36. Incomplete
Chapter Thirty-Six
Clementine Sullivan
NAPATINUHOD AKO SA kalapit na puno nang makita ko nalang ang sarili ko sa ganitong lugar. Para akong pinadaan sa isang makitid na butas nang gawin nina Thyra at Amadeus ang Canali. I inhaled and exhaled to relax myself and start what we went for.
Hinanap ko rin ang iba ngunit ni anino nila ay hindi ko makita. I was left alone and it confuses me. What happened? Bakit wala sila rito at bakit mag-isa nalang ako? I tried to remember anything bago ako napunta rito. Baka may maling nangyari.
Nothing. Or my mind is just playing with me?
Nilinga linga ko ang paligid. Trying to check kung sa'n lupalop o dimensyon na ako napunta. I was surrounded by trees. It's already dawn and the weather was quite warm and humid. I checked my area left and right and vice versa, I don't see anyone here.
"Ano ka ba, baby? Stapet!" rinig kong babae na humagikgik sa kung saan.
Nilapitan ko sila ngunit hindi nagpakita. When I got a better view of them, it seems like naghaharutan sila ng kasintahan nito at tumakas sa mga kasama.
"Stapet? Talagang ayaw mo nito?"
Napaiwas ako ng tingin nang biglang sunggabin ng lalaki ang labi ng babae. Medyo nandiri rin ako. Bakit? Jusko, may mga edad na 'tong dalawa na 'to 'eh.
After nilang magbitaw ng ilang sandali ay nagsalita ako para makapagtanong.
"Excuse me," untag ko sa kanila ngunit parang 'di nila ako naririnig.
"Uhm, hello?" I catch their attention once again pero para lang akong kumausap sa hangin.
Doon ko naalala ang Canali at ang sinabi ni Amadeus. He said that using the Canali would allow our subconscious state to go to any place that we want to.
Meaning, ito na yung subconscious ko.
Pero nasaan ang iba? Bakit ako lang ang narito? Nandito ba si Aurelius?
"Gawin natin 'to sa lighthouse?" napabalik ang atensyon ko sa dalawang magsyota na mahalay nang magwika ang lalaki.
Lighthouse?
I looked around and there I saw a big Lighthouse in the middle of this small mountain.
"Gagu ka ba? Paano kung may makakita sa'tin do'n?" hiyaw ng babae pero rinig pa rin sa boses nito ang kalandian. "Saka 'di ba may mga bantay do'n?"
"Ako nang bahala sa mga bantay, mga repa ko 'yung mga 'yon."
"Hmmm..." pag-iisip ng malanding 'to tapos ay biglang ngumisi sa kalaguyo. "G!"
Napasapo nalang ako ng aking noo dahil sa usapan ng dalawang 'to. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ay menos kong papakinggan ang pinag-uusapan ng dalawang 'to.
Sinundan ko ang dalawang malanding magkalaguyo na 'to sa kanilang pupuntahan. Pakiramdam ko'y parang lukot na damit na ang pagmumukha ko habang 'di ko sinasadyang makita ang landian nilang dalawa habang naglalakad. Gusto ko nang maduwal kung pwede lang.
"Malapit na tayo," bulong ng lalaki sa babae at halos umikot na ang mata ko sa kalandian nilang dalawa.
Natigil ako sa kanilang pagsunod nang sa wakas ay matanaw ko na mismo ang lighthouse na sinasabi ng dalawang 'to.
I'm familiar with this specific lighthouse. My eyes watered when it finally occurred to me why was it too familiar for me.
It's the Cape Bojeador Lighthouse in Ilocos. This is one of the most memorable places my family had when we did our family outing when I was still a kid. Ako palang ang anak nina Mama at Papa noon dahil nasa sinapupunan palang ang kapatid kong lalaki nang bisitahin namin ang lighthouse kung sa'n kinalakhan ng aking Papa.
It was also known as Burgos Lighthouse dahil malapit lang rin dito ang Burgos town. The lighthouse was built in a hill and considered as one of the cultural heritage structure in this province. With it's sixty-five feet tall and octagonal structure which were made of bricks to crowned with a bronze cupola on top, it looks classically glorious to visit.
Medyo marami pa ring tao kahit na pababa na ang haring araw. I'm impressed dahil mas dumami pa ang mga turistang nagpupunta rito.
Na-miss ko tuloy ang Papa ko and my heart ached upon remembering him. The pain of their demise is still unforgettable that even it's already been years, ang sakit pa ring sariwain.
