Chapter 28 - True friend

Chapter 28 — True friend

Pabalik na kami ni Lyrron sa bahay after he confess his feelings for me. Pakiramdam ko ang haba ng buhok ko.

"Good night, Cassey." Nakangiting sabi sa akin ni Lyrron nang makapasok akong kwarto ko. Nasa labas lang siya ng pintuan at hindi natatanggal ang mga ngiti sa labi niya.

"Good night, Lyrron." Kinakagat ko ang laman sa loob ng bibig ko dahil na rin sa hindi ko kayang itago ang ngiti ko. Sa totoo lang kasi, kinikilig ako. Ewan ko ba. Para akong teenager dito.

"U-uhh, sige. Magpahinga ka na," napakamot siya sa batok niya at parang nahihiya. Ang cute niyang tingnan. Sinara niya ang pintuan at naupo naman ako sa kama.

A blinking light caught my attention. 'Yung phone ko. Agad ko naman itong kinuha.

Mga message galing kay Sandy at 'yung iba kay Leni.

I was reading Leni's message nang biglang mag-ring ulit ang phone ko. Si Sandy tumatawag.

"Hello, Sandy." Nakangiti kong sabi. I was expecting na titili siya as soon as she heard my Hello pero narinig ko lang siyang tumikhim sa kabilang linya.

"Cassey..." she said very low. Parang ang tamlay ng boses niya at hindi ako sanay.

"Sandy, may problema ba?" agad kong tanong. I may be bitch pero sensitive akong tao. Alam ko kung nasa mood ang kaibigan ko o wala.

"C-Cassey, nasa hospital ang kuya ko. He's in critical condition at hindi ko alam ang gagawin ko. I can't contact my dad and..." she stops and started sobbing.

'Yung sayang nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng lungkot. May problema ang kaibigan ko at wala ako sa tabi niya. Nagsasaya ako dito samantalang depress ang kaibigan ko.

"Shhh, tama na. Pupuntahan kita." Sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sakanya para maging okay siya. Hindi naman kasi ako sanay na nagkakaganito siya. At kahit kailan, hindi ko naisip na pinanganak ako para magsabi ng mga comforting words. Sanay ako sa pagbi-bitch ko at gano'n din si Sandy.

"S-saan ka ba?" she said.

"N-nasa Bicol kasi ako. Pero pupuntahan kita diyan. Magpapa book ako ng flight." Sabi ko.

"You will do that?" parang bata niyang sabi. Bahagya akong napangiti sakanya kahit hindi niya nakikita.

"Of course!"

"Pero gabi na. Okay lang kung bukas ka na lang bumalik."

"But you need me. Be strong, okay? I need to hang up. Magpapaalam pa ako kay Lyrron." Sabi ko.

"You're with Lyrron?" she seems surprised. Hindi ko man lang kasi nasabi kay Sandy na pupunta akong Bicol with Lyrron kasi nga unplanned 'to.

"Yeah. Medyo long story pero hindi na importante 'yon."

"Alright, I'll wait for you."

"Bye."

Agad akong lumabas ng kwarto when I ended my call with Sandy. Pumunta ako sa kwarto ni Lyrron adjacent to my room.

Napaiwas lang ako nang tingin nang tumambad sa akin ang topless na Lyrron. Naka-tapis lang siya ng ng navy blue towel at medyo wet pa ang hair.

"Yes, Cassey?" kahit hindi ako nakatingin sakanya ramdam ko ang ngisi sa boses niya.

"A-ah, ano." Nakagat ko muna ang pang-ibabang labi ko bago ako naglakas loob na salubungin ang mga titig niya. Okay, Cassey. Kaya mo 'to. It's just Lyrron.

"Yeah?"

"Sandy called me at naaksidente raw si Kuya Seth. I'm sorry, Ly. But I need to go back to Manila immediately." Derederetso kong sabi at iniiwasan na magbaba ng tingin.

"T-that's...unfortunate." Malungkot niyang sabi.

