Chapter 25 - Treasure
Bago niyo basahin ang chapter na 'to, gusto ko munang tingnan niyo ang multimedia picture for Lyrron. *insert mura here!* Ang gwapo niyaaaaa! Natatakot ako para sa relasyon namin ni Daniel Henney...baka maghiwalay kami dahil sakanya. Pero kailangan kong tatagan ang aking puso dahil hindi ako puwedeng magmahal ng dalawa. Napaka-possessive pa naman nun baka bigla na lang mawala sa mundo si Dennis Oh. Walang kokontra sa A.N na 'to kundi walang update hanggang sa magkaroon ng forever! Hahaha
Pero teka, baka naguguluhan na kayo sa mga boyfriends ko. Si Luhan ang first boyfriend ko, i broke with him kasi pinaubaya ko siya kay Ingrid. Tapos niligawan ako ni Kim Soo Hyun, pero hindi nag-work out kasi allien siya.
PS: Hindi ako gutom. Kakainom ko lang ng Milk Tea kanina, eh. Oh siya, read na kayo...and vote na rin.
PSS: Sinusumpa ko ang mga silent reader na magkapalit ang mukha at puwet kapag hindi sila nagcomment. Bibidibobidibooooo! *ching*
Chapter 25 – Treasure
“Congratulations! I knew you can do it.” –Lyrron
Napangiti ako sa card na nabasa ko na nakaipit sa isang red bouquet of roses. I guess I really did deserve this. After all, ako lang naman ang dahilan kung bakit tumaas ang sales ng company 90% compared to the previous sales namin.
But all these won’t be possible without the help of Lyrron. He’s the one who encouraged me. He’s the one who lift me when I’m down. Si Lyrron na kaaway ko noon ay parang naging secret friend ko na rin. Who would have thought na ang least person na ine-expect ko na tutulung sa akin ay ang taong naging dahilan para kalimutan ko ang lahat ang move forward.
Natigil ako sa pag-iisip nang pumasok si daddy sa office. Sobrang luwang ng ngiti niya. Of course he’s happy. Alam kong proud siya sa akin.
“How’s my daughter?” he asked habang naglalakad dala ang kanyang infamous gold fan.
“I’m perfect,” I said.
“It figures. And I’m very proud of you, princess.” He opened his fan at ipinaypay sa sarili kahit aircon naman ang office ko. Haay naku talaga ‘to si daddy.
“Bakit nga po pala kayo naparito, dad? May bago ba tayong project?” nakangiti kong sabi. Napatawa naman si daddy.
“Actually, no. It’s not a project but this event shouldn’t be miss for the world..” Naupo siya sa visitor’s seat at pinag-cross ang paa.
“What it is?” I queried. Tumayo ako at lumapit sakanya.
“Our annual auction for a cause.”
“Kailan na ba ‘yan?”
“Sa next month pa. We still have time to prepare.”
Napatango lang ako kay daddy. Dati kasi hindi naman ako nagpa-participate sa auction for a cause na ‘yon. And this will be my first time to attend.
NAGLALAKAD ako sa hallway papunta sa sales and marketing department nang makasalubong ko ang secretary ni Lyrron. Hindi ‘to magkanda uga-ga sa mga dala niyang files at parang nagmamadali pa.
“Where’s your boss?” I asked. Did I helped her? Of course not!
“Nasa office po,” sagot niya.
“Is he busy?”
“Medyo lang po.” Nakayuko niya pang sagot.
Napakunot noo naman ako. Bakit siya busy? Tapos na ang mga deadlines, ah.
“Sige, pupuntahan ko siya.” Napatango lang ang secretary ni Lyrron habang nakasunod sa akin.
Napasilip muna ako sa pinto niya at nakita ko nga siyang busy na nagbabasa ng files. Kaya pala hindi niya ako kanina sinamahan mag lunch.
“Hey, what are you up to?” bungad ko sakanya habang naglalakad palapit sakanya. Naupo ako sa harap ng table niya at napaangat naman siya ng tingin sa akin.
“Hi. Pasensya na pala hindi ako nakasabay sa’yo kanina,” he said to me tapos binalik ang tingin sa binabasa.
“Okay lang. Pero teka nga, why are you so busy ba?” sinilip ko ang folder na binabasa niya. Mga reports lang naman pala na kailangan ng signature niya.
