35. Final Pieces

Chapter Thirty-Five

Savannah Albert

A LOUD GASP escaped from my lips as soon as I opened my eyes. Hinahabol ko ang aking hininga sa 'di malamang dahilan. Mabilis akong lumingon sa aking likuran upang hanapin ang mga kasama ko but only to find out that I'm all alone. Where the hell am I?

Chirping sounds from birds was the first that I've heard then a vast sound of leaves movement when the wind blew drastically. Napahawak ako sa aking buhok na kasabay na nililipad ng hangin. The weather was so nice and the sun was hot but since I'm under an old oak tree, it didn't harm my skin.

'Di pa man din ako nagpahid ng sunblock kanina. Hays, 'buti nalang.

Nang tuluyan ko nang naapuhap ang aking hininga ay napangiti ako ng malungkot sa 'di malamang dahilan. This kind of weather was too ideal to have for a relaxing moment in a beach.

I inhaled and closed my eyes again. I need this before I focus myself from what's happening right now. I can still hear the chirping sounds of the birds, the leaves in the tree and... a surge of waves just few miles from where I was. That made my forehead crumpled. Is that...?

I opened my eyes again at mabilis na tinakbo ang isang area ng lugar. Nang makita ko ang isang cliff ay tumigil ako sa pagtakbo at napasinghap nang sa wakas ay matanaw ang malawak na karagatan. The waves are huge and gigantic. Napatingin naman ako sa lalim ng talampas, I think it's enough for someone to die instantly kapag nahulog rito.

Napaatras ako at napalingon sa aking likuran nang may marinig akong sigaw ng lalaki. The scream was excruciating. Doon ko naalala ang pakay ko rito.

"Nico..." I whispered and I immediately ran as fast as I could. I didn't mind the twigs, giant plants around me. I just ran while following the voice of Nicodemus.

Savannah...

'Di ko pinansin ang boses na tumawag sa'kin. I focused my sense of hearing to the screams that I've heard.

Dinala ako ng sigaw na 'yon sa isang kweba. Malaking kweba iyon. It was like a two mountain-sized rock where collided and created a huge entrance. It looks creepy though.

My god, hindi pangganito ang beauty ko. Malamok at maputik pa. I need to be cleansed after this.

I was startled when I heard the screaming again.

"N-nico?" I asked while I'm walking inside. Medyo mabato kaya medyo bumagal ang naging pagpasok ko.

Ngunit natigilan ako ng bahagya nang magsimulang magkaroon ng mga mumunting ang bumalot sa loob ng kweba. I thought mamomroblema pa ako sa ilaw na pwede kong gamitin sa loob dahil syempre madilim do'n. Pero 'di na pala need. The glowing lights are scattering when I went deeper in the cave. Ngayon ko lang napansin na limestone na ang mga batong natatanaw ko. Kamuntikan pa akong madulas dahil basa ang mga iyon.

There's a water inside?

Mas bumagal pa ang pagpasok ko nang mapansin ang ilang pebbles sa paligid and it illuminates the area more. It's color green and it's really fascinating.

Gusto ko pa sanang kumuha ng mga iyon ngunit nagbalik ang atensyon ko sa misyon nang muling marinig ang sigaw ng lalaki.

"Sandali lang naman kasi." Bulong ko habang nakabusangot.

Ilang sandali pa ng paglalakad at pag-si-circus ko rito sa mga bato nang may matanaw akong maliit na pool sa isang gitna na parang groto. The water is color green but it seems like it was just illuminated by a light not the actual color of the water itself.

That's gross kapag gano'n, like eww.

Nilapitan ko 'yon at dahan dahan na pinatitigan. Napaatras ako nang dumagundong iyon at muli kong narinig ang sigaw ni Nico.

N-nasa... l-loob s'ya? Paano s'ya nagkasya d'yan? Ang laki... niyang tao. Medyo makipot ito.

I just shrugged when I remembered that he can easily push himself towards something... makipot. Like me, for example. Oh gosh, ba't ko pa 'yon naalala. Napahawak tuloy ako sa aking mukha nang maalala ang isang 'di kanais nais pero sobrang sarap na pangyayari.

Akin pa iyong nilapitan. Still checking if the water is okay. Hmm, mukhang okay naman. Para lang may ilaw sa ilalim kaya nagkaroon ng ilaw na green. However, when I touched its warm temperature, napasinghap ako ng malakas nang bigla akong mahila paloob rito.

