Chapter 16 - Rejected
Chapter 16 – Rejected
“You may know kiss the bride,” the priest announced as Migo disclose the veil of her wife. Nagpalakpakan kami—sila lang pala.
Isang intimate wedding sa beach itong kasal nila Migo at puro mga kaibigan lang ang mga ibitado.
Sa totoo lang naiinis ako. Bukod kasi sa hindi ko kasabay si Ivo dahil kasama siya sa entourage kaya heto ako, nasa guest seat lang. Tapos ‘yung babaeng partner niya kung makakapit sa braso niya as if close sila. Eh mukha naman siyang cheap sa suot niyang sleeveless yellow dress na hindi bagay sa complexion niya kasi hindi naman siya maputi! Bwesit!
“Ms. Cassey, bakit kayo nakasimangot?” tanong ni Leni sa tabi ko.
“Wala!” inis kong sabi.
“Sasama po kayo sa pictorial?”
“Hindi,”
“Nag-text nga po pala si Sir Lyrron. He was asking kung saan kayo. Rereplyan ko po ba?”
“Huwag na.”
Nakita kong busy pa sila sa pag picture kaya tumalikod na ako. Nakasunod lang sa akin si Leni habang nilalakad ko ang buhangin. Babalik na ako sa hotel na ni-rent ko for this wedding. Mag-oovernight daw kasi and I bet kung makakapag overnight nga ako dito. Sirang-sira na ang araw ko.
“Pack my things. Aalis na tayo. Itext mo na rin si Manong Vince para maihanda na niya ang sasakyan.” Sabi ko sakanya. Mabuti na lang pala at hindi ako sumama sa kotse ni Ivo. Atleast ngayon makakaalis ako kung kailan ko gusto.
“Handa na po, Ms. Cassey.”
“Tara na!” sabi ko saka kami lumabas ng room. Isang mini travelling bag at shoulder bag lang naman ang dala ko kaya ako na nagbitbit ng gamit kasi may sarili ding dala si Leni.
Nag check out lang ako sa front desk saka kami tuluyang lumabas sa hotel. Sa labas naghihintay ang sasakyan ko at inalalayan kami ni manong Vince sa dala namin.
“Akala ko po ma’am bukas pa ang alis natin,” sabi niya nang makasakay ako sa kotse.
“I changed my mind. Pakibilisan po ang pag drive, gusto ko agad makauwi.”
Pinilig ko ulo ko sa sandalan at pinikit ang mga mata. Minsan, kahit hindi naman pagod ang katawan mo, kapag emotionally unstable ka, feeling mo pagod na pagod ka rin.
Sana pala nanatili na lang ako sa Colorado. Sana pala nakinig na lang ako sa sarili ko na walang magandang idudulot sa akin ang pag uwi sa Pilipinas. Heto tuloy ako, patuloy na nasasaktan—from a different man.
Oo nga’t nakapag move on ako kay Kent, pero may kapalit naman pala. At mas malala pa. Pero atleast ngayon nako-control ko ang emotion ko pati na rin ang actions ko. Before kapag gusto ko talagang ginagawa ko ang lahat para makuha, pero ngayon, hinahayaan ko lang. Pinapanuod kung paano niya ako mas lalong mapa-fall sakanya.
Dinukot ko ang phone ko sa bag at tinext si Sandy. Gusto kong mag girl’s bonding kami. I want to unwind.
I ignored all the texts from Ivo at tinawagan ko si Sandy. Sana lang available siya.
“Sandy!” I called out when she answered.
“You called!” her voice were hyper—as usual.
“Punta tayong resort niyo.” I said. Nakita kong parehong napatingin sa akin si Leni at manong Vince. Sayang naman kasi nitong mga dala ko kung mauuwi lang sa wala. All I want today is Ivo-free-day. Ayaw ko siyang isipin, o kahit makasama kasi sa totoo lang mababaliw na ako.
“Bakit biglaan. 4 hours drive ‘yon.” She said.
“Susunduin kita. Mag ready ka na,”
“Ha? Ay teka lang naman—“
“I’ll be there within 1 hour. Don’t make me wait.” I said then hang up.
“Ms. Cassey, sasama pa po ba ako?” Leni asked me. For sure naman kahit hindi ko sabihin sakanya naintindihan niya na ang usapan namin ni Sandy.
“Yes,” tipid ko lang na sagot.
