Chapter 33 - Can I Keep You?
Please play the song on the multimedia part. Kamsa~
Chapter 33 – Can I Keep You?
Cassey's POV
I stared at myself in front of the mirror. Bukod sa maputla kong complexion, hindi na rin malinaw ang reflection ko sa salaming. Parang vertically distort ang katawan ko. Hindi ko matanggap! Ganito pala 'to?
Sa sobrang inis ko ay nilingon ko si Ivo na kanina pa sa likod ko. He's beaming at me pero agad naman siyang napaseryoso nang makita ang galit kong mukha.
"I hate this!" I said with rage. Bigla siyang nag-alala. Lumapit agad siya sa akin at parang takot na takot sa sinabi ko.
"Babe? Ayaw mong maging vampira? Gusto mo bang ibalik kita sa pagiging tao?" nag-aalala niyang sabi. Parang bigla akong tinamaan ng konsensya sa pag-aalala niya. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, eh.
"Don't be so stupid, Ivo! Sa palagay mo ba gugustuhin ko pang maging tao?" I retorted.
"Then what it is? Ano ang ayaw mo sa pagiging vampira?" nag-aalala pa rin siya. Para bang takot na takot siya na ayawan ko ang pagiging vampira pero handa naman niya akong ibalik sa dati.
"This!" itinuro ko ang salamin at humarap ako dito. "Hindi ko na makita kung gaano ako kaganda! Hindi ko na makikita ang maganda kong mukha! Bakit ganito 'to?!" Hindi ko matanggap na kapag makikita ko ang sarili ko sa salamin ay isang malabo a distort version of me ang makikita ko.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Ivo saka siya lumapit sa akin. He stood behind me and snaked his arms arund my waist. He rest his chin on my shoulder saka kami parehong napatingin sa harap ng salamin.
"Hindi naman kita titingnan sa salamin lagi, eh. I'd prefer personal look," pagkasabi niya noon ay pinaharap niya ako sakanya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kahit vampira na ako may ganitong epekto pa rin sa akin si Ivo... ang pabilisin ang tibok ng puso ko. "Mahal na mahal kita, Cassey. At walang araw na hindi ko sa'yo ipapaalala kung gaano kita kamahal."
He made me speechless. Kanina lang nalaman ko ang lahat. Mahal niya ako at naramdaman ko 'yon lalo na't may connection na kami. Pero iba pala kapag nanggagaling na mula sakanya. Parang panaginip. Ilang beses ko bang pinanalangin na sana mahalin din ako ni Ivo. Pero heto siya, sa harap ko. Buong pagmamahal na pinagmamasdan ako. Mahal ko siya pero mas mahal niya ako. At wala na akong gustong hilingin pa.
"This is surreal," I said to him.
"No, babe. This is real. And we're going to face our reality together." Hinalikan niya ang noo saka ako napapikit. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Walang kapantay na kasiyahan na malamang mahal niya ako. Parang lahat nang paghihirap ko ay worth it. Kasi at last, minahal niya rin ako.
I opened my eyes and met his gaze. He lowered his head and find my lips. I let him claimed mine and without hesitations, I respond to his kisses. Our cold lips colliding and creating a heat that I never knew existed. Bursting with love and anticipation, I clung my arms around his neck and let him deepened the kiss.
"I love you," he said between my lips. "I love you so much," he said while kissing my cheeks. "I love you, forever."
That red velvety eyes that same as mine staring back at me made my knees woobly. I caress his cheeks and made a stroke down to his jawline. He closed his eyes and almost out of breath.
"Ayaw ko nang umuwi sa amin, Ivo. Huwag mo na akong ibalik sa amin," I said to him. Napatango na lang siya sa akin.
"Okay." He said beaming. Napayakap ako sakanya at dinama ko ang yakap niya. Mahal na mahal ko talaga siya at handa akong i-give up ang lahat. Everything even my luxurious life outside. Ipagpapalit ko ang lahat makasama lang ang lalaking pinakamamahal ko.
-=-
Isang linggo na rin simula nang magising ako. Sinasanay ko na ang sarili ko sa bagong lifestyle ko. Hindi kami natutulog kaya minsan, magdamag kaming nakahiga lang ni Ivo at nakatitig sa kisame habang nakaunan ako sa dibdib niya.
Pero ngayon, nandito ako sa isang Library at pinag-aaralan ang Vampire culture at history. Kasama ko si Ivo at si Cindy. Masyado nga silang close sa isa't-isa eh.
Binabasa ko ang tungkol sa iba't-ibang uri nang vampira at kung sino ang namumuno sakanila. Dito sa Vampire City, si King Aric and Queen Lorelei ang namumuno which is pamangkin pala ni Kent. May mga iba't-ibang Clan pa na iba-iba rin ang rulers. Pero dito raw sa loob ng Vampire City ay mayroon ding iba't-ibang klase ng Vampires.