I just found myself lying on the ground.

"Aray ko po jusko, ang baywang ko." Daing ko nang makaramdam ng hapdi sa aking baywang dala ng maling pagkakabagsak ko sa kung saan. I rested for more minutes but my attention has drifted somewhere.

A growl has been heard by my ears. Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran at gayon na lamang ang aking panggigilalas nang makakita ako ng dalawang higanteng... Lobo. As in, wolves! Real life wolves but the difference would be their gigantic size and unusual color.

The ones on my left was silver and the other on my right side was crystallized ornamental green. Both of them were glaring at me. Their saliva's dripping on their mouth as if they haven't eaten anything. At napalunok ako ng wala sa oras dahil naiisip kong baka ako ang maging hapunan ng dalawang 'to.

"U-Uh, e-eh..." I trailed off, still thinking what would I do para 'di ako maging hapunan ng dalawang 'to.

At bakit may dalawang hayup rito? Ay hindi... tatlo pala. Yung isa ay nakalutang sa may 'di kalayuan.

Nicodemus was hanging over on the two crystallized walls. Ang nakakadena ay ang magkabilang kamay at paa nito at napangiwi ako sa itsura niya. Naka-topless ang gagong 'to tapos ay warak warak na ang suot nitong pantalon. I can see from here that most of his wounds ay nanggaling pa sa naging sagupaan nila sa barko ni Amadeus at tila nadagdagan nalang because blood was dripping from his head and other parts of his body.

Umangat ang nakayukong ulo ni Nicodemus. Nanliliit pa ang mga mata nito upang kilalanin kung sino ang kasalukuyang hapunan ng dalawang wolves na hanggang sa lumaki ang mga mata ng binata.

"S-Sav?" he trailed off. His voice was too weak but since we're on a cave, narinig ko pa rin pero sapat na 'yon para malaman ko ang sitwasyon nito.

He really needs some medical assistance. Kung'di baka tuluyan na 'to malapa ng dalawang malaking hayup na 'to.

"W-what are you doing here?! Umalis ka na!" utos nito sa'kin at bakas na sa mukha nito ang pag-aalala kahit na may iniinda itong iba.

I rolled my eyes at him. Parang gago ang utos.

"Tingin mo ba makakalayas pa ako rito, hayup ka?" I sarcastically asked him.

The two wolves growled deeply. Napalunok ako ng mariin dahil nainsulto ko yata sila sa salitang 'hayup'. Aba sorry naman!

"You shouldn't be h-here!" sigaw pa ng binata.

I mentally rolled my eyes this time. Ito na nga ang nililigtas tapos ito pa ang hindi grateful. Sasapakin ko na 'to.

"Just shut up— ay hindi pala, huwag kang manahimik d'yan. Sabihin mo sa'kin kung paano muna ako hindi malalapa ng dalawang 'to." I asked him with desperate because the two freaking wolves started walking towards my direction.

Napairit pa ako ng ilang beses sa bawat hakbang nilang dalawa.

"You can't! They can't be tamed... unless." Ani Nicodemus tapos ay pinutol niya ang sasabihin.

"Baka gusto mong ituloy ang sinasabi mo, Nico. Ikaw ang papalapa ko sa kanila pagkatapos nila akong lamunin ng buhay rito." I told him with sense of urgency.

Jusko naman oo, ililigtas ko lang naman ang gagong lalaking nakasabit ro'n bakit naman may dalawang asungot pa na kasama. Gaano ako pinapahirapan ng buhay?

"You're the Queen—"

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Nicodemus dahil napairit ako ng malakas nang tuluyan na ngang sumugod ang dalawang wolves sa'kin.

Ang huli ko nalang na naalala na nasabi ay... "Putangina, stop doggos!"

I waited for my soul to be arrived in Heaven after that. Pero parang wala naman akong naramdaman na anything. Nakangiwi ang mukha ko habang nakapikit nang magdesisyon akong buksan muna ang isang mata ko. Nang hindi ako makakita ng ayos ay dalawa na ang binuksan ko at napanganga nalang nang makitang nakaupo na ang dalawang wolves sa harapan ko at mahinahon na ang itsura.

Uhh, what just happened?

Tanong ko sa aking sarili ngunit tila nagkaroon ako ng ideya nang makita ang repleksyon ko sa tubig sa may 'di kalayuan.