“Kailangan kong pirmahan ‘tong lahat nang report for this week bago ako umalis,” nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Aalis ka na?!” bulalas ko. “Are you resigning? Bakit hindi ko alam?!” dagdag ko pa. Natawa naman siya sa inasta ko.
“I’m not resigning, Cassey, don’t worry. I just file my leave of absence for one week to visit my sick grandmother.” Natameme ako sa sinabi niya.
“I-I’m sorry to hear that.” Nagbaba ako ng tingin. Itinigil naman niya ginagawa niya tapos tumingin sa akin.
“Gusto mo sumama?” nakangiti niyang sabi.
“Naku, ‘wag na. Magkakaroon ka pa ng dalawang alagain. Besides…” nag-isip ako ng reason pero wala naman akong maisip.
Ano ba Cassey, his grandma is sick. He needs moral support. And remember, no’ng ikaw ang may kailangan nandiyan siya para sa’yo kahit hindi siya obliged para gawin ‘yon!
Napabuntong hininga ako saka tumango sakanya. Eto na nga lang ata ang maliit na bagay na magagawa ko para sakanya—ang samahan siya.
“Okay, saan ba ‘yan?”
“Sa Iriga City, Camarines Sur. Alam mo kung saan ‘yon?” he said.
“Teka, Bicol? Ang layo pala. Pero sige, hindi pa ako nakapunta do’n.” sabi ko. Napangiti naman siya ng malawak.
“Bukas na ang alis ko,” nagulat naman ako sa sinabi niya. That soon? Aba at ano pa ang ginagawa ko dito? Kailangan kong maghanda.
After nang work ay hinatid ako ni Lyrron sa pent house ko. Dito ko na rin siya pinakain ng dinner at pinagluto ko siya. He told me na isang linggo kaming magtatagal doon kaya ‘pag alis niya ay naghanda na rin ako ng gamit.
I instructed Leni na mawawala ako ng isang linggo kaya siya na muna bahala sa office. Nakapagpaalam na rin ako kay daddy. Lyrron will fetch me 4 in the morning para raw hindi kami ma-traffic at mas ma-enjoy ko ang scenery papuntang Bicol. He’ll use his car na lang daw instead of commuting. 10 to 8 hours daw ang normal drive from Manila to Bicol.
Nag-impake ako ng ilang gamit sa maleta ko and I tried my best na konti lang ang dalhin lalo na’t hindi naman ako magbabakasyon.
Alas tres pa lang ng mag-uumaga ay gising na ako. I took a quick bathe saka nagbihis. Not long after ay narinig kong mag nag doorbell. Tumambad sa akin si Lyrron at agad kong naamoy ang pabango niya. Ang bango!
“You ready?” he said smiling.
“Yup. I’ll just get my suitcase.” Pinapasok ko siya saka ako umakyat sa kwarto.
Isang maleta at travelling bag lang ang dala ko. For one week ‘to ah. Kulang pa nga ng isa pang maleta kaso nakakahiya naman kay Lyrron. Baka isipin niya wala na akong balak bumalik ng Manila.
Tinulungan niya akong bitbitin ang maleta ko hanggang parking lot. He said pupunta muna kaming convenience store para bumili ng pagkain at tubig.
“Umidlip ka muna kung inaantok kapa. Mahaba-haba pa ‘tong biyahe natin.” He said. After we pick some items in the store.
“Okay lang? I mean, baka antukin ka rin kasi wala kang kausap. Baka mamaya pag-gising ko nasa hospital na tayo.” Natatawa kong sabi. Nginitian niya lang ako saka binalik ang tingin sa daan.
“I’ll be fine. Sanay ako.” He assured me kaya tumango ako. He reclined the seat para makaupo ako ng maayos. May pinahiram siya sa akin na travelling pillow na kulay itim. I snuggled myself to the side of the seat and drift myself to sleep.
Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong may liwanag na tumatama sa mukha ko. Iginala ko ang tingin ko. Maliwanag na pala. Puro kahoy ang nakikita ko sa malawak na highway.
“Saan na tayo?” I asked habang humihikab.
“Quezon Province pa lang. Gutom ka na?” pinakiramdam ko naman tiyan ko kaya tumango ako. Besides, past 8 na pala. We need to eat breakfast.
“Stop over tayo. Hanap tayo ng makakainan.” He said.
