Chapter 19 - Silver Bullet
Dedicated 'to sa'yo @BookMonster04. Natawa ako sa message mo sa akin. hahahah Hindi po vampira ang boyfriend ko. xD
Chapter 19 – Silver Bullet
Kent helped me bring Ivo to Vampire City. He was with Theyn at pinasuot nanaman nila sa akin ang kwintas. Hindi ko na talaga isosoli ang kwintas na ‘to incase of emergency. Isusuot ko na ‘to lagi para makapasok ako sa Vampire City.
Dahil kaibigan daw ng Royal family si Ivo kaya sa infirmary siya ng palasyo dinala. Wala akong naiintindihan sa mga medical term na ine-explain ng vampire doctor but it seems like the silver bullet that hit him was endowed with poison.
“A silver bullet can make a vampire’s life in critical condition. But a silver bullet that was embed with a poison can kill a vampire.” Seryosong sabi ng vampire doctor.
“B-but…his going to be fine, right doc? “ pinipigilan kong maiyak. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Theyn sa likod ko at halatang nag-aalala rin siya kay Ivo.
“We will do our best to save, Ivo.” He excused his self saka bumalik sa loob.
Napabaling naman ako kay Kent na seryoso lang na nakatingin sa kawalan. He’s worried. Kahit naging karibal niya si Ivo noon alam kong nag-aalala siya. Naging malapit na rin silang magkaibigan at hindi sasama-sama si Kent kay Ivo kapag may pinupuntahan sila kung karibal pa rin ang tingin niya rito.
“K-Kent, how did this happen? May kaaway ba si Ivo?” I asked. “May alam ba kayong may galit sakanya?” bumaling ako kay Theyn.
“Wala akong alam, Cassey. Hindi naman sa akin nagkw-kwento si Ivo sa mga ganyang bagay.” Theyn said kaya kay Kent ako napatingin.
“Kent?” hinintay ko siyang mag-salita at seryoso pa rin ang mukha niya.
“I don’t know if I have the right to tell you this, but…Ivo had a conflict with one of his board of director. Months ago he told me that the man was doubting his physical appearance. Then later last week kinausap siya ng lalaki. He threatened Ivo na isisiwalat nito ang sikreto niya kapag hindi siya bumaba sa posisyon niya bilang CEO ng Hidalgo Empire. Ivo was so mad at hindi niya napigilan ang sarili niya sinakal niya ang lalaki without knowing—his fangs were already out. Wala naman talagang alam ang lalaking ‘yon sa sikreto ni Ivo but his temper made his secrets known. This week, nag-resign daw ang lalaki pero bago ito umalis ay tinakot nito si Ivo na mag-ingat dahil marami siyang alam sa lahi niya—sa lahi namin.” Mahabang kwento ni Kent.
“H-hindi ko alam na may gano’ng problema pala si Ivo.” Malungkot kong sabi. Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? May problema pala siyang pinagdadaanan, why didn’t he bother telling me about it?
“Hindi lang kami ni Theyn at Ivo ang mga vampirang sikretong namumuhay sa mundo ng tao kaya kung mabuking siya—damay kami. And if our secrets get known to people, Ivo could be executed.”
“Executed?!” malakas kong sabi. “Who will execute Ivo then?”
“The Elders.”
Napahawak na lang ako sa ulo ko. They will kill Ivo dahil siya ang may kasalanan if masiwalat ang sikreto nila.
Napabuntong hininga na lang ako. Naaawa ako kay Ivo. Now that he needs me more that ever, hinding hindi na ako aalis sa tabi niya.
After ilang oras nang paghihintay a pinapasok na kami sa room na ino-occupy ni Ivo. Para lang naman siyang hospital sa mundo ng tao—mas maganda nga lang at mas malawak.
He was lying in bed white sheets. Walang malay at may nakaturok sa braso niya. Kagaya kapag nao-ospital ang tao, may swero rin siya. The difference is that, the color is blue.
Lumapit ako sakanya at agad kong hinawakan ang kanang kamay niyang walang nakakabit na apparatus. Theyn and Kent were outside kaya libre akong pagmasdan si Ivo. First time ko siyang makitang walang malay at pikit ang mata. Ang gwapo niya pa rin. Parang tulog na Adonis.
Inangat ko kamay ko at hinaplos ko ang matangos niyang ilong. Napangiti ako sa ginawa ko. Noon ko pa ‘to gustong gawin sakanya. Kung sana kaya niyang makatulog pag-gising niya tanging haplos ko ang gigising sakanya. Umabot ang kamay ko sa labi niyang malalamig. He has the softest lip I have ever touched and tasted.
“I love you…so much!” I utter. Kahit hindi niya ako matutunang mahalin, ang importante sa akin ay lagi siyang makitang buhay.