Natigil lang ako sa aking iniisip nang makaramdam ako ng pamimigat ng dibdib. Napatingin ako sa tuktok ng lighthouse and I was shocked to see that there's a yellow windy light surrounding the cupola. My right arm flamed in pain and there I saw the symbol that I have.
Heart Insignia.
It's also glowing with the same color... yellow. Just got quite confused kung bakit hindi pula pero pati ba naman 'yon poproblemahin ko pa?
The wind became tempestuous. Sa una mahina ngunit habang nagdadaan ang segundo ay palakas iyon ng palakas. Even the people na natitira sa area ng lighthouse ay napilitang umalis na dahil hindi maganda ang lagay ng panahon. However, the sky is clear. Wala namang ulan na babagsak. Ngunit sa lakas ng hangin na umiikot sa lighthouse ay nakakatakot iyon para sa ilan.
"Bilisan niyong lumikas, hindi niyo dapat pang naabutan ang malakas na hangin rito. Masyadong delikado!" sigaw ng isa sa mga tour guides na nag-aassist sa mga turistang gusto na ring lumikas.
Napatingin ako sa taas ng lighthouse when I finally saw the person whom I should save. Medyo natigilan lang ako dahil hindi lang ang binata ang kasama nito.
Aurelius is being held in prison sa loob ng lighthouse tower. Wala itong malay at nakapiit sa mismong bagay kung saan umiilaw ang lighthouse. What made me stuck on the ground was the creature coiling the entire lighthouse tower.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng aking mata but I am seeing a giant yellow nine-tailed fox. The fox was wearing armor and I think a highly advanced warrior suit. Nakayakap ito sa lighthouse tower habang nakapulupot ang mga metal nitong mga buntot sa natitirang parte ng lighthouse. It was like it's protecting it.
"Ugh," impit kong ungol nang maramdamang muli ang masidhing pagsakit ng aking kanang braso. The heart insignia was glowing immensely and it caught the attention of the creature.
The eyes of the fox opened and it showed how mesmerizing its eyes are. it's glowing with yellow and white color with a symbol attached on its right eye.
The fox has the Heart insignia on its eye, same with the symbol engraved on my right arm.
The Queen. Hindi ko alam kung niloloko man ako ng aking isip ngunit narinig kong nagsalita ang nilalang kahit hindi nabuka ang bibig nito? S'ya ba 'yon? Or the Canali is playing on me.
Hindi ka nagkakamali ng akala, Queen Clementine.
Napaatras ako sa aking kinatatayuan sa gulat at kaba. Mas napaatras pa ako lalo nang ang ulo ng fox ay nakalingon na sa'kin at mariin ang pagkakatingin sa direksyon ko.
"S-sino ka? Ba't a-alam mo ang pangalan ko?" tanong ko habang pinipilit na gawing mahinahon ang aking sarili. This is not the right time to be scared, Clementine! Ngayon ka pa ba matatakot?
Muling gumalaw ang nilalang and this time the fox's body move towards my direction but left its nine tails groping the tower.
May apat na paa ang fox na ito at sobrang laki niya. Mas malaki pa ito ng doble sa size ng mismong lighthouse. The fox bowed to me... surprisingly.
I am Anapnoi. The Custodian of Sky and Air.
Pagpapakilala nito sa'kin na s'yang kaagad ko nakilala.
"S-so, ikaw ang Familiar sa loob ng Relics ni Aurelius?" pangungumpirma ko na s'yang pagbibigay niya sa'kin ng isang tango.
You are here only by subconscious state, newly proclaimed Queen. Do you even know the repercussion of using the Canali?
Nagsalubong naman ang kilay ko sa biglaan nitong pagkakatuklas na hindi mismo ang katawang lupa ko ang naririto sa kanyang harapan. Anong sinasabi niya?
"Repercussion? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Canali allows you to travel to the place you wanted to be but there's always a prize. You have to do the Canali's bidding.
Napamura ako sa aking isip dahil hindi ito nabanggit ni Amadeus bago ako nahiwalay sa kanila. At hindi ko naisip na may kabayaran nga ang ginawa naming pagtawid sa lugar sa pinakamabilis na paraan. Laging may kapalit ang isang bagay na madali mong nakamit.
"Anong klaseng bidding?" I asked trying to collect my thoughts from what's happening.
My mission here is to save Aurelius and help him as well to get his Relic back. I was informed by Savannah na in order for them to get their Relics back, they have to remove the curse they have put on each relic. The curses disallow anyone to get a hold of this ancient relics that hold power.
Facing your greatest fear.
