Chapter 14 - Jealous Betch

Chapter 14 – Jealous Betch

“BAKIT isa lang ang kwarto mo?” nakapameywang kong tanong nang makapasok ako sa condominium niya rito sa Vampire City.

Sa totoo lang, hindi ganito ang ine-expect kong lugar ang mapupuntahan ko. Para siyang modern, eh. Naiisip ko kasi ‘yung makaluma at madilim. Pero ito hindi. Para siyang Beverly hills lalo na kapag gabi.

“Malamang kasi ako lang ang nakatira rito,” he answered back kaya napairap lang ako sakanya.

Maliit lang ‘tong condo ni Ivo at pang masculine ang theme ng buong kabahayan. Black and white lang makikita mo except sa gray na carpet at sa brown leather couch. May isang kwarto siya na according to him ay hindi naman niya ginagamit. May maliit kitchen at dining area at sa gilid nito ay glass sliding door na may maliit na terrace kaya kita mo sa labas.

“Matutulog na ako. I’m so tired.” Sabi ko saka pumasok sa kwarto niya. Sinara ko lang ang pinto at nilagay ko ang bag sa kama.

What I like about here kasi malamig ang klima hindi kagaya sa Metro na mamatay ka sa init kung walang aircon.

Nagpalit lang ako ng damit pantulog at hindi ko na naisip mag shower dahil na rin sa pagod. Wala pang isang minute na mahiga ako at naramdam ko agad na tinatangay na ako nang antok.

Nakarinig ako nang nagkakalansingan na kawali at sandok kaya nagising ako. Kinuha ko ang phone ko sa bed side table at tiningnan ko ang orasan. 7:45AM na. Grabe tuloy-tuloy ang tulog ko. Hindi ko nga maalala kung may panaginip ako.

May bathrobe sa cabinet ni Ivo kaya ginamit ko ‘to. Lumabas akong kwarto at dumeretso sa kusina. Nakita ko siyang nagsasalin ng fried rice sa plato. Kagaya nang una ko siyang makitang nagluluto, wala akong ibang naramdaman kundi paghanga. Kung hindi ka nga naman mahuhulog sa isang katulad niya.

“Uy, babe! Good morning.” Bati niya nang makita ako. Nilagay niya sa kitchen counter ang nilutong fried rice.

“Nagluluto ka nanaman.” I said.

“Hmm, maupo ka na. Scrambled egg na lang lulutuin ko.” He said.

“Ako na lang. Nakakahiya naman sa’yo.” I said pero umiling siya.

“I want to cook for you. It makes me feel like a normal person. Nakakamiss din kasing kumain, eh.” he said.

Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Naupo lang ako sa mataas na stool sa may bar counter niya habang pinapanuod siyang magluto. Swerte lang ng magiging asawa ni Ivo. ‘Yon ay kung mag-asawa pa siya.

After niyang lutuin ang scrambled egg na may chopped bacon ay nilagay niya ‘to sa plato at nilagay sa harap ko.

“Kuha lang ako ng spoon ang fork,” he said then turns around. Aamoyin ko sana ang fried rice na gawa niya nang bigla na lang na may yumakap sa leeg ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na nagawang makasigaw pero agad akong napatayo from my seat at handa ng sigawan kung sino mang hinayupak ang nang-gulat sa akin pero napakunot noo lang ako na makita si Theyn na nakabungisngis at parang tuwang-tuwa sa ginawa niya sa akin.

“Are you making fun of me, bitch?!” singhal ko sakanya. Halos kumawala na ang puso ko sa sobrang kaba.

“Oh, no! I’m just happy na makita kita rito.” Sabi niya.

Para naman akong nakonsensya sa pagtawag sakanya ng bitch. I need to understand her since she’s pregnant. Besides, aminin ko man sa hindi, natutuwa akong she’s getting very fond of me. Hindi ko rin nga alam kung bakit, eh. I can still remember how I hate her to death pero ngayon, it’s like I want to get to know her.

“Sorry. Nagulat lang ako.”

“Wala ‘yon. Sige na, kumain ka na para maipasyal ka namin sa Vampire City. Kausap pa kasi ni Kent si Lorelei ‘yung pamangkin niya.”

Tahimik lang akong kumain sa kitchen counter habang pinapakinggan silang mag-usap. Gusto kong tingnan ang hitsura ni Ivo haban kausap si Theyn pero hindi ko magawa. Natatakot ako na makita siyang masaya. Naduduwag ako ‘pag dating kay Ivo. Hindi ko kayang harapin ang nararamdaman ko when it comes to him.

