Chapter 10 - Don't want to go but can't say no

Chapter 10 – Don’t want to go but can’t say no

 

Ayaw kong umalis. ‘Yon ang gusto kong ipagsigawan kay Ivo. Pero para namang uurong ang dila ko sa tuwing magsasalita ako. Pinapanuod ko lang siyang nakikipag-usap sa mga Pulis at security ng condominium.

“At pakiimbistigahan niyo rin ang Owen na ‘yon! He once assaulted Cassey at isa siya sa mga suspect.” Ivo said to the Police.

“Mr. Hidalgo, wala po kaming makitang kaduda-duda sa CCTV. Bukod po sa kayo lang ni Ms. Aragon ang labas masok sa pent house niyo, eh wala na kaming ibang makita.” Rinig kong sabi ng Security.

“May hinala po kami na matagal ng naka install ang hidden camera sa likuran ng mga salamin.” sabi ng Pulis tapos bumaling siya sa akin. “Matagal na po ba kayong nakatira dito, Ms. Aragon?”

“Matagal na pero nawala ako ng limang taon dito at pinagbili ko ito kay Ivo.” Sagot ko naman.

“Kaya ba nating i-check ang mga CCTV records 5 years ago or more?” tanong ni Ivo.

“Puwede po, Mr. Hidalgo pero baka matagalan pa.” sagot naman ng Security.

“Habang pong niche-check ang CCTV footage mag-iimbistiga rin po kami ng mga possible suspect. Sa ngayon po, bukod po sa attempted murder na puwede naming ikaso sa assailant, tinitingnan din po namin ang personal grudge sa mga dating naka-relasyon ni Ms. Aragon.”

“Do that, inspector.” Sabi naman ni Ivo. Napatingin naman kami sa bagong pulis na kakapasok lang at may binulong ‘to sa inspector.

“Ah, Mr. Hidalgo, Ms. Aragon, my officer here told me na p-patay na raw po ang number 1 suspect. Ngayon po malakas na ang kutob ko na may isang tao sa likod nito.”

Iniwan ko naman sila sa sala at pumasok ako sa kwarto ko. Bakit ba ‘to nangyayari sa akin? Gano’n ba ako naging masama noon at nangyayari ‘to sa akin? Si Owen ba ang may pakana nito? Pero bakit niya ako ipapapatay? It was just last week he was begging for me to talk to him tapos ganito na. Gano’n ba kalalim ang galit niya sa akin?

Narinig ko naman na nagbukas ang pinto at pumasok si Ivo. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

“Sorry at nangyari ‘to sa’yo.” He said. Napailing naman ako. Wala naman siyang kasalanan bakit siya nag-sosorry? Ako nga ang nagdala sakanya ng kaguluhan. Nananahimik siya at dinamay ko lang siya.

Sa loob ng maiksing panahon, naging malapit agad ako sakanya. Sobrang gaan ng loob ko sakanya at hinayaan ko ang sarili ko na magtiwala at umasa sakanya. At ngayon na magkakahiwalay kami, pakiramdam ko ang bigat sa puso at ayaw kong tanggapin. Pakiramdam ko nawalanan nanaman ako ng importanteng bagay sa akin.

“Namumutla ka, babe. Gusto mo bang matulog? Hapon pa lang naman at kaya kitang bantayan. I won’t leave you.” He said. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang ihiga ako sa kama. Tama nga siya. Pagod ang katawan ko pati ang isipan ko. Gusto ko munang ipagpahinga ang lahat.

“Don’t leave me.” sabi kong nakahawak sa kamay niya.

“I won’t.” he beamed.

NAGISING ako dahil sa malamig na hangin na dumampi sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nagulat ako at nakita ko ang sarili ko sa may bintana ng kwarto at nakangiti siya sa kawalan. Isang masayang Cassey ang nakikita ko.

Bumangon ako saka tumayo. Akma kong lalapitan ang sarili ko nang bigla siyang tumawa ng mahina. Ramdam ko ang kasiyahan sa tawa niya.

“You finally moved on, Cassey.” Sabi ng sarili ko sa akin.

“Ha?” nakakunot noo kong sabi.

