Chapter 29 - Accident
Chapter 29 – Accident
Isang linggo na rin ang nakalipas. Back to my normal busy world. Nakabalik na rin si Lyrron at kagaya ng sinabi niya, nililigawan niya nga ako.
Ewan ko nga kung ako ba talaga ang nililigawan niya o ang mga babaeng empleyado dito sa kumpanya. Eh mas kinikilig pa sila sa akin. Mas naririnig pa ni Lyrron ang tili nila kesa sa akin. Don't get me wrong. Hindi ako tumutili. Mawawala ang reputasyon ko 'no.
"Ms. Cassey, heto na po ang official list ng mga bibigyan ng invitation for the event." Ibinigay sa akin ni Leni ang lista at pinasadahan ko lang siya ng tingin.
The said event is for our annual auction for cause na magaganap 2 weeks from now.
"Nakita na ba 'to ni daddy? Baka mayroon siyang gustong idagdag." Sabi ko naman.
"If ever daw pong may mga idadagdag kasama na 'yon sa allowance na binigay na number of guest." She said. Napatango-tango lang ako.
"Hmm, okay." Napatingin naman ako sakanya. "Do you have anything to wear? Formal diba?" I said. Kahit naman secretary ko lang 'to si Leni eh ayaw ko naman siyang magmukhang pucho-pucho sa event na kasama siyang nag organized.
"Mayroon naman po siguro akong mahahanap sa damitan ko," nakangiti niyang sagot sa akin.
"Ah talaga? Ano? Slacks and longs sleeves? It's an event. After ng auction ay party. Hindi ka puwedeng pumunta na ganoon ang suot." Sabi ko. Nakagat naman niya pang-ibabang labi niya tapos napaiwas ng tingin.
"Mamaya sumabay ka sa akin pumunta sa penthouse. Marami akong gown na maipapahiram sa'yo." Her eyes widen at parang hindi makapaniwala na lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko.
"T-talaga po? Hindi po kayo nagbibiro?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" tinaasan ko siya ng kilay at napailing-iling naman siya.
"Naninigurado lang po, Ms. Cassey." Nakangiti niyang sabi.
"Go back to your work. Marami pa akong aasikasuhin." I said.
"Opo...opo!" she said tapos lumabas ng office. Ibinalik ko naman ang attention ko sa monitor at nagbabasa ng emails.
Narinig kong bumukas ulit ang pinto. Istorbo talaga 'to si Leni.
"Diba I told you na ayaw kong—" napahinto ako sa pagsasalita ang makita ko si Lyrron na nakatayo sa harap ng table ko. "And what are you doing here?"
"Binibisita ko lang girlfriend ko," he shrugs. Muntik na akong masamid sa sinabi niya.
"Girlfriend?! At kailan naman kita sinagot?!" pagtataray ko sakanya. Bilib na talaga ako sa self confidence ng lalaking 'to. Lvl9999.
He laughed at parang amuse na amuse sa nangyayari. "Ang sungit mo sa akin lagi. Parang naniniwala na ako sa the more you hate, the more you love na kasabihan."
"Don't flatter yourself, Candilaria." Irap ko sakanya.
"I have a question," naupo siya sa silya na naka-pwesto sa harap ng table ko. Napatingin ako sakanya at hinintay siyang magsalita muli. "What's your favorite color?"
"Why?"
"Nothing. I just don't know what color you like. It feels weird na hindi ko alam ang paboritong kulay ng babaeng nililigawa ko." She shrugs. Napatango naman ako sakanya.
He's right. Konti lang ang mga bagay na alam namin sa isa't-isa. Kung may aso ba siya sa bahay niya? Sinong first love niya, o kagaya ng tinatanong niya—ano ang paborito niyang kulay.
"Red," I utter.
"Huh?"
"My favorite color is red. How about you?"
"Me? Navy blue." He said smiling.
"Hmm," tumango lang ako sakanya.
"Mamaya pala ihahatid kita pauwi," he said as if a have no choice.
"Dala ko ang kotse ko. I can't just leave it in the parking lot." I said to him. Napabuntong hininga naman siya at parang walang kakayahan na kontrahin ang sinabi ko.
"Alright, pero bukas susunduin na kita para hindi ka na magdala ng kotse."
