Chapter 32 - More than you ever know
Chapter 32 - More than you ever know
"Babe!"
Huh? Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Biglang lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita si Ivo na tumatakbo palapit sa akin. Miss na miss ko na siya.
Tatakbo rin sana ako palapit sakanya pero biglang may humawak sa kamay. Pinagsalop nito ang kamay namin kaya napatingin ako sakanya.
"Lyrron?" nakangiti siya sa akin. Puno ng pagmamahal na hinawakan niya ang pisngi ko.
"Balik na tayo sa atin, Cassey?" he said.
"Sige, pero teka lang." napalingon naman ako kay Ivo pero nakatayo na lang siya meters away from me. Dumako ang tingin niya sa kamay ko na hawak-hawak ni Lyrron saka siya napakunot noo.
Mabilis siyang naglakad papunta sa akin at pinaghiwalay niya ang kamay ko at kamay ni Lyrron.
"Tara na, babe." He gritted his teeth and glared at Lyrron.
"And where will you take her?" nagbabantang sabi ni Lyrron at kinuha ulit ang kamay ko.
"Binabawi ko na siya sa'yo!"
Lyrron scoffs and laugh sarcastically, "Hindi bagay si Cassey para baliwalain mo at kukunin mo kung kailan mo gusto!"
"She loves me at 'yon ang importante!"
"But you hurt her!"
"I did that to protect her!"
"But where did that lead you?! Mas lalo siyang napahamak dahil sa'yo!"
Natahimik si Ivo dahil sa sinabi ni Lyrron. Dahil sa sinabi ni Lyrron at Ivo pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit. 'Yung mga masasayang alaala namin ni Ivo na napalitan ng kalungkutan dahil sa pang-iiwan niya sa akin.
Napabitaw ako kay Ivo at Lyrron at napahawak sa dibdib ko. I can feel my chest is aching with pain. Pauli-ulit na nakikita ko sarili ko na nasasaktan at nahihirapan. I wanted to cry pero walang luhang lumabalabas sa mata ko. Parang binalot ng yelo ang buo kong katawan at hindi na ako makaramdam ng ano mang emosyon.
Naririnig ko ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko sila pinapakinggan. Kusa na akong lumalayo sakanila.
"Babe..."
"Cassey..."
I feel numb but it felt good. I like this feeling. Cold and emotionless...
Parang may liwanag na humahatak sa akin papunta sa kung saan. Hinayaan ko ang sarili ko na madala ng hangin at pinikit ko ang mga mata ko.
Isang katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Minulat ko muli ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang kama. Nasa gitna ako ng kama at maayos akong nakahiga. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa tiyan ko. Isang panaginip? It felt so real!
Madilim ang silid. Hindi rin pamilyar kung saan ako. Dahan-dahan akong bumangon at inapak ko ang paa ko sa malamig na sahig. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nasa ibang nakatauhan.
Tinitigan ko ang repleksyon ko sa bintana at nakasuot ako ng putting bestida hanggang tuhod. Napansin ko rin ang nagniningning kong mga mata.
Bakit ganito na ang kulay ng mga mata ko? Parang...parang kagaya kay Ivo.
Natigilan ako sa naisip ko. Ivo!
Parang sa isang iglap bumalik sa akin ang lahat nang alaala. Ang mabilis na tumatakbong kotse na minamaneho. Ang pagkakabangga ko sa isang truck at... dumating si Ivo. Niligtas niya ako.
But where am i? This isn't my house.
Naglakad ako papunta sa pintuan at pinihit ang door knob. Isang mahabang pasilyo ang nilabasan ko. Para siyang makalumang hospital. It looks creepy and cold—just like me.
"Gising ka na pala!" para akong napatalon sa kinatatayuan ko ang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakangiti siya sa akin. Isang petite na babae. Maputla, wavy ang buhok at kulay maroon ang mata niya.
"Hi, ako nga pala si Cindy! Mabuti naman at gising ka na. Dalawang linggo ka na ring walang malay, eh." masaya niyang pahayag.
"Where am i?" tanong ko.
"Hmm, nandito ka sa Infirmary ng Vampire City. Papunta na 'yon dito si Ivo. May kinuha lang siya sa condo, eh."
Parang biglang tumambol ng malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni Ivo. Nandito siya? After ng ilang months siyang nawala makikita ko na ulit siya?
"B-bakit ba ako nandito?" tanong ko. Napakunot noo ako at parang may init na bumalot sa lalamunan ko. Feeling ko dehydrated ako. Nauuhaw ako.
"Siguro mas mabuti kung si Ivo ang magsasabi sa'yo ng lahat. Teka, gutom ka na. Gusto mo ba ng maiinom?" sabi niya at agad naman akong tumango.
