Chapter 1 - Queen B is Back
Okaaaaay! Bago niyo basahin 'to, gusto kong isuggest na kailangan mo munang basahin ang Epilogue ng MKiSF para maka-relate ka. Thank you!
---
Chapter 1 – Queen B is Back
♪Sitting on my bed with just your t-shirt on
Turning up the volume to my favorite song
Boy I can't lie
What we did last night
You know it's constantly replaying, staying on my mind♫
I removed my head phone on my ears as I saw the stewardess made a sign that we’re taking off.
I lazily put my expensive shades and put a light lipstick on my lip. No one knows I’m back. I tried to cut all my contacts while I was in Colorado. I didn’t even bother telling my parents that I still have plans of coming back. My heart is still in the process of healing because 5 years staying there is not helping. Not even a bit!
“Welcome back, Ms. Cassey Aragon.” The man greeted me.
“Yeah, it’s good to be back.” I said while walking like in a runaway. It’s still me. The confident Cassey who can intimidate everyone just by passing by.
“Ms. Cassey, would you like me to tell your father that you’re back?” Leni—my assistant asked me.
“No, huwag na.” simple kong tugon.
“But where will you stay?” tanong niya pa habang hindi magkanda ugaga sa mga dala niyang signature bags which is mine because you can’t expect me to carry my Nine West shoulder bag, channel hand bag and my oh so expensive hartmann luggage.
“In my penthouse of course!” nakakairita na ‘tong assistant ko! Ang daming tanong eh sa nagmamadali nga ako at baka may makakita sa akin dito na paparazzi.
“B-but…Diba po—”
Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Bahala siya diyan! Ang taas ng sahod niya para magreklamo. Tsk! I hate secretaries! Only because Theyn was a secretary you have to hate everyone. Bitter! Wtf! Do I have a split personality already? Gosh!
Inihatid ako ng kotse sa penthouse ko. I know ang iniisip niyo ay masyado akong maarte at may pa-penthouse penthouse pa akong nalalaman and it’s not an issue if I live in a plain condo. But that’s the thing. I don’t do plain things. I wanted everyone to see how rich I am to afford a high class penthouse just for me. Because this is what single ladies do, spend their fortune.
Pinauna kong umakyat ang mga personal chimay ko para ayusin na rin ang mga gamit ko. It took them 30 minutes bago maayos ang lahat. Pinaalis ko sila saka ako umakyat sa second floor. I went outside the veranda at ramdam ko ang init sa Pilipinas.
“Geez! I hate here!” agad kong sinara ang glass door panel. Bakit kasi hindi ko na lang napili pumunta sa lugar na malamig? Sa South Korea, Japan or in Paris.
I made a mental note na hindi ako magtatagal dito sa Pinas. 1 month then I’ll go to Paris.
May mga magazines na naga-stack under the bedside table kaya kinuha ko ‘to.
My heart pounds erratically when I saw the front cover of the Time Magazine. It was Kent and Theyn—happily embracing each other under the Arc de Triomphe. Naibato ko ang magazine sa trash can. Okay! Sila na ang masaya! Ako na ang miserable. This is b-llsh-t!
Kinuha ko lahat ng magazine sa buong kabahayan at tinapon sa labas ng veranda. I don’t care kung may matamaan sa baba. I just don’t f-cking care! I am so angry—not to them but to myself. I thought I’d accepted the fact that Kent’s not mine and never was. And I don’t want to be a hypocrite bitch to deny na okay na sa akin ang lahat. I can fool everybody na nakapag move on na ako. But not to myself.
Kinuha ko lang phone ko saka ako nagpadala ng text message sa assistant ko na huwag magpapadala ng kahit na anong news paper or magazine sa unit ko. I could just kill right now!
Nawala ang pagpuputok ng butse ko nang marinig kong nagbukas ang front door. Who the hell is that!
Agad akong bumaba para tingnan kung sino ang pangahas na pumasok dito sa haven ko. Kung magnanakaw siya, hah! Sorry at nasa kundisyon ako ngayong pumatay ng kahit anong klaseng halimaw!
“Saan ko ba kasi nilagay ‘yung sunglass ko? Hindi tuloy ako makalabas. Ang init pa.” I heard the burglar said.
Slowly, kinuha ko ang mamahaling vase sa tabi ng malaking painting and ready to break the ass of the burglar.
I heard him sniffs, “Weird smell.” Sabi niya dahilan para mapahinto ako. Sinong weird smell sinasabi niya? Maybe he’s referring to himself. “Ugh! Ang baho talaga!” exaggerated na niyang sabi. Mas lalo akong napamaang. Channel number 5 ang pabango and every woman would kill just to have this expensive perfume!
“Excusez moi?!” I said in French.
Para namang napatalon ang lalaki dahil sa presensya ko kaya patalon na nilingon niya ako. Pareho kaming nagulat na makita ang isa’t-isa.
“CASSEY/PRIMOTIVO?!” we both shrieked.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?!” we said in unison.
“IKAW!” sabay nanaman naming sabi.
“Ugh!” I said in frustration. “What are you doing in my penthouse, Primotivo?!” I emphasize the word.
“I think you’re wrong, Cassey. It’s my penthouse.” He was grinning like an idiot. Napahakukipkip ako sa harap niya.
“How come?” matapang kong tanong.
