Chapter 17 - I'm like a boomerang
Chapter 17 – I’m like a boomerang
“Don’t do this Cassey.”
“But you did this to me!” I cried. Hindi ko na maitago ang emosyon sa dibdib ko. Gusto kong magmakaawa sakanya mahalin niya lang ako. “Mahal na mahal kita, Ivo! At hindi mo alam kung gaano kasakit itong ginagawa mo sa akin.”
Tiningnan ko lang siyang nakatingin sa akin. I can see pity on his face. Naawa siya sa akin ‘yon lang ang tanging nararamdaman niya sa akin ngayon.
“I’m sorry,” mababa niyang sabi. I smiled with bitterness. Sorry, but I don’t need his sorry.
“Hindi mo ba ako kayang mahalin? Am I not worth your love, Ivo?”
“No, Cassey. Your love don’t worthy me. You deserve someone better…and that is definitely not me. I’m sorry.” He turn his back at me at pumasok sa Villa.
He left me hanging. He left me broken and torned.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig sa gilid ng pool. Direct rejection is much worst. The way he stared at me full of pity hurts me like hell.
But I’m not a damsel in distress. I should fight for what I feel. Even if it cost my pride. Because Cassey Aragon is a boomerang, the harder you threw me, the harder I get back. At kahit ilang beses niya akong ipagtulakan, babalik at babalik ako.
NAKAUWI ako sa bahay namin after that night. Umaga ako nagpahatid kay manong Vince at laking pasalamat ko at Saturday ngayon kaya walang pasok.
I saw daddy talking to someone on the phone kaya hindi ko na siya nilapitan at dumeretso ako sa kwarto. I’m so exhausted. Both physically and emotionally. All I want is a good sleep para makalimutan muna ang lahat.
Nagulat na lang ako nang makita ko si Theyn sa kwarto ko. Nakahawak siya sa tiyan niya at parang inip na inip na hinihintay ako.
“What are you doing here?! At ano ang karapatan mong pumasok dito na walang pahintulot?!” kino-control ko ang lakas ng boses ko pati na rin ang pagkainis. Itong mga vampira sa buhay ko ay basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ko nang walang paalam. At feeling ko wala na akong privacy.
“Cassey—“
“Umalis ka na! I want to be alone!” lumapit naman siya sa akin and by the looks of her, parang alam na niya ang lahat. I don’t know how pero puno ng simpatya ang mga mata niya.
“Sorry,” with that, she hug me tight. Hindi ako umimik. Hinayaan kong yakapin niya ako kahit malaki na ang tiyan niya.
Eto ang ayaw ko, eh. Ang kinakaawaan ako. Kasi pakiramdam ko nanghihina ako. Parang mas lalo akong nagiging emotional at gustuhin kong i-comfort nila ako.
Bumitaw siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. My eyes were teary but I tried my best not to cry infront of her. Hindi sa babaeng dahilan kung bakit hindi ako magawang mahalin ng lalaking gusto ko.
“Hindi tama ‘yung ginawa ni Ivo sa’yo, Cassey.” She said.
“Paano mo nalaman? Sinabi niya ba sa’yo?”
“No. Kahapon kasi nag-aalala rin naman kami sa’yo ni Kent so sinamahan namin si Ivo para hanapin ka. Nasa labas lang kami ng Villa ng kabigan mo pero rinig na rinig naming dalawa ang confrontation niyo.” Puno ng guilt ang mukha ni Theyn but I don’t want her to feel that way. Wala siyang kasalanan.
“Hindi ko alam—namin ni Kent na hindi pa pala moved on sa akin si Ivo at dahil do’n kaya ka nasasaktan. I’m so sorry, Cassey. Ako nanaman ang naging dahilan para masaktan ka.” She squeezed my hand saka ako nginitian ng tipid.
“Wala kang kasalanan. It’s actually my fault because I let myself fall for that…that stupid vampire who can’t be moved!”
“Kent and I decided na layuan na muna si Ivo para sa inyong dalawa na rin. Mali rin kasi ako. Naniwala akong he’s over me lalo na no’ng sinabi niyang kayo raw. Hindi ko alam na nagpapanggap lang pala siya.”
“You don’t have to do that. Huwag niyong layuan si Ivo. Kayo na lang ang kaibigan niya.”
“It’s for the best,” nginitian lang ako ni Theyn. Her smile felt like she was assuring me that everything’s going to be okay and I don’t have be worried about it.
WEEK days na at nasa office nanaman ako. Kahit busy ako hindi ko pa rin makalimutan si Ivo. Lalo na’t malapit nang mag lunch time. Umaasa pa rin akong hahatiran niya ako ng pagkain.
Pero namuti na ang mata ko kakahintay sakanya, pero walang dumating na Ivo. Pasalamat na lang ako at nagkusa si Leni na dalhan ako ng pagkain dahil akala niya kaya ako hindi lumalabas ng office ay dahil sa hindi ko maiwan ang trabaho.
Naalala ko tuloy ‘yung sinabi ni Theyn kanina bago siya umalis.