"Ilang oras ba ang biyahe kung eroplano? I really need to see her. Kawawa naman si Sandy." Sabi ko sakanya. Napabuntong hininga naman siya saka ngumiti sa akin ng tipid.

"45 minutes ang biyahe pabalik Manila. Pack your things, magbibihis lang ako." He said. Tumalikod siya pero agad kong hinigit ang braso niya.

"Thanks, Ly." Sincere kong sabi.

"Anything for you," he beamed.

Mabuti na lang at hindi ko pa pinanlabas ang mga damit ko sa maleta kaya kaunting gamit lang ang inayos.

Nagpaalam naman kami sa grandma ni Lyrron na aalis na ako kasi may emergency. Gusto pa nga sanang sumama ni Lyrron pero sinabi kong 'wag na at mas kailangan siya ng grandma niya.

Mabuti nga at may flight pa pero maghihintay ako ng isang oras kasi 10 in the evening a flight.

"Here, I bought you a burger. Alam kong gutom ka na." sabi niya saka inabutan pa ako ng mineral water.

"Thank you," I said quietly.

"Are you sure na ayaw mo akong sumama? Kahit ihatid lang kita kay Sandy tapos babalik na ako." Sabi niya. Hinawakan ko naman siya sa kamay.

"Huwag na. Besides, sobrang abala na ang nagawa ko sa'yo. Wala naman nga ako dapat dito in the first place, eh. Don't worry about me." I assured him.

Hinatid naman niya ako sa departure area nang tawagi ang flight ko. He gave me a tight hug bago ako tuluyang umalis.

Sandy's POV

Tanging tunog lang ng hospital apparatus ang naririnig ko sa loob ng ICU. Lagi akong nakatingin sa ECG at baka bigla na lang maging deretso ang line.

Kanina ko pa tinatawagan si daddy pero hindi naman sumasagot. Kaya nagpapasalamat ako kay Cassey na kahit nasa Bicol siya with Lyrron ay pupuntahan niya pa rin ako.

"Ms. Sandy, pinapatawag niyo raw po ako?" napatingin naman ako sa lalaking nasa pinto. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko siya. He's my brother's right hand at gusto ko umamin siya sa akin. I know he told me na may kinalaman si Ivo kaya nagkaganito si kuya. Pero ayaw kong basta-basta maniwala. Kahit galit ako kasi nangyari 'to sakanya, ayaw kong lamunin ako ng galit. I still want to be open minded.

Lumabas akong ICU at sinara ko ang door. I leaned to the wall saka ako humalukipkip sa harap niya.

"You tell me the truth. May kinalaman ba talaga si Ivo dito?" I sternly stared at him. Pilit niyang iniiba ang mga tingin niya pero hinuhuli ko naman agad 'to.

"M-Ms. Sandy..."

"Sasabihin mo ba sa akin o gusto mong ipabugbog kita sa mga kasamahan mo?!" pagbabanta ko. He flinched with my words kasi alam niyang kaya ko 'yong gawin.

"M-may kinalaman po—"

"Sandy!!" pareho kaming natigilan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Cassey.

She was half running and from the looks of her, halatang nagmadali siya. Parang 'yung lahat nang bigat na nararamdaman ko ay nawala dahil sa effort na binigay niya sa akin. Cassey is really my true friend.

"We'll talk later. Makakaalis ka na," Sabi ko saka bumaling kay Cassey na papalapit sa akin.

"Sandy, kumusta na si Kuya Seth?" she asked. Napangiti lang ako sakanya ng tipid. Naupo kaming dalawa sa waiting area sa labas lang ng ICU.

"Hindi ko masasabing okay na siya lalo na't wala pa siyang malay," malumbay kong sabi. She just stared at me with pity.

"Ano bang nangyari sakanya?" nag-aalala niyang tanong. I thought for a second. Tama bang sabihin ko sakanya na may kinalaman daw si Ivo?

