Chapter 35 - Almost Perfect
Chapter 35 – Almost Perfect
INIABOT sa akin ni Ivo ang picture frame saka ko naman siya pinatong sa taas ng fire place. Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa bewang ko at pinatong niya baba niya sa balikat ko.
"You're good on decorating our house, babe." He compliments me. Kanina ko pa 'yan naririnig mula sakanya. Hindi naman talaga ako sanay na pag-aayos ng bahay, siguro nagpapakitang gilas lang ako sakanya kasi magsasama kami rito sa bahay na 'to.
"Sana may picture tayo together. Mas maganda 'yon tingnan," I said to him looking up. 'Yong nasa photo frame kasi ay collaged photo lang namin. Wala kasi kaming picture together since malabo naman ang mukha namin sa photo.
"Magpapagawa na lang tayo ng portrait sa isang sikat na painter. Mas maganda 'yon." Sabi naman niya. Napatango ako sakanya.
It was just yesterday when he proposes. Kaninang umaga inayos namin ang bahay. Kumpleto na naman siya ng gamit pero nilipat kasi namin ang ilang personal belongings ni Ivo rito.
"Babe, tabi na tayo mamaya, ah?" he said then winked.
"Hindi na tayo natutulog, Ivo." I retorted that made him look sad.
"Mahihiga lang tayo. We're going to pretend like a normal couple. We can cuddle and if you like... we can make love and—"
"Primotivo!!" saway ko. Halos pangilabutan ako sa huling sinabi niya. "I told you I'm not going to have sex with you!" humilaway ako sakanya saka siya sinamaan ng tingin.
"Of course we're not going to have sex. We're going to make love, babe." Napalunok ako sa sinabi niya. The way he say it parang may epekto sa akin.
"R-regardless! We're not yet married," I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay.
"Eh 'di magpakasal na tayo,"
"You've just proposed last night,"
"So?
"Anong so? Para sabihin ko sa'yo Ivo, I want a descent wedding. I want it planned because it was always my dream to get wed... with gowns, entourage and reception. I already given up everything for you, even dad walking with me on the aisle." Seryosong sabi ko sakanya.
A sad smile crept on his face. Para tuloy akong na-konsensya sa mga sinabi ko.
"I understand, babe. I was just joking. Don't worry, you'll have your dream wedding. I promise you that." And with that, he hugged me tightly.
It was 12 midnight when we decided to go to bed. The foot of the bed is facing the balcony where the door is widely opened. Nakikita namin ang kalangitan na napupuno ng bituin at buwan. I rest my head on his arms. Pareho kaming hindi nagsasalita. Comforting naman ang silence.
"Kumusta na kaya ang Daddy? For sure nag-aalala na 'yon," hindi lang kumibo si Ivo. Alam kong kapag sinabi kong gusto kong makita si Daddy ay babalik kami sa mundo ng tao which is ayaw ko.
The next day ay kasama ko naman si Theyn and her son—Thyrone. We're strolling down the park. Tinutulak niya ang stroller ni baby Thyrone.
Ang sarap ng ganitong buhay. Simple at tahimik. Lumaki ako na nakukuha ko ang lahat kaya siguro matagal kong hangad ang ganitong klase ng buhay.
"Have Ivo told you?" Theyn said.
"Alin?"
"Magve-venture raw sila ng business dito sa Vampire City. Ayaw na rin kasi ni Kent na tumira pa kami sa labas. Bibisitahin na lang daw namin ang family ko every holidays." Sabi naman niya.
"Wala pang nababanggit si Ivo sa akin," nasabi ko na lang.
"Sabagay, plano pa lang naman kasi. Kent told me na siya raw ang mag-aayos ng accounts ni Ivo sa banco. I've heard wala nang pakialam si Ivo sa company since nakuha na siya ni Seth,"
Tiningnan ko lang si Theyn. In all fairness to her ang dami niyang alam na hindi ko pa alam. Siguro kasi kine-kwento sakanya ni Kent ang lahat.
"How about you? Gusto mo bang mag-business dito? We can be partners," she said beaming.
Partners? With Theyn? Never in my life I did imagine being business partners with her. But Theyn is now my friend. 'Yong issue namin noon ay dala lang ng childish act ko.
"Anong business naman?" I asked.
"Well, I'm a Psychologist. I can put up a clinic and you can be my secretary," napanganga ako sa sinabi niya. She laughs as if there's no tomorrow. Parang tuwang-tuwa siya sa reaction ko.
"That's not funny, Theyn!" umirap ako sakanya pero siya tawa lang ng tawa.
"I was just joking," laughs hard. "You're reaction is so priceless," then laughs again.
"Kung hindi lang kita kaibigan baka kanina pa kita sinabunutan!" I retorted.
"Well, let me just remind you Cassey na na-hospital ka sa last wrestling natin so talo ka kapag sinabunutan mo ako," she grins and it annoys me. But then, I found myself laughing with her. Remembering that barbaric sabunutan moment namin makes me laugh.
