Chapter 27 - My love will be worth it
Chapter 27 – My love will be worth it
“Cassey…”
“Hmmm,”
“Gising na…”
“Inaantok pa ako…” tinakpan ko ng unan ang mukha ko sa pang-iistorbong ginawa ni Lyrron. Napuyat ako kagabi dahil sa mga kung ano-anung laro ang ginawa namin.
“May pupuntahan tayo… gusto mo bang mapag-isa dito?” he said dahilan para mapabalikwas ako.
“I don’t want to be alone in this huge… old house of yours.” Bumangon na ako saka kinapa ng paa ko ang slippers ko. Agad akong dumeretso sa tukador na may malaking salamin and guess what… luma din ‘to. Huwag lang sanang may magpakita sa salamin na ‘to at baka mabaliw na ako.
Napatingin ako sakanya sa may salamin at nakatitig lang siya sa akin ng mataman. Problema niya? Ginigising niya ako tapos ngayon tulala siya diyan?
“Quit staring!” pagsu-suplada ko. Agad naman siyang napaiba ng tingin saka tumikhim.
“I-I’ll wait for you in the living room,” he said tapos tumalikod siya. Pero bago siya makalabas ay nilingon niya ako saka ngumiti. “Wear something… rugged.” He said saka tuluyang lumabas.
Napakunot noo naman. Rugged? Saan naman kaya kami pupunta?
NOW I understand why he wants me to wear a rugged. Pasalamat na lang ako at nagdala ako ng jeans and blouse just in case.
Nandito kami sa isang malawak na rice fields. Dumaan kami sa likod ng bahay nila. May malaking gate doon at dinaanan muna namin ang kakahuyan na puro mangga at coconut tree. Ilang metro lang ay ang sakahan na at may mga nagta-trabaho doon.
May mga nipa hut naman na nakatayo na tambayan daw ng mga trabahador kapag nagpapahinga. Sinuot ko ang sunglass ko dahil sa sobrang silaw ng sinag ng araw.
“Parang mini hacienda, ano?” I said nang maupo kami sa bakanteng Nipa Hut. May dalang basket si Lyrron na may laman na breakfast daw namin. Inihanda niya sa mesa na yari sa kawayan ang pritong tinapa, scrambled egg, kamatis na may sibuyas, friend rice at maliit na termos na may lamang hot choco.
Para naman akong natakam sa mga nakita ko kaya tinulungan ko na siyang maghanda.
“Hindi ako nagdala ng kutsara at tinidor. Okay lang ba sa’yo kung magkakamay tayo?” he said.
“Oo naman!” kinuha ko ‘yung plato saka nagsalin ng pagkain dito.
Ang sarap talaga kapag nasa probinsya ka. Hindi processed food ang hinahanda kapag breakfast. Tapos hindi mo iisipin kung madami kang nakain kasi healthy naman ang mga kinain mo.
“Ang dami nitong pagkain. ‘Buti at kasama kitang kumain. Alam mo kasi si Ivo noon hindi naman ako sinasaluhan sa pagkain. Tsaka…”
Natigilan ako sa pagsasalita. Nawalan ng preno ang bibig ko at bigla ko pa siyang naalala. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa puno ng mangga. Bakit ko ba siya naalala? Hindi ko na siya naiisip, eh.
“I’m sorry,” I said to him habang nakagat ang pang-ibabang labi.
Sa totoo lang, tanggap ko na na hindi kami para sa isa’t-isa ni Ivo. Tama na ‘yung ilang buwan na pag-iyak sakanya. I’m moving on… and I’m almost there.
Ngumiti naman sa akin si Lyrron at parang sinasabi na okay lang.
“You don’t have to apologize. He’s your ex kaya maalala at maalala mo pa rin siya kahit anong mangyari.” He said beaming.
Napatulala lang ako sakanya. Nag-angat naman siya ng kamay at hinawakan ang gilid ng labi ko.
“May kanin,” sabi niya. Napaupo naman ako ng deretso at pinunasan ang bibig ko gamit ang likod ng kamay.
“K-kain pa tayo. Dapat ubusin natin ‘to. Sayang, eh.” pag-iiba ko ng usapan. Napatango naman siya sa akin.
“Dapat lang. Ako nag-luto nito, eh.”
“Talaga? Eh madali lang naman kasi mag-luto nito, eh.” sabi ko saka lumabi sakanya. Natawa naman siya sa akin.
