Chapter 13 - You're Stuck with me
Chapter 13 – You’re Stuck with me
Naka-apat na ata akong pineapple juice pantanggal ng hangover. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa dami kong ininom kagabi. Kulang pa ang tulog ko kasi ginising ako ni Ivo ng maaga para maihatid ako sa amin. Dinaan ko na lang nga sa paligo para mawala ang hangover ko pero masama pa rin talaga pakiramdam ko.
Wala nga akong inuumpusihan sa mga trabaho ko at pinapasa ko lahat kay Leni. Pakiramdam ko kasi nanlalabo pa rin paningin ko. Idagdag mo pa ang problema ko sa puso kay Ivo.
“Ngayon lang kitang nakitang ganyan, sis. You love him pero wala kang magawa.” Sandy told me in my office. Nandito siya because I want someone I can confide to with my feelings. Hindi ko naman siya ma-open kay daddy since ang alam niya kami talaga ni Ivo. Si Sandy lang talaga ang masasabihan ko.
“Nilalapit ko na sarili ko sakanya. Pero lumalayo siya. He’s so…”
“Manhid!” dugtong niya sa dapat kong sabihin kaya napatango na lang ako. “What kind of a man would say no to a goddess like you. Siguro bakla ang Ivo mo.” She said then chuckled.
Gusto kong matawa sa sinabi niya. A man like Kent already said no to me. and technically, he wasn’t a man. He’s a freaking vampire. Ah, of course! Pareho pala sila ng tipo ni Ivo.
“Sino ba ‘yung girl na dahilan kung bakit hindi makapag move on si Ivo?” tanong niya.
“I can’t tell you. Pero hindi na naman ‘to fault ni girl since she’s already married. Ang problema na kay Ivo na. Hindi marunong mag move on.” Sabi ko saka ngumuso. Nakakainis siya. Ako nga natutong makalimot and it was because of him. Pero bakit hindi niya magawa? No’ng halos 2 weeks ko siyang kasama hindi man lang ba niya nakalimutan si Theyn kahit na ilang Segundo? The time when he was with me, was he thinking of her?
“Akitin mo na lang kasi,” she said then laugh. Napangiti na rin tuloy ako. Kung puwede nga lang, eh. Pero hindi sakanya umiikot ang mundo ko. Marami akong responsibilidad sa kumpanya at hindi ko siya puwedeng pagsabayin. Hindi na ako kagaya noon na walang pakialam sa paligid as long as na makuha ang kagustuhan.
“May iba ka pa bang suggestion?” I asked. She put her fingers under her chin at parang nag-iisip.
“Umamin ka na lang kaya sakanya. Sa panahon ngayon hindi na uso ‘yung hihintayin mo ang lalaki na gumawa ng first move lalo na kung manhid.”
“I don’t want to scare the hell out of him. Baka mamaya mas lalo niya akong layuan. Ayaw ko ng gano’n. Kaya nga ako nag-settle na ako sa pagpapanggap namin. Sa paraan na ‘yan masasabi kong akin pa rin siya.”
Sandy look at me with sadness. Siguro naiisip niya na karma ko ‘to. Sinimulan kay Kent at ngayon kay Ivo. Haay! Maging vampire na rin kaya ako?
“Do you believe in vampires, Sandy?” I asked.
Seryoso niya akong tiningnan at parang tinitimbang niya ang expression ko. Then suddenly, she burst out laughing like she heard the most havey joke from me.
“Don’t give me this crap na vampire si Ivo kasi talagang iisipin kong nababaliw ka na.” she said. Napabuntong hininga naman ako. Masyado akong naging careless. Kahit pa kaibigan ko si Sandy hindi ko dapat sinasabi sakanya ang sikreto ni Ivo. Ayaw ko siya mapahamak ‘no!
“Don’t mind what I said.” I said then laugh.
“Pero teka nga, sis. Nandito ba talaga si Lyrron? ‘Yung childhood enemy mo?” pag-iiba niya nang usapan dahilan para mas lalo akong mapasimangot.
“Change topic!” I hissed.
“Asus! Pero teka, gwapo ba siya sa personal? Once ko lang siyang nakita sa forbes magazine, eh. Playboy daw!” sabi niyang kinikilig pero biglang nadismaya nang sabihing playboy.
Napaismid lang ako sakanya. Pakialam ko sa lalaking ‘yon! Hindi na ako magtataka kung playboy siya! Bata pa lang kami tarantado na siya. And if he can bully a goddess like me, sure he can play someone’s heart.