Nakarating kami sa bahay nila Sandy bago pa man ang isang oras. Pinapasok sa loob ang sasakyan saka ako bumaba dala ang ilang gamit ko. Gusto kong magbihis at magtanggal ng make up. Suot ko pa rin kasi ‘tong yellow dress na binili ko para sa pag attend ng kasal.
“Wow! Saan ka galing at ganyan ang suot mo?” nang-iinis pang sabi ni Sandy nang makapasok ako sa bahay niya.
“Don’t ask. Can I use your bathroom?”
“Sure! Hindi pa naman ako tapos mag impake. Tara sa taas.” Kinalabit niya ako papasok sa kwarto niya.
Napangiti lang ako nang makita ko ang kwarto niya. This is her old room. Parang walang nagbago except sa mga nawalang posters ng Westlife at A1 na nakadikit sa wall niya noon. Tambak pa rin siya ng stuffed toys sa kama niya.
“Ano ba’ng nangyari? Magkwento ka nga,” sabi niya habang pumipili ng two piece.
“Si Ivo kasi, eh. Ang landing nilalang!”
“Oh! So bakit ka naka dress na parang mag aattend ng kasal?”
“Kasi galing nga ako sa kasal. Pero nilayasan ko na kasi na-bwesit ako do’n sa babaeng nakakabit sakanya kanina!” I rolled my eyes heavenwards. Mas lalo akong nang-gagalaiti kapag naalala ko ‘yon.
“Let me guess, beach wedding?”
“Yup!”
“Kaya ka nagyayaya rin pumunta sa resot?”
“Yup!”
“Good thinking. Nabubulok na rin kasi ako dito sa bahay. Suspended kasi ako sa kumpanya namin.” She closed the zipper of her travelling bag saka ngumisi. Ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa nitong babaeng ‘to?
“What did you do this time?”
“Wala naman. One of the board of directors caught me making out with my dad’s chief assistant at peg niya na ipahiya ako kaya inunahan ko siya. I punched her face at sabog ang kilay niya.”
“War freak ka talaga kahit kailan.” Napapailing kong sabi.
“Eh alam mo naman ako.” Tumawa lang ang loka.
Kinuha ko naman ‘yung bad ko saka pumasok sa CR. Nagmadali akong maligo saka nagbihis ng short shorts and hanging loose shirt and flipflops. Iniwan ko muna ang dress ko sakanila Sandy kasi ayaw kong magdala ng used clothes. She said ipapa laundry na lang niya sa katulong at ipapadala sa akin.
Ang four hours drive papunta sa resort nila Sandy ay naging 6 hours dahil nasiraan kami sa kalagitnaan ng daan. Mabuti na lang at malapit kami sa talyer nang tumirik ang sasakyan kaya napaayos pa namin.
Papalubog na nga ang araw nang makarating kami sa resort. It was a semi private resort na pag-aari ng family nila Sandy. Semi kasi minsan may mga rumerenta raw para sa mga intimate gatherings like weddings, engagements at kung ano-anu pa.
Sa resort na ‘to ay may apat na Villa na pag-aari ng ibang family ni Sandy. ‘Yung pinakamalaki ang sakanila dahil ang dad niya ang may pinakamalaking share sa resort. Napansin ko naman na may mga nagpaparty sa pinaka-unang villa na dinaanan namin at sinabi sa akin ni Sandy na mga pinsan niya raw ‘yon galing Canada at nagpaparty.
Mabuti na nga lang pala at sinama ko si Leni kasi aalog-alog kami dito sa napaka lawak na villa na tutuluyan namin.
The Villa is very modern at halos 60 percent ng exterior ay made of glass pero hindi mo masyadong kita kung ano ang nasa loob dahil na rin sa artificial rain running through the glass walls.
Inikot ko ang lugar at mayroon palang infinity pool sa likod that reflects or makes a visual effects extending to the horizon. Kapag tiningnan mo siya, para siyang kadugtong lang ng dagat sa upper part ng coast dahil na rin sa invisible edge nito. The place is breathe taking. Once na akong nakapunta dito no’ng hisgh school kami pero hindi pa ganito kaganda ang resort nila at walang pool na ganito. White sand ang beach dito at tanaw mo ang asul na dagat.
“Ang ganda naman dito, Ms. Sandy.” Rinig kong sabi ni Lenik ay Sandy.
“'Buti at sumama ka, Leni. Ipapakilala kita sa mga pinsan ko para magkaro’n ka ng boyfriend na mayaman!” Sandy shrieked at nakita kong napangiwi si Leni.