"I was wearing pumps that day. And you caught me off guard," pagtataray ko sakanya.
"Palusot ka pa!"
"Aba't—"
Napatigil kami nang marinig namin na humahagikhik si baby Thyrone. Nagkatinginan kami ni Theyn saka parehong natawa. Naiintindihan niya kaya ang pinag-uusapan namin? Maybe, especially he's not an ordinary baby.
Pauwi na kami ni Theyn at naglalakad lang kami papuntang Village. Magkalapit lang kasi ang bahay namin.
We saw Ivo ang Kent seriously talking outside our house. Hindi ko alam kung parang nagtatalo sila o masyado lang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Boy's talk ata sila, Cassey." Bulong sa akin ni Theyn habang papalapit kami sakanila. Napangiti lang ako sakanya ng pilit. I felt like something was wrong.
"Kent!" nagtatakbo si Theyn at iniwan si baby Thyrone sa stroller saka lumambitin sa leeg ng asawa niya. 'Buti na lang nasa tabi ko lang ang stroller nitong anak nila. Isip bata pa rin 'tong si Theyn.
"H-hey. Theyn, baby." Nagulat ata si Kent sa inasal ng asawa niya kaya para itong natatawa habang tinatanggal si Theyn sa leeg niya.
"Bakit ka umuwi agad? I thought matatagalan ka sa mundo ng tao? Siguro na-miss mo ako, 'no?" panunuya niya pa. Napapailing na lang ako kay Theyn habang papalapit ako with their baby.
"May importante lang akong sinabi kay Ivo," pagkasabi no'n ni Kent ay napatingin siya sa akin saka napakunot. "Iniwan mo ang anak natin kay Cassey?"
"Our son is safe with her," parang wala lang na sambit niya.
"I know that. But you're now a mother, wife. You don't just ditch our baby to hug me. Mas gusto kong priority mo siya kaysa sa akin," Theyn shook her head then pouts.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni Ivo sa bewan ko. Hindi ko siya gaanong napanin na lumapit sa akin since na kay Theyn at Kent ang attention ko.
"Okay ka lang?" bulong sa akin ni Ivo.
"Yeah. Why wouldn't I be?"
"Wala naman," kibit balikat niyang sabi.
Nagpaalam sa amin si Theyn at Kent paalis kasama si baby Thyrone. Pumasok naman kami ni Ivo sa loob ng bahay. Pansin kong malalim ang iniisip niya. I can feel something is bothering him. We have connection and somehow, nararamdaman ko kung masaya siya o may bumabagabag sakanya.
May napansin akong portfolio na nakalapag sa sofa table kaya agad ko 'tong binuklat. Mga iba't-ibang wedding themes.
Nag-angat ako ng tingin para sana tawagin si Ivo kasi gusto ko may say siya sa pipiliin kong theme sa kasal namin pero nakita ko siyang wala sa sarili na paakyat sa 2nd floor.
"Ano problema no'n?" I said to myself.
I immediately closed the portfolio at sumunod sakanya. I tried to calm myself habang papasok ako sa kwarto namin. I swayed the door widely pero mas lalo lang akong napakunot nang hindi ko makita si Ivo sa loob.
Pumasok ako sa CR pero wala rin siya sa loob.
Hindi ko maiwasan ang kabahan. Bakit ba ang weird ng mga ikinikilos ni Ivo ngayon?
My instinct tell me to drop it off at baka napa-paranoid lang ako. Pero mas nananaig ang pagdududa sa akin kaya wala sa sariling dinial ko ang phone number nila Theyn sa bahay nila.
Nakaka-tatlong ring pa lang nang may sumagot agad. It was Kent.
"Kent, nandiyan ba si Ivo? I followed him papasok dito sa kwarto namin but then he'd just vanished!" naiirita ako sa totoo lang. he could just use the main door or mag-paalam man lang hindi 'yong pinagpapaalala niya ako.
"Wala siya rito, Cassey. May sinabi ba siya sa'yo?"
"Wala nga, eh. Hindi man lang nagpaalam." I sigh deeply. "Sige, Kent. Sorry sa istorbo. Hihintayin ko na lang siya." Hindi ko na hinintay na may sabihin pa si Kent at agad kong binaba ang phone.
Lagot ka sa akin, Primotivo! Nakakalimutan na niya atang isang bitch 'tong ginawa niyang vampira. I can always throw a fit if I wanted to pero binabago ko na sarili ko. Pero kung ganito ang gagawin niya sa akin—leaving without saying anything, baka mahanap niya ang hinahanap niya!
-------
HAPPY MONDAY!
I apologize for the delay of update. Mejj busy lang... at sa totoo lang guys nawawala na ako sa story. Baka hanggang chapter 40 lang ang Cold Fangs kasi baka kung ipaabot ko pa sa 50, baka lumayo na tayo sa plot ng story lalo na't hindi na gaanong nabigyan ng justice 'yung Prologue.
Salamat sa mga matiyagang naghihintay. Babawi talaga ako sa inyo--no promises. :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top