“Hindi nanaman nga makakapunta si Cindy, eh. Nakakatampo talaga siya!” I heard Theyn said to Ivo.

“Hayaan mo na. Ako rin nga nami-miss ko na ang kakulitan ng babaeng ‘yon,” sagot ni Ivo dahilan para lumakas ang heartbeat ko.

Nami-miss? Sino? A vampire girl named Cindy? Who’s Cindy? Bakit naman siya mami-miss ni Ivo? May something ba sakanila?  Her name sounds familiar though.

“Sino si Cindy?” I said nonchalanty. Pareho silang napalingon sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain at nagpatay malisya sa tanong ko at kumain lang.

Shit! Sagutin niyo tanong ko! I mentally shout at them.

“She’s a friend of ours,” Theyn answered. Ivo passively nod.

“Oh,” hindi ako kuntento sa sagot nila. “I’m full,” sabi ko saka tumayo.

Tinalikuran ko sila saka ako pumasok sa kwarto. Sira na agad ang umaga ko. Who ever that Cindy is, she should have stayed wherever she is. Hindi ko ata gugustuhin na makita siya kasama ni Ivo. Nasasaktan na nga ako kapag sila ang magkasama ni Theyn sa iba pa kaya.

MAG-KASAMA kaming apat na namamasal sa Park ng Vampire City. Makulimlim ang panahon o talagang ganito lang lagi ang climate dito.

Magkahawak ng kamay si Kent at Theyn habang naglalakad. Nauuna sila sa amin at masayang nag-uusap. Samantalang kami naman ni Ivo ay parehong hindi nagkikibuan. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin, medyo awkward kasi kami ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit.

“Ayos ka lang ba, babe?”

“Yeah,”

“Parang hindi naman, eh.”

“Okay lang nga ako,”

“Bakit parang hindi?”

Tiningnan ko naman siya ng masama. Ang kulit ng lahi nito. Sinabi nang okay lang ako, eh! I’m not like any aother girl na kailangan suyuin and when I said I’m fine, ‘yon na ‘yon. No talks!

“Imahinasyon mo lang ‘yon,” sabi ko. Napangiti ako nang nakita kong nakaakbay si Theyn kay Kent at nakatingkayad siya para abutin ang leeg ng asawa. Rinig na rinig namin ang tawanan nilang dalawa at kung paano pagalitan ni Kent si Theyn dahil hindi raw nito iniisip na buntis siya.

“Hindi ka ba nagseselos sakanila?” he asked.

“Hindi,” walang kagatol-gatol kong sabi. “Eh bakit ikaw?”

Hindi siya sumagot kaya napatingin lang ako sakanya. He was smiling at them.

“I’m happy for them,” was his answer. A safe reply if you will ask me.

Pareho kaming napatingin sa mag-asawa at nakita kong nagpapahabol si Theyn. Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa pag-alala. She’s pregnant for crying out loud! Bakit siya tumatakbo?

‘Yung mukha ni Kent parang aatakehin sa sobrang pag-aalala sa kanyang asawa. Pati rin naman ako, eh. She’s so careless!

“THEYN!” sabay-sabay naming sigaw nang matisod ang paa niya.

Pareho kaming napatakbo ni Ivo pero mas nauna siya sa akin. Hindi pa man tumatama ang likod ni Theyn sa lupa ay agad siyang nasalo ni Kent. Nakahinga naman ako nang maluwang pero nang tingnan ko si Ivo na nag-aalala parang tinusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko.

I felt like crying. Damn this heart! Hindi ba siya puwedeng maging manhid?

Naunang nakalapit si Ivo at sumunod lang ako.

“Theyn, hindi gawain ng buntis ang tumakbo.” Seryosong sabi ni Ivo.

“But I’m fine,” kibit niya.

“Because i was able to catch you, wife. Paano kung wala ako?” seryoso ring sabi ni Kent.

“S-sorry kung pinag-alala ko kayo,” nakagat ni  Theyn ang pang-ibabang labi niya at parang maiiyak. Emotional pa naman daw ang mga buntis.

“Huwag mo na siyang pagalitan, Kent. She’s careless because she’s happy.” Nasabi ko na lang. Hindi ko gustong makakita ng malungkot na nagbubuntis. Kahit naman vampire na si Theyn tao pa rin naman ang feelings niya.

Napatingin naman sa akin si Theyn at teary eyed pa siya.

Nagulat na lang ako nang dambain niya ako at niyakap. Muntikan na akong matumba pero naalalayan agad ako ni Ivo sa likod.

“Thank you for understanding me, Cassey!” she said sobbing. Napahawak na lang ako bigla sa likod niya at inalo ko siya.