“Masaya akong nakalimutan na natin si Kent, Cassey. Sana maging masaya tayo.” Nakangiti niya pa ring sabi.

“N-nakalimutan si Kent?” nagtataka kong sabi.

“Oo,” tapos humarap siya sa akin. “Nakapag move on na tayo. Ang sarap sa pakiramdam, diba? Para kang nakalaya sa masikip at madilim na hawla.”

“P-pero…”

“Open up your heart again. At si Ivo? Siya ang tumulong sa’yo para makalimutan mo ang sakit sa dibdib mo.”

“Si Ivo?”

“Mmm, so we have to pay him back.” She beamed at me. Para akong nahawa sa sarili kong ngiti kaya napangiti na rin ako. Tama nga siya. I felt free. Ang gaan sa pakiramdam. Ganito pala ang feeling ng nakapag move on na.

“P-paano ko siya mapapasalamatan?” I asked. Instead of answering ay tumawa siya ng mahina.

“Help him move on, too. Mas madali na para sa’yo na tulungan siyang mag move on kasi ikaw, alam mo sa sarili mo na nakalimot ka na.”

“H-hindi pa rin kita maintindihan.”

“Hindi na kita matutulungan diyan. Matalino tayo, Cassey. You don’t need me to figure things out. After all, ako at ikaw ay iisa. Right?” She said. Napatango lang ako sakanya. “Now go back to reality.”

“Huh?”

“Goodluck to us, Cassey.” She winked then slowly disappearing to my eye. Napapikit ako sa sobrang lakas ng hangin. Para akong hinihigop pabalik sa kama ko and when I opened my eyes at nakita kong nakahiga na ako sa kama.

Was it just a dream? Parang totoo, eh.

Napabangon ako at inayos ang buhok ko. Lumabas akong kwarto at nakita ko sa may terrace na madilim na. Hinanap ko si Ivo at naabutan ko siya sa kusina—may binabasa habang nasa harap ng stove. May mga nahiwang recados sa gilid niya at sa unang tingin pa lang alam kong nag-aaral siya magluto.

“Saute garlic? Hala! Walang garlic! Ay teka, bawal ako no’n!” I heard him say. Halos mapangiti ako sa hitsura niya. Para siyang husband material wearing only white t-shirt, cotton shorts and a red apron.

“Wala na ngang asin, wala pang garlic. Baka hindi niya magustuhan.”

Habang pinagmamasdan ko siya dahan-dahan namang lumalakas ang heart beat ko. Para akong highschool na kinikilig sa view na nakikita ko.

He’s cooking for me. At kahit kailan wala pang lalaki o vampira ang nagluto para sa akin. Was he trying to impress me? Because it’s working.

“I-Ivo…” tawag ko sakanya.

“Babe? ‘Buti at gising ka na. Ikaw nga magtimpla nitong niluluto ko para sa’yo.” Sabi niya kaya lumapit ako. Tiningnan ko ang mga ingredients at walang duda na Pasta ang niluluto niya.

“Bakit ka ba kasi nagluluto?”

“Dinner time na kasi at alam kong hindi ka nananghalian,” mas lalo akong napangiti sakanya. Pati pala ‘yon napansin niya. Pero tama siya. Gutom na nga ako.

Nahalo na niya ang mga ingredients for sauce at kumuha siya ng kutsarita at kumuha ng kaunting sauce.

“Lasahan mo nga kung okay na,” he said. Hindi naman ako nagdalawang isip na lasahan ang gawa niya.

“Okay na ‘to,” I said.

“Hindi matabang?”

“Tama lang. ‘Yung tomato sauce kasi na ginamit mo may seasoning na ‘yon kaya para sa akin okay na ‘to.” nakangiti kong sabi sakanya. Napangiti rin siya sa sinabi ko at nakita ko ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Kung hindi ko lang alam na isa siyang vampira baka inisip ko nang isa siyang normal na tao.

“Maupo ka na sa dining table. I will serve you, babe. Last mo na ‘to rito kaya pagbigyan mo na ako.”

