Chapter 24 - I'm Glad I can make you smile

Chapter 24 – I'm Glad I can make you smile

“Ms. Cassey…”

“What?”

“Welcome back po.” Nakangiting sabi sa akin ni Leni. Bahagya akong nagulat. Parang double meaning ‘yon, ah. Welcome back kasi bitch na ulit ako sakanya?

“Shut up and work!” I said saka pumasok sa office.

Naupo ako sa swivel chair ko saka ko pinilig ulo ko. Wala pa akong tulog simula kagabi. Ang dami kong trabahong inayos. Lumipat na ako sa bago kong pent house malapit lang sa company. Mas maganda siya kesa sa dati kong pent house—at mas mahal.

And yeah, I’m back to my old self. I’m back to the old Cassey who wants nothing but grandeur and fabulous. Nabuhay ako noon na ganito ang lifestyle so alam kong makaka survive ako.

“Cassey, tanghali na. Let’s have a lunch. Saan mo gusto?” tambad sa akin ni Lyrron habang nagbabasa ako ng bagong catalog.

“May bagong bukas na restaurant just across the street. Try natin ‘yon.” Sabi ko saka tumayo. Kinuha ko lang ang bag ko saka naglakad palabas ng office.

Magkasabay kami ni Lyrron na lumabas ng company. Nilakad lang namin ang restaurant na sinasabi ko.

“Ang init! Dapat pala nagdala ako ng payong!” I heard him say. Sandali ko naman siyang tiningnan. Kahit naka suot ako ng shades, pansin ko pa rin ang kakisigan niyang dala. Maputi si Lyrron kasi may lahing Caucasian. Puwede kong i-compare ang kg-guwapuhan niya kay Kent. May konting hawig nga sila, eh. Mas bata nga lang tingnan ‘tong si Lyrron.

The food is great. Ito na ata ang second favorite restaurant ko. Nag take out pa nga ako ng pizza para may snack ako later.

“Ihahatid kita later?” Lyrron asked me bago ako makapasok sa office.

“Nah, may usapan kami ni Sandy mag-malling, eh.”

“Alright. Just text me if you change your mind.”

“I won’t change my mind. You know that,” I said then smirked.

“I know. But still if ever…”

“Alright,” nasabi ko na lang para matigil siya sa pangungulit.

After ng office hours ay agad akong nag out at nag drive papuntang mall kung saan kami magkikita ni Sandy. Bihira na lang akong magpa drive kay manong Vince lalo na ngayong malapit lang ang tirahan ko sa office.

I texted her kung saan ako maghihintay. Sa isang coffee shop lang ako naghintay sakanya at nag-order ng aking favorite Macchiato.

I was just browsing in my tab and drinking my cup nang may malaking rebulto ng anino ang tumambad sa akin. Napaangat ako ng tingin at halos mailuwa ko ang iniinom kong Macchiato nang makita ko ang kuya ni Sandy. Si Kuya Seth. What the heck is he doing here?

“You alone?” he said, grinning. Naalala ko bigla ‘yung last encounter namin sa kusina nila Sandy. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko ‘yon.

“Obviously. But I am wating for Sandy.” I retorted trying to hide the uneasiness inside me. Kasi naman! Bakit ba siya nandito?

“Really? So can I join you?” he said. Tatanggi sana ako pero agad naman siyang humila ng upuan sa harap ko kaya hindi na ako nakapag protesta. Gosh! Sandy where art though?

Tiningnan niya ako ng mataman at hindi nawawala ang ngisi sa mga labi niya. The way he eyed me as if he was thinking very malicious things.

“Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon, Cassey?” he said. Napakunot noo lang ako saka ko siya pinaningkitan ng mata.

“I’m sure alam mo so bakit mo pa tinatanong?” nakataas kilay kong sabi. I heard him chuckle saka niya pinagsilop ang dalawang kamay at tinungkod ang dalawang siko sa mesa. Nilapit niya mukha niya sa akin pero agad din naman akong napaatras.