“Hoy Sandy! Huwag mo ngang turuan nang kung ano-anu ‘yan at baka matuto.” Irap ko sakanya.
“Asus! Ayaw mo lang siyang magkaro’n ng boyfriend na mayaman kasi kapag nakapag asawa siya ng mayaman, mawawalan ka ng trustworthy secretary.” Pang-aasar pa niya kaya napairap lang ako.
“That’s not true!”
“Hindi naman po ako mag-aasawa ng mayaman para lang mapadali ang pag-angat sa buhay. Masaya na po ako sa kung ano’ng mayro’n ako.”
“Pero ihahanap pa rin kita ng papable. Madami akong pinsan na gwapo!” kumapit si Sandy sa braso ni Leni at dinala ‘to paakyat sa second floor.
Sinundan ko sila pero dumeretso ako sa kwartong gagamitin ko. Kinuha ko phone ko sa bag at nakita kong ang daming text at tawag sa akin ni Ivo. Hindi tumagal ay tumatawag nanaman siya pero hindi ko sinagot.
“Manigas ka!” I said saka ko tinapon ang phone—sa kama. Ayaw ko ng bumili ng bagong phone ‘no!
Napalingon lang ako sa may pintuan nang pumasok si Sandy at Leni. Pinagpalit niya si Leni nang maong shorts at white fitted blouse. Nakalugay din buhok niya at may konting lip gloss ang labi.
Simple lang ang dating ni Leni pero maganda. Parang kagaya ni Theyn na mas lalong gumaganda kapag naayusan. Wait, did I just compliment Theyn? Ugh!
“Tara sa Villa ng mga pinsan ko. Hindi naman puwedeng tayo lang ditong tatlo ‘no!” nakatawang sabi ni Sandy.
Lumabas kaming tatlo saka nilakad ang Villa ng mga pinsan niya. Hindi naman siya gaanong malayo pero hindi mo agad siya makikita dahil na rin sa puno at mga topiaries sa gilid. Kahit madilim na, hindi naman nakakatakot kasi napapalibutan ng ilaw ang buong resort.
Narinig ko ang napakalakas na sounds sa loob ng Villa at tumambad agad sa akin ang mga nagtatawanan na teenager mostly ay lalaki at iilan lang ang babae.
Agad naman nila kaming sinalubong nang makita kami. Bale apat na lalaki ang nasa harapan namin ngayon. The blonde one na parang copy-cat ni Ken sa Barbie, he’s wearing a green board shorts and a white sando. The other which is medyo Pinoy ang dating ay masasabing tall, dark, and handsome. Semi kalbo ang buhok niya at may tattoe sa dibdib. Of course he’s topless wearing only his black board shorts. And I think the youngest is the twin in front of us. Identical sila at singkit. I bet they’re only 16 dahil na rin sa maliit na pangangatawan.
“Good to see you here, couz!” sabi ni blonde.
“Can we join you guys? Medyo boring sa villa namin, eh.”
“Of course!” si tall dark naman ang sumagot.
“Champ and Chad! Ang lalaki niyo na! At gwapo!” sabi ni Sandy sa kambal.
“Syempre naman ate! Basta mga Medina gwapo!” sabi no’ng Champ. Mukhang ‘yung Chad ang tahimik dahil napangiti lang siya sa sinabi ng kakambal.
“Oh, I don’t mean to be rude. Cassey and Leni, these are my first cousins from my father side. Si Neigel, Gab, Champ and Chad. Guys, this is Cassey my bestfriend and Leni her assistant.”
“Hi!” sabay-sabay nilang kaway sa amin.
The nine of us decided to make a barbeque at syempre hindi mawawala ang inuman. Light lang naman but enough to high up my senses.
We played charades, spin the bottle, ping pong, billiards at kung ano-anu pa. It was fun pero alam kong napipilitan lang ako.
Nakita ko si Leni na nakikitawa sa mga kwento ng kambal pero nagtetext din siya. May boyfriend kaya ang babaeng ‘to? Bakit hindi niya mabitawan phone niya?
“Cassey,” napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Barbie-ken-copy-cat. May hawak siyang dalawang bote ng beer. ‘Yung isa bukas na at ‘yung isa hindi pa.