Natigilan ako sa naging sagot ni Anapnoi and surge of pain, excitement, and nervousness ripped my being. Marami akong kinatatakutan and facing it right now won't be that advisable to happen. I might get nervous breakdown sa oras na harapin ko 'yon. Baka hindi ko kayanin. The pain of facing my fears has become my lifetime battle. I was able to survive it somehow because I chose not to dwell on it and focused my entire time to escape from it.
"What i-if umayaw akong gawin ang gusto niya?" tanong ko, may halong kaba ang bawat letrang binitawan at nananalangin na sana'y posible iyon.
Then, you'll die.
Napalunok ako nang muling sagutin ng Familiar na ito ang tanong ko. My inner thoughts are shouting at me, it screams: This is it, Clem! You want to die right? You wanted to test your Fate kung hangga't saan ka niya bubuhayin. Now that you have to chance to choose the path of death, then don't face your fears!
Ngunit may humahati sa kaisipang iyon. At maging ako sa sarili ko'y nagulat dahil hindi ito kailanman sumagi sa'kin: Kapag sa oras na pinili mong mamatay, Clem. The world will be in great chaos. The people you somehow learned to trust to be with will be gone. Especially your brother. The one whom you saw whose very much alive.
Mabilis pa sa alas-kwarto ang pag-angat ng aking tingin sa nakamasid sa'kin na si Anapnoi. The creature is waiting for me to respond.
"I'm actually here to help my King..." then I slightly looked on the cupola. "The world needs him as the Joker's threat of reawakening has been on the line."
But the one you're talking to gave us the curse of fear, my dear Queen. If you both want my power to help save the world, then he has to face it. Unfortunately, your King ended up being asleep.
"What does being asleep means?" takang tanong niya rito.
He might don't successfully faced it? I don't know. Pero the fact that I can still feel that my power is still being cage on this place, ibig sabihin, hindi pa nagtatagumpay ang Hari mo.
I gritted my teeth. "How can I help him?"
Of course, you can.
Tugon nito tapos ay biglang gumalaw ang isa sa mga buntot ng Fox at itinutok nito iyon sa aking noo.
Isang pagsinghap ang ginawa ko bago ko naramdaman na tila hinigop ang subconscious state ko papunta sa kung saan.
Nang buksan ko ang aking mata ay nakita ko na lamang ang sarili kong nasa itaas ng isang building. There's a helipad on my side and the sun was strikingly hot.
Napasinghap ako ng bahagya nang tuluyan ko nang makita si Aurius. He's standing in front of... himself?
He's watching himself... trying to face his fear.
Napalingon ako sa aking gilid nang may marinig na nagsalita. The huge Fox that I've seen was now in its normal size that my mind is imagining. Kasing laki nalang ito ng isang regular size na asong imported but its nine tails still mesmerize me. it's glowing in yellow light.
"You mean it's his subconscious state?"
Tumango si Anapnoi.
Katulad ng sitwasyon mo ngayon.
Napalabi ako at tiningnang muli ang binata. Halata sa mukha nito ang kaba na nararamdaman habang kaharap nito ang sarili. Ang tinitingnan nito na mismo ang sarili ay naghihintay sa helipad. Napatingin kaming parehas sa langit nang marinig ang paparating na helicopter. Napahawak ako sa aking buhok at napangiwi ng bahagya sa lakas ng hangin na ginagawa ng elisi ng helicopter, but that doesn't stop Aurius to meet the person inside.
Nang magbukas ang pintuan ng helicopter ay gayon na lang ang aking pagkagitla nang mamukhaan ang lalaking lumabas roon. The familiar man was wearing a heavy tinted shades while his smirk was being shown.
"Aurelius!" natutuwang sigaw ng binatang dumating.
Awtomatikong napakuyom ang aking kamao nang bigyan nilang dalawa ang isa't isa ng isang manly hug.
"Stefan... nice to meet you again, my friend." Aurius acknowledged.
A-anong ibig sabihin nito? Bakit nandito si Stefan? Bakit nandito ang taong pumatay sa mga magulang ko at ang taong ginamit lang ako sa pansarili nitong hangarin?
"I know! It's been what? five or six years? Ang laki mo na rin p're!"
Aurius shrugged, habang nakaakbay rito si Stefan. "Well, we are not the kids we used to before. We need to change, after all."
The scene was changed and we are all now inside of Aurelius office. Nakaupo silang dalawa sa visitor's area ng kwarto ng binata habang pinagsisilbihan sila ng isang sekretarya na iba kung makatingin kay Stefan. The man whore simply winked to his victim and that made myself gnarled with irritation.