"I really don't know," I said. Totoo naman, eh. Besides, wala pang ebidensya na si Ivo nga ang may kinalaman dito. Hindi ko rin alam kung tama bang banggitin ko ang pangalan ni Ivo sa harap ni Cassey. Ivo is the reason na halos mabaliw 'tong kaibigan ko. Lyrron and I was there at sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Ivo sa kaibigan ko. Whatever his reason is, hurting my bestfriend is not an opt.

"He'll be fine. Matapang 'yan si Kuya Seth, eh." she said encouraging me. Napatango lang ako sakanya.

"Sana nga..."

Cassey's POV

Pansalamtala akong umuwi dito sa penthouse. Ayaw ko sana pero pinilit ako ni Sandy. She wants me to rest dahil alam niya raw na wala pa akong pahinga which is true.

I called dad at sinabi kong nakabalik na ako. He said I could use my remaining leave of absence as a vacation for myself para masamahan ko si Sandy.

Penthouse at hospital lang nga ang deretso ko sa tuwing aalis akong bahay. Lagi akong nasa tabi ni Sandy. Naiinis nga ako sa daddy niya at hindi namin ma-contact. I mean, what kind of father he is. Ang daddy ko kahit 'yan bakla, hindi niya magagawang mawalan ng contact sa akin. Noong nasa Colorado pa ako, kahit hindi ako nagrereply sa mga text message niya, alam kong kinukumusta niya ako kay Leni.

3rd day na namin sa hospital at ako ang nagbabantay kay Kuya Seth. Wala na siya sa ICU pero wala pa rin siyang malay. May nga nakakabit lang na apparatus sa katawan niya.

I was sitting next to his bed while scanning an out-dated magazine from the hospital when I saw his index finger moved. Napakurap ako at sinugurado kong tama nga ang nakita ko. Naulit 'yon and this time hindi lang daliri niya ang nakita kong gumalaw, napapaungol din siya at parang may masakit sa katawan niya.

I immediately press the emergency button directly to the nurse station. Gumagalaw ang katawan niya as if he's in great pain. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakadilat na ang mga mata niya at nakatingin sa akin ang matatalas niyang mata.

"Cassey..." he said hoarsely. A little grin crept on his face. Para bang wala sakanyang nangyari.

"K-Kuya Seth... mabuti naman at gising ka na. Matutuwa si Sandy kapag bumalik siya." I said trying to calm myself.

"Alam mo ba kung sino ang may gawa nito sa akin?"

"S-sino?" nakakunot noo kong tanong.

"Si Ivo ang—" natigilan siya sa pagsasalita nang pumasok ang mga nurse sa kwarto. Napalayo ako kay Kuya Seth at timing naman na dumating si Sandy.

Masaya si Sandy pero bakit gano'n? Bakit hindi ko magawang maging masaya para sakanya? Alam kong masama ang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa... pero hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip na sana hindi na lang nagising si Kuya Seth.

T'saka, bakit niya ba binanggit si Ivo? Ano'ng kinalaman ni Ivo dito?


——-


Hi there, fangers! (ayan nanaman sa fangers si ate Thy eh hindi nga magandang pakinggan!!) May tanong lang ako... or more like suggestion. About sa book cover ng MKiSF.

Ano sa palagay niyo ang nababagay na ilagay sa book cover niya (yung published version) hindi naman kasi pwede yung gwapo at hot na pagmumukha ni Daniel Henney, eh. I need some idea.

At nga pala, malapit na nilang ilabas ang part 2 ng Vampire City. Baka this May. Sa mga nabitin sa part 1, bili kayo, ah? May libreng kiss kay Drake! Bakit hindi kay Hansel? Magagalit si Ingrid. >_<

If maunang ma-publish ang KMiSF sa Vampire City: DefinitelyNYOVS, makakaasa kayo na hindi kayo mawawala sa story (kasi diba side story lang dati ang MKiSF ng VCDNYOVS). Marami akong binago at dinagdag na scene. Iba rin ang epilogue at may bonus chapter siya. Same story mas pinaganda lang. *wink*


-Ate Thy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top