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya. Ayaw ko pang umalis. Pero bakit nga ba ayaw ko pang umalis? Oo napalapit na ang loob ko sakanya pero hindi naman ako ganito ka-attach to the point na ayaw ko na siyang hiwalayan. I sounded like a possessive woman pero ayaw kong mahiwalay siya sakin.

Nabaliw din ako noon kay Kent pero hindi ganitong ayaw ko nang iwan si Ivo. Siguro kasi kahit weeks pa lang kami nagsasama ni Ivo he already showed me the real him. Hindi kagaya ni Kent na ako pa ang nage-effort para mapansin niya.

“Babe? Bakit ka nakatulala diyan?” Ivo snapped at me kaya napatingin ako sakanya. I smiled at him awkwardly. Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na ako sa dining chair at nasa mesa na ang niluto niya at pinaghainan na niya ako ng pasta sa plate.

“Siguro natatakot ka pa sa nangyari kagabi. Don’t worry babe, I’ll make sure na kapag nakabalik ka na sa inyo, wala nang mangyayaring masama sa’yo. Naging madali para sa criminal ang ma-access ‘tong pent house kasi hindi tayo nag request ng security sa elevator. Sa Aragon mansion marami kayong Security guards.” He said.

Hindi ako makaimik. I wanted to stop him saying that our mansion guards could protect me. Hindi ako damsel in distress that should always be saved by someone. Kaya ko ang sarili ko, I was just caught off gurad by my assailant kaya hindi agad ako nakapag-isip.

“I thought you’re the one who will protect me.” sinalubong ko ang mga mata niya. His eyes were beaming and cold stare is what I could only give to him.

“B-babe…”

“I have no intentions of obligating you to protect me. It was just…” I trail off at napayuko ako.

“Ano ‘yon, babe?”

“N-never mind.” Akma akong tatayo pero mabilis na nakapunta si Ivo sa direksyon ko at pinaupo ako sa upuan.

“Tell me, babe. Alam mo naman na puwede mo sa aking sabihin ang lahat, diba?” naghila siya ng upuan para sakanya at naging magkaharap kami. Magkapantay lang ang mukha namin at kita kong nag-aalala siya sa mga ikinikilos ko.

“Will I sound selfish if I ask you to…” hindi ko nanaman matuloy sasabihin ko. I was tongue tied at parang umuurong lahat ng words na dapat kong sabihin sakanya.

“Yes, babe?”

This is not me! Stuttering, almost begging, and pleading. Minsan na akong naging mahina pagdating sa lalaki kaya hindi ko hahayaan na maulit pa ‘to. Not to the man who showed me sympathy. Alam kong naaawa lang siya sa akin kaya hindi ko na siya bibigyan pa ng dahilan para mas lalong maawa sa akin.

“Hahaha, bakit ganyan ang mukha mo Ivo? Tsaka lumayo ka nga sa akin ng konti! May balak ka bang halikan ako?!” lakas loob kong sabi. Trying to hide all my emotions. Nakalimutan kong dito pala ako magaling—pretending.

“A-anong… anong halik ka diyan?!” he said as if nahuli siyang nakagawa ng kasalanan. His pale face looks more paler.

“Oh, bakit namumutla ka? Gusto mo talaga akong mahalikan ‘no?” pang-aasar ko pa sakanya.

“Kung alam mo lang…” mahina niyang sabi at halos hindi ko na marinig pa ‘yung iba. Umalis naman siya sa dining room at nakahawak sa batok at kamot nang kamot.

“Problema no’n?” nagtataka kong sabi. Ang weird ng ikinikilos niya. Mas werid pa sa akin. 

xxxxx

Hi there! Kumusta kayo? I had a blast sa event na pinuntahan ko at hanggang ngayon may hangover pa ako sa happenings kaya maiksi lang ang update.

Sino ang Bosconian sainyo? :)) #ProudSalesian #ProudBosconian 

Pero shet lang at ang daming gwapong pari at semenarista sa Don Bosco Makati at Mandaluyong. Pati mga studyante hahahahaha

Kumusta pala valentines niyo? May nagbigay sa aking flower na isang highschooler. huhuhu feeling pedo ako. hahaha. Aral-aral muna hijo. >.<

©THYRIZA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top