Bakit ba hindi ko nakita ang ganitong side ng lalaking 'to? This wasn't the Stefan that he introduced to me. Ang pagkakakilala ko sa Stefan na nakilala ko ay sobrang mapagkumbaba, tahimik kung minsan. Masipag sa trabaho at maabilidad. Pero ang ngiti nito... ito ang isa sa mga bagay na hindi nawala. Stefan's' smile that I knew before and the smile of this man in front of me was pretty much the same.
The smile of an evil incarnate.
"How's your training in Somalia, bro? Hindi mo man lang magawang mag-chat man lang sa'kin?" tanong ni Aurius habang nakangisi rin gaya ni Stefan.
Malutong na tawa ang ginawad ni Stefan sa kaibigan. "Hindi ka pa rin nagbabago, masyado ka pa ring clingy sa mga kaibigan mo, Aurelius. Baka mabading ka na sa'kin niyan, ah. Sorry, I don't fuck a man."
"Asshole!" Aurelius said while laughing when he tossed a small pillow just behind him to Stefan. "Masyadong malawak pa ring 'yang imahinasyon mo. Akala mo talaga lahat may gusto sa'yo at kursunada 'eh no?"
Stefan cockily shrugged. "Mas gwapo ako sa'yo. What else could it be?"
I rolled my eyes upon hearing that from him. Well, when I haven't seen Aurelius, gwapo nga sa paningin ko si Stefan. He's really charismatic and devilishly looking. If Aurelius has the face of an angel, Stefan has the devil face. He has this bad boy aura before pero feel ko lang 'yon noon. Now that I'm seeing his true self, ngayon ko mas napatunayan na nagpanggap lang talaga siyang ibang tao. He tricked me!
Mas lalong nadagdagan ang pagkamuhi ko sa kanya. I'm having this feeling that I want to kill him again.
Aurelius shook his head while still smiling with his... childhood friend. Base sa paraan nila ng pangangamusta'y batid ko na dati na silang magkakilala.
"Anyways, kailan nga pala ang paghirang sa'yo bilang King of your domain?" biglang seryosong tanong ni Stefan kay Aurelius.
Bahagyang nag-react ang itsura ng mukha ni Aurius sa naging pagpalit ng topic ni Stefan. Hindi ito sumagot bagkus ay nakatitig lang kay Stefan na parang nanantya.
"What?" natatawang tanong ni Stefan.
"Are you sure na okay lang pag-usapan 'to?"
The amusement has been plastered on Stefan's face then he jokingly scoffed. "C' mon, brother! Ang tagal ko nang tinanggap na hindi ako ang napiling... King of Hearts. 'Di ka pa ba nakaka-move on do'n?"
Nalaglag ko yata ang panga ko sa narinig at nalaman. It was like a bomb exploded on my face. Napatingin ako kay Anapnoi.
"Is that true?" 'di ko makapaniwalang tanong.
Stefan was supposed to be the King of Hearts?
Tumango naman ito sa'kin. "Paano ba sila napili?" segunda kong muli.
Ilang segundong natigilan si Anapnoi ngunit nananatili itong nakatingin sa harapan.
At the beginning of time, the Ancient Ones were observing this planet if it's worthy enough to be entrusted of us-- Familiars and held accountable of protecting our powers away from the enemies of their world got. They saw the pureness of the warriors who serves an empire or colony. They got the attention of the Ancient Ones because of the loyalty and camaraderie they possessed to their leader. And so they granted them us— our sleeping container which you called Relics.
'Di ko mapigilan ang 'di mamangha sa paliwanag na sinasabi ni Anapnoi. By the looks of it, they were here at the beginning of our time? How... amazing was that!
The chosen warriors or later on called Knights or soldiers were assigned four different leaders in different parts of the globe and granted them to established Four different domain where they will hold accountable of the people they would protect.
"You mean the Four insignia that represents South Spade, East Heart, North Clubs, and West Diamond?"
Tumango ito sa'kin at kapagkuwa'y nagpatuloy sa pagpapaliwanag.
They secretly called the four dominions— The Order of Vortex. When this knowledge reached the masters of the chosen Knights specifically the Royal family? Rage and envy consumed them. As per them, it's unfair to give such powerful objects to someone who's life is always in danger protecting their respective Kingdoms simultaneously.
"Did they go to the Ancient Ones?"
Yes, with the help of the chosen Knights na hindi makatanggi sa utos ng kanilang mga pinagsisilbihan, they transported their masters in the place where Ancient Ones stays.
Napabuntunghininga ako. Ano pa ba ang dapat asahan sa mga ganid sa kapangyarihan?
"What happened then?"