Sandali akong dinala ni Theyn palabas ng palasyo. Sabi niya pupunta kaming bahay nila ni Kent dito sa Vampire City.
The house is simple. Two storey white house na may malawak na lawn. Kahoy lang ang bakod at hindi ito gano’n kataas.
Pumasok kami sa loob kung saan automatic pala ang ilaw. Umakyat kaming second floor and went to the master’s bedroom.
“Magbihis ka muna, Cassey.” Binigay niya sa akin ang isang white blouse at isang walking shorts.
“Salamat,” I said. Nakita ko siyang pumasok sa CR at paglabas niya, may dala na siyang first aid kit.
“Gamutin natin ‘yang sugat mo sa braso. May mga gasgas ka pala, oh?” tinuro niya ang likod ng braso ko. Kaya pala masakit kasi nasugatan ako no’ng mga bubug nang barilin nila ang salamin.
“Thank you for everything, Theyn.” Sabi ko habang nililinisan niya sugat ko. Immune na talaga sila sa dugo. Akala ko talaga nagta-transform sila into a monster kapag nakakaamoy ng dugo.
“Ano ka ba. This is nothing. Besides, what are friends are for.” She said beaming.
“Regardless of how I treat you before, naging mabuti pa rin ang pakikitungo mo sa akin. Napaka swerte ni Kent at ikaw ang minahal niya. Napaka buti ng puso mo kaya marami sa’yong nagmamahal, Theyn.”
“Cassey, lahat ng tao mabuti ang puso. At alam ko naman na front mo lang ang pagiging bitch, eh. Kahit hate na hate kita noon, na-realize ko na gano’n talaga ang tao kapag nagmamahal, they will do anything for their loved ones. I misjudged you at sinaktan din naman kita. Physically pa nga diba?” natatawa niyang sabi. Napailing na lang ako nang maalala ko no’ng halos kalbuhin niya ako sa sobrang selos niya sa akin kay Kent.
“If it weren’t for my high heels, baka nagantihan pa kita no’n. You just caught me off guard.” I smirked at her. Tumawa naman siya nang malakas.
“Hahaha, kalimutan na nga natin ‘yon. Nahihiya ako sa ginawa ko.”
“Matagal ko na ‘yon kinalimutan. Ikaw lang ang mahilig mag throw back diyan, eh.”
Pinilit ako ni Theyn na matulog muna dito sa bahay nila dahil halos madaling araw na rin naman.
Sa isang guest room niya ako pinatuloy. Magpapahinga rin raw siya kasi nagca-cramps daw ang kanyang tiyan.
Nakahiga na ako sa kama at kahit pagod ang aking katawan, hindi ko naman magawang makatulog kakaisip kay Ivo. Nag-aalala ako sakanya. Paano kung ipa-execute nga siya ng mga elders dahil sa pagkabunyag ng kanilang sikreto?
Napabalikwas ako sa kama sa sobrang kakaisip. I glanced on the clock at 5:30 in the morning na pala. Over thinking consumes me at hindi ko man lang namalayan ang oras.
Tuluyan na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Theyn sa salas nakaupo habang nakahawak sa tiyan niya. She’s humming habang nakangiti.
Mabuti pa ‘to si Theyn. Ang ganda na ng buhay niya. Nasa kanya na ang lahat, eh. Haay. Oo nga I can have everything, pero bakit hindi ko pa rin magawang maging masaya sa kung anong mayro’n ako?
It’s because of Ivo. Siya lang ag gusto ko. Kaya kong ipagpalit ang lahat para sakanya. Handa akong mamuhay ng simple at maging kauri niya, mahalin lang niya ako.
“Ang aga mo namang magising? Are you sure na natulog ka?” Theyn said as she saw me walking towards her.
“M-medyo lang,” pagsisinnungaling ko.
“Gutom ka na ba? May food stock kami sa ref. ‘Yon nga lang kasi ga instant noodles. Are you okay with that?” akma siyang tatayo pero pinigilan ko siya.
“Ako na. I can manage.” Ngumiti ako sakanya saka dumeretso sa kusina. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.
“Sa cup board, madaming instant noodles diyan.” Napatango lang ako sakanya.
Nag-init lang ako ng tubig saka ko binuhos sa cup noodles. Sanay din naman ako sa ganito no’ng nasa Colorado ako. Kapag day off kasi ng kasambahay ko, walang nagluluto para sa akin kaya pinapatulan ko ang mga instant foods. Minsan nga ‘yung mga frozen foods pa nga na nilalagay lang sa microwave. Hindi healthy, I tell you.
