang motif para sa kasal namin ni Ivo. Hindi nakasama sa amin si Theyn kasi busy siya sa pag-alaga sa baby nila ni Kent.
"Huwag kang mainggit. Mamaya agawin mo sa akin," I smirked at her.
She scoffs and roll her eyes on me.
"I don't have plans, okay?"
"Mabuti naman." Umirap ako sakanya pero pareho kaming natatawa sa isa't-isa.
"Saan nga pala si Ivo? Dapat kasama mo siya sa pag-asikaso nitong kasal niyo." She said saka kumuha ng magazine sa table rack.
Bahagya naman akong natigilan. Kagabi lang nang bigla na lang siyang umalis ng walang paalam. Naiinis ako sakanya pero pilit kong hinahabaan ang pasensya ko sakanya. Baka may inaayos lang siya. O kaya may pinapagawa sakanya ang Elders. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama.
"Ay teka, anong flowers pala ang gagamitin mo? May flourist ka na ba?" she asked me habang nag-s-scan sa magazine.
"Wala pa. Pagdating na lang ni Ivo." Nasabi ko na lang.
"Pero puwede naman tayong mag scout ng flourist. May mga flower shop dito sa Vampire City. Pinakasikat dito ang black rose." She said dahilan para mapasiangot ako.
"Ikakasal ako, Cindy. Hindi ililibing." Sabi ko pero natawa lang siya.
"Baliw! Ang black rose kasi ay katumbas ng red rose sa mundo ng tao. Kapag binigyan ka ng black rose ng isang vampira, ibig sabihin mahalaga ka sakanya. 'Yon din ang current emblem ngayon ng kaharian kasi may sentimental value raw ang black rose kay King Aric at Queen Lorelei." Sabi niya pa na parang tuwang-tuwa.
"Ayoko! Ayoko ng black rose. At ayaw ko ng gaya-gaya. May originality ako 'no!" ismid ko sakanya.
"Eh kung gano'n maghanap tayo ng flourist mo. Ay teka, kilala mo si Florence at Jean? Kaibigan namin sila ni Theyn. Flourist sila kaso sa mundo ng tao. Gusto mo bang—"
"Hindi tayo lalabas ng Vampire City. Alam mo naman kung bakit, diba?"
"Oo nga pala."
Tumayo ako saka kinuha ang bag ko sa kwarto. Pagbalik ko sa salas ay nanunuod na ng TV si Cindy. Vampirang 'to... feel at home!
"Akala ko ba mag-s-scout tayo ng flourist?" nakataas kilay kong sabi.
"Ngayon na?"
"Ay hindi. Kapag tapos na ang kasal ko saka tayo maghanap ng flourist para sa libing mo!" iritado kong sabi.
"Eto naman nagtatanong lang, eh. Tara na nga." Tumayo siya saka pinatay ang TV. Ako naman ay nauna ng lumabas ng bahay. Automatic ang bahay namin kaya hindi na kailangan ng susi. Passcode lang ang kailangan.
Nag-ikot-ikot kami sa Downtown City. Halos lahat sila sina-suggest na black rose ang gawin kong flower. Napapasimangot lang ako kasi ayaw ko nga sa itim. Kahit isa na akong ganap na Vampira, may bahid pa rin ng pagiging tao ang mga bagay na gusto ko.
Ilang oras pa kaming nag-ikot ni Cindy nang mapag desisyunan kong carnation na lang ang flower ko. Marami pa sana akong idagdag pero paano ko 'yon magagawa kung wala si Ivo? I need his comment about this. Hindi naman puwedeng mga gusto ko lang lahat ang makikita ko sa kasal ko. Dapat mayro'n din sakanya.
Cindy and I ended up on a bar. Sabi niya mag unwind daw kami. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ang word na unwind eh nasa loob kami ng bar na crowded, amoy blood wine, at yosi.
"Two Bloody Mary, Please!" malakas na sigaw ni Cindy sa bartender dahil hindi ka talaga maririnig dito because of the loud music banging on the for corners of the wall.