The Tiara-like symbol of Clubs was shining beautifully on my forehead. It shines with both green and silver. My semi-blonde hair color turned into green with silver highlights and my eyes turned into a cat-eyes— ah, no. parang wolves eyes din. My left is green and my right is silver.

Napatingin naman ako sa kasuotan ko. I'm currently wearing a metal armor shining with the same colors. The gauntlets on my hands were like a cloth but it seems that nothing that can penetrate it. The same with my upper and lower garmets. Hindi siya kabigat katulad ng inaasahan ko.

Then, napansin kong may nakaharang sa mata ko na kulay light green. It was like a customized eyeglass and I can see everything in full scale and view.

Nang muli kong tingnan ang dalawang wolves ay doon ko rin nakita ang simbolo ng Clubs sa kanilang noo. Kulay silver ang Club symbol ng isang wolf na may kulay itim na balat ngunit ang mata'y silver. Ang isa naman na kulay puti ang balat na wolf ay kulay green naman ang Club symbol na nasa noo nito, the same with the color of its eyes.

"They're the Familiars inside my Relic, Sav." Nicodemus said then he tilted his head on his back. Natuon naman ang reaksyon ko sa ginawa nito. Sa likod ni Nicodemus, there's a gigantic two head wolves that forms a circle. Nasa baba ang itim na Lobo habang nasa ibabaw ang putting Lobo. It was like they're representing Yin and Yang.

"Their names are Geo... and Terra— The Custodians of Land and Earth."

Parehas namang umalulong ang dalawang wolves na nagpalaki ng aking mata sa gulat.

Aatakihin ako sa puso sa ginawa ng dalawang 'to.

Unang nagbaba ng tingin ang itim na wolf. Tumango ang ulo nito at napasinghap ako nang may marinig akong malalim na boses ng lalaki mula rito.

I'm Geo.

Napatingin naman ako sa puting wolf nang ito naman ang sunod na tumango sa'kin at boses babae naman ang narinig ko mula sa kanya.

And I'm Terra.

Mga englishera, infairness.

"N-Nakakapagsalita sila? P-pero 'di naman gumalaw ang b-bibig nila." Tanong ko kay Nicodemus habang nagsasalit-salitan ang ulo ko sa dalawang Lobo.

"They can communicate through mind link. Ang tanging nakakausap lang sa kanilang dalawa ay ang hinirang na King at Queen." Nicodemus explained.

Taray, mind talkers. Bet!

"K-kaya hindi nila ako nilapa kasi alam nilang ako ang... Reyna nila?" I asked again and Nico nodded.

Sinamaan ko naman bigla ang dalawang wolves na 'to. "So, kung hindi pala lumabas at nagbago ang anyo ko ay talagang kakainin niyo akong dalawa?"

U-uh... Geo the black wolf trailed off.

W-we think so. The white wolf replied.

Napabuntung-hininga nalang ako at napagdesisyunang huwag nang sermunan pa itong dalawang wolves. 'Di naman nila kasalanan. They're just protecting themselves against the enemy. Kung ako man ang nasa posisyon nila ay gano'n rin siguro ang gagawin ko.

Pero syempre, kung pangit ang kakainin ko, huwag nalang. Like hello. Eww, so yuck.

Isang malalim na buntung-hininga ang ginawa ko at pagkatapos ay tiningnan ko ang dalawa at nagwika.

"Bakit nakapiit si Nicodemus doon? He's your King, bakit niyo siya pinapahirapan?"

Because he can't face his fears. Tugon ni Geo.

And so, do you. Dugtong naman ni Terra at nahimigan ko ang pang-iinsulto niya sa sinabi nito na 'di ko kayang harapin ang takot ko?

"Ano ang kinalaman no'n sa pagkakapiit niya sa kadena?" sunod kong tanong.

Dahil 'yon ang natitirang paraan upang kilalanin muli namin siya bilang Hari. Paunang tugon ni Geo. Naglakad lakad ito paikot kay Nicodemus. Ang sumpa na nilagay nila upang walang makahanap sa'min kung sa'n nila kami tinago ay may kinalaman sa kanilang takot. It's their fears who made the curse possible. And only facing it would be the key to remove it.

"And you can't face it, Nico?" gulat kong tanong sa binata. "Ano ba kasing takot 'yang 'di mo maharap?"