“I don’t know. Just want to test something. But I guess I was wrong.” He said then smirked. Tiningnan ko siya ng matalim. That way, he wont sensed that I am intimidated. Gusto ko siyang umalis na. Gosh! Nasaan na ba kasi si Sandy?! That b*tch should be strangled for me making me wait here!

Sasabihin ko na sana sakanyang umalis na kasi hindi ako interesado sa presensya niya pero tumayo na naman siya.

“You take care of yourself, Cassey.” He said then winked.

Napairap na lang ako sakanya nang tumalikod siya. Bakit ba mayroong weird na kapatid si Sandy?! Naku kung hindi ko lang siya kaibigan baka noon ko pa nilayuan ang lahi nila.

Sandy arrived 20 minutes late and of course, I scolded her. Hindi puwedeng hindi, no! Nai-stress ako sa kapatid niya, eh.

“Sorry na, Cassey!” she pouted pero inirapan ko lang siya. Akala ata nito madadala niya pa ako sa pa-cute cute niya.

“Okay lang naman sana na pinaghintay mo ako. But your brother is infuriating the hell out of me! Para siyang…baliw!” I said then Sandy burst out laughing. I glared at her pero tawa pa rin siya nang tawa.

“Gano’n talaga ang kuya ko. Masanay ka na, my dear friend.”

“Nagda-drugs ba ‘yon si Kuya Seth? Ang weird niya talaga!”

“Hindi ‘no! He’s just changed after his wife died.” Napatango na lang ako sa sinabi ni Sandy. Sabagay, peoples change specially if they’re hurt. Just like me. Pero hindi ko naman ata kaya na dumating sa punto na naging weird na ako. I won’t let that happen. Hindi ko sisirain ang reputasyon ko, ‘no!

We went to a boutique at sinamahan ko si Sandy na bumili ng bagong damit. Dahil wala naman ako sa mood mamili kaya hinayaan niya lang akong tumingin-tingin.

Nasa shoes section ako when I saw a couple having an argument on what the girl should buy.

“But babe, gusto ko ‘tong 5 inch para mapantayan ko man lang kahit kaunti ang height mo.” The said said pouting.

“I don’t mind you being small, babe. Besides, I love you for who you are. And your five inch height don’t matter to me.”

“Aww! Babe…” lumuhod ang lalaki at isinuot niya ang shoes na gustong bilhin no’ng girlfriend niya.

Napabuntong hininga na lang ako sa nasaksihan. Parang gusto kong sabihan ang babae na huwag maniwala sa mga pinagsasabi ng boyfriend niya kasi pinapakilig lang siya niyan. Pa-fall pero hindi ka naman pala sasaluhin. Tatawagin kang babe pero ayaw ka naman pala niyang maging girlfriend for real.

Pero mas pinili kong manahimik. Ayaw kong ipangalandakan sa buong mundo na bitter ako. Bakit, ikagaganda ko ba ‘yon? No. So better keep my mouth shut.

“Cassey, tara!” rinig kong sabi ni Sandy sa likod ko kaya napalingon ako sakanya. “May bibilhin ka ba?” she asks kaya napailing ako.

“None. Let’s go.” I said the turn around.

May dinner date raw si Sandy sa anak ng business partner ng daddy kaya naghiwalay na kami after mag malling. Good thing may dala akong sariling car.

Sa rooftop ng mall naka park ang sasakyan ko so I used the elevator.

As I was fishing my car keys inside my bag, I suddenly heard a screech just across me kaya napalingon ako. Madilim na pero may mga poste naman kaya kita mo naman ang buong rooftop.

Sususian ko na sana ang kotse ko when someone grabs my arm. Napalingon ako at halos panlakihan ako ng mata nang makita ko kung sino ito.

“Owen?!” bigla akong tinamaan ng kaba kaya hindi agad ako nakagalaw. Nanlalamig ang kamay kong napaatras.

“Na-solo rin kita,” he said that made my heart pounds abnormally.

“W-what d’you want?!” I angrily said.

