Chapter 26 - A kiss. A wind.
Chapter 26 – A kiss. A wind.
HALOS after 8 hours nakarating din kaming Bicol. I enjoyed the drive. Syempre, kung si Lyrron ang kasama mo bakit ka nga naman ma-boboring? Besides, ang ganda ng tanawin habang nagba-biyahe ka. Rice fields, hills on the side of the road, high bridges, and creaks.
Lyrron told me that Iriga City was her mother’s hometown. Bihira lang daw siya makapunta rito at first time niya raw ulit ‘to after he graduated from high school.
I can’t seem to compare this City to Manila. Masyadong maingay sa Manila. Puro matataas na gusali ang makikita mo doon samantalang dito 5 storey building na ata ang pinakamataas.
Sa isang lumang bahay nakatira ang family ni Lyrron. It serves as their ancestral house. Parang bahay sa Vigan. The only difference is that, preserved ang bahay nila at malawak ang lote. Maraming kahoy at topiaries and oh, madami silang maid. The usual kastila house at kulang na lang magsuot ng baro’t saya at masasabi mong nasa panahon ka ni Rizal.
“Nasaan ang mga guwardiya sibil?” bulong ko sakanya habang naglalakad kami papasok sa entrance ng bahay. Tumawa lang siya sa akin saka ako inakbayan.
“Patay na sila. Hundred years ago. Mga maid na lang ang natira.” He said amused.
“Seriously?”
“My family in the mother side is pure Spanish. My father is half American and half Filipino. Kaya nga ang gwapo ko diba?” nakangisi niyang sabi.
“Hindi ka pa rin nakaka move on sa ka-gwapuhan mo eh ‘no?” kunwari irita kong sabi sakanya.
“Syempre hindi. Pag gising ko etong magandang mukha na ‘to ang tatambad sa akin, paano naman ako makaka move on noon?”
Napailing na lang ako sakanya. Kailangan ko ata lagi ng suporta kapag kasama ko ang lalaking ‘to dahil baka mamaya ilipad na lang ako sa sobrang lakas ng hangin niya.
Pumasok kami sa bahay at kung gaano kaganda sa labas ay ganoon din sa loob. Puro antics ang nakikita ko. Mga malalaking portrait na naka sepia and black and white ang photos. ‘Yung mga furniture naman ay masasabi mong mas matanda pa sa’yo dahi na rin sa istilo nito.
“Grabe, bahay talaga ng matanda. Ang presko dito ah. Hindi na kailangan ng aircon.” Tapos tumingin ako sakanya. “Oh baka dahil sa’yo ‘yon kaya lumamig ang paligid.”
“Hahaha, cheeky! Tara, ipapakilala kita sa Lola ko.”
Nilampasan namin ang living room. May two grand staircase naman kaming nadaanan papunta sa second floor at doon ko nakita ang chandelier na feeling ko panahon pa ni kopong-kopong.
Lamabas kami sa isang veranda at tumambad sa akin ang malawak na back yard. There’s an old woman and a middles aged man talking in the patio. Naka upo sa wheel chair ang matanda which I guess is Lyrron’s grandmother.
Naglakad kami papunta sa direksyon nila at kasabay namin ay may lumapit na nurse na may dalang tray of medicines.
“Abuela!” bulalas ni Lyrron. And I’m not dumb not to realize what he means.
Bigla namang nagliwanag ang mukha nang matanda pagkakita kay Lyrron. Kung hindi siguro dahil sa wheelchair niya hindi ko iisipin na may sakit siya. I mean, she’s a perfect epitome of Gloria Romero. Meztiza and very powerful looking kind of woman.
“Nandito ka na pala, Ly.” Sabi naman ng lalaki.
Napatingin naman sa akin ang dalawa at biglang lumuwang ang ngiti ng matanda nang magtama ang mata namin.
“She’s so beautiful apo.” Tapos bumaling siya sa akin. “Are you my grandson’s girlfriend?” she asks nicely.