Akala ko wala pang bukas na restaurant sa ganitong oras kasi normally ang mga restaurant sa manila 10 AM nagbubukas. Pero nagulat ako kasi ang dami na agad tao. Ganito ba sa provice?
Dinala ako ni Lyrron sa isang kainan na open… ito ata ang tinatawag nilang karenderya. Sa hindi kalayuan ay tanaw mo ang dagat na malakas na humahampas ang alon sa malalaking bato.
“Ayaw mo bang kumain dito?” he asked. Napansin niya ata ang pag-aalinlangan ko.
“O-okay lang,” pilit akong ngumiti sakanya.
Pagkatapos naming kumain ay sandali naming tinanaw ang dagat. Pareho lang kaming tahimik habang pinagmamadan ang alon na sumasayaw.
“Cassey…”
“Hmm?” kasabay ng paglingon ko sakanya ay biglang humangin ng malakas at napunta ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha. Hinawi naman niya ito at nilagay sa gilid ng tenga ko. Nakangiti siya sa akin habang ako naman ay naguguluhan sa titig na binibigay niya. Why is he like this?
“Pagsisisihan niyang pinakawalan niya. A woman like you is a treasure.” He said. I was touched by his words. Hindi ako nagku-kwento sakanya about sa nangyari sa amin ni Ivo. He just assumed na nag-break kami at hinayaan ko siyang gano’n ang isipin.
“L-Lyrron…”
“Ipapakita ko sa lalaking ‘yon kung ano ang pinakawalan niya at kung ano ang sinayang niya…” nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Inangat ko ang kamay ko at niyakap siya pabalik.
“Thank you, Lyrron. For always being there for me,” natawa naman siya sa sinabi ko kaya bumitaw siya sa akin at tinitigan ako sa mukha.
I frozed when he lean forward to me and kiss me on my forehead.
“Hindi naman puwedeng walang bayad, diba?” then he winked. Hinampas ko siya sa braso pero tinawanan lang niya ako. Ang pilyo niya pa rin kahit kailan. Hindi na nga siya katulad noon na lagi niya akong inaaway, pero lumalabas pa rin ang pagiging pasaway niya. Which I think makes him more attractive.
“Kiss sa forehead? Okay lang. Kiss sa lips? Hindi puwede. Ang puri ko? Mas lalong hindi puwede.” I said pertaining to his bayad daw. Tawa naman siya nang tawa.
“Eh paano kapag mag-asawa na tayo? Bawal pa rin?” he said grinning. Pinandilatan ko naman siya.
“At bakit naman kasi aabot sa puntong mag-aasawa tayo? Ang morbid mo, ah!” parang diring-diri kong sabi.
“Morbid?? Ouch, ah. Anything is possible, Cassey. Bagay naman tayo, eh. Maganda ka, sobrang gwapo ko. Swerte mo nga sa akin, eh.” pagyayabang niya kaya natawa ako ng malakas. Lakas ng apog ng lalaking ‘to. Pero hindi ako nayayabangan sakanya kasi totoo naman. Tsak hindi niya kailangan magyabang, mukha pa lang niyang nagmumura sa pagka-gwapo kung hindi ka ba naman mapapa-oo sa lalaking ‘to.
“Oo na, gwapo ka na. Kaya umalis na tayo at masyado nang malakas ang hangin.” Sabi ko saka tumalikod habang natatawa.
“Huh? Malakas naman talaga ang hangin dito lagi kasi nasa dagat.” Hinabol niya ako at niyapos ang bewang ko. Lumayo ako sakanya pero hinila niya ako pabalik.
“Bitaw ka nga! May mga nakakakita.” Irap ko sakanya.
“Hayaan mo na. Besides, si manang kanina binigyan ako ng 50% discount sa kinain natin kasi raw kasing ganda mo siya noong kabataan niya.” Hinampas ko naman siya ng malakas sa batok.
“Eh hindi na kumpleto mga ngipin niya ‘no!”
“So ngayon pa lang alam mo na kung ano ang future mo.” Nakabungisngis niyang sabi.
“Nakakainis ka! Ugh!”
Tawa lang siya nang tawa habang papunta kami sa kotse. Nakakainis siya. Pero aminin ko man sa hindi, natutuwa ako. Masaya akong ganito.
---
Iiikot ko kayo sa Iriga City, Camarines Sur sa next chapter. Hahaha. Iriga City is my hometown. The City where i grew up. :) Sana mag-enjoy kayo. ^^,
Ate Thy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top