“Don’t give up on him. Fight for your love and one day, he will realize your worth.”
“Tama! Kung napa-fall ako ni Ivo, eh ‘di pa-fall din dapat ang peg ko. Huh! Humanda ka sa akin, Primotivo Hidalgo.” I said grinning.
MAAGA akong nag-out ngayon dahil plano kong puntahan si Ivo sa kumpanya niya. Nagpahatid ako kay manong Vince pero sinabi kong ‘wag na niya akong hintayin.
I gathered attention nang pumasok ako sa kumpanya nila. Mostly pala sa employees niya ay lalaki. Agad kong tinanong kung saan ang office niya at walang alinlangan na inihatid ako ng receptionist sa tapat nang office niya.
Pero hinarang naman ako ng secretarya niya kaya napahalukipkip ako.
“Let me in,” mataray kong sabi. This is no time for goody too shoes lalo na kung si Ivo ang pinag-uusapan.
Natakot ata ang secretarya sa tingin na ipinukol ko sakanya kaya agad niya akong pinapasok sa office. Pero bago ako tuluyang makapasok nilingon ko siya at sinabing ayaw kong maistorbo kami.
Nakapasok ako sa office niya. Neat and clean, well-arranged and elegant. ‘Yan ang office niya. Hindi ko siya nakita sa swivel chair niya kaya naikot ko ang paningin niya.
Saan kaya ‘yon? Hindi naman sinabi nang secretarya niya na wala siya so malamang nandito lang siya.
Naupo ako sa swivel chair niya at hinarap ang over-loong glass panel. I crossed my legs at nag-iisip nang mga puwedeng sabihin sakanya.
I heard a door opened kaya bigla akong kinabahan. Okay, Cassey. Relax. It’s just Ivo. Kaya mo ‘to.
Narinig ko ang mabibigat niyang yabag kaya dahan-dahan kong inikot ang swivel chair paharap sa desk niya. I tilted m chin para kunwari smart ako tingnan and I tried my best to make a poker face para hindi ako maintimidate sakanya.
“Hi,” nakataas ang kabilang kilay ko. Pinagsakop ko rin ang dalawang kamay ko at naka-lean ang elbow ko sa arm rest while crossed legs.
“Christ sake! What are you doing here, Cassey?!” gulat na gulat niyang sabi. Gusto kong matawa sa reaction niya pero pinipigilan ko lang sarili ko. Mamaya na ako tatawa kapag successful ang plano ko.
“I’m here to make you mine, ofcourse!” I sexily stood up his swivel chair and seductively walk towards him. Gosh, this is what you call unexpected flirting. Kung alam ko lang eh ‘di sana nagsuot ako nang mas seductive.
“C-Cassey…”
Nasa harapan ko na si Ivo at halos mapatalon ako sa tuwa nang makita kong nagbaba taas ang kanyang adams apple. I want to tap my back and congratulate myself pero alam kong hindi pa ako nananalo. This is just the start.
“I’ll make you a deal, sweetheart.” Gusto kong iparamdam sakanya ang lahat nang ginawa niya sa akin. And let’s start with the endearnment. “Hayaan mo akong mahalin ka. Bigyan mo ako nang isang buwan para patunayan sa’yo na ako ang nararapat para sa’yo. Wala nang iba.” I smiled like an evil woman tamed a lion.
“Cassey, you don’t have to do this—“
“B*llsh*t! You did this to me, Primotivo! And this time, I won’t let you get away from this! Hinayaan mo akong mahalin ka so take this as your karma kasi pa-fall ka!”
Ilang beses siyang napakurap habang kaharap ako. Tama ‘yan, ma-speechless ka sa ganda ko kasi hindi kita titigilang vampira ka! Siguro hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Wala na ‘tong atrasan. Masaktan na kung masaktan. Atleast I tried.
“Oh, ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? Tara na at ihatid mo ako sa amin.” I said then walk towards the door.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ngiting tagumpay. Nagkamali siya ng piniling mapa-fall. Nakalimutan niya ata kung gaano ako ka-b*tch! At kung ano ang gusto ko, kailangan kong makuha. Lalo na kung si Primotivo na ang usapan!
------------------------
A.N: Girl power na ituuuu~ hahahaha! May pinanghuhugutan ako sa character ni Cassey kaya madali para sa akin gampanan ang point of views niya.
Siguro sa story na 'to, gusto kong ipin-point na tayong mga babae kailangan palaban na rin lalo na sa mga feelings natin. Huwag nating hayaan ang mga lalaki na gawin ang gusto nila sa feelings natin. Kagaya ni Cassey, ipinagsapalaran niya ang feelings niya. Kasi kapag hindi niyo ipinaglaban ang nararamdaman niyo, pagsisisihan niyo 'to at masasabi niyo sa huli ang "What if" phrase. What if pinaglaban ko siya? At least alam mo diba? :))
So 'yun lang.
HAPPY SUNDAY! DON'T FORGET TO GO TO CHURCH! ^^
©THYRIZA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top