Chapter 34 - Proposal

Chapter 34 - Proposal

"He's so cute! Feeling ko mas marami siyang namanang physical features kay Kent kesa sa'yo," I said to Theyn habang nakikipaglaro kay baby Thyrone sa crib niya. His laugh sounds like heaven lalo na kapag kinakaway-kaway ko sakanya itong rattle.

"'Yon nga ang sabi nila, eh." natatawang sabi ni Theyn.

"They say, kung sino raw ang pursigido sa kama siya ang magiging kamukha ng bata," biglang singit ni Cindy. "Kaya ata kamukha ni baby Thyrone si Kent.' She added tapos napahagikhik.

"O-oy, Cindy!" nahihiyang saway ni Theyn kay Cindy. Natawa tuloy ako. Kahit may asawa na 'tong si Theyn ang demure pa rin.

"Totoo 'yon, 'no! Kaya kung gusto mong maging kamukha mo ang susunod niyong anak, ikaw ang maging boss sa ka-"

"Cindy!!" tili ni Theyn tapos natakip ng tenga. Tawa lang ako nang tawa sakanilang dalawa. Parang baliw 'tong si Cindy. Ang daming alam na kalokohan.

Nag-aasaran ang dalawa nang bigla na lang umiyak ang bata. Bigla naman akong nag panic kaya agad ko 'tong kinarga.

"Ang ingay niyo! Umiyak tuloy!" inalo-alo ko si baby Thyrone na parang Nanay nito. Natigil siya sa pag-iyak pero nagkalat na ang luha sa mukha niya. Kinuha ko naman ang face towel sa kama saka ko 'yon maingat na pinunas sa mukha niya. Napaka delicate ng skin niya at parang nakakatakot diinan.

"Bagay sa'yo, Cassey." Nakangiting sabi ni Theyn.

"Alin?" nagtataka kong sabi.

"Ang maging Mommy."

"Naku hindi pa. Matagal pa," sabi ko. Narinig ko ang mahinang hagikhik ni baby na parang kinikiliti.

"Masayang magkaroon ng anak, Cassey." Sabi ni Cindy kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Matatanggap ko kung kay Theyn galing ang sinabi mo. But those words coming from an unmarried vampire makes it hard to believe." I retorted and Cindy grimace.

"Sinasabi ko lang ang napagmamasdan ko kay Theyn. Masaya siya na may anak siya kaya panigurado gano'n ka rin," sabi niya pa.

"May point naman si Cindy, Cass. Pero hindi ka naman namin minamadali. Ngayon pa lang naman nagtatapat sa'yo si Ivo kaya marami pa kayong adjustments,"

Nagtapat na nga siya sa akin sa kanyang totoong feelings. Pero hindi ko alam kung kami na ba o ano. We kissed and cuddle pero wala talagang formal na proposal. Siguro nga kami na. We're old enough para sa ligawan stage.

"Theyn," sabi ko habang na kay baby Thyrone ang attensyon. "Did Kent courted you? I mean, paano naging kayo? Did you went traditional or what?" I asked kaya natawa siya ng konti.

"I knew it. May issue kang ganyan kay Ivo. Well, iba naman kasi 'yung sa amin ni Kent. Ako 'yung unang nagtapat sakanya-unintentionally. But to answer your question, no. Kent and I didn't went to traditional. No'ng nalaman naming gusto pala namin ang isa't-isa, we assumed na kami na. I was 21 years old by then pero hindi na ako nagpaligaw kay Kent. But don't get me wrong, kung gusto mong magpaligaw kay Ivo, go lang. Masarap din naman ang maligawan, eh." nakangiti niyang sagot sa akin.

Hanggang sa makaalis ako sa bahay nila Theyn ay naiisip ko pa rin ang sinabi niya. Yes, it will always be my choice. I want Ivo to court me. Pero parang late na 'yon? Hinalikan na niya ako tapos para pala sa akin hindi pa kami?

"Ugh!" ang gulo. Nakakabaliw.

"Babe?" natigilan ako nang tumambad sa harap ko si Ivo. Nakangiti siya pero parang nag-aalala.

"Nandiyan ka pala." Sabi ko. Nandito na ako sa harap ng building ng condo unit ni Ivo. Ang totoo gusto ko siyang kausapin tungkol dito.

Ano ba, Cassey! Nagpalitan na kayo ng I love you tapos hindi pa rin kayo? Haay, hindi ko rin talaga alam.

"Babe, are you okay? You're spacing out," mas naging concern ang boses niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ako at pumantay siya sa mukha ko. "May sinasabi ako sa'yo pero hindi ka nakikinig," nagtatampo niyang sabi.

"S-sorry. Ano nga ulit 'yon?" ngumiti ako kahit pilit lang.

"Sabi ko may surprise ako sa'yo." Aniya. Naglabas siya ng blindfold saka pinakita sa akin. "Pipiringan kita para sa surprise ko sa'yo, okay?" sabi niya tapos napatango ako.

Pumunta siya sa likod ko at nilagay ang piring sa mga mata ko. Hinawakan niya kamay ko saka bumulong.

"Are you ready?" he said huskily. Tumango lang ako sakanya. Naramdaman kong may malakas na hangin ang humatak sa amin kaya alam kong nagteleport kami papunta sa kung saan.