“Hey,”
“Here, drink some. Kanina mo pa iniinom ‘yang juice.” Natawa lang ako sa sinabi niya. This is not a juice. Vodka siya a pineapple flavor.
“Thanks,” sabi ko nang kunin ko ang bote. May kinuha siyang bottle opener sa bulsa niya saka niya binuksan ang beer ko.
“I’ve known Sandy since we were kids pero hindi ko ata alam na ikaw ang bestfriends niya.” He said. Napangiti lang ako. Siguro kasi self centered ako no’n kaya madalas ako ang center ng friendship namin.
My family knew Sandy so well pero hindi ako gaanong kilala ng family niya except sa daddy niya, mommy niya at sa kuya niya.
“Busy ka lang siguro,” I said then smirked. Gusto ko sana siyang barahin na hindi ko rin naman siya kilala bilang pinsan ni Sandy kaso ayaw kong gumawa ng eksena. Less talk, less mistake. Kasi naman bakit ako kinakausap nitong blonde na ‘to.
Nag-inuman pa kami and I must say na descent drinker ang mga pinsan ni Sandy. ‘Yung kahit lasing na hindi sila nambabastos or nagte take advantage. Mas nagiging kwela pa nga sila, eh. Ganito talaga kapag may class.
We were having a pep talk nang makita kong tumayo si Leni.
“Where are you going?” I asked.
“Icha-charge ko lang po phone ko.”
“Samahan na kita,” sabi ko saka tumayo. Napatingin naman ako kay Sandy at nagpaalam sandali.
Sabay kaming naglalakad ni Leni at panay pa rin ang text niya.
“Sino ba ka-text mo?” wala sa sarili kong tanong.
“W-wala po.”
“Boyfriend mo?”
“Ay hindi po Ms. Cassey.” Agap niya kaya napangisi lang ako.
“Huwag ka nang magkaila. Sus!”
“Hindi po talaga.”
Nakarating kaming Villa at nadatnan ko si manong Vince na tulog sa salas habanag naka-on ang TV, Nakatulugan niya ata.
Pumasok si Leni sa kwartong ino-okupa niya at pumasok na rin ako sa kwarto ko. Agad kong nakita ang phone ko sa kama. Nagmamadaling kinuha ko ang phone ko at laking dismaya na walang text o tawag man lang galing kay Ivo.
Hindi niya ba ako hinahanap? Sumuko na ba siya? Baka naman relieved siya na wala ako do’n kasi hindi niya kailangan magpanggap na kami.
“Haay!” napahiga na lang ako sa kama sa sobrang sama ng loob. Hawak ko pa rin ang phone at gustong-gusto ko siyang murahin sa text. Siguro kasi malakas ang loob ko dahil na rin sa alak na nainom ko.
“Fvck you ka… ay erase! Bwesit ka… Ivo! Ugh! Backspace, backspace!” I felt helpless. Gusto kong magwala sa sobrang sama ng loob. Nakakainis!
Bigla naman akong napabangon nang makarinig ako nang mabibigat na yabag sa labas.
“Leni, is that you?” I opened the door at wala namang tao sa pasilyo. Pumunta ako sa kwarto ni Leni at kinatok ‘to pero walang sumasagot. Bumaba ako papuntang salas at wala na si manong Vince at nakapatay na rin ang TV.
“Where is everybody?”
Inikot ko ang kabahayan pati sa kusina pero wala sila.
“Leni! Manong Vince!” I called out. I went to the back of the Villa where the pool I located pero wala rin sila. “Leni! Nasaan kayo? Manong Vince!”
“Wala sila… pinaalis ko.”
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko sa nagsalita sa likod ko. Ayaw kong lumingin dahil na rin sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Boses pa lang alam ko na kung sino siya. His body reflected onn the pool at nakita ko ang matikas niyang tindig.
Dahan-dahan akong lumingon sakanya at halos pinagsisihan kong tiningnan ko siya. His expression were furious. Parang nag-aalab ang mga mata niya sa galit. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng kanyang presensya dahilan para mapahawak ako sa braso ko.
“P-paano mo nalamang—“
“I tracked Leni’s number since you were far so far away to track your scent.” Hindi ko sakanya pinahalata na nagulat ako. So ‘yung ka-text ni Leni ay si Ivo?
“Bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam? You made me worried sick, Cassey! Halos kalampagin ko na ang buong resort kanina kakahanap sa’yo ‘yon pala kasi nandito ka na! What were you thinking?! And you’re drunk again? Wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo kundi ang maglasing?! Ha, Cassey?!” galit na galit niyang sabi.