Para namang walang pinagkaiba ang pagpa-party ng mga Vampira sa mga tao. Kung wild ang mga tao, gano'n din rito. Updated din sila sa latest music. The only difference is the liquor they are drinking. Hindi ko nga alam kung magugustuhan ko ang version nila ng Bloody Mary dito, eh.
"Cheers!" biglang sabi ni Cindy nang ma-serve ang inumin namin. Kinuha ko naman ang akin at nakipag cheers sakanya.
I took a little sip hanggang sa makalahati ko ang baso.
Masarap! Mas masarap kesa sa version ng mga tao. Sana lang hindi ko malaman kung ano ang mga pinaghalo-halo rito sa inumin ko at kung saang dugo galing 'to.
Hindi lang Bloody Mary ang ininum namin. we tried hard liquor and surprisingly, gusto ko siya kahit malakas ang tama.
This is my kind of thing. Ghad, I'm starting to love it here. And the best part is, hindi ka agad malalasing kasi malakas ang tolerance ng vampira sa alak. Sabi ni Cindy, you just pass out kapag nalasing ka na.
I let go of my inhibitions at hinayaan kong hilain ako ni Cindy papunta sa gitna ng dance floor. Hindi ko alam kung ano 'yong huli naming ininum pero ramdam kong parang nagiging dalawa ang tingin ko sa paligid.
Alam kong lasing na ako pero kaya ko pa. Ang gaan sa feeling. Parang gusto kong tumawa ng malakas.
Kaya nang maramdaman kong may nakikisayaw sa aking lalaki ay natawa na naman ako. He's sooo handsome! His eyes are blue with and maroon. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking may dalawang kulay ang mga mata. But well, what do I expect. Vampira pala 'tong kaharap ko kaya walang imposible.
"What's your name, beautiful lady?" bulong niya sa akin. I felt a goosebumps on my neck. 'Yon pala kasi malapit ang bibig niya sa leeg ko.
Napapikit ako. I wanted to push him pero parang ninanakaw niya ang lakas ko. Nakakaliyo ang presensya niya.
"I—uhh..."
"Gusto mong lumabas? I know some place," he said in a husky voice.
Nakaramdam ako ng kaba. Inipon ko lahat ng lakas ko saka ako lumayo sakanya. Pero agad niya akong hinila sa bewang ko at mas napalapit ako sakanya. Tiningnan ko siya ng masama. Bwesit! Mapapahamak pa ata ako ngayon.
Iginala ko tingin ko at hinanap si Cindy but she's nowhere to be found. Hindi rin ako makahingi ng tulong sa mga katabi ko kasi kung hindi lasing, mga nagsasayaw habang nagme-make-out ang nakikita ko.
"Huwag ka ng pakipot. Magugustuhan mo ang gagawin natin." Dinampi niya ang labi niya jaw line ko. My mind literally screams for help.
Ivo, help! I said absentmindedly.
"Come on, baby. Let's go somewhere private," hinawakan niya ako sa bewang ng mahigpit at parang kurtinang hinawi ang mga nagsasayawan ng vampira.
Dala na rin siguro ng mga halo-halong ininum ko kaya nawalan ako ng lakas para lumaban.
"A-ayaw ko! Let go of me!" mahinga ngunit mariin kong sabi. I heard him chuckle at parang wala lang sakanya ang sinabi ko.
Hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa bar nang maramdam kong parang gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang nakapulupot sa bewang ko.
Napalingon ako sa tabi ko at halos manlaki ang mga mata ko na makita ang vampirang lalaki na sinasakal ng isa pang lalaki. He was pinning him on the wall at paulit-ulit na sinusuntok.
Kinukusot ko ang mga mata ko para maging malinaw ang paningin ko but to my dismay, naramdaman ko pang parang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
No, please, Cassey. Huwag kang matutumba. Labanan mo. Huwag kang mawawalan ng malay.
Everything is like a transition from white to black before I could pass out.
I was awaken by distinc voices. Naigala ko ang tingin sa buong silid at napagtanto kong nasa kwarto ako ng bahay. Teka, ano bang huling nangyari?