"Lyrron, manliligaw pa lang kita, you're not my boyfriend." I snap at him pero nginitian niya lang ako.
"Not yet. At paano kita mapapasagot kung hindi kita nakakasama? Gusto ko lagi kitang kasama. Gusto kong masigurado na ligtas ka, so please huwag mo sana akong pagbawalan na gawin 'to."
I was touched by his words. I am flattered that finally, someone cares for me. Na hindi ko na pala kailangang magmakaawa at halos magmalimos ng pag-ibig para magustuhan ako ng isang lalaki.
Whom I am kidding anyway. Of course because Lyrron is human and Ivo is what? A vampire. That's maybe the reason why I have no effect on him or whatsoever. And oh, right! Hindi nga pala ako ang tipo niyang babae kaya ayun, he's just vanished.
Pero bakit ko nga ba siya iniisip? He's not worth thinking for. Tanggap ko na. Kaya nga heto ako, balik sa dati kong buhay.
Normally nag-a-out ako sa office ng 5PM pero this time, halos 7 in the evening na pero nandito pa rin ako sa office dahil sa work load. Ang daming changes sa upcoming event na mangyayari. At dahil sa akin pinagkatiwala ni dad itong event na 'to, kaya kailangan kong gawin ang lahat to make them realize na hindi ako basta-basta.
"Ms. Cassey..." tawag sa akin ni Leni at nakasilip siya sa pintuan. By the looks of her, I know she's worried.
"Ano?" I said while reading some reports.
"Tumawag po 'yung hotel na pagdadausan ng event. They're asking kung puwede raw i-relocate ang event since 1500 pax lang ang kayang i-accommodate ng biggest function hall nila."
"What?!" irritable kong sabi.
"Dagdag po kasi tayo ng dagdag ng bisita sa guest list kaya 2100 pax po ang invited including the media. Sabi po ng event coordinator sa hotel, they will refer us to their sister hotel na may bigger pax capacity."
"So they're not cancelling? They're just going to relocate the event?" paglilinaw ko. Less than two weeks na lang kasi at hindi na kakayanin kung magpapalit pa ng lugar. Besides, na-print nang lahat ng invitation.
"Yes po."
"Alright. Just make sure na hindi magkaka-problema. Tell the printing press na may babaguhin tayo sa invitation. We need to send those invitations as soon as possible. Got it?"
"Yes, Ms. Cassey."
Napasandal ako sa swivel chair ko at inunat ko ang likod ko. Haay, nakakapagod. Not just physically but as well as mentally. Parang feeling ko makakatulog agad ako mamaya. Gutom na nga rin ako, eh. Gusto ko sanang pumunta sa kalapit na restaurant pero wala si Lyrron para samahan ako. May dinner meeting siya kasama sila daddy at iba pang board of directors.
Napatayo ako at dumungaw sa over-looking window glass panel. Traffic and city lights ang natatanaw ko. I cringe my nose when I realize how heavy the traffic is. Thank god at hindi ko kailangan mag commute, baka ikamatay ko ang usok sa labas.
Napabalik ang tingin ko sa working table ko when I heard my phone rings. Dali-dali ko naman 'tong ni-check. A missed call and a message. Unknown number siya kaya binasa ko na lang ang text message.
Nakatulala lang ako habang paulit-ulit kong binabasa ang nasa screen. My heart is pounding eratically that I thought I would never feel this over him.
Nasa parking lot ako. It's me, Ivo.
Nanlalamig ang mga kamay ko at feeling ko nawalan ako ng lakas. Do I have the strength to face him? Why now? What does he wants from me? Why did he come back?
Wala sa sariling napatayo ako pero nakatulala sa may pintuan habang nagdadalawang isip kung pupuntahan ko siya.
My god! Nasa baba lang siya! Kaunting lakad lang at magkikita ulit kami.
My heart says go but my mind says stop. Pero mas nananaig ang kyuryusidad ko sa katawan ko I decided to see him. There's no harm on trying.
Lumabas ako sa office at halos hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Leni. I've never been so anxious. Parang pinipilipit ang tiyan kong ewan. Nakakainis kasi sakanya lang ako may epektong ganito.