Hirap na hirap namang tumingin sa akin si Nicodemus. Bakas sa mukha nito ang pagod at ang pagkawala ng dugo sa katawan nito. Tumawa pa ito ng pagak bago tumugon. "You wouldn't want to know it."

Napakuyom ako ng kamao at bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sa sinabi pa lang niya'y nakakasiguro akong may kinalaman ako roon.

Ano ang kinatatakutan niya na konektado sa'kin?

"What is it?" I coldly asked him. Nakita ko ang paglunok nito at umiwas ng tingin sa'kin.

Napakunot ako ng noo dahil ro'n.

"You'll leave me. Mas mabuti nang 'di mo malaman pa."

Napatiim bagang ako sa sinabi niya. He just confirmed my hunch! Ano 'yon?! Anong klaseng takot ang sinasabi niya na maaari ko siyang iwan kapag nalaman ko?!

You'll die, Nicodemus. The white wolf uttered then she struck her long tail at him.

Napairit ako at napangiwi nang sumigaw sa sakit si Nico. Damn it, ganito nila ito pinaparusahan?!

"S-stop it," bulong ko tapos ay napatakip ako ng aking bibig nang ang itim na wolf naman umatake gamit rin ang buntot nito.

"Tama na!" Sigaw ko sa dalawang Familiars.

They didn't listen to me. They just continued hurting him with powerful attacks.

"G-geo, Terra! Please stop it!" Sigaw ko pa sa kanila at ngayo'y napaluhod na. My tears are not stopping from flowing dahil kasalukuyang nasasaktan ng sobra si Nico— ang mahal ko... na sinaktan ako.

"I said stop!" Sigaw ko pa ngunit hindi pa rin sila nakikinig.

Patuloy pa rin ang pagsigaw ni Nicodemus at halos hindi ko na siya matingnan dahil sa nga natatamo nitong mga tama. Malalalim ang mga iyon at kung hindi pa sila titigil ay maaaring mamatay ang binata.

Nasa'n ba kasi ang iba kong kasama? Nasa'n sina Cleo, Amadeus, Thyra at Clementine? Bakit ako lang ang nandito? Ba't nahiwalay ako sa kanila?

"Tell me how to stop this?!" Sigaw kong muli dahilan upang mapatingin sa akin ang dalawang wolves.

He has to face his fears. The black wolf said.

Wait, you're not physically here aren't you? Napatingin naman ako kay Terra nang magtanong ito sa akin.

Tumango tango ako. "We are using Canali. To save them. Pero bakit ako lang ang narito?" Tugon at tanong ko.

Nagkatinginan ang dalawang wolves tapos ay sabay na napatingin sa'kin.

Then, this is your test as well. Ani ng puting Lobo.

Napakunot noo ako sa pagtataka. "Test?"

I can sense Antanaklasi on her. Komento sa gilid ng itim na Lobo.

Then, it's their bridge. Wika ng puti tapos ay hinarap niya ako. Canali is not just a passage for your subconcious state to be in the place you wanted to be. There's always a price to pay upon using it.

"And my test would be... facing my fear?" Pangungumpirma ko nang maintindihan ang sinasabi nila.

That's the reason why your friends are not here with you. Wika ng itim. Canali wants all the people who's using its passage to pass the test of its bidding.

"Pero ang kinakatakutan ko lang naman na mangyari ngayon ay ang mawala si Cleo. She's my dearest friend. Her life is in danger because she's the Augur. Siya nalang ang tinuturi kong pamilya kaya kapag nawala siya..." napalunok ako ng mariin when I imagined it. "... baka hindi ko kayanin."

But she's not here to test you. Wika ng puti. Usually, Canali let you see the person connected with its victim's fear.

Tama siya. Cleo is not here.

That's because she's not your greatest fear... Savannah. Napatingin ako sa itim na Lobo nang magsalita ito matapos ang ilang segundo.

Nakita kong tumango ang puti. Agreeing with the black wolf.

Itatanong ko sana kung sino nang sabay sabay silang napatingin kay Nicodemus. Sinundan ko ang tingin nila at nakuha ang gustong ipahiwatig.

He's my greatest fear? Should I agree?

Takot akong maiwanan muli nang dahil sa ginawa ni Nicodemus. When he left me nang akalain nitong nakipagrelasyon ako sa iba. Pero anong klaseng takot maliban sa maiwan niya? Clearly, when he left, I survived. What kind of fear ang mayroon ako sa kanya?