“When I was in America, I cook my own food. I’m not really fond of buying foods outside.” He said. I agree with him. Tsaka walang kanin sa America. Nakakaumay din naman kung puro pizza and burger.
“I think man who can cook is sexy. Just saying,” I shrugged.
“So you find me sexy?” he mischievously grins at me.
“I said in general. I’m not pertaining to you.” Irap ko sakanya habang natatawa.
“Parehas na rin ‘yon.”
After we ate breakfast, iniikot namin ang lola ni Lyrron sa buong farm habang nakasakay sa wheelchair.
Hindi ko alam na sobrang lawak pala ng lupain nila. bukod sa manggahan at sakahan, mayroon din silang poultry farm at mga baka.
“Bukas iiikot kita sa ciudad.”
“Eh bakit hindi pa ngayon?” tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa lumang bahay.
“Because we’re going to spring.”
“Spring? As in bukal? Saan naman?” excited kong tanong.
May tinuro naman siya sa dulo ng sakahan.
“May gate diyan, bababa tayo. Medyo mabato at makahoy tapos bukal na. Part pa rin ‘yon ng lupain tsaka minsan doon naglalaba ang mga asawa ng trabahador namin.” he said.
“Ngayon na ba?” I asked.
“Mamayang gabi,” napataas naman kilay ko sa sinabi niya.
“At bakit naman gabi?” he laugh wholeheartedly at parang nakarinig ng bentang joke.
“I’m not going to rape you if that’s what you’re thinking.” Tawang-tawa niya pang sabi.
“H-hindi ako niyang nag-iisip!” I scowled at him.
“Haay naku! Ikaw talaga.” Inakbayan niya ako saka kami naglakad ulit.
Sandy’s POV
“Ano kamo?! Nasaan si Kuya?!” nanginig kong tanong sa isa sa mga maid.
“Nasa hospital po. Sabi no’ng mga bodyguards niya, nasa kritikal daw pong—“
“What hospital?!” sabi ko habang nagmamadaling nilalagay ang wallet at phone sa bag.
“Sa St. Lukes daw po, ma’am.”
Lumabas akong kwarto ko at sumakay sa kotse. Hindi na ako nagpahatid sa driver.
Sobra akong nag-aalala para sa kuya ko. Kahit naman parang may saltik ‘yun sa utak mahal na mahal ko ‘yon at hindi ko kakayahin na may mangyaring masama sakanya.
Nakarating ako sa hospital at nakita ko agad sa labas ng emergency room ang mga kasa-kasama niyang lalaki.
“What happened?!” agad kong tanong.
“Ms. Sandy…”
“Tell me what happened to my brother!” sigaw ko habang naiiyak. Wala pa naman ngayon si daddy at ang kanyang asawa kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
“Nasaksak po si boss, Ms. Sandy.” Nakayuko niyang sabi.
“Who did this to him?!” tiim bagang kong tanong. Agad kong pinunasan ang pisngi ko sa mga luhang lumalabas sa mata ko.
“Ms. Sandy, hindi ko po puwedeng sabihin.” Tiningnan ko siya ng matalim saka pinandilatan. Agad ko siyang kinuwelyuhan kahit mas matangkad siya sa akin.
“Sasabihin mo ba o gusto mo ring ipadala sa emergency room?!”
“S-si… Si Primotivo Hidalgo po.” Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Ivo.
Nabitawan ko ang lalaki at napatulala sa kawalan. Why on earth will Ivo hurt my brother?! Ano’ng atraso ng kuya ko sakanya?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Cassey. I need her. Para akong mababaliw kung wala akong masasandalan ngayon.
Naka-ilan na akong tawag pero walang sumasagot so I left her messages at sana mabasa niya.
Agad akong napalapit sa doctor nang lumabas ito from ER. Ibinaba niya ang kanyang sanitary mask saka humarap sa akin.
“Doc, kumusta na po ang kapatid ko?” nag-aalala kong tanong. Napabuntong hininga naman siya at pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga sa isasagot niya.
“We revived him. There are lots of blood na nawala sakanya and we need a blood transfusion. His liver is also damaged and we will undergo operation after mapalitan ang dugo niya. But for now, we will transfer him sa ICU to observe his condition.”
“Thank you, doc.” Sabi ko.
