Chapter 21 - I can destroy you...Emotionally

Chapter 21 - I can destroy you...Emotionally

 

Ivo's POV

I WAS on my way to the board room when this low life kind of man approached me with a smirked on his face.

"Ready to surrender your position, Mr. Hidalgo?"

"Never!" I sneered at him.

Seth Medina may discovered my secret but I will never ever ever give him the company that almost cost my life. Not to this man!

"Madali naman akong kausap. Why don't we have a little chit chat inside the board room?" he grins that made my blood boil to its high point.

I wanted to kill him. But that won't change a thing. Papatunayan ko lang sakanya na isa nga akong monster vampire.

"Let's settle this once and for all... privately, Seth Medina. What do you want from me aside from my company?"

"I want you dead. Wala naman akong interes dito sa kumpanya mo. All I want is to see you die in the most painful way. Isama mo na rin ang mga kauri mo!" A vein is coming out his neck a proof that he's furious as hell. Either me want him dead. Pero ayaw kong sungisan ang kamay ko. I may be a jerk but I'm not a killer.

"What do you know about my co-vampires?" seryoso kong sabi. Pasalamat na rin at sarado ang board room at wala nang tao sa paligid.

"Kayong mga vampira kayo ang pumatay sa asawa ko! Ang walang kalaban-laban kong asawa ay walang awang pinatay ng mga kauri mo! At pinangako ko sa sarili ko na lahat nang vampirang makikilala ko ay kailangang mamatay sa mga kamay ko! Even you!" he points his fingers on me.

Hindi ako nagpatinag sakanya. He can't hurt me. Baka mapatay ko muna siya bago niya ako masaktan.

"Do what you wanna do. Alam kong ikaw ang nagtangka sa buhay ko. And look at me... I'm still alive. So let me tell you this, Seth, gawin mo ang gusto mo, pero hinding-hindi mo ako kayang saktan."

I thought for a second na atleast matatakot siya sa banta ko. Pero napangisi lang siya sa akin.

"Maaring hindi kita kayang saktan physically. But I can destroy you... emotionally." And with that, he turn his back at me.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Wala akong ibang naisip sa sinabi niya kundi si Cassey.

Cassey's POV

"Girl, sleep over ka dito sa bahay!" I heard Sandy said on the other line.

"Tinatamad ako, eh." nakanguso kong sabi habang nakahiga sa kama ko at nakatitig sa kisame.

"Sige na, please?"

"Sandy, wala talaga ako sa mood."

"Kahit sabihin kong may maganda akong balita?"

"Anong balita naman?" nakataas kilay kong sabi kahit hindi naman niya nakikita.

"Sasabihin ko basta dito ka matulog." Aba at bina-blackmail pa ako nitong babaeng 'to.

"Fine! Just make sure na worth it ang sasabihin mo at makakalbo kita!" I said then hang up.

Pumunta ako sa walk in closet at nagbihis ng casual dress. Nagdala na rin ako ng pajama at personal belongings.

Isang malaking totebag lang dala ko saka ako bumaba sa kwarto. Nagpaalam lang ako kay daddy saka ako nag drive mag-isa since day off ngayon ni manong Vince.

Forty-five minutes ang drive papuntang bahay nila Sandy at pasalamat na lang ako at hindi traffic sa daan.

I texted her na nasa labas na ako at agad naman akong pinagbuksan ng isa sa mga maids niya. I parked my car in their garage saka bumaba. Mukhang wala nanaman kasi ang parents dito ni Sandy kaya gusto niya akong patulugin dito. Ganyan kasi 'yan no'ng highschool kami, eh.

"I missed you, bitch!" bigla na lang niya akong niyakap at halos masakal ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa leeg ko.

"Get your hands off me, bitch!" I said while removing her hands on my neck.

"Ikaw naman. Si Ivo na lang ba ang puwedeng humawak sa'yo?" nagtatampo niyang sabi.

"Ivo never touches me." irap ko sakanya. Kinuha niya ang bag ko saka pinaakyat sa maid niya papuntang kwarto niya.

Dumeretso kami sa dining room nila at may nakahanda ng pagkain. Parang isang fiesta ata 'tong napuntahan ko, ah.

"Bakit ang daming pagkain?" I asked at naupo sa upuan.

"Death anniversary kasi no'ng asawa ni Kuya. Ito 'yung natirang take out kanina sa restaurant." medyo nagulat ako sa sinabi ni Sandy. Nag-asawa na pala ang kuya niya. Pero sayang at patay na pala.

"Bakit namatay ang asawa niya?" I asked.

"Ang sabi, mga rebelde daw. Honeymoon nila noon, eh. Sa isang gubat siya pinatay. Pero hindi naniniwala si kuya na mga rebelde ang pumatay sa asawa niya. Medyo nakakatakot pero parang he believes na may kinalaman sa werewolves or vampire ata ang pumatay sa asawa niya. Ewan ko do'n kay kuya!" she shrugs.

Vampires, huh?

"May kilala siyang mga vampira?" I asked.