"Halika na. May kitchen dito, eh." hinawakan niya ang pulupulsuhan ko at naramdaman kong magkasing lamig kami ng balat.
That coldness that I only feel whenever I am with Ivo.
Nakarating kami sa isang kitchen. Pumunta siya sa isang chest freezer at may kinuhang parang packs. Isinalin niya 'to sa isang baso at ibinigay sa akin.
"Here, drink this. Maiibsan niyan ang uhaw mo," nakangiti niyang sabi.
Tiningnan ko ang laman ng baso at halos mamilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.
"D-dugo? Paiinumin mo ako ng dugo?!" halos masigawan ko siya. Nagulat na lang ako kasi natawa siya.
"Just have a sip," parang wala lang sakanya.
I stared at the cup. I know it was blood pero parang naaakit akong inumin siya. Inilapit ko siya sa ilong ko at inamoy 'yon. Parang may kakaibang aroma na gumuhit sa ilong ko dahilan para mas lalo akong mauhaw.
I dipped my index finger in the cup saka ko 'yon sinubo sa bibig ko. Halos mamilog ang mga mata ko nang magustuhan ko ang lasa nito. Para kang dinadala sa langit sa sobrang sarap nito. Without hesitations, I drink the whole cup. I licked my lip to remove the smudge.
"I knew you'll like it." Nakangiting sabi niya.
"H-hindi ko maintindihan. Why on earth I like its taste?" naguguluhan kong tanong.
"Because..." she trails off at napatingin sa likuran ko.
"I'll tell her myself, Cindy." I was stunned when I heard his voice behind me. nilingon ko siya at agad na nagtama ang mga mata namin.
"Ivo..." I said quietly. Ilang beses ko bang pinagdasal na sana isang araw makaharap ko ulit siya at hindi na lamang isang panaginip? Pero ngayon na nasa harap ko na siya, para namang nagkakabuhol-buhol ang mga salita sa bibig ko. Natatameme ako.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kagaya sa panaginip ko kanina, hinawakan niya ang kamay ko. Iginiya niya ako palabas ng kitchen at pumunta kami sa labas ng Infirmary.
Sa harap ng Infirmary building ay isang garden. Maliit lang ang garden but it looks enchanting. Ang nag-iisang puno sa malapit sa entrance at napapalinutan ng maliliit na bulaklak. May lumilipad din na fireflies kaya nagmumukhang Christmas lights.
May swing naman sa gilid ng garden and it was made of wood that has veins all over it. Doon kami pumunta ni Ivo. Naupo siya doon at sumenyas na tumabi ako sakanya pero hindi ko siya sinunod.
"Tumabi ka sa akin," sabi niya pero umiling ako.
"Tatayo na lang ako," sabi ko. Parang hindi na ako sanay na kausapin siya. Parang biglang lumayo ang loob ko sakanya na dati halos itapon ko na ang sarili ko sakanya.
"I want you to sit beside me, Cassey. So do as I say." His reprimanding voice was intimidating and I ave no choice but to obey. Kahit kasi gusto kong umaya parang hindi ko kaya. It was as if he has the power to control me.
Parang bata na sumunod ako sakanya. Naupo ako sa tabi niya pero hindi ko hinayaan na magdikit kami.
"W-why am I here, Ivo?" tanong ko.
"I am going to tell you everything but I want you to understand me. Can you do that, Cassey?" he said. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko. Sanay talaga akong Babe ang tawag niya sa akin, eh.
"I'll try," sagot ko sakanya.
Hinintay ko siyang magsalita pero nagulat ako kasi pinaharap niya ako sakanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Ilang beses akong napakurap. Palapit siya ng palapit at hindi ko naman magawang umatras kasi maliit lang ang inuupuan namin at baka mahulog pa ako.
"I-Ivo... anong ginagawa mo?" naguguluhan kong sabi. Instead of answering me ay dumako ang mukha niya sa leeg ko. Hinawi niya ang buhok ko at naramdaman ko ang malalamig niyang labi sa leeg ko.
Mag-sasalita sana ako para sawayin siya pero bigla ko na lang na naramdaman na bumaon ang ngipin niya sa leeg ko.
Napaliyad ako sa kakaibang sensasyon na dulot ng kagat niya. Napapikit ako at parang may mga dumaang imahe sa alaala ako. Mga bagay na gusto niyang sabihin at kinikimkim niya sa loob niya. Parang nagkaroon kami ng connection. Nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Naiintindihan ko na ang gusto niyang ipaintindi sa akin. At naliliwanagan na ako sa mga bagay na gusto niyang ipaliwanag sa akin.
"Lalayuan ko si Cassey kasi mahal ko siya! Ayaw ko siyang mapahamak!"