Nakarating ako sa parking lot kung saan nag-iisang nakapark ang kotse ko. Napalinga-linga ako at wala namang Primotivo sa paligid. Only manong guard standing few feets to me.
"Manong, have you seen a guy waiting for me here?" I asked our security guard.
"Ms. Cassey kayo po pala. Wala naman pong ibang tao dito bukod sa akin." Magalang niyang tugon sa akin.
"Gano'n po ba?" dismayado kong sabi.
Tiningnan ko ulit ang text message sa phone ko. Tama naman ang pagkakabasa ko. Hindi naman ako nagha-hallucinate.
"Bwesit!" I mumbled! Nauto ako! For the nth time nauto niya ako or kung sino man ang nag text nito sa akin.
Tumunog ulit ang phone ko at isang text message nanaman ang dumating from the same number.
You're still beautiful even I'm far from you. But I would love to see your pair of tantalizing eyes, Cassey. See me at Green Le Parque. I'll wait for you there. –Ivo
Napalinga-linga ako sa paligid. Nandito siya! Nakita niya ako!
Walang pagdadalawang isip na sumakay akong kotse. Malayo ang Green Le Parque na sinasabi niya pero wala akong pakialam. If he wants to see me, either do I.
I drove recklessly. Marami akong shortcut na dinaanan para makaiwas sa traffic. Ilang kotse ba ang in-over take-an ko sa pagmamadali.
And yes, I'm hella excited to see him. To talk to him or whatever he wants to say to me. Hindi na rin naman ako nag-e-expect na gustuhin niya ako, eh.
Nasa isang diversion road na ako at alam kong ilang kilometro na lang makakarating na ako sa paparoonan ko.
Malayo pa lang may nakita akong papatawid na kotse sa intersection ko nag brake ako ng konti. Pero paulit-ulit ko nang inaapakan ang brake pero mas lalong bumilis ang andar ng kotse ko.
Napakunot ako at the same time kinabahan. Nawawalan ng control ang manibela at para siyang na loose thread.
"Sh1t!" nagpapawis na ako nang malamig. May makakasalubong akong ten wheeler truck and there is no way na kaya ko siyang iwasan.
My hands were already sweaty and trembling. Hindi na rin ako makapag-isip nang maayos.
Light struck me as the head light of the truck fast approaching me. A sudden quick flashback came into me. Totoo pala 'yon. Na kapag nasa bingit ka na raw ng kamatayan... bigla mo na lang makikita ang mga pangyayaring mahalaga para sa'yo.
Binitawan ko ang manibela at hinarang ko ang dalawang braso ko sa mukha ko. I heard a loud horn before I could feel the impact of the truck hitting my car.
Pakiramdam ko nag slow motion ang lahat. Kita ko kung paanong dahan-dahang winawasak ng truck ang unahan ng kotse ko. I felt helpless at wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang.
Bago pa man mabasag ang windshield nang sasakyan ko ay naramdaman kong may humigit sa bewang ko. Sa sobrang gulat ko ay napamugalat ako. I tear escaped on my eye.
"Ivo..."
Everything went slow and dark.
—-
Hi guys! May *ehem* ipo-promote *ehem* lang sana ako. New story ko. My most provocative story of all time. Charaught! Wahahaha. Basta for young adults 'to. The Betrayal ang title. Dati ko na siyang pinost dito pero hanggang chapter 1 lang dinelete ko agad. Pero dahil marami-rami nang chapters ang nagawa ko sa draft kaya pinost ko siya ulit. :) Sana basahin niyo kahit hindi siya vampire. :))
Dun pala sa mga reader ko na nagsa-suggest ng meet up, sorry guys hanggang drawing lang ata 'yon. Unang-una, nasa Bicol ako. Pangalawa, kung pupunta akong Manila para sa meet up, paano naman 'yung mga tiga ibang lugar na hindi makakapunta. Kung kasing yaman ko lang siguro si Kent at baka nilibre ko kayong lahat ng pamasahe with board and lodging pa. xD
Pero eto lang ang sigurado ko... by hook and by crook pupunta ako sa concert ng BIGBANG! \\^___^// Isasakripisyo ko ang isang buwang sahod para sa pinakamamahal kong si TOP!!!! May kasama o wala basta may dala akong camera! xD
#VIPFOREVER
-Ate Thy.💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top