Chapter 23 - Without him
Soundtrack for this chapter is Something in the water by Carrie Underwood.
Chapter 23 – Without him
I slowly opened my eyes at wala akong ibang nakikita kundi kulay puti. Naibaba ko ang tingin ko at nakita ko si Sandy at daddy na nag-uusap. They were laughing at mukhang ang saya nang pinag-uusapan nila.
Masaya sila. I wish I could feel the same way. Sana nakakahawa ang kasiyahan. Because right now, I couldn’t feel anything but numb. Wala akong nararamdaman at pakiramdaam ko isa akong robot na walang emosyon. Pilit kong kinakapa ang nararamdaman ko pero wala.
Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Natigil sila sa pag-uusap at tawanan at napalitan ng galak nang makita nila akong mulat na ang mata.
“Ayan! Sabi ko naman sa inyo tito, eh! Gigising ‘yan si Cassey kasi matapang ‘yan. Diba, Cass?” walang ganang napatango lang ako sa sinabi ni Sandy.
Matapang ako sa paningin ng lahat. Nobody saw me break down infront of Primotivo. Nobody saw me begged for him to stay with me. Wala silang ideya na halos itapon ko na ang pride ko para lang mahalin ni Ivo. Kasi kilala nila ako bilang matapang babae at palaban. Pero nakakapagod din pala magpanggap na kaya mo ang lahat where in fact halos gusto mo na mag give up. I want them to comfort me. I want them to tell me that everything’s going to be fine. I want them to console me and made me feel that I can live without his love because my father’s love and Sandy’s love for me will be enough.
But I guess that won’t be easy. Mahirap baguhin ang nakasanayan. Ayaw kong isipin nila na isang lalaki o vampira lang pala ang kayang makapagpabagsak sa akin. No! I won’t let that happen. Itataas ko ang pride ko. Iaangat ko uli ang sarili ko.
“Dischrage me. I want to go back to work.” Malamig kong sabi.
“Hija, hindi ka pa puwedeng i-discharge. Kakagising mo lang at sabi nang doctor, kailangan kang i-monitor after mong magising. Let’s just wait for the doctor’s advise. Okay?” sabi ni daddy.
Gusto ko sanang tumango na lang at sumunod sa sinabi niya. Pero hindi. Ayaw ko sa ganito. Ayaw kong nakaratay lang ako rito at maging mahina. Hindi na ulit ako magiging weak. Not in a million years.
“I said discharge me, dad! Kung hindi mo ako ilalabas dito… ako mismo ang magtatanggal nitong mga nakasaksak sa akin and you won’t like that kasi babalik ako sa Colorado and I swear hindi na ako babalik!” My voice is relaxed… but threatening. In my peripheral view, nakatingin lang sa akin si Sandy at parang naguguluhan sa aking inaasal.
Napabuntong hininga si daddy saka tumango. Lumabas siya saka naman ako nilapitan ni Sandy. Nag-aalalang nakatingin siya sa akin kaya nag-iba ako ng tingin. Ayaw kong kinakawaan.
“Girl, ano bang nangyari?” she asked pero hindi ko siya pinansin. “Cassey…”
“Gusto ko munang mapag-isa, Sandy.” Mahina kong sabi.
“Pero—“
“Please. I want to be alone,” nag-aalangan na napatango siya.
Narinig kong nagbukas sarado ang pinto at doon naman tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahikbi ako nang maalala ko ang lahat ng mga salitang binitawan sa akin ni Ivo.
Bakit gano’n? ‘Yung mga lalaking gusto ko hindi ako magawang mahalin? Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong babae. Napaka-unfair talaga ng buhay. Oo nga at lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero bakit hindi ang lalaking makakapag-pasaya sa akin? Bakit kung sino ‘yung lalaking abot kamay ko na, hindi ko pa makuha.
Maybe if life would give me a chance to choose, I will trade everything that I have, just to be with him.
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko pero agad din namang may tumulo dito. Nakakainis! Hanggang kailan ba ako iiyak? Nagiging iyakin na ako ‘pag dating kay Ivo. Iniwan lang naman ako ng lalaki na kahit kailan ay hindi naging akin. Siguro naman enough reason na ‘yon para umiyak.
Siguro sa ibang tao hindi ako maiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Sasabihin nilang ‘hey, lalaki lang ‘yan.’ Palibhasa hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko. It felt like there were millions of weights that is covering my chest.
Nagulat na lang ako at natigilan nang maramdam kong may yumakap sa akin sa gilid.
“Sshhh. Don’t cry. Whatever that is you’re crying to, it’s not worth it.” Pag-aalo niya.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Lyrron. Bakit siya nandito? Kanina pa ba siya? Hindi ko man lang namalayan na pumasok siya.
“W-why are you here?” sabi ko habang nagpupunas ng luha. Ngumiti naman siya ng tipid sa akin.
“Just want to check kung gising ka na. Umuwi lang ako kanina para magbihis at matulog ng kaunting oras.” He said. Napakunot naman ako.
“Bakit?”
“Ako ang nagbantay sa’yo kagabi dito. Hindi ko alam ang nangyari sa’yo pero nadatnan ka namin ng maid kagabi sa gilid ng pool at basang-basa ang buo mong katawan as if nag-swimming ka. Dinala kita dito sa hospital at halos magulat ako kasi nalunod ka raw.”