Lahat ng bigat sa dibdib ko ay parang dumagaan. Habang tumatagal naiintindihan ko siya. Ang sama ng loob na tinatago ko sa loob ko dahil sa pang-iiwan niya sa akin ay unti-unting nawawala.
"Matagal na akong nakapag move on sa'yo Theyn."
Nakita ko pa ang sarili ko na nalulunod at ang akala kong si Lyrron ang nagligtas sa akin ay hindi pala. It was him. Iniwan niya ako sa gilid ng pool kasi narinig niyang paparating si Lyrron. At kahit kailan hindi niya ako iniwan. No'ng akala kong wala na siya ay nasa paligid lang pala siya—silently protecting me.
"Don't hurt her. Huwag mo siyang idadamay dito!"
From Kuya Seth. Gusto akong gamitin ni Kuya Seth para mapatay niya si Ivo. Nakita ko kung paano ako protectahan ni Ivo. Nasa Bicol ako kasama ko si Lyrron. Nakita ko na gusto akong barilin ni Kuya Seth pero pinigilan ito ni Ivo. Nag-away sila that led Kuya Seth to hospital.
Masyado akong na-o-overwhelmed sa mga nalalaman ko. Hindi ko man lang alam na ganito pala ang dahilan ni Ivo.
Si Kuya Seth din pala ang may dahilan kung bakit muntikan na akong mamatay sa isang car accident. Ang alam pa ng family ko ay kinidnap ako ni Ivo.
"Nalaman ng mga taga Infirmary na hindi ordinaryong lason ang nalanghap ni Cassey. It has the essence of a blood from a venomous vampire."
"Sinasabi mo bang mamamatay siya?!"
"N-no! Hindi siya mamamatay. Cassey won't die because... because the poison inside her body is gradually turning her into a... vampire."
Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. I'm a vampire by accident.
"We test every venomous vampire's blood kung kanino matched ang dugo na 'yon. At walang iba kundi sa'yo. It was your blood, Ivo."
Habang hinihintay nila akong gumising ay binabantayan lang ako ni Ivo. Oras-oras niya akong chine-check kung ayos lang ba ako.
"Paano kung ayaw niya pala na maging vampira? Ibabalik mo ba siya sa pagiging tao?"
"Oo. Hindi ko siya puwedeng ikulong sa isang bagay na ayaw niya. Mahal na mahal ko si Cassey. At kung nakapag move on na siya sa akin... buong puso ko siyang pakakawalan. Hindi naman kasi malabong magkagusto si Cassey kay Lyrron, eh. Mahal siya no'ng tao, at walang duda 'yon."
Dahan-dahan naramdaman kong hinuhugot ni Ivo ang pangil niya sa leeg ko. Para akong nanghihina sa mga bagay na nalaman ko. Nanatili siyang nakayakap sa akin habang ako ay iniipon ang lakas para makaharap sakanya.
"I'm so sorry. Alam kong ilang beses kitang sinaktan. Sana mapatawad mo ako," bulong niya sa akin. Bumitaw siya sa akin at tiningnan ako—mata sa mata.
Magkapareho na kami ng kulay ng mata. Makasing lamig na rin kami ng balat. Kahit maraming nagbago, isa lang ang alam kong hindi mababago. Ang nararamdaman ko para sakanya. Alam kong sinabi ko sa sarili ko na nakalimutan ko na siya. Pero alam ko sa sarili ko na hindi mawawala ang pagmamahal na 'yon. Nakatago lang siya—naghihintay.
"Mahal na mahal kita, Babe."
Lihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Gusto kong ulit-ulitin niya 'yong sabihin. I want to hear him calling me Babe. I want his assurance na mahal niya talaga ako. Pero sapat na ang mga nalaman ko. Hindi niya kailangan ng mga punch lines para kiligin ako sakanya.
"Hindi ka ba galit sa akin na isa kang vampira dahil sa akin? Gusto mo bang ibalik kita sa dati?" nag-aalala niyang sabi. Hindi ulit ako kumibo. Natatakot akong baka masira ang moment na 'to kung magsalita ako.
"Babe, magsalita ka please." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi mo ba ako namiss?" naglalambing niyang sabi.
Napasimangot ako sakanya na mas lalong ikinaalarma niya.
"Gago ka ba?! Halos mamatay-matay na ako no'ng nawala ka tapos tatanungin mo ako kung namiss kita?!" I retorted.
He let out a loud chuckle saka ako kinabig palapit sakanya.
"That's my babe. I missed you, too. More than you ever know..."
—-
I'm still under Captain America's spell kaya puro cheezy-corn 'tong update. Sorreh na. Kinikilig kasi talaga ako sa biceps ni Chris Evans, eh. ^___^ Hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top