“Pinagbili mo na ‘to sa akin, remember?”
“What?!” malakas kong sigaw. He must’ve been kidding me! “What d’you think of me, poor?!” Ugh! Kung hindi ko lang alam na vampira siya baka pinagtatadyakan ko na siya. But I have to control my temper because god knows what this vampire man can do.
“You were drunk that night. You said you don’t want anything to do with the things you have here in the Philippines. Sabi ko akin na lang ‘tong Penthouse mo. I bought this for 13.5M cash at sa assistant mo ako nakipag-usap kasi hindi na kita ma-contact sa Colorado.” He explains.
“Sa assistant ko?! That bitch! Bakit hindi man lang niya sinabi! Kaya pala nadagdagan ang savings ko because of that!” lagot sa akin ang babaeng ‘yon. I’m going to grope her neck!
“Hey, huwag mo namang awayin ang assistant mo. Ikaw talaga.” He said. I stared at him with disbelieve.
“And where do you think I’ll stay? Not to my parents I tell you!” I should go back to Colorado. Or pumuntang South Korea, Yangdong at mag-meditate. I’ll buy a ticket right away.
“Stay here. Wala naman sa akin kung dito ka muna,” he flashes a playful smile na sobra kong ikinaiirita noon pa lang.
“You stay in the guest room” I scowled.
“Hahaha. Same Cassey, eh? Okay lang kung saan mo ako patulugin. Hahahah hindi nga pala ako natutulog.” Para siyang bata. I sneered at him.
“Bahala ka. May jetlag pa ako.” Tinalikuran ko siya saka ako umakyat. Originally may 3 rooms dito. Isang master’s bedroom, guest room at maid’s quarters sa baba pero pinatibag ko kasi ginawa ko siyang dance studio na napapalibutan ng mirrors. I dance alright.
NAGISING ako nang marinig ko ang malakas na volume ng TV. Binangon ko ulo ko saka ito binalik sa unan.
“Ugh!” tinakpan ko ng unan ang ulo ko pero walang epekto kasi talagang ang lakas niya.
I wear my hello kitty slippers as I marched outside my room. Sinilip ko si Ivo sa baba. Nakita ko lang siyang nakatalikod habang may pinapanuod. I rolled my eyes heavenwards habang naglalakad pababa.
“Ivo! Ivo ano ba—“ napahinto ako. Hindi dahil sa takot ako sakanya. Kundi dahil sa pinapanuod niya.
Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang screen ng kanyang LED TV.
They were exchanging vows. Proclaiming how they cherish each other and how they love to spend the rest of their lives forever.
Parang naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit. Bumalik ang alaala sa akin. Kung gaano ako nagpakababa para maging akin si Kent. Kung paano ako naging masama para sa pag-ibig. Kung gaano ako kahanda i-give up ang lahat maging kami lang. At kung paano nila ako pinagmukhang tanga in making a lie about Kent’s feeling about me.
Akala ko iiyak ako pero nagulat ako kasi napangisi na lang ako ng mapait. Immune na ako sa sakit. I was train to deal with this. A woman who can get everything she likes but can never be happy and fulfilled.
Naglakad ako papunta kung saan ang TV at kinuha ang remote at pinatay ito. Humarap ako kay Ivo at kita ko kung gaano siya nasasaktan hanggang ngayon.
“You’re so pathetic! Are you a masochist?!” inis kong sabi sakanya. “And why the hell on earth you have the copy of their wedding ceremony?! Are you imagining na sana ikaw ‘yung groom?! Sino bang niloloko mo, Ivo?!”
“Huwag mo akong pakialaman,” mahina niyang sabi.
“Yeah! Wala naman talaga akong balak pakialaman ka kung hindi lang talaga sobrang lakas ng volume ng TV! If you want to be miserable, then be it. Pero huwag mo akong idadamay!” tinalikuran ko siya. Kaasar. Life’s ironic. Can you imagine us living in the same roof? Kami na sinaktan ni Kent at Theyn na ngayon ay masaya na? Talaga bang kailangan i-sort out ang miserable sa masaya? Kaya ba I’m stuck with him?
Paakyat na sana akong hagdan nang marinig ko siyang magsalita.
“Have you moved on?” he asked. Natigilan ako sa tanong niya. Masyado akong proud para aminin na hindi pa ako nakakapag move on.
“I already did.” Matigas kong sabi. Parang kumirot ang puso ko. Parang ayaw nitang sumang-ayon sa akin.
“So puwede mo akong samahan bukas?” he said. Napalingon naman ako sakanya.
“Saan?” I queried.
“They will celebrate their 1st year anniversary and unfortunately, I was invited.” Gusto ko mapamura. Why on earth did Theyn and Kent invited Ivo eh alam naman nilang karibal niya ‘to dati? Hindi ba sila marunong makiramdam sa feelings ng iba at puro sarili nila iniisip?!
“Sasamahan kita.” Confident kong sabi. I will show them what moved on looks like. Ipapakita ko sakanila na hindi lang sila ang masaya.
xxx
Ang sabi ko sa sarili ko, bukas ko siya ipopost para ma-excite naman kayo ng konti. Kaso ako ata ang mas excited eh. Wahahahaha. May Kentheyn hangover pa ako eh. ^^
Cassey on the side :)
Ate Thy <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top