They bargained to get the possession of the powerful objects in exchange for monetary gifts they have in hand. That enraged the Ancient Ones because, despite of their generosity to welcome their guests, the masters of their chosen Knights showed unethical behavior of showing their lies. You see, kasama sa monetary gifts na inaalok nila ang pangakong mananatili sa mga Knights ang titulo ng apat na dominion na iniregalo. Na isang malaking kasinungalingan
"A-anong ginawa nila sa mga Masters ng Knights?" kinakabahan kong tanong dahil ramdam ko sa pagkakakwento ni Anapnoi ang kapangyarihang hatid ng Ancient Ones.
The one who spoke lies before them vanished in a wild fire.
Tumindig ang balahibo ko sa sinagot ni Anapnoi.
One of the Ancient Ones has this particular power for those who would lie before them, the fire would vanish them without remorse.
Napalunok ako ng mariin.
Nang mangyari 'yon ay sunod na nagbigay ng sumpa ang Ancient Ones. They used the Medallion which holds our mother's power— Vortex, to cast a very powerful destiny's curse upon them.
"Anong klaseng sumpa?" tanong ko at mas lalo kong naramdaman ang isang bagay na ngayon ko palang naramdaman.
Every royal family in the world who has the royal blood tainted with sins would always bear a girl child in contradiction of their royal decree that the next King should be the first child of their King or Emperor. And that girl child would bear the sins of their clan by means of sacrificing her life to save their Kingdom. They would always end up being dead not having a child to bear.
Ilang sandali akong natahimik habang sinasapuso ang mga sinabi ni Anapnoi.
The girl child will experience the harshness of the world.
"T-tama na." Pigil ko rito dahil ayaw ko nang marinig pa ang susunod.
They will feel that their destiny won't let them to be happy.
"E-enough."
The curse will only be lifted if the last descendant of the Chosen Knights will declare them as the Queen of their respective Order.
Marahas ang aking paglingon kay Anapnoi nang marinig ang solusyon sa ill-fated life ng mga sinumpang babae.
"A-anong ibig mong sabihin? S-sinasabi mo bang... may dugo akong..." natigilan ako at 'di natapos ang tanong nang manariwa sa'kin ang takbo ng aking tadhana.
Ako ang unang anak ng aking mga magulang. I experienced worsts of my life. And... I became the Queen of Hearts.
Tiningnan lang ako ni Anapnoi at kapagkuwa'y sinundan ko ito ng tingin nang muli nitong ibaling ang tingin kay Aurelius.
"Have you seen her?" tanong ni Aurelius kay Stefan.
The scene was changed and we're now inside of a Bar. Stefan was the bartender while Aurelius was seating on the stool... slightly tipsy?
"Who?" tanong ni Stefan habang inaabutan ng alak si Aurius. Halata sa tono nito na alam nito ang taong tinutukoy.
"Clementine."
Mabilis na nagrigudon ang dibdib ko nang mabanggit ni Aurius ang pangalan ko. Tinanaw ko ang subconscious presence ng binata sa gilid at kitang kita ko ang galit ng panga nito habang nakatingin kay Stefan.
Inilinga ko ang aking paningin sa loob ng nakakasilaw na Bar. I immediately when through to one of the table and luckily saw an opened cellphone stating the date where we at.
I was shocked upon seeing the date where we are right now.
Stefan and I became a couple for a year. I've had my mental depression for almost a year and a half after that and then few more months after recovering, Aurius and I met in a Press Conference.
Kilala na ako ni Aurius noon pa man kami nagkita sa Conference?
Why did he lie?
"Kailan mo siya mahahanap?" Sunod na tanong ni Aurius habang binababa ang ininumang kopita.
"I'll let you know once I got a lead." Matabang na anas ni Stefan then faked a smile and tapped Aurius' shoulder. "I know I'm taking too long, brother. Have patience."
Muling tumungga si Aurius nang itaboy nito ang kamay ng kaibigan. Then, Aurius added something that made me shock even more.
"You know we're the last of our clans. Me being the last descendant of the Order of Hearts and her being the last of the royal blood of Assyrian Empire."
Napabaling ang tingin ko sa nanggagalaiting mukha ni Aurelius na nasa tabi lang ng sarili nito. Masamang masama ang tingin kay Stefan. "You lied, you found her at 'di mo 'yon sinabi sa'kin!"
That confirms it. I have royal blood in me that's why I became the Queen of Hearts. Alam ni Aurius kung sino ako from the very start but he hid that fact to me. Pero bakit? At kung ako nga ang huling panganay na babae na may dugong bughaw, ibig sabihin tapos na ang sumpang binigay ng Ancient Ones? I've experienced the worst!
Sort of, Queen Clementine.
Napatingin ako kay Anapnoi na may pagtatakang sa aking mukha.