“Po? Hindi po.” Sabi ko saka yumuko.
“Abuela, hindi mo na ba siya naalala? Si Cassey Aragon. Anak ng bestfriend ni mommy na si Tito Martin.” Her eyes widened at parang gulat na gulat.
“Ikaw ‘yung kababata ni Lyrron. Nakakatuwa naman at magkasama kayo.” Gusto kong matawa sa sinabi ng lola ni Lyrron. Magkababata? Oo pero lagi naman kaming magkaaway. Hindi niya ata alam na hindi kami okay noong mga bata pa kami.
Sinamahan naman ako ni Lyrron sa magiging kwarto ko muna raw habang nandito ako. Siguro masyado akong nasanay sa mga modern things kaya hindi ko mapigilang humanga nang makita ko ang kwartong gagamitin ko. It has a terrace at matatanaw mo ang Mount Asog na isa sa attraction daw dito. Pati ‘yung bed nakakamangha. Made of wood at may canopy pa sa taas. Parang kwarto ng isang Maria Clara.
“Okay na ba ‘to sa’yo?” he asked.
“Yup. Where’s my luggage pala?” I asked. Gusto ko rin kasing mag shower at magbihis para makapag recharge ng katawan.
“Ipapaakyat ko na lang sa mga maid. Magpahinga ka na muna. Ipapatawag na lang kita kapag handa na ang tanghalian.” Napatango lang ako sakanya.
Ivo’s POV
“Kanina ka pa namin hinahanap ni Kent! Saan ka ba nagsusuot? Tara na at nanganak na raw si Theyn!” salubong sa akin ni Cindy. Kakabalik ko lang sa Vampire City at nagmadali lang ako kasi tinext ako ni Cindy na manganganak
“May pinuntahan lang ako. Tara na.” sabi ko saka kami nag teleport papunta sa infirmary kung nasaan si Theyn.
Nakita namin si Kent sa labas ng infirmary—sa waiting area at pabalik-balik na naglalakad at halatang kinakabahan.
“Kent, kumusta na? Ano nang nangyayari sa loob?” tanong ko at napatingin siya sa amin. Napatigil siya sa paglalakad lakad. ‘Yung hitsura niya parang constipated na ewan. Gano’n ba ang feeling kapag excited makita ang magiging panganay nila?
“I don’t know. Ayaw akong papasukin ng nurses!” parang iritado niya pang sabi.
“Hayaan mo na, Kent. Matapang naman si Theyn, eh. She’ll deliver the baby safely.” Nakangiting sabi naman ni Cindy para pagaanin ang loob ni Kent pero parang hindi naman effective kasi mas lalo itong sumimangot.
“Hindi naman ‘yon ang iniisip ko kasi alam kong kaya niya. But I want to be there for her. Gusto ko kasama niya ako habang nahihirapan siya sa panganganak. Gusto kong hawakan ang kamay niya para maramdaman niyang hindi ako bibitaw kahit ano’ng mangyari. I want to be with my wife but they want me in!”
“Kent, relax ka lang. Theyn will understand. Besides, you’re always there for her kaya alam niyang kahit wala ka sa loob ng room, ‘yung puso at isip mo kasama niya.” Sabi pa ni Cindy.
Natahimik lang ako at naupo sa long lounge.
Ilang oras lang ang hinintay namin bago lumabas ang doctor para sabihin na normal ang delivery at walang naging problema. A healthy baby boy and Kent is very proud.
They name the baby Thyrone which means knight.
Kent was carrying the baby habang pinagmamasdan siya ni Theyn na nakahiga. Napakasayang pamilya kung titingnan mo.
“Hindi ka ba naiinggit?” biglang sabi ni Cindy sa akin.
“Tsk. Nakapag move on na ako kay Theyn kung ‘yan ang gusto mong itanong.” Sabi ko sakanya.
“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.” She said.
“Eh ano?”
