8. Being Involve
CHAPTER EIGHT
"SERYOSO KANG IPAPAPATAY mo ang lalaking 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Nicodemus nang aminin niya kung ano ang plano nito sa nahuling lider nang sindikatong nagtangka sa buhay ko.
"This is the best way for this to be stopped." He reasoned out pero kinunutan ko s'ya ng noo.
"Will it be stopped?" I asked him an open-ended question.
"I'm making sure that this scenario won't happen again within my territory, Sav. Trust me on this." I rolled my eyes on him. Ayan na naman tayo sa trust, trust na 'yan.
"But he's being interrogated right?" I probed.
Nanatiling nakatingin si Nicodemus sa baba ng terasa nito. Kahit gabi na'y parang mga sundalong nakatayo sa harapan ng kanyang rancho ang mahigit dalawang daang mga kalalakihan at mangilang-ngilang kababaihan. Mga pawang seryoso ang mga mukha ng mga ito at nakatingin lang ng diretso sa harapan. They're all wearing farmer's garments but since this has happened, lumalabas na costume lang ng mga ito iyon pero ang totoo ay para itong mga gwardyang sibil ni Nicodemus.
Nasilip ko nang bahagya ang kanang braso ni Nicodemus nang idantay nito ang magkabilang braso sa harandilya ng balcony.
Namumutok pa rin doon ang isang Club suit symbol. Hindi ko maiwasan ang kwentong sinabi sa'kin ni Dad. Gusto kong isipin na hindi 'yon totoo at baka nga kwento kwento lang but evidences are being offered to my face.
Una, 'yung kwento patungkol sa North Clubs town. Hindi man ganoon ang pangalan ng bayang ito ay bawat lugar naman nito ay namumutok ng mga Club symbol.
Pangalawa, ang kakaibang simbolo na nasa bow machine kanina at costume ng mga sindikatong ito. Hindi man nakwento ng buo ni Dad ang tungkol sa mga ito pero sila ang tinuturing terorista na nagnanais na makuha ang mga relics for their own gain. Sa madali't sabi, mga kalaban.
At pangatlo, ang postura ni Nicodemus at ang pagiging dominante nito. Actually, even before ko pa malaman ang kwento ng Primus ay ganito na siya. He has this authoritative aura towards his subordinates sa rancho. Maging ang mga tauhan nito ay gano'n ang trato sa kanya. They're all bowing in front of him kapag nakakasalubong ang binata. Iniisip ko lang noon na baka nga ganito lang ang paraan nito ng pamamalakad. Pero ngayong tinutugma ko ang kwentong narinig sa pamamaraan ngayon ni Nico ay hindi ko maiwasang isipin na maaaring... isa nga ito sa mga Hari na tinutukoy ng aking ama.
That he might be... The King of Clubs.
"I'm sorry for calling you all this late," pauna nitong wika sa mga nasasakupan sa baba. "But this is an urgent matter aside sa pinakalat kong balita para mas higpitan pa ang proteksyon ng lugar natin laban sa mga kalaban na nagtatangkang manghimasok."
Isa-isa kong tiningnan ang mga tao sa baba. Parang mga walang emosyon ang mga ito at gano'n pa rin ang kanilang itsura. They're all still looking impassively in front. Para talaga silang mga sundalong disiplinadong disiplinado.
"I believe that you all knew what happened just this afternoon. The enemies who were being silent for the past years are now moving and doing something that I don't even know yet. While I'm still investigating this matter, I would want you all to triple the security and protection of our town against them. Protecting the town means protecting the lives living with us. Protect our home from them. Are we clear?"
"Sir, yes, Sir!" sigaw ng lahat na mas nagbigay ng kakaibang goosebumps sa loob loob ko. Para silang nasa military.
"Your assigned Chiefs will be telling you the new assignments where you would spend your time. I'm giving you all the liberty to protect the town. Make me proud, don't disappoint me and don't make me use it."
"Sir, yes, Sir!"
"Dismiss," utos nito at sabay sabay na nagsipulasan ang mga ito sa paraan na parang militar pa rin. Naka-line-up sila habang sabay sabay na naglalakad.
"Let's go inside, Savannah." Napalingon ako kay Nicodemus nang tawagin n'ya ako. "Let's clean up your wounds."
"Kaya kong gamutin ang—" natigilan ako nang bigla itong sumigaw sa'kin.
"Just follow what you are told, damn it!"