Wala pa tayo sa mismong kinakatakutan ni Aurelius at sa kinakatakutan mo.
Muling nagbago ang paligid at ngayon ay nasa loob kami ng isang kwarto na may pasyente. Napatakip ako ng aking bibig at mabilis na nagbaha ng luha ang aking mata nang makita ang eksenang ito.
Ako ang nasa hospital bed. Naka-admit ako at tulog pero nasa tabi ko ang kapatid ko.
"C-constantine..." bulong ko sa pangalan ng aking kapatid tapos ay marahas kong inilayo ang tingin sa kanya.
H-hindi. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang harapin siya. Hindi ko kaya.
The surge of pain of what I felt before slowly reopening upon seeing my brother. Hindi ko alam ang senaryong ito. Base sa pananamit ng kapatid ko, alam kong lagi siyang dumadalaw sa ospital para makita ako pero hindi ko 'yon alam. Bakit hindi siya nagpakita sa'kin sa tuwing gising ako at tulala lang sa kwartong ito?
Muli kong naalala ang nangyari sa mga magulang ko at kung paano ako nawalan ng pag-iisip dahil sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nila. At ang pagsisisi dahil napabayaan ko ang kapatid ko at hindi sinasadyang abandonahin siya.
Face him, Clementine!
Rinig kong sigaw ni Anapnoi sa'kin ngunit sunod sunod na iling lang ang ginawa ko habang ako'y nakapikit ng mariin at lumuluha.
Hindi ko kaya. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
You have to remember that this is your mission as well. Your life is at stake dahil sa Canali! Kapag hindi mo hinarap ang takot mo... you'll die! So, face him!
I pursed my lips because I know Anapnoi was right. Nasa Canali ako dahil kailangan kong tulungan si Aurius sa misyon nitong makuha muli ang Relics nito at upang makatulong sa laban against the Joker. I should set aside my emotional problem. Right? Yeah, tama, gano'n na nga.
Face your fears and conquer them, Queen Clementine. Now is the time for you to face your greatest fear— your brother.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng kapatid ko. Noong una ay akala ko ako ang kausap niya at baka naramdaman niya ang presensya ng subconscious form ko ngunit nagkamali ako. Dahil ngayon ko lang napansin na nasa likuran ng kapatid ko si Aurius.
Aurius was about to reply when my brother spoke again. "Alam ko ang pinaplano mo sa kapatid ko."
Natigilan sa paglagay ng mga pinamiling pagkain si Aurius sa narinig sa kapatid. Bahagya itong namutla at hindi makatingin sa nakatalikod ko pa ring kapatid.
"Sabihin mo sa'kin ang totoo, Kuya Aurius." This time, my brother faced Aurius. May galit ang mukha nito pero bakas ang pag-asa sa sasabihin ni Aurius. "Itong tulong na binibigay mo sa kapatid ko at sa'kin, hindi mo naman ipapahamak ang buhay niya hindi ba?"
Isang malaking paglunok ang ginawa ni Aurius at nakangiwing ngumiti kay Constantine.
"B-bro, hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya--"
"So, totoo nga?! Totoo itong mga nalaman ko?!"
Hindi ko pa nakitang nagalit ng ganito ang kapatid ko para sa buhay ko. Anong gustong ipalabas ni Constantine?
"A-anong alam mo?" tanong ni Aurius tapos ay umiwas ng tingin sa aking kapatid.
"Na binabalak mong gawin siyang Reyna dahil sa gusto mo siyang iligtas sa sumpa ng angkan namin?Mas ipapahamak mo lang ang buhay niya! She experienced the worst, Aurelius! Muntik na siyang mawala sa'kin dahil sa kagustuhan niyang patayin ang pumatay sa mga magulang namin, para hindi ako ang isunod ng gagong Fiance niyang 'yon!"
Tumungo si Aurelius at mas lalong hindi makatingin sa kapatid ko.
Tuluyan nang lumandas ang luha ng kapatid ko na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko at nagpalala sa luhang bumabagsak sa mata ko. "Alam mo kung bakit 'di ako nagpapakita sa kanya? Dahil sa oras na makita niya ako, mas lalo niya lang sisisihin ang sarili sa kinahinatnan ng mga magulang namin. Dahil alam kong iisipin niyang galit ako sa kanya dahil siya ang rason kung bakit sila nawala! My sister is at her peak. What happened to us almost drove her crazy!"
Mas lalo akong napahagulgol sa mga naririnig sa kapatid ko. Bakit mas matured siyang mag-isip sa'kin? Bakit mas inuna niya pa ang kalagayan ko whereas ang dapat ay magalit talaga siya sa'kin? Totoo naman ang lahat, ako ang may kasalanan pero bakit ayaw niyang isipin ko 'yon?