Nalunod naman talaga ako. Pero wala akong maalala na inangat ko ang sarili ko papuntang gilid ng pool.
Ang akala ko nga… si Ivo ang nagligtas sa akin. I swear nakita ko siya bago ako tuluyang nawalan ng malay.
“Pero huwag na natin ‘yong isipin. Ang importante ay ligtas ka na.” hinaplos niya ang noo ko.
I mentally shook my head. Hindi si Ivo ang nagligtas sa akin. Si Lyrron. Siya ang nagdala sa akin dito.
“S-salamat,” ang nasabi ko na lang.
NAKAUWI na akong mansion at kasama ko si Sandy at Lyrron. Napaka over-protective nga nitong dalawa at halos ayaw nila akong iwan mag-isa. Iniisip ata nitong dalawa na suicidal ako. Mga paranoid na sila.
Siguro alam na ni Sandy kung bakit ako nagkakaganito. Siya lang naman kasi ang nakakaalam ng real score namin ni Ivo, eh. Pero sana huwag na siyang mag-kwento kay daddy o kay Lyrron. Ayaw kong magkaroon sila ng bad expression sakanya.
Lumipas ang mga araw at normal naman ang pamumuhay ko. Hindi muna ako hinahayaan ni daddy na pumasok sa office dahil sa tingin niya raw ay hindi ako emotionally stable.
Tahimik lang ako lagi at binibisita ako ni Sandy and Lyrron. Lagi silang nagbibiro at parang araw-araw may baon laging jokes. Pero gusto ko mang tumawa pakiramdam ko hindi ko kaya. It was as if nawalan ako ng emosyon at tanging natira lang ay puro sakit.
Isang gabi, nag sleep over sa amin si Sandy kasi raw namimiss na niya matulog sa kwarto ko. Pero alam ko naman na pinapabantayan lang ako ni daddy sakanya, eh. Excuse niya lang ang sleepover.
I told her na sa kabilang kwarto na lang siya matulog. She was hesitant at first pero napapapayag ko rin. Ang totoo ay ayaw ko lang na marinig niya akong umiiyak gabi-gabi. Ayaw kong malaman niya na iniiyakan ko pa rin si Ivo.
Minsan kasi nagigising na lang ako sa kalagitnaan ng tulog at bigla na lang naiiyak. Kapag napapanaginipan ko ang masasayang araw namin ni Ivo. Kung minsan nga mas gusto ko na lang manatiling tulog at ulit-ulitin ang tagpong ‘yon.
Days and weeks had passed at ganito pa rin ako. Sinasama ako ni Sandy mag-shopping pero wala naman doon ang interes ko. She brought me to a bar pero pinagsisihan niya rin naman agad kasi halos gawin kong juice ang alak.
Alam kong nag-aalala na sa akin si daddy sa mga ikinikilos ko. Hindi na ako magtataka kung isang araw i-suggest niyang magpatingin ako sa Psychiatrics.
Bumalik na rin ako sa office kahit alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang magtrabaho. Pasalamat na lang ako kay Leni kasi inaalalayan niya ako.
Theyn also visited me. Kabuwanan na raw niya at gusto niya akong makita bago siya manganak. I tried my best to hide the pain kasi gusto ko maging masaya ako sa harap niya. Mabuti pa siya masaya sa piling ni Kent. Alam ko naman na alam niya ang pinagdadaanan ko, eh. Kaya naiyak na lang ako nang yakapin niya ako. She told me to be strong. Pero paano ko ‘yon magagawa? I’m already tamed.
Sa halos tatlong buwan na wala sa buhay ko si Ivo, pakiramdam ko nawalan ako ng pinaka-importanteng bahagi ng aking katawan. Minsan nag-e-expect pa rin akong dadalhan niya ako ng pagkain. O kaya yayayain niya akong pumunta sa paborito kong restaurant. Pero hindi. Kasi mas lalo lang akong nasasaktan kapag nag-e-expect ako.
Si lyrron na nga ang laging nagdadala sa akin ng pagkain, eh. Minsan bago niya ako ihatid sa bahay, dumadaan kami sa paborito kong restaurant at magte-take out ng foods.
Kagaya ngayon, hinatid niya ako sa bahay hanggang sa harap ng main door. Papasok na sana ako sa loob nang higitin niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at hinintay siyang magsalita. Ngumiti siya sa akin bago nag-salita.
“Minsan, okay lang na maging mahina. Okay lang na ipakita mo sa tao na hindi mo na kaya. Para mabigyan mo ng chance ang isang tao na kaya kang buhatin sa daan na puno ng bubug. Ang tao na handang masugatan ang mga paa, maitawid ka lang ng hindi nasasaktan.”
Napakurap ako sa mga sinabi ni Lyrron.
Bago ako natulog nang gabing ‘yon, pinangako ko sa sarili ko na iiwan ko na sa panaginip ko ang mahinang Cassey. Kasi sisiguraduhin kong isang matapang at palaban na Cassey ang gigising kinaumagahan.
“I’m tired. I’m fed up. My heart is already made of stone. His fangs already infected my heart that made it cold.”
----
Pasensya na po kung maraming typo (i think) hindi kasi ako nag po-proof read. Puyat ako habang ginagawa ko 'to so please consider po muna. May binabantayan ako sa hospital at naisingit ko lang 'to kaninang madaling araw. Salamat sa pag-intindi. :)
Ate Thy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top