Nanlaki ang mata ko ro'n. Aangil pa sana ako pero nakita ko ang kaparehas na galit na nakita ko noon. Bubuka palang sana ang bibig ko pero agad ko rin iyon itinikom at nanahimik na lamang.
Nakita ko nalang ang sarili ko na hila hila paloob ng kwarto niya.
Iniupo niya ako sa gilid ng kanyang kama tapos ay dumiretso naman ito sa banyo. Pero habang napunta ng banyo ay medyo nagulantang ang katawang lupa ko nang hubarin ng binata ang suot nitong pang-itaas at galit na ibinato iyon sa kung saan.
Unconsciously, napalunok ako ng mariin sa nakita.
His body has become more god-like from the years na huli ko 'yon nakita at... nahawakan.
His shoulders became broader than ever before. Mas namumutok na ang mga braso nito sa muscles at ang V-line na nakita ko habang nakatalikod s'ya ay kitang kita.
Napapikit ako ng mariin and pursed my lips.
Jusko, mga santo sa kalangitan. Ang tukso ay nalapit. Please, patibayin ninyo ang pagpipigil ko.
"Are you sleepy?" nagulat ako nang nasa harapan ko na pala ang binata at nakatayo. Napatingin tuloy ako sa mata niya. Pero bago dumating sa mata ay napasadahan pa ng mata ko ang katawan nitong kay sarap.
"I'm n-not," I replied and I want to curse so much because I stuttered.
Nakita ko pa ang bahagyang pagngisi ni Nicodemus pero agad iyong nawala pero this time, parang pinipigilan na n'ya.
Kakadasal ko lang pero nawala agad ang epekto ng pagtitimpi, Savannah?
"H'wag ka ngang pangisi ngisi d'yan!" inis kong sigaw sa kanya habang naiwas ng tingin.
Ang mantra mo, Sav. Pagtibayin mo. Hindi porket nakakakita ka na naman ng bakat ay bigla kang mapapaluhod d'yan!
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Nico na tila na-amaze sa inakto ko. "What? I didn't even do anything."
"Tse! Akin na nga 'yang hawak mong first-aid kit! Dami mong satsat, ako na ang maglilinis ng sugat ko." Mas masungit ko pang mando sa kanya.
Nang hindi niya inabot sa'kin ang kinuha sa banyo ay ako na ang nagpumilit na kunin 'yon. Pero ang damuho, iniiwas pa sa'kin sa pag-angat nito ng kamay para hindi ko maaabot. Ako naman si desperadang makaiwas na ay talon ng talon para maabot. Mas matangkad sa'kin 'tong lalaking 'to. Anim na pulgada yata o higit pa pero mas nakakaloka naman ang pulgada niya sa ibaba.
I hissed from my own thoughts, ano ba Savannah Albert. Oplan iwas tukso na tayo 'di ba?
"Akin na nga kasi, Nico! Ano ba!" inis ko nang sigaw sa kanya habang pilit ko pa ring inaabot ang hawak nito. He's just looking at me with his amuse stares habang nakangisi sa'kin ng sobra.
At dahil makulit at magulo ang pagtalon ko sa kanya, we both ended up on his bed. Nakapatong ako sa kanya habang nasa ilalim ko naman s'ya.
Natigilan kaming dalawa sa nangyari. Nagkatitigan kami and I can see how his eyes turned sorrowful. Sorrow because of what? Nagsisisi ba s'ya sa nangyari? Hindi ko alam. Sabi ko nga ayoko nang analisahin ang mga lalaking katulad niya 'di ba? I've been doing that for almost all of my life with him.
S'ya ang tipo ng lalaking mahirap basahin. Ipaparamdam sa'yong mahal na mahal ka pero iiwan ka naman sa huli kapag may nalaman na pangit sa'yo. Pinangakuan na sa'kin lang maniniwala pero mas naniwala sa haka-haka. Tama na ang tatlong taon na pag-iisip kung ano ang naging pagkukulang ko. Tama na ang mga taon na hindi ako makatulog dahil hindi ko pa rin maisip kung ano ang naging mali, kung bakit sa'kin nangyari.
Nico was about to touch my cheeks when I immediately moved and get the first-aid kit from his hand.
I cleared my throat and fixed myself. Maging ang binata ay napaupo rin sa aking tabi habang ito'y nakatingin sa'kin. Ako naman ay naging busy sa pagbuklat nitong hawak ko. Hindi kami nag-usap ng ilang minuto.