This was the first time na sinigawan niya ako. Pakiramdam ko namamanhid ang buong pagkatao ko. Mali nga naman ang ginawa ko. Pero masisisi niya ba ako? I just want to get away from pain. Masyado nang masakit. At walang saysay kung sabihin ko sakanya ang nararamdaman ko kasi I kow from the start that the feeling is not mutual.
“Don’t yell at me,” kalmado kong sabi.
“I need to yell at you, Cassey! Para makapasok sa isipan mo na hindi lahat nang gusto mo ay puwede mong gawin! You made me look like stupid knowing that everybody knew you were with me! I almost…I almost ruined Migo’s wedding searching for you!”
Para akong maiiyak. It was pride after all. Iniisip niya pa rin ang isipin ng nakakarami. Napagmukha ko siyang tanga sa lahat.
“Ganito naman talaga ako, eh. I’m the b*tch you don’t want to know! I will leave if I want to because I’m not obligated to tell you my whereabouts. Besides, I don’t want to bother you from flirting with that…that not so pretty lady!”
“Nag-seselos ka?” he said like mocking me and I answered him abruptly.
“Yes!” walang kagatol-gatol kong sabi. “Yes I’m hella jealous and you’re so numb not to realize that! I like you…no, I love you freaking vampire!” hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para umamin sakanya pero dala na ri siguro ng alak kaya ganito ako. At ngayon lang ako nagpapasalamat na lasing ako. Ngayon lang…
Kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat. Namimilog ang mga singkit niyang mata pero agad din namang nagseryoso. I want him o say something. He can’t just keep quite after I confess him my feelings. Itutulak ko talaga siya sa pool kung iee-speechless-zoned niya ako.
“Lasing ka lang…” napangisi lang ako sa sinabi niya. Ine-expect ko na ‘yon mula sakanya. Idadahilan niya ang pagkalasing ko.
“Lasing lang ako pero alam ko ang sinasabi ko!” I bawl at him.
“But Cassey, you can’t love me…”
“I already did, jacka*s! And it’s too late for you to say to take back my feelings for kasi hindi ko kaya. Hulog na hulog na ako sa’yo.” I stared at him. Right at this moment pinapanalangin kong sana nababasa ko ang isip niya. He’s so hard to read right now. I can’t see ay emotions on his face right now.
“But I can’t catch you.” He simple said dahilan para durugin ang puso ko. Para siyang minartilyo ni Thor sa sobrang sakit.
“Is it because you still love Theyn?” napipiyok kong sabi. Hindi siya kumibo pero alam kong oo ang sagot niya.
“Cassey…”
“Then use me! Gamitin mo ako para makalimutan siya!” and this time, desidido na ako. Wala na akong pakialam kung masaktan pa ako. I just want him…only him.
“Hindi ko ‘yon magagawa sa’yo! Magkaibigan tayo!” tiim bagang niyang sabi. Nakipag tagisan ako ng titig sakanya at hindi ko binabawi tingin ko.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. I tiptoe my feet saka inabot ng labi ko ang labi niya.
I kissed him passionately but he wasn’t even responding. At wala nang mas sasakit pa kapag siya mismo ang bumitaw. Pakiramdam ko ang daming nabasag na salamin sa paligid ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
-----
At dahil nagbago na ng layout ang reading view (curse wattpad for this!) kaya ako nag-update para ma-testing lang. Nakakatamad na magbasa. Sa phone na lang ako. Hindi ko na nga alam kung papanu mag dedicate. :"3
Change for the worst ang peg nila! Isa ako sa wattpad beta user kaya a month ago pa alam ko na na ganito ang binago nila. At sa ngayon, marami pa silang binago na hindi niyo pa nakikita tulad ng notifs and news feeds. They asked us, beta user, kung ano ang feedback namin sa bagong reading view and i told them it sucks almost everybody is against it pero hindi naman sila nakinig. What's the use of asking us some feedbacks eh hindi naman pala nila susundin? Hay nako wattpad!
Sige good night.
HAPPY GRADUATION SA LAHAT NANG GADUATING STUDENTS! WELCOME TO THE COLLEGE WORLD, HIGHSCHOOL STUDENTS. AND WELCOME TO THE REAL WORLD, COLLEGE STUDENTS. :)
From your pretty ate Thy! HAHAHAHA ;")
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top