"Dito na tayo," sabi niya. Akma kong tatanggalin ang piring sa mata ko pero pinigilan niya ako. "Wait lang, babe." Naramdaman kong nasa harapan ko siya.

"Ivo..." I felt his cold lips touched my cheeks.

"Before I remove your blindfold, I just want to do this with you," nagulat na lang ako nang siilin niya ako ng halik. He intertwined both of our hands. I tiptoe my feet para mas maabot ko siya. Ang saya sa pakiramdam kapag magkalapat ang labi namin. Like we were made to kiss each other.

He slowly removed the blindfold but let my eyes closed. He kissed my forehead before telling me open my eyes.

Tumambad sa akin ang isang hindi kalakihang bahay. Nasa harap kami nito kung saan maraming halaman at iba't-ibang klase ng bulaklak ang nagkalat. The house is two storey with balcony. Simple white, cream and brown ang kulay. Bahay para sa masasayang pamilya.

Napatingin ako kay Ivo na nakangiti habang pinagmamasdan ang bahay.

"Two bedrooms, kitchen, dining area, living room, with balcony, garage ang garden. Okay na ba 'to para sa'yo, babe?" sabi niya ikinagulat ko.

"A-anong..."

"Cassey, buong buhay ko wala akong kinagisnan na pamilya. I am alone not until you came into my life." Ginagap niya ang kamay ko at pinakiramdaman ng pingi niya. "I want us to be family. At itong bahay na 'to ang gusto kong maging pundasyon ng pagbuo natin ng sarili nating pamilya."

Bigla na lang may pumatak na luha sa mga mata ko. I am beyond happy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Ivo..."

"I'd already given up everything I have outside this world. Ang gusto ko na lang ngayon ay makasama ka."

I am speechless. Is he proposing already? Hindi pa ako handa pero... mahal ko si Ivo, eh. Kung nagawa niyang talikuran ang marangyang buhay sa mundo ng tao, bakit hindi ako? Alam kong we're running from our problem outside but we both know na dito lang kami sasaya na walang mang-gugulo.

"Ivo, ginawa mo ang lahat para sa akin. You saved me, loved me from afar and took care of me. Kung nagawa mong talikuran ang lahat para sa akin, magagawa ko rin 'yon para sa'yo." Napangiti siya sa akin at parang baliw na kinilig.

"Kung gano'n, will you accept my proposal?" nagulat na lang ako nang biglang may lumabas na red velvet box sa kamay niya. He slowly opened it.

A ring reflected to the moon kaya kuminang ito. Kinuha niya 'to sa kahon at pinakita sa akin.

"Will you spend the rest of your life with me, Cassey Aragon? Will you marry me?" he sincerely asked. This is too good to be true. Parang kailan lang ang tanging gusto ko lang ay mahalin ako ni Ivo. Pero heto siya, proposing.

"Yes, Ivo. I will spend the rest of my life with you and marry you." Halos maluha-luha kong sagot. Isinuot niya sa akin ang sing-sing ang it was a perfect fit. A never ending circle that symbolizes our love for each other.

Niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit na sinabing mahal niya ako.

-=-

Sandy's POV

DALAWANG linggo na at hindi pa rin namin nahahanap si Cassey. Pati nga 'yung event ng kanilang company ay na-cancel dahil sa pagkawala niya. Sobrang nag-aalala na kami lalo na si Tito Martin.

"Wala pa ring lead sa kidnapping kay Cassey. Ano na kayang nangyayari sakanya," sabi ko. Kasama ko si Lyrron at nandito kami sa isang coffee shop sabay na kumakain.

"Sandy, huwag ka sanang magagalit sa sasabihin ko," seryoso niyang sabi.

"Hmm, ano 'yon?"

"Pinagdududahan ko talaga ang kapatid mo, eh. I think there's something wrong with his actions. At bakit ba lagi siyang nasa Aragon company? And it was just yesterday when the Hildalgo empire announced that Seth is the new CEO. Don't you think it is very coincidental?"

Tama si Lyrron. Kahapon lang nang palitan si Ivo ni Kuya bilang CEO.

"Sandy, tulungan mo akong mag-imbistiga. At dahil ikaw ang malapit sa aking main suspect, ikaw lang ang makakatulong sa akin." Pakiusap niya sa akin.

Natatakot ako. Paano kung may kinalaman nga ang kapatid ko? Parang hindi ko ata kayang tanggapin 'yon.

Palabas na kaming coffee shop ni Ivo nang matanaw ko si Kuya papalabas ng Aragon building. Hindi ko na lang siya pinansin kasi parang nasanay na rin akong lagi siyang nandito.

Pagpasok namin sa building para sana puntahan ang office ni Tito Martin, ay nagulat na lang kami ni Lyrron kasi parang nagkakagulo ang mga empleyado. Umakyat sa emergency stairs ang mga security guards.

"Ano bang nangyayari?" tanong ni Lyrron sa isang empleyado.

"Si Mr. Aragon po, nadatnan na walang malay sa opisina niya. Inatake raw sa puso!" pareho kaming nagulat ni Lyrron sa balita.

Walang sakit sa puso si Tito. Pero kung na-sobrahan na siya sa pag-aalala kay Cassey, maaring 'yon nga ang dahilan.

xxxxxxxxxxxxxxxxxx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top