“So what kung gwapo? Marunong ba siyang magluto? May sense of humor ba siya? Kaya ba niyang magpakilig ng babae? Kaya niya bang iligtas ang babae sa kahit na anong kapahamakan? Kasi kung hindi, I’m not interested.” Irap ko sakanya saka ko sinandal likod ko sa swivel chair.
I heard her mocking laugh bago nagsalita, “'Yan ba ang mga katangian ni Ivo? No wonder you fell for him. Perfect guy!”
Nag-iba na lang ako nang tingin dahil sa sinabi niya. Wala na nga ata akong makikitang iba kasi lagi na lang si Primotivo ang bukang bibig ko.
Tanghali na at nandito pa rin si Sandy sa office ko. Hindi ko nga alam kung totoo ang sinabi niyang lumiban siyang trabaho niya para makasama ako o sadyang tinatamad lang talaga siyang pumasok at ako ang napili niyang istorbohin.
Panay lang naman ang kuwentuhan ng kung ano-anu nang bumukas ang pinto ng opisina. Nagulat ako nang iluwa nito si Ivo na may dalang paperbag.
In my peripheral view, I saw Sandy grinning like hell. Si Ivo naman ay nakangiti lang habang sa akin nakatingin. Itinaas niya ang paperbag ang I doubt kung ano ang laman no’n.
“Babe! I bought you food. Para sa inyo sana ni Leni pero kumain na daw siya. Good thing you’re here, Sandy.” He acknowledge Sandy at tumango lang ang bruha.
Gusto kong mainis kay Ivo. Kagabi lang halos ipagtulakan niya ako sakanya. Kagabi lang Cassey ang tawag niya sa akin. Para siyang nagkaro’n ng amnesia at hindi niya maalala ‘yung pinagsasabi niya sa akin.
“How thoughtful naman,” nanunuyang sabi ni Sandy.
“Sandy and I have plans. Kakain kami sa labas. Ibgay mo na lang sa iba ang pagkain.” Malamig kong sabi.
“We have?” parang gulat na gulat na sabi ni Sandy. Sarap upakan nang babaeng ‘to. ‘Di man lang ako sakyan.
“Yes, we have.” I said then stood up. Kinuha ko ang bag ko saka ko tiningnan si Sandy and made a sign na sumunod siya sa akin.
We left Ivo inside my office. I don’t want to be rude to him pero naiinis kasi ako, eh. Not all the time kaya kong sakyan ang sudden change ng kanyang pakikitungo sa akin. One minute he’s okay, and in just one snap ipagtutulakan niya ako.
“Sis, ano ba ‘yon? Bakit ka nag-iinarte?” tanong ni Sandy as she clings her arms around mine.
“Basta! Naiinis kasi ako sakanya! Hayaan mo ‘yon nang matuto!” akala ata ni Ivo madadala niya ako sa pag-kain.
“Pero sayang ‘yung pag-kain,”
“Eh ‘di bumalik ka ro’n!” I angrily shout.
“Eto naman highblood agad. Tara na nga.”
HALOS one week ko na ring ini-ignore si Ivo. Akala ko nga susundan-sundan niya ako. Pero akala ko lang ‘yon kasi ni hi ni hoy wala man lang akong narinig mula sakanya. I guess I’m right. Balewala nga ata talaga ako sakanya.
Kaya nga nandito ako sa mall. Mag-isa at nagwiwindow shopping. Wala rin naman akong balak mamili kaya mas pinili kong mag-ikot-ikot sa mall.
Nasa may bag section ako nang makarinig ako ng tumatawag sa akin. Ayaw ko sanang lingunin kaso may narinig pa akong isang boses na naging dahilan para kabahan ako.
“OMG! Cassey!” nagulat na lang ako nang pumulupot sa braso ko si Theyn at inamoy-amoy ang sleeves ng damit ko.
“Sh-t! Theyn, don’t run!” rinig ko namang sabi ni Kent sa likod niya.
“A-anong…”
“Nagkita nanaman tayo! Ang saya!” she squeals.
Nakakailang pala kapag ‘yung dati mong kinaiinisan na babae ay ngayon pinaglilihian ka na.
“Hi, Cass.” Bati sa akin ni Kent at tumango lang ako sakanya.
“You know what, Cassey? Sana lagi kitang nakikita. Ang saya-saya sa pakiramdam kapag nakikita kita, eh. Kaso busy din kasi ako sa clinic kaya hindi kita laging mapuntahan.” Theyn said pouting.