Pumasok naman ako sa ICU kung saan nakaratay si kuya. Halos maiyak ako sa condisyon niya. Maraming nakakabit sa katawan niyang puno ng sugat. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga kalmot sa dibdib niya pati sa leeg niya.
“Kuya…” I said crying. “Be strong, Kuya Seth. Papanagutin natin kung sino man ang ma gawa nito sa’yo.”
Hinawakan ko ang kamay niya at napakunot ako nang makapa kong may hawak-hawak siya.
Dahan-dahan kong binuka ang kamay niya at nakita ko ang isang bala ng baril. But it’s not an ordinary gun bullet. Color silver siya at sobrang bigat.
Hindi ko alam kung ano pinag-gagawa ni kuya sa buhay at kung bakit na-involve si Ivo though ang alam ko he is working in Hidalgo Empire.
Cassey’s POV
Ang ganda! Naiintindihan ko na kung bakit gabi ako gustong dalhin dito ni Lyrron. May mga alitaptap na nagliliparan sa taas ng bukal at nagmukha siyang magical. Ang ilaw naman ng buwan ay nagre-reflect sa tubig kaya nakikita ko ang mga batong nasa ilalim ng tubig.
May maliit na falls naman na nanggagaling sa bato.
“Tara, ligo na tayo.” Sabi ni Lyrron.
“Malamig ata ‘yung tubig.” Sabi ko.
“Oo pero kapag nasa tubig ka na hindi mo na ‘yon mararamdaman.” Sabi niya. Napatango naman ako sakanya.
Nauna siyang pumunta sa malaking bato. Bigla na lang siyang tumalon at pumailalim. Ilang Segundo lang ay nakaahon na siya at lumalangoy-langoy.
“Tara na!” pagyaya niya ulit.
“Oo, wait lang.” sabi ko saka umapak sa bato. Tumama ang tubig sa paa ko at agad akong nanginig sa sobrang lamig.
“Naduduwag na ba si Cassey Aragon?” he said mocking me.
“Not in your dreams!” I said then jumped in the water.
Nanginginig ang buong katawan ko nang makaangat ako sa pagkakailalim.
“A-ang… l-lamig!” I said shivering. Tawa lang nang tawa si Lyrron at ang sarap niyang lunurin.
Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila papunta sa gitna. May malaking bato sa gilid ng mini falls at pinaupo ako doon ni Lyrron habang siya ay nasa baba ko.
“Cassey…”
“Hmm?” nakangiti kong baling sakanya. Nakatingin lang siya sa akin.
“I-if… if I asked you if I can court you, will you give me a chance?” he said. Nagulat naman ako sa tanong niya.
“Ha?” napanganga lang ako. “P-pinagti-trip-an mo ba ako, Lyrron?!”
“No! Hindi ako magbi-biro sa ganitong bagay. Seryoso ako sa tanong ko” sabi naman niya. Ilang beses akong napalunok sa sinabi niya.
“Why will you do that? Why will you court me?” seryoso kong sabi sakanya.
He stared at me na parang gusto niyang ipakita sa akin an sincere siya at hindi nagbibiro. Hindi ko ‘to ine-expect sakanya.
“Kasi gusto kita. Noon pa man gusto na kita pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob para magtanong sa’yo.” Seryoso niyang sabi sa akin. Natahimik lang ako. Hinihintay ko siyang sundan ang sasahin niya tulad ng joke lang or troll.
Pero nagdaan na ang ilang minute pero mataman pa rin siyang nakatingin sa akin.
Ilang beses na ba akong nasaktan kasi hindi ako gusto ng lalaking gusto ko. Pero si Lyrron, gusto niya ako. Gusto ko rin ba siya? Hindi ko alam. Pero importante pa ba ‘yon? Natutunan naman ‘yon diba? At hindi mahirap mahalin si Lyrron.
“Okay,” sagot ko. Para naman siyang nagulat sa isang salita na sinabi ko. Biglang lumawak ang ngiti sa labi niya.
“Talaga? Papayag kang ligawan ko?” masaya niyang sabi at napatango naman ako sakanya.
“Yes,” nakangiti kong sabi sakanya.
“Thank you for the chance. Promise, my love will be worth it.”
---
A.N: Hi guys, i have decided na tatapusin ko muna 'tong Cold Fangs bago ko ipagpatuloy 'yung Crimson Love pati 'yung Bloody Fangs na nakalimutan kong ongoing pala. hahaha
Ate Thy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top