“Ayaw mo ba magkaroon din ng sariling pamilya? Mapag-iiwanan ka na namin.” sabi niya pa.
“Bakit? Single ka rin naman, ah?”
“'Yon ang akala mo!” she smirked at me.
Gusto ko rin magkaroon ng sariling family. Pero hindi pa puwede. At baka hindi na nga mangyari. Kasi ang babaeng pinapangarap kong bahagian ng panghabangbuhay na pagmamahal ay masaya na sa iba. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kasi sinaktan ko siya.
Pero hindi na importante kung maging kami o hindi. Ang mahalaga ay ligtas siya at mamuhay ng normal.
Pinili ko siyang saktan para sa ikabubuti niya. At sana mapatawad niya ako.
“I’m so sorry. I hope you can forgive me, Cassey.” I whispered.
Nagpaalam ako kay Kent at Theyn at sinabi kong may pupuntahan lang ako. Lagi naman ‘yon ang idinadahilan ko sakanila, eh. Pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. Gusto ko lang masulyapan ang ganda niya.
I made a teleport from Vampire City to her location. It’s quarter to 9 in the evening at umaasa akong makikita ko siya kahit sa malayo pero mukhang imposible. Mabuti sana kung nasa pent house niya kasi lagi ko siyang nakikita sa terrace niya.
Napatago ako sa isang mataas na puno nang makarinig ako ng kaluskos. Nakarinig ako ng tawanan papunta sa direksyon kaya mas lalo kong ikinubli ang sarili ko.
“Grabe ka, Lyrron! Ang daya-daya mo! Porque hindi ako marunong maglaro ng sungka dinaya mo ako!” she said annoyed but laughing. I am damn hurt. Hindi na ako ang nakakapagpasaya sakanya… may iba na.
Cassey’s POV
“Grabe ka, Lyrron! Ang daya-daya mo! Porque hindi ako marunong maglaro ng sungka dinaya mo ako!” naiinis kong sabi sakanya pero pareho rin naman kaming natatawa.
‘'Yung pustahan natin baka nakakalimutan mo.” Nakangisi niyang sabi. Napasimangot naman ako.
“Ha-ha! Ayoko!” I crossed my arms saka ko siya inismiran.
“A deal is a deal. Kiss mo ‘ko sa cheeks, dali!” he said.
“Ayoko! Nandaya ka, eh!”
“Kung ayaw mo ako na lang magki-kiss sa’yo pero sa lips.” Nakangisi niyang sabi. Napamaang naman ako sakanya kaya binatukan ko siya ng malakas.
“Oo na! Oo na! Pero sa cheeks lang, ah!”
“Yes!”
Inirapan ko muna siya bago ako lumapit sakanya. Nakakainis na lalaking ‘to ang manyak! Bwesit.
Pinakita niya pisngi niya sa akin at kumindat-kindat pa. At dahil mas matangkad siya siya sa akin kaya tumingkayad pa ako.
Ilalapit ko na sana ang labi ko sa pisngi niya nang biglang humangin ng malakas kaya may mga nahulog na dahon galing sa puno. Napapikit ako kasi parang napuwing ang mata ko.
“Hey, what happened? Patingin nga?” he held my face at tiningnan ang mata ko. He tried to open it pero napikit ko naman agad kasi mahapdi. Parang may nakapasok na something.
“Iihipan ko para mawala ‘yung dumi.” He said. He slightly opened my eyes saka niya hinihipan ng konting hangin.
“Okay na?” he asked.
“Medyo,” I answered. Inakbayan naman ako niya ako saka ako giniya pabalik sa bahay. Napalingon ako sa likod namin sa may puno kasi parang may narinig akong kakaiba. Nagkibit na lang ako nang makita kong wala naman.
“Cassey,”
“Hmm?”
“'Yung kiss sa cheeks, rain check ‘yon, okay?” he said then winked.
“Rain check your face! Wala na, expired na! Tara na nga!”
---
Hi again. :) Good night.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top