"You're suppose to watch out for her!"
"And I'm sorry, okay?! Masyado kaming nag-enjoy!"
Kahit hindi ko nakikita alam kong boses 'yon ni Ivo at Cindy. Bakit ba sila nagtatalo?
Bumangon ako sa kama at sinuot ko lang bath robe ko bago lumabas ng kwarto. Sobrang ingat akong naglalakad para hindi nila marinig. Sinilip ko silang dalawa sa baba. Nakahalukipkip si Cindy habang si Ivo at nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita mukha niya.
Nagulat ako ng tumingin sa akin si Cindy. Of course! Malalaman niyang nakikinig ako.
"Gising ka na pala, Cassey." Ngumiti siya ng tipid.
"Uhh, narinig ko kasi kayong nagtatalo. Ayos lang ba kayo?" bumaba ako sa hagdan. Hindi pa rin ako nililingon ni Ivo.
Napatingin muna si Cindy kay Ivo bago ulit tumingin sa akin.
"Sige, aalis na ako. See you later, Cassey." Pagkasabi noon ni Cindy ay dali-dali siyang lumabas ng bahay.
Problema niya?
"Ivo," pumunta ako sa harap niya at kit akong magkasalubong ang kilay niya. He's mad. "Okay ka lang ba? Nag-away ba kayo ni Cindy?" inosente kong tanong.
Nakatiimbagang lang siya.
"Wala kang maalala, ano?" seyoso niyang sabi. Ang lamig-lamig ng boses niya. Pati rin ba sa akin galit din siya?
"Na ano? Bakit nga pala ako nakatulog? Akala ko ba hindi na natutulog ang vampira?"
Hindi niya ako pinansin at napahilamos lang siya sa mukha.
"Paano kung hindi ako dumating?! Paano kung nagtagumpay ang gagong 'yon na may masamang gawin sa'yo, ha?!" napatulala ako sakanya. Ano bang pinagsasabi nito ni Ivo?
"What are you talking about?" I asked.
"I almost killed a fvcking low-life vampire! There will be no next time, Cassey. Hindi ka na muli papasok sa bar!" napamaang ako sa sinabi niya.
"Ako? Nag-bar? At kailan 'yon nangyari?" hindi ko makapaniwalang tanong. Pinagti-tripan na naman ako nito ni Ivo. Ang huli kong naalala kagabi ay naghahanap kami ng flourist ni Cindy. Bakit ba galit na galit siya? Ako nga dapat ang magalit kasi iniwan niya ako ng walang pasabi.
"Hindi mo maalala kasi may drugs 'yong pinainum sa'yo ng bartender!" he shout right at my face. Galit na galit talaga siya.
Nakita niya atang hindi ko alam ang pinagsasabi niya at nagulat ako kaya nagbago ang expresyon ng mukha niya. His face soften.
"I'm sorry,"
"Ano bang ginawa ko para magalit ka sa akin ng ganyan?" I asked.
"I'm not mad at you, babe. I'm so sorry." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Nag-alala lang ako sa'yo kagabi. Paano kung hindi mo ako tinawag? Paano kung hindi agad ako nakarating? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa'yo."
He told me everything. 'Yong niyaya ako ni Cindy sa bar matapos naming mang-scout ng flourist. 'Yong mga halo-halo naming ininum hanggang sa utusan ng isang vampira na natipuhan ako na lagyan ng bartender ng drugs ang iniinom ko.
"Hindi ko na hahayaan na mag bar ka pa. Naiintindihan mo ba ako, babe?" pinagdikit niya noo namin at napatango naman.
"I understand," I said.
"Sorry pala, babe. Kasi bigla na lang akong nawala noong isang gabi. May mahalaga lang kasi akong inasikaso, eh. Pero wala ka dapat ipag-alala. Ayos na rin naman." Nginitian niya ako so I believed him. Wala namang dahilan para magsinungaling siya, diba?
---
May nagbabasa pa ba? Hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top