“Ano bang ginagawa niyong dalawa rito?” tanong ko.
“Hinihintay namin si Ivo. Pupunta kaming Vampire City, eh.” si Theyn ang sumagot.
Patay malisya lang ako nang marinig ko ang pangalan ni Ivo. Even just hearing his name makes my heart flutter.
Napatingin naman ako kay Kent at buong pagmamahal na nakatingin lang siya kay Theyn. Dati, nasasaktan ako kapag naiisip ko kung paano titigan ni Kent si Theyn. Pero ngayon, parang ni katiting na emosyon wala nang natira. Pero masaya ako para sakanilang dalawa.
“Bakit ganyan mo titigan ang asawa ko?” nagulat ako kay Theyn. Natawa na lang ako sa inasal niya. Hanggang ngayon ba treathened pa rin siya sa akin?
“Gwapo, eh!” I said mocking.
“Talaga?” parang hindi naniniwalang sabi ni Theyn.
“Wife, what d’you mean by that?” sabat naman ni Kent.
“Eh kasi Kent, hindi ako naga-gwapuhan sa’yo ngayon, eh! Nauumay na nga ako sa mukha mo.” Parehong nanlaki ang mata namin ni Kent dahil sa sinabi ni Theyn.
“Naglilihi ka lang. Naglilihi ka lang.” paalala ni Kent sa sarili habang napapapikit pa. Gusto kong matawa sakanilang dalawa. Nasaan na ang intimidating Kent at ang tamed version of Theyn? Ang dami na nilang pinagbagong dalawa.
“Magkasundo kaya kayo ng anak natin, Kent? Kasi honestly, ayaw kong nakikita ka. Sana kabaliktaran lang.”
“Babae ba ang anak niyo or lalaki?” I asked.
“Boy!” chorus nilang dalawa. Ang saya lang ng mukha ni Kent. Malamang kasi may magmamana ng apelyido niya.
“Kung ako ang masusunod, gusto ko babae para puwede ko siyang ayusan. Tapos, laging naka-braid ang hair niya tapos pink ang room niya.” She said giggling.
“And I’m so thankful it’s a boy.”
“Ay teka, Cassey. Sumama ka kaya sa amin sa Vampire City. May amulet kami sa Villa, puwede mo ‘yong hiramin.” Biglang sabi ni Theyn.
“Ayoko nga! Mamaya lapain pa ako ng mga kauri niyo do’n!” I hissed at tumawa lang ng malakas si Theyn.
“Hindi ako papayag! And for sure, nasa tabi mo naman si Ivo at hindi ka niya pababayaan.” I cringe with her words. ‘Yon na nga, eh. Nandoon din si Ivo eh iniiwasan ko nga.
“Puwede ka naming ipasyal sa mundo namin, Cassey. I think Ivo will love that.” Kent said grinning. There was something on his beam that makes it creepy. Parang may alam siya na hindi ko alam.
“So, sama ka na, ah?” eager na sabi ni Theyn.
“Kailan ba ‘yan?”
“Mamayang gabi. Saturday ang Sunday ang stay natin do’n. Sunday night tayo aalis do’n. So ano, game?”
Gusto kong umayaw. Gusto kong tumanggi pero ang mukha ni Theyn sobrang effective kung magpaawa. Siguro dinaan niya rin sa ganito si Kent kaya siya nito nagustuhan.
“S-sure!”
“Great! Ite-text ko na si Ivo.” Excited na sabi ni Theyn. Napatango lang ako sakanya. For sure kikiligin nanaman ‘yon si Ivo kasi tinext siya ni Theyn.
Sinamahan ako ni Theyn at Kent pauwi sa mansion para kumuha ng ilang gamit at para makapag bihis na rin. Hindi na naman nagtanong si daddy kung saan ako pupunta. Hindi na ako nagdala ng sariling kotse kasi gusto ni Theyn sakanila ako sumabay.
Nakasakay na kaming kotse at nakatingin lang ako sa labas. May pinasuot sa aking kwintas si Theyn para raw makapasok akong portal nila. Kanina kasi habang naghahanda ako ng gamit si Kent ang kumuha ng kwintas sa Villa nila. Haay, perks of being a vampire.
“Sa Vampire City na lang daw maghihintay si Ivo.” Rinig kong sabi ni Theyn. Feeling ko tuloy kinakabahan ako.