Constantine looked at my sleeping body while his tears are flowing. "Kasalanan ko naman talaga kung bakit nangyari ang lahat. Kasalanan ko ito dahil ako ang nagpasok kay Stefan sa buhay niya. Sa kagustuhan kong masustentuhan ni Stefan ang pagdodroga ko ay pumayag ako sa lahat ng gusto niya basta ipangako ko lang na wala akong pagsasabihan na kahit sino na ang interes lang ng gagong 'yon ay ang alam ng mga magulang namin patungkol sa lintik na Code of Vortex na 'yan."
Sa kabila ng paghagulgol ko ay ang muling pagkagulat sa sinasabi ng kapatid ko. Bakit wala akong alam sa mga ganito? Bakit ang hina ko at 'di ako katulad ng kapatid ko na tila pinipilit niyang mag-isip pa ng tama matapos ang mga nangyari sa buhay namin. Hindi niya ba talaga ako sinisisi?
"Kaya utang na loob, Kuya Aurius. Huwag mo na siyang gamitin pa. She experienced a lot. At kung naririnig man niya ako ngayon, gusto ko lang na malaman niya na gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko, sa kasakiman ko. Ako ang dapat na nagdurusa at hindi siya. Gusto ko pang mabuhay siya ng matagal at maging masaya. Gusto kong malaman niya na kailangan niyang maging matatag at patawarin ang sarili niya sa lahat ng 'to." Natawa ng sarkastiko ang kapatid ko. "She has to forgive herself because I know for sure that I can't do the same for myself."
Napaluhod na ako sa kakaiyak at nagwika. Realization dawned me. "I'll try to forgive myself, Cons. I saw you, alam kong buhay ka. And if staying alive for your sake is your only wish then I'll do my best to fulfill it and save you. Ako naman ang magliligtas sa'yo kung nasaan ka ngayon. Magpapakatatag na si Ate para sa'yo. Hindi na ako magiging mahina. Pangako. Just hang on tight. Hintayin mo si Ate, okay?"
Napatingin ako kay Anapnoi. Tinanguan niya ako at napangiti nalang ako dahil alam kong nagtagumpay ako. Muli akong huminga ng malalim at nagpatuloy sa pakikinig sa kanilang dalawa.
"Hindi ko siya ginagamit, Constantine. Oo, plano kong gawin siyang reyna. Alam mong galing ang pamilya niyo sa hanay ng mga bugong bughaw. Lahat ng panganay na babae ng bawat henerasyon ninyo ay sasapitin ang walang katapusang pagdurusa."
"Bakit gusto mong matapos na 'yon?" tanong ng kapatid ko.
"Dahil mahal ko siya! Matagal na! Tadhana naming apat na Hari ang hanapin ang anak ng mga pinaglingkuran noon ng angkan namin. It's our lifetime mission. Nakaukit na 'yon sa dugo namin at matagal ko na siyang hinahanap. Nang mahanap ko siya, ilang araw bago kumilos ng pagkadesperado si Stefan ay agad akong nagkagusto sa kanya. I know this may sound so fucking cheesy but she got me bad. Real bad. And the only way to end her misery is to for her to be my Queen—"
"'Yun lang ba talaga?" tanong ni Constantine. Halata sa boses nito na hindi naniniwala sa sinasabi ng binata.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Aurius. Tumunog ang cellphone ng binata ngunit mabilis niyang pinatay iyon.
"I ran thru the files of Stefan na naiwan niya sa bahay. There was this conversation call that he has on his phone pertaining to the Queens of four Orders."
Muli na namang tumunog ang cellphone ni Aurius. Iritado nitong pinatay uli iyon.
"Anong mayro'n do'n?" tanong nito kay Constatine.
"It states the part of their plan. The plan of the Joker and the Buffoons."
Muling tumunog ang cellphone ni Aurius ngunit mabilis na kinuwelyuhan ng kapatid ko ang binata.
"Joker's personal plan is to collect the Relics mula sa inyo at plano naman ng mga Buffoons na kunin ang mga nakilalang magiging Reyna para isakripisyo sa ritwal upang mabuksan ang portal sa ibang dimensyon. Ngayon mo sa'king sabihin na magandang ideya na maging Reyna mo ang kapatid ko!"
Natigilan si Aurius and unconsciously opened his phone. Katahimikan ang bumalot sa kanila at tanging ang boses sa telepono ang namayani sa sa pagitan nila.