Ang mga Sanguinarian daw na nasa West Part ng City ay tahimik na pinamumunuan ng babaeng vampira na nagngangalang Trinity. 'Yung mga kagaya naman daw namin na converted or Venomous ay part ng Main City. Pero may isang group daw ng mga Vampires na hindi nakatira sa Vampire City—and mga Blood suckers ruled by Lord Droko Coven.
"Ito lang ba ang mga uri ng Vampira?" tanong ko sakanilang dalawa.
"Ay mayroon pa. 'Yung Transcendals. Pero hindi naman sila mga Vampires. They're human practicing voodoo and vampire lifestyle." Sagot naman ni Cindy sa akin.
"Nasaan sila ngayon?"
"No one knows, Babe. As long as na hindi sila nanggugulo, hindi makikialam ang Elders." Ivo said to me.
"How about Sandy's brother? Saan siya nakakakuha ng mga bagay na pang-patay sa Vampira?" I asked them.
Hinawakan naman ni Ivo ang kamay ko saka ako nginitian, "There's this so called Vampire Hunters sa ibang bansa. Secret community siya at doon lumalapit si Seth para makakuha ng Silver bullet especially made to kill vampires. Pero huwag mo na 'yon isipin. As long as nandito ka sa Vampire City, hindi ka masasaktan ni Seth."
"Sweet! Kailan ba ang kasal niyong dalawa?" pareho kaming naubo ni Ivo sa tanong ni Cindy. Kasal agad? Eh nagkakaayos pa lang nga kami, eh.
"Ayaw kong madaliin ang Babe ko." Sabi ni Ivo kay Cindy tapos bumaling siya sa akin. Napangiti na lang din ako sakanya.
"Aba, kailan pa? May anak na si Theyn at Kent, dapat sundan niyo rin para may kalaro na si Baby Thyrone!"
Feeling ko nagba-blush ako but thank god maputla ako kaya hindi uso ang blush dito.
"Bakit ba kami ang minamadali mo? Ikaw muna kaya ang mag-asawa? Diba may lover ka?" sabi ni Ivo saka napangisi. Sinamaan naman siya ng tingin ni Cindy.
"Wala, ah! Joke ko lang 'yon para hindi niyo ako pagbawalan na lumabas ng portal,"
"Ayan! Lumalabas na ang totoo!" Ivo said then smirked.
"Ay, Cassey. Ano pala ang strength mo?" halatang pagche-change topic ni Cindy kaya natawa si Ivo.
"Strength? Hindi ko alam, eh." sabi ko. Totoo naman, eh. Ilang linggo ko nang inaalam kung ano ang kakayahan ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam.
"It's okay, babe. Huwag mong madaliin." Said Ivo.
"I know,"
Umalis kaming Library at iniwan na kami ni Cindy. Ayaw niya raw maging chaperon sa aming dalawa.
Habanag naglalakad kami sa sidewalk ay naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko. Lihim lang akong napangiti. Para akong teenager na kinikilig.
"Babe,"
"Hmm?" napaangat ako ng tingin at tiningala siya.
"Are you happy?" huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin.
"I am happy, Ivo." I honestly answered.
"Me, too."
Pakiramdam ko humihinto ang mundo kapag pareho naming tinitingnan ang isa't-isa. Nawawala ang mga unnecessary sound at tanging tibok ng aming puso ang maririnig.
"Can I kiss you?" halos anas niya lang na sabi. Natawa ako ng bahagya.
"Dito?" sabi ko habang hindi bumibitaw sa mga titig niya.
"Oo, dito." Sagot niya pero unti-unting nang nilalapit ang mukha sa akin. Parang wala naman akong choice humindi, eh.
Hindi na ako sumagot kasi ako na mismo ang lumapit sakanya.
The kiss was tender and full of passion. I've never been kissed like this. Pakiramdaman ko isa akong babasagin na sobra niyang iniingatan.
As much as I wanted to deepened and explore my kisses ay kailangan naming magpigil. Nasa gitna kami ng sidewalk at ayaw kong mabigyan ng label na PDA kahit 'yon naman talaga ang ginagawa namin.
"I want to keep you forever, babe. Ayaw kong mawala ka pa sa akin." He said habang magkalapat ang noo namin.
"Hindi ako mawawala sa'yo Ivo. And yes, you can keep me as long as you want."
"No, it's not as long as I want because I will always want you. I'm going to keep you 'till eternity, babe." Napatango ako sakanya. What more can I say? Masyado na akong nao-overwhelmed sa mga sinasabi niya.
Kasi kung nakakalunod lang ang mga salitang binibigkas niya, malamang kanina pa ako nalunod sa pagmamahal niya. Hindi lang puro salita si Ivo, eh. Pinaparamdam niya rin sa akin na mahal niya ako. At gano'n din ako sakanya.
-=-
A.N: Wag niyo kong babatuhin ng keso, ples! -__- Hanggang chapter 50 lang ang Cold Fangs tapos Epilogue. Maipagpapatuloy ko na ang Bloody Fangs. I, thank you.
FB: thyriza.wattpad
IG: @Thyriza
Twitter: @theRealThyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top