“Hindi pa namin sakanya sinasabi na kasama ka namin, Cassey. For sure masusurpresa ‘yon.” Kent said beaming. Pilit na nginitian ko lang siya saka tumingin sa labas ng bintana.
Pinagsisisihan ko nang sumama ako. I should have stayed in my bed naglaro ng COC. Hindi ‘yung ganito ang nararamdaman ko. Parang binabaliktad ang tiyan ko. Bahala na nga. Basta kahit kasama ko siya gagawin ko ang lahat para hindi siya gaanong pansinin.
Sabi nila ay medyo mahaba-haba pa ang biyahe kaya okay lang kung matutulog ako. Naramdaman ko naman na pagod ang katawan ko at gusto ko ngang mahiga sa upuan since wala naman akong katabi.
Hours later…
“Bakit niyo siya sinama?”
“Gusto ko siyang makasama ng matagal.”
“She’s okay with that?”
“Yes. Ayaw mo bang nandito siya?”
“Gusto ko. Pero parang nilalayuan niya kasi ako, eh.”
I slightly opened my eyes dahil sa ingay na narinig. Nagtaka ako nang makita kong nakaangat ako sa lupa at papunta kung saan.
Napatingin ako sa left side ko at tumambad sa akin ang isang malapad na dibdib. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin at halos lumuwa ang mata ko nang mapagtanto kong si Ivo ang kumakarga sa akin.
“Gising ka na,” he said nang magtama ang tingin namin. Agad kong iniwas tingin ko.
“Ibaba mo na ako.” Sabi ko. Hindi naman siya nagmatigas at sinunod niya ang gusto ko.
Nakapaa ako nang lumapat ang paa ko sa lupa kaya nakita ko siyang nag bend down. Siya ang naglagay ng sapatos sa paa at hinayaan ko siyang gawin ‘yon. Hinayaan ko nanaman siyang pakiligin ako.
On my peripheral view, I saw Theyn giggling habang nakahawak sa braso ng asawa niya. Parang tuwang-tuwa pa siya sa nakikita. Sabagay, hindi naman niya nararamdaman ang magkaroon ng one sided love.
Nagulat na lang ako nang hapitin niya ang bewang ko palapit sakanya. Nanlilisik na tiningnan ko siya sa mata pero parang wala lang sakanya.
“Matagal mo akong iniwasan, ah. Namimiss na kaya kita!” he bluntly said dahilan para maging abnormal ang kabog ng dibdib ko.
Itinulak ko naman siya pero wala ang lakas ko kumpara sakanya kaya hindi ako makabitaw sa hawak niya.
“B-bitawan mo nga ako!” inis kong sabi.
“Why, babe? Last week lang you were begging to kiss—“ hindi pa man siya natatapos magsalita ay agad kong tinakpan ang bibig niya. Gago ‘to! Ibubuking pa ako.
“Kinikilig talaga ako sakanilang dalawa,” bulong ni Theyn sa asawa niya. Bulong na malakas.
“Hayaan na natin sila.” Sabi naman ni Kent kaya napalingon ako. Napabitaw ako kay Ivo saka ko sila hinarap.
“Saan kayo pupunta? Don’t tell me iiwan niyo ako sakanya?” tinuro ko si Ivo na nakangisi lang.
“Magpapa-check up kasi si Theyn sa Infirmary. Si Ivo na ang bahala sa’yo rito.” Pagkasabi no’n ni Kent saka sila tumalikod papalayo ni Theyn.
Nag-aalalang kinagat ko ang labi ko. Kakasabi ko lang na iiwasan ko si Ivo kahit kasama ko siya tapos heto, siya pa raw ang bahala sa akin. Kainis! Dapat talaga hindi na ako sumama!
“Paano ba ‘yan, babe. You’re stuck with me. Maybe forever.” He said then smirked.
I glared at him.
“Walang forever! Bwesit!” I said then walked out. Nakakainis siya. Wasn’t he aware na mas lalo akong umaasa sa mga salita niya? Siya na ang pa-fall! Sarap niyang ilibing ng buhay!
“Babe, where are you going? Babe, wait!” rinig kong sabi niya sa ‘di kalayuan pero pinagpatuloy ko ang paglalakad. Naiirita ako.
----
May ginawa akong video trailer para rito sa Cold Fangs. Nasa side ng multimedia or kung hindi niyo mapanuod just click the external link at ida-direct niya kayo sa youtube. ^_^
Madalang na ako mag update kasi March na. Sa mga hindi nakakaalam, I’m a college instructor for HRM so talagang busy ako.
©THYRIZA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top