"Hindi ko alam. Pero dati lagi ko siyang naririnig kausap ang kanyang mga goons na may pinatay daw silang vampire. Hindi sana ako maniniwala, eh. Pero recently lang, I heard him talking again about it. After 2 years na akala ko nakapag move on na siya, bumalik ang galit niya at kasi may nahanap nanaman daw siyang vampira. Sa totoo lang gusto kong isipin na may teleleng ang kuya ko pero he seems very serious about it at sinusunod naman siya ng mga goons niya."

Natahimik lang ako sa mga sinasabi ni Sandy. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanya na tama ang kuya niya kasi totoo talaga ang vampires pero mas pinili kong manahimik at makinig lang sa kwento niya.

"Anyway, kumusta na pala kayo ni Ivo mo? May progress ba?"

Nalungkot lang ako sa tanong niya kaya sumubo ako nang napakaraming pagkain. Wala naman kasing progress, eh. Kahit nagkakasama kami parang ang layo na ng loob niya sa akin. 'Yon bang parang nagkalamat ang pagsasama namin.

"We're friends..." safe na sagot ko na lang. Ayaw ko munang magdrama sa harap ni Sandy dahil wala ako sa mood para sa gano'n.

"Wow. Friendzoned ka? Hahahaha, what goes around come around. Dati ikaw ang hinahabol ng lalaki, but look at you now." Malungkot niya akong tiningnan pero parang nang-aasar pa.

"Tusukin kita ng tinidor, you want?" dinuro ko sakanya ang tinidor habang natatawa. Lakas maka bad vibes ng babaeng 'to!

"Hindi ka na mabiro." She pouted.

After naming kumain ay pumunta kaming mini theatre sa basement nila Sandy. May limang seats sa loob na kagaya sa first class sinehan.

Nanuod lang kami ng mga romance comedy dahil ayaw ko naman ng horror at mas lalong ayaw kong manuod ng drama.

12 midnight na rin ata kami natapos and before we decided to go to bed. Pero bago ako natulog ay bumaba muna ako papuntang kusina nila para kumuha ng tubig.

"You're still up,"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko at mabuti na lang nahigpit ang hawak ko sa baso kundi baka nahulog ko ito. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang lalaking nang-gulat sa akin. Ang kuya ni Sandy. Si Kuya Seth.

"Naistorbo ba kita? Pasensya na. Kumuha lang ako nang tubig." Sabi ko. Masyado kasing seryoso ang mukha niya. Nakakatakot talaga 'tong kapatid ni Sandy. Kahit noong high school pa lang kami lagi na 'tong seryoso, eh.

"Hindi naman. I was here eating." Tinuro niya ang kitchen counter at may cake nga do'n. "You didn't notice me so I caught your attention." Ngumiti siya sa akin at feeling ko nagtaasan ang balahibo ko sa braso. Ang creepy ng smile niya.

"Ah. Hmm, akyat na ako. Baka hinihintay na ako ni Sandy." I gave him a weak smile tapos tinalikuran ko siya. Pero hindi pa ako nakakahakbang palayo nang higitin niya ang braso ko.

Confused, I stared at him and arched my brows. Ano naman problema niya?

"Malapit ka kay Ivo, diba?" he asked.

"Kilala mo si Ivo?" tanong ko. Hinila ko naman pabalik ang braso ko sakanya.

"Yes. Let's just say na... I used to work for him." Then he grins. He gives me creeps.

"Kaibigan ko si Ivo. S-sige akyat na ako." Dali-dali ko siyang tinalikuran at halos takbuhin ko ang buong kabahayan pabalik sa kwarto ni Sandy. Ewan ko lang kung makakatulog ako neto ng maayos. Nakakatakot si kuya Seth.

Bago ako natulog nakatanggap muna ako ng text galing kay Ivo. Atleast hindi niya ako nakakalimutan itext kapag gabi nago matulog.

'We need to talk tomorrow. Good night, Cassey. Take care.'

Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Hmm...

---

Hmmm, another update! ^^

Sorry nga pala sa mga na-troll ko kanina sa Crimson Love. hahaha Sa facebook, i have posted na hindi ko na itutuloy ang VCCL, and almost everyone fell for it and my inbox was bombard with messages such as na i-continue ko raw ang book 3. hahahah Seriously guys, na-touch ako. Akala ko walang papatol sa kahudasan ko. hahahah Binawi ko naman yung post ko at relieved naman sila na April fools yun. Nyahahaha

Then second, sorry again sa mga na-troll ko ulit sa Crimson Love sa wattpad. I have posted EPILOGUE. hahahaha Pero natutuwa ako at mga sports kayo. Hindi kayo nagalit sa akin. Yung iba nga nakakatawa pa yung reaction. Sorry talaga pero na-entertain niyo ako. Tawa kami nang tawa ng bestfriend ko habang nagbabasa ng comments.

And speaking of bestfriend, i would just like to promote the first story of my sister from other motha! @BabyCherub. Basahin niyo po yung 'MY TWO TIMER HEART' Hindi siya drama. Puro kalokohan lang, hahaha

Hanggang dito lang muna. :) Bukas ulit.

PS: Kanina hindi ko alam kung procession 'yung napuntahan ko o fashion show ng mga malalanding hipon. Haaay.

PSS: Nadekwatan pa ako ng hikaw. Mashaket sa tenga, 'lam niyo 'yon? <//3

PSSS: Excited ako kahit hindi ko alam kung bakit.

GOODNIGHT!

©THYRIZA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top