“Theyn?” we heard Kent’s voice on the living room at agad kong nakita ang ngiti ni Theyn. Mali bang kiligin ako sakanilang dalawa? Hindi siya mushy couple pero simpleng gestures lang nila sa isa’t-isa mararamdaman mong totoo ang feelings nila sa isa’t-isa at ‘yon ang nakakakilig.
“Dito kami, Kent!” sigaw naman ni Theyn.
“Hindi ka na ba talaga kumakain ng human foods, Theyn? I mean, hindi ka ba nagugutom?” I asked habang kinakain ang noodles.
“Nagugutom kami pero hindi na human foods ang kine-crave ko,” she simple said.
“Ah, blood?”
“Yup,”
“Ng tao?”
“Minsan oo, minsan hindi. Depende kung ano ang available.”
“So you kill people? Kayo ni Kent?”
“No!”
“Eh paano kayo nakakakuha nang human’s blood?”
“Sa blood bank. Maarte ‘yan si Kent, eh. Bago niya binibili ang mga blood na kailangan namin, he make sure na screened lahat nang pinanggalingan. Alam mo naman ‘yon kung minsan, may tinatagong kaartehan sa buhay.” Napahagikhik siya sa sinabi niya.
“Ako ba pinag-uusapan niyong dalawa?” bigla na lang sumulpot si They sa tabi ni Theyn at halos mabilaukan ako sa sabaw na hinigop ko kanina. Dapat talaga masanay na ako sakanila. Pero nakakagulat pa rin kasi talaga.
“Gising na ba si Ivo?” Theyn asked.
“Hindi pa. Mino-monitor pa siya ng mga doctors. Ngayon lang ako nakaalis because I need to cover him to the elders kung ano ang totoong nangyari. Sinabi ko na lang na mga rogue vampires ang nakaaway niya para hindi na magtanong ang elders.”
“Pero Kent, sooner or later malalaman din ng mga elders ang totoo. Hindi ka ba natatakot na madamay kayo ni Theyn?” sabi ko naman.
Nagatinginan lang ang dalawa saka ngumiti sa akin.
“When Theyn was kidnapped by the blood suckers, Ivo was there to save her. At ngayong siya naman ang nangangailangan ng tulong, hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya.”
I was touched by Kent’s words.
“Ivo is very lucky to have you guys.” I sincerely said.
“No, Ivo is very lucky to have you by his side.” Sabi naman ni Kent at napangiti lang ako.
Someone’s POV
“Have you killed him?”
“Boss, sorry po. May kasamang babae ang vampirang gusto mong ipapatay. Hindi nga po kami sigurado kung natamaan namin siya no’ng silver bullet, eh!”
Napaigtad ako nang makita kong sinuntok niya ang mga goons na inutusan niya para pumatay ng…teka, tama ba ang narinig ko? Vampira? So hanggang ngayon he was still hunting a vampire? Pero sino naman ang nakilala niyang vampire this time?
“Stupid! Hindi ka sigurado kung tumama sakanya o hindi?! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang isang bala ng silver bullet?! Hindi mo ba alam na pihirapan para makabili ka niyan sa mga kaaway ng vampira?!”
“S-sorry po talaga, boss!” nakayukong sabi no’ng goons.
“Sino ba ‘yung kasama niyang babae?” nang-gigigil na sabi niya.
“Hindi po namin kilala, boss!”
“Mga hangal talaga kayo!” nakita ko siyang nagtitimping napahawak siya sintido at sa hitsura niya, halatang konti na lang makakapatay na siya ng mga tauhan niya. “Umalis na kayo at baka kayo ang mapatay ko nang wala sa oras!”
Agad naman akong napatakbo at nagtago sa isang silid.
Akala ko nakalimot na siya. Bakit hanggang ngayon pumapatay pa rin siya ng mga vampirang makilala niya kahit alam naman niyang wala itong kasalanan sakanya?
Sinisisi pa rin niya ang lahat ng vampira sa pagkamatay ng asawa niya.
-----
OMGGGGG! Bakasyon naaaa! Advantage din ang pagiging teacher kasi may bakasyon din kami. Nyahahahaha. Makakapag update ako ng madalas sa Cold Fangs. Hindi ko lang alam sa Crimson Love. ^3^
Ang init ng panahon. Ye know. Kaya nga hindi ako gaanong naglalalabas kasi baka makadagdag pa ako sa hotness ng panahon. Cheret! hahahaha Guys, kausapin niyo naman ako. huhuhu Active ako sa twitter at fezbuk. Tapos nagpa-follow back ako sa instagram. hahahah puro mukha ko lang naman yung dun eh. Maumay pa kayo sa akin. >:3 Nasa profile ko ang mga links kung gusto niyo ko kausapin. Boring eh. I need someone to talk to! TT____TT
Sayonara!
©THYRIZA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top