And this... ladies and gentlemen, what we called... pure awkwardness. Saya. Tangina.
"Let me," pag-agaw sa'kin ni Nico ng betadine at bulak. I can sense that his tone became cold again.
'Di ba? Ba't ganyan silang mga lalaki? Ang bilis mag-shift ng feelings. Kainis! Sa tono na ginamit niya akala mo, mali na pinutol ko yung moment na nakapatong ako sa kanya. Na parang kasalanan ko talaga ang nangyari sa'ming dalawa. Nakakaputangina lang.
"Ako na, kaya ko 'to. Kinaya ko ngang mag-isa 'eh. Ito pa ba?" hindi ko maiwasang humugot.
Pakiramdam ko talaga magiging hugutera ako ng taon.
Nakita ko ang bahagya nitong paglunok ng laway at pagpikit ng mata. Napalabi ako kasi kahit paano success ang ginagawa kong pagpapatama.
Huh! 'Kala mo d'yan, ah. Ikaw ang magdusa d'yan ngayon animal ka!
He cleared his throat and said, "I'll prepare your night bath." Anas nito tapos mabilis na umalis.
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung nananadya ba s'ya o totoong 'yon ang gusto nitong gawin 'eh. He's always been doing that when we were still together. Lagi s'ya ang nag-aayos ng ipanliligo ko sa gabi dahil alam niyang hindi ako nakakatulog sa gabi nang hindi naliligo.
Tsk! Coincidence or not, hindi na ako madadala sa mga ganyan ganyan na. I hope so...
"ANO'NG nakain mo at hindi mo tinuluyan ang lalaking 'yon?" narinig kong wika ni Stavros na siyang kinatigil ko sa gilid ng isang koridor.
"Trip ko, pakialam mo ba?" rinig ko naman tugon ni Nicodemus sa kaibigan.
"Trip mo, o dahil inutos niya?" segunda ni Stavros.
Niya? Sino? Ako? Wala akong inuutos d'yan, huy. Siraulo rin pala 'tong kaibigan ng damuho na 'to.
I only heard Nico's hissed before he drank his whiskey. Parehas silang nasa sala at prenteng nakaupo sa sofa. The fire in the chimney and the combination of the modern and classic design of Nico's mansion made the ambiance looked too serious for the both of them.
"You don't have your Relic with you, that's why." Nico replied na nagpakunot sa'kin.
Relic? Biglang kumabog ang aking dibdib sa narinig. Isang kwento lang ang naalala ko ang patungkol sa relic na sinasabi ni Nicodemus.
Ang ibig sabihin... totoo ang parte ng kwentong 'yon?
Napatakip ako sa aking bibig at napagawi ang aking tingin sa kabilang dulo ng pasilyo.
Doon ko nakita si Cleo, nakatayo lang rin doon at nagtatago na gaya ko. Nakahawak rin ito sa bibig nito pero ang kaibahan ay mas ramdam at obvious ang pinapakita nitong takot at... pangamba?
I'm sure na nasabi ko sa bespren ko ang sa kwento ng Primus City. Maybe 'di rin ito makapaniwala? Cleo's IQ is way too far from mine. Kung ako na kahit paano na-gets ang napagtagpi tagpi ang pangyayari, for sure noong isang araw pa alam ni Cleopatra ang totoo. She is not dumb anyway.
"You know that we can't—" pinutol ni Nico ang sasabihin ni Stavros.
"I know, I know. Using it again would only mean one thing. Goodbye freedom for the four of us."
"We should not rely on it, brother. We can get the information in our own way." Stavros commented.
"Alam na ba ng babaeng kasama mo 'to?" Nico replied at napagawi ang tingin ko kay Cleo na natigilan rin at tila naging alerto ang panrinig.
"Not yet. Ikaw ba? Nasabi mo na sa kanya? Alam mong iyon ang dahilan noon kung bakit ka laging MIA sa mga date niyo."
Pwedeng paki-remind ngang masasapak ko uli itong Stavros sa pagpapaalala ng nakaraan naming dalawa. O 'eh ano naman kung 'yon nga ang rason? May sense pa ba? 'Eh nalulusutan nga ng gagong 'yan ang issue na 'yan noon 'eh. Though, ngayon alam ko na, na ito pala ang rason. And so? May magbabalik ba? Wala!