"Aurelius! You have to get back to your station! Ikaw ang unang target ng Joker and he's on his way!"
I was left only but shocked.
Napatingin ako sa subconscious form ni Aurius na ngayo'y nakaluhod na sa lupa at tulala. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam na ang pagiging Queen ninyo ay ang isa sa mga gustong makuha ng Joker. Patawarin mo ako lalo na't nagdesisyon akong ituloy na gawin kang Reyna dahil natatakot akong mas mawala ka sa'kin kapag 'di ko 'yon ginawa. Your curse scares me at natatakot akong kainin ka ng nangyayari sa'yo. Your previous relatives... they ended up killing themselves dahil ayaw na nilang mabuhay pa at ayokong mangyari rin 'yon sa'yo. Mas gugustuhin ko pang nasa tabi kita dahil poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya."
Muli na namang lumandas ang luha ko sa mga narinig sa kanya. I can feel his sincere feelings for me.
"Anapnoi! Utang na loob tama na ang pagpapanuod sa'kin nito. Oo na! You're right! Hindi ko kaya itong mag-isa. I need your help! Wala akong pakialam kung makukuha mo ang katawan ko basta tulungan mo akong iligtas at protektahan ang reyna ko. Please!"
Hindi ko alam kung guni-guni ko 'yon ngunit parang nakita kong ngumiti si Anapnoi sa Fox form nito.
Aurelius greatest fear is not because of fear of you knowing what he had done to you. Alam kong kahit maulit ito, alam kong gagawin niya pa rin ang gusto niyang maging reyna niya dahil kompiyansa siyang kaya niyang gawan ng paraan ang lahat para lang 'di ka mawala sa kanya. What he feared the most was the fact that he's powerless because of your curse. Dahil mas naniniwala siyang kaya niyang protektahan ang kahit sino kahit wala ang tulong ko o ng kahit na anong may kapangyarihan.
"Pero may point siya." Pagsang-ayon ko sa prinsipyo ni Aurius.
Alam ko. Pero may magagawa ba ang prinsipyong niyang 'yon sa harapan ng aming kalaban na may higit na kapangyarihan? Power can be used in times like this. Hindi nakakasira ng moral na prinsipyo na gumamit ng kapangyarihan kung ito nalang ang huling bala upang manalo laban sa kalaban. Nagiging masama lang naman ang paggamit sa kapangyarihan kung naghahangad pa sila ng mas malakas at kung gagamitin sa masama.
"So, nagtagumpay na ba siya?"
Anapnoi looked at me.
HIndi mo yata lubos na nauunawaan ang rason kung bakit mataas ang pride ni Aurelius upang humingi ng tulong para maprotektahan ka.
Napalabi ako sa paraan ng panenermon sa akin ni Anapnoi.
The curse will be lifted if the first born girl child will be declared as Queen of any Chosen Kings of the Orders. You survived that now. Pero kayo rin ang huling pyesa upang tuluyang mapagsama sama kaming apat na Familiars at mabuksan ang tarangkahan patungo sa ibang dimensyon. Ang bagay na gustong mangyari ng Joker.
Muli akong napatingin sa eksenang nasa harapan namin at napabungtong hininga.
Alam ko 'yon. Gets ko naman. Hindi lang ang buhay ko ang nanganganib. Maging sina Savannah at Thyra rin na siyang Reyna ng Clubs at Diamond. It was like being a Queen is equal to life sacrifice.
"Ano bang gusto mong gawin ko, Anapnoi? Bitawan ang posisyong kung nasaan ako ngayon para maligtas ang sarili ko?" muli akong bumuntunhinga at nagpatuloy. "Kakapangako ko palang sa kapatid ko na ililigtas ko siya sa kung saan man siya naroroon, at gaya ng sabi mo, hindi naman masamang gumamit ng kapangyarihan upang pumrotekta ng iba laban sa kalaban. Nasa gitna na kami ng napapintong digmaan laban sa Joker. Ngayon pa ba ako aatras?"
Facing your greatest fear changes you, Queen Clementine.
Natawa ako ng bahagya tapos ay nginisian ko siya because of its compliment. "Besides, isasakripisyo lang naman kami sa oras na makuha kami hindi ba? The last time I checked, the other Queens are also badasses when it comes to fighting. So, sino bang nagsabing magpapahuli kami ng buhay? If we have to kill them one by one, then we will."
Ramdam ko ang ngising gustong gawin ni Anapnoi sa kompyansang sinabi ko.
"Let them chase us, Anapnoi. Besides, the Queens are not yet complete so that's nonsense. The King of Spade hasn't declared who is his Queen yet... officially."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top