“I want you.” Lumapit siya sa akin at napaatras nanaman ako. Wala akong ibang nakapa kundi ang side mirror ng kotse na impossible namang magamit ko pang protekta sa sarili ko kasi hindi ko naman siya kayang hugutin.

“Hanggang diyan ka lang!!” dinuro ko siya at bahagya siyang napahinto.

“Cassey—“

“Don’t Cassey me, freak! Tell me, ikaw ba ‘yung nang-sstalk sa akin? Ikaw ba ‘yung nagpa-install ng hidden camera sa dati kong pent house?!”

“Yes. That’s why I’m here to ask for your apology.”

“I don’t need your apology. I need you to stay away from me!”

“Pero Cassey…”

“Kung hindi mo ako titigilan, ire-report na talaga kita sa police para magkaroon ka ng restraining order!” pagbabanta ko.

Bigla namang nalungkot ang mukha niya.

“I just want to protect you,” he said that made me laugh.

“I should be the one protecting myself from you! And I don’t need any protection from anybody because I’m not a goddamn damsel in distress! So stay away from me!”

Itinulak ko siya ng malakas saka ko dali-daling binuksan ang pinto ng kotse saka sumakay. Ni-lock ko agad ang kotse saka o sinimulan mag-drive.

While I am driving ay agad ko namang tinawagan si Lyrron to meet me in my favorite restaurant. I was just thankful kasi sinagot naman niya ‘to agad and he said he’s on his way.

Halos sabay lang kaming dumating ni Lyrron sa restaurant at agad ko siyang nilapitan.

“Are you okay?” he asked. Nahalata niya ata na bothered ako.

Pumasok muna kami sa restaurant bago ko sakanya sinabi ang lahat. I explained him what happened. After we ordered food. Nakikinig lang siya habang seryosong nakatingin sa akin.

“Mabuti na rin na hindi ka dumeretso pauwi. Later, I’ll check your car if he installed any tracker.” He said.

“Yeah. Natatakot pa rin ako sakanya.”

Lyrron sighs heavily at hinawakan ang isang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table.

“Hindi ko na hahayaan na mag-isa ka. Mamaya kung ano ang gawin no’n.” he said. Napailing naman agad ako sa suhestyon niya.

“No. I don’t need any protection from any of you. Kaya ko ang sarili ko.”

“Nasasabi mo ‘yan kasi wala pang nangyayari. It’s better to be safe that sorry, Cassey.” He sincerely said. Natahimik lang kami pareho nang dumating bigla ang food.

“Nakakahiya naman sa’yo.”

“Ano’ng gusto mo? Bodyguards, o ako?” he said grinning.

Napangiti na lang ako sakanya. Mautak talagang lalaking ‘to.

“Do I have a choice?” I said then smirked. Mas lalo naman siyang ngumiti nang maluwang at parang amused na amused.

“I’m glad I can make you smile.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko nakalimutan ko ang lahat nang kasama ko siya.

---

Hi there! Long time no update? Yeah. Lalo na sa Crimson Love. Actually, i already have my update for CL. But unfortunately, isa akong wagas na perfectionist kaya inulit ko. Hindi ako kuntento, eh. Sorry naman.

Story time muna. I have talked to a reader kanina. She's pretty and a highschooler. And just like you guys, she calls me Vampire Queen. Which is kinda awkward kasi I'm not a Queen. Lol. Anyway, she said hindi raw ba ako scared kasi hinahayaan ko kayong bigyan ako ng title na Vampire Queen. I asked her why. Sabi naman niya, baka raw kasi bigla na lang akong sunduin ng mga group of Vampires and hail me their real Queen. Hahahaha. Natawa ako at the same time natakot. Syempre naman 'no kasi ayaw ko 'yon mangyari. xD Pero habang nag-iisip, naka-buo nanaman ako ng bagong plot for a Vampire story na gano'n ang concept. hahaha Ghad i hate my brain.

Alright guys. Au revoir. :)

Ate Thy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top