"I never had a chance before, nang plano ko nang sabihin... that's the time that she left me."
Aba, aba, aba, aba, at isa pang nakakatanginang aba! So, kasalanan ko pa ngayon? Kasalanan ko na wrong timing s'ya lagi? Bakit naman naging kasalanan ko, damuho ka!
"Oh yeah, she left you for someone else, right?"
Hindi ko alam kung ilang santo na ang natawag ko bigla dahil sa katabilan ng bunganga nitong si Stavros. Bakit ba ako boto rito para kay Cleo? Okay sige, hindi na! 'Di ko na sila i-shi-ship, gagong 'to. 'Pag ako nabwisit talaga ibabato ko sa kanya 'tong hawak kong mug.
Binatuhan naman ng unan ni Nicodemus ang mukha ni Stavros.
Bakit unan lang, hoy?! 'Yung shot glass ang ibato mo, gagong 'to! Magkaibigan nga silang dalawa, sarap pag-umpugin ang dalawang gago.
"Don't start with me. Baka magkasapakan tayo kapag ako naman ang nag-bring up ng kung ano." Pagbabanta ni Nico sa kaibigan.
"Anong plano mo sa babaeng kasama mo?" tanong ni Nicodemus nang parehas na silang nakabawi sa topic. Is he talking about Cleo? "We haven't heard anything from the Primeval Union about the answers that you are looking for. Isa lang naman ang rason kung bakit nakilos na sila ngayon."
"We are going to stay them out of this, Nic. Mas makakabuti 'yon sa kanila—"
Hindi na'ko nakapagtimpi at sumingit na ako sa kanilang usapan. Lumabas ako sa gilid ng koridor kung nasa'n ako at pinaywangan si Stavros. Ramdam ko naman ang pagkagulat ni Cleo na nasa kabilang dulo lang at nagtatago pa rin.
"Ano'ng mas makakabuti sa'min if we are going to stay out of this? Ako ba ginagago mo? Damay na kaming dalawa rito ni Cleo tapos sasabihin mo 'yan? At bakit? Plano niyo ring itago sa'ming dalawa itong pag-uusap niyo sa totoong nangyayari at gagawa ng ibang kwento para mag-explain sa'min?" sunod-sunod 'kong salita at nakita ko pang napatayo ang damuhong si Nicodemus dahil sa gulat.
Stavros, on the other hand, became impassive again when he's done being shocked from my sudden presence.
"S-Savannah— hindi naman 'yon ang intensyon naming dalawa—" pinutol ko ang pagrarason nitong animal na 'to.
"Well, clearly from what I have heard, that's what you guys are talking," I said stating the fact.
"This would be better, Ms. Albert. Gulo namin 'to. At humihingi kami ng pasensya at nadamay kayo ng kaibigan mo sa gulo na hatid naming dalawa."
At dahil matabil ang dila mo kuya, "Apology not accepted, Mr. Callahan. Involving someone in a cruel situation doesn't deserve to be treated behind the shadow. Sa'yo na nanggaling, damay na kaming dalawa rito. If Cleo's life is at stake here then I'm more than willing to be involved. She's my dearest friend and I'll do whatever it takes for her to be safe."
"S-Savannah, hindi simpleng gulo 'to—" I so love interrupting people.
"Feeding us lies mean it's a different ball game for us as well. Don't use the reasoning of protection that's why you're putting us in shadows. Kung gulo 'to, let it be. Huwag kayong gumawa ng ibang gulo na aayusin niyo pagkatapos no'n. D'yan kayo mahilig 'eh."
"Buhay ninyo ang nakasalalay rito, hindi mo ba naiintindihan 'yon?" It was Stavros who slapped me the truth behind this mess.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "We are both living to survive, Mr. Callahan. Hindi kami pinanganak na dalawa na nabibili ang kahit na ano gamit ang pera. We are dedicating ourselves to live in our own way. We faced the worst problems of our lives. Kung ibang level na 'to, then go! We'll take the challenge. Hindi namin 'yan aatrasan."
Oh yes, I'm brave. At dahil ginigigil ako ng dalawang 'to, may pasada pa ako.
Bahagya kong sinulyapan si Nico at dinugtungan ang litanya ko. "Hindi kasi ako mahilig umatras at mang-iwan kapag nasa gitna na ng laban. May allergy kasi ako sa nang-iiwan sa ere. 'Di ba 'no, Sweetheart?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top