Tiningnan ko naman ng masama si Kent at Ivo. Hindi dapat pinapagalitan ang mga buntis at madali silang masaktan. Palibhasa mga lalaki.

“Tama na. Makakasama ‘yan sa baby mo.”  I said to her. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin at parang bata na pinunasan ang luha sa pisngi.

“'Buti ka pa maiintindihan mo ako.” She said pouting.

“Only because you’re pregnant,” I beamed at her.

“Kailangan ko na bang mag-selos sa’yo, Cassey?” napapailing na sabi ni Kent. Narinig kong tumawa si Ivo kaya natawa na rin ako pati si Theyn.

Haay, nakakabaliw kasama ‘tong tatlo. Masaya, pero nakakabaliw.

GABI na at iniwan muna ako ni Ivo sa condo niya kasi may meeting daw sila. Mahigpit niyang binilin sa akin na ‘wag akong lalabas pero matigas talaga ulo ko kaya heto ako ngayon sa isang mall ng Vampire City tumitingin ng mga damit.

At sa totoo lang, ang gaganda ng damit nila. Pati ang mga shoes. Parang limited edition pa ang design. I wonder kung anong money nila? Kagaya rin kaya sa mundo ng tao? Gusto ko kasing bumili, eh. Kaso baka mabuking pa akong isang tao kaya hanggang tingin lang muna ako. Ang ganda kasi no’ng shoes. Simple lang pero nakaw attention.

Kahit gustong-gusto kong bumili ay hindi rin puwede. Sayang.

Nag-ikot-ikot muna ako sa mall bago umalis. Napadaan ako sa park na pinuntahan namin kanina at maraming mga nakatambay do’n. May mga sweet couples na nagde-date at kung titingnan mo sila, alam mong mahal na mahal nila ang kanilang kapareha. Iba talaga magmahal ang mga vampira. Kung maghanap na lang kaya ako ng magiging boyfriend dito? Makakasigurado pa akong hindi ako lolokohin at mamahalin ako ng wagas.

I decided na umuwi ako dahil na rin sa gutom. Wala pa si Ivo kaya dumeretso ako sa kusina. Nagluto lang ako ng instant pancit canton at sunny-side-up. Wala naman kasing gaanong laman ang ref niya kaya wala akong gaanong makain. Lihim na lang nga akong nagpapasalamat at walang blood stock dito dahil baka baka hinimatay na ako.

I took a long bathe after I ate. Sinuot ko lang ang loose shirt ko ang cotton shorts. Napatingin ako sa orasan at pasado alas dose na ng hating gabi. Wala pa rin si Ivo. Baka mamaya na ‘yon makauwi.

I let myself drown to sleep habang naghihintay sakanya.

Nagising lang ako nang may kaluskus akong narinig pero bigla naman ‘tong nawala nang bumangon ako. Naikot ko ang tingin ko sa paligid only to realize na madilim pa. Ilang oras lang pala ako nakatulog.

Napaupo ako sa pagkakahiga at nakita kong may kahon sa may paanan ko. Agad ko naman itong kinuha pero natigilan ako nang makita kong shoe box siya. Napakunot noo ko habang binubuksan siya.

My forehead creased when I saw the pair of shoes I want to buy in the mall awhile ago. Paano siya napunta dito?

Napatingin ulit ako sa kahon at may note palang nakaipit doon. I hastily read the note written in a white post-it-note.

‘I know you want this so I bought it for you. It’s size 5 so it fits you, babe.’

PS: You’re beautiful when you’re asleep. Very peaceful.

Ivo,

“Oh, Ivo.” I whispered his name. Who do you have to be so sweet? Mahal na kita at mas lalo kitang minamahal.

---

May sasabihin ako kaso nakalimutan ko. Hahahaha. ‘Yung POV ni Ivobabes, matagal pa ‘yon kaya hayaan niyo muna si Cassey mag senti.

And one more thing(chos!) bakit ang daming nagdedemand ng update for MKiSF. Tapos na siya diba? Special chapter na lang ‘yon para paconsuelo sa inyo. Hindi ko siya magawan ng special chapter kasi talagang ine-edit ko manuscript niya at gusto ko na talagang ipasa ang MKiSF para makapag concentrate ako sa VC3 kasi sobrang pinapadugo ang utak ko sa book 3. TT___TT

Goodnight sa inyo.

PS: Anong book cover kaya nababagay sa MKiSF? Gusto ko sana simple pero catchy. Ano, mukha na lang ni Kent oh. Hahahaha

©THYRIZA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top