Then, saka ko naalala ang isang alaala na biglang pumasok sa isip ko bago kami pumasok ng Canali. Yung senaryo na kailanman ay hindi ko inakalang nangyari. Yung araw na gusto niya akong umalis ngunit hindi ko ginawa kung kaya't may ginawa ito sa utak ko. He let me forgot that day.

Iyon kaya...?

Muli akong tumingin kay Nicodemus. Kahit hirap na hirap na ito sa kalagayan nito ay nagawa pa rin nitong tingnan ako na animo'y ayaw niyang mawala ang paningin sa akin.

"I remembered something, Nico." Utas ko.

Napasinghap ako nang bahagya nang makita ko ang paglaki ng mata ni Nico nang marinig ang sinabi ko.

"I remembered that you want me to... escape from something. Pero hindi ko magawa dahil ayaw kitang iwan."

Hindi na mapakali ang mga mata ni Nicodemus nang marinig niya ang sunod kong sinabi.

"Hindi mo na dapat pang maalala 'yon." Mahina nitong wika ngunit umabot pa rin sa panrinig ko.

"Ano ang hindi ko na dapat maalala?" Hindi ko napansin na tumaas bigla ang boses ko sa narinig sa kanya. Bakit parang ayaw niyang ipaalala sa'kin?

Was that too painful? Am I going to loathe him?

"Let it slip away, Sweetheart. That's nothing."

"If it's nothing then tell me!"

Umiling iling si Nicodemus at pilit na nagmamatigas. "No, you'll loathe me."

I rolled my eyes with his possible conclusion. "Baka nakakalimutan mong kinamumuhian pa kita hanggang ngayon?"

"This is different. Hindi mo ako... matatanggap. Kahit na kailan."

Kumunot ang noo ko. "Anong hindi matatanggap? Bakit...? Bading ka?!"

Malakas na singhap ni Nicodemus ang narinig ko at nakita ko kung paano niya ako pinanlakihan ng mata sa tanong ko.

"What? Alam mong kaya kong patunayan sa'yo ang pagkalalaki ko. I can prove it to you the whole week of nonstop sex!"

Napanguso ako sa sigaw niya. Well... totoo, one whole month pa nga kaya niya.

Mabilis kong pinilig ang utak ko dahil namumuo na naman ang makamundong isipan ko sa ganitong pagkakataon.

"Oh 'eh ano nga?! Bakit ayaw mong ipaalala sa'kin?!"

"Just drop it, Savannah." Puno ng pinalidad na wika ni Nicodemus tapos ay nag-iwas ng tingin sa akin.

Then she'll die. Marahas ang pagpilig ng ulo namin ni Nicodemus sa sinabi ni Terra.

"W-what?" Bakas sa boses ni Nico ang kaba sa narinig. Maging ako ay kinabahan.

She's using Canali, Nicodemus. Have you forgotten that once they failed to do the bidding of Canali, the price to pay would be their life? Takang tanong ni Geo.

Namutla namang napabalik ng tingin sa akin si Nico. Tapos ay dahan dahan na napailing.

Now he's torn, I can tell that. Kung anuman ang bagay na ayaw niyang malaman ko ay tila sobrang bigat no'n upang maalala ko pa.

It would hurt me. That's for sure. Hindi sasabihin ni Nico na kamumuhian ko siya kung hindi iyon masakit. It would be easier for me to agree not to remember it anymore pero mas nanaig ang kagustuhan kong malaman iyon.

"How can I remember it, Geo and Terra?" Tinuon ko ang pansin sa dalawang wolves at hindi na tiningnan pa si Nicodemus.

He wouldn't answer me anyway. I'll find a way how.

"Savannah! Stop! Don't fucking do it—" nagpintig na ng tuluyan ang tainga ko sa ginagawang pagpipigil ni Nico sa akin.

I glared at him with my intense brooding eyes and mouthed. "I'm starting to loathe you, Nico. Walang kwenta ang paninindigan mong huwag sabihin sa'kin ang bagay na pilit mong binura dahil sa ginagawa mo ngayon? Your fears are becoming real."

Hindi na nakapagsalita pa o nakasagot ang binata sa sinabi ko. Natanto siguro na walang patutunguhan ang ginagawa niya.

If Nico will be the King again. Geo replied.

But he can't be the King again because he can't unleash the curse of Fear from his familiar.

If he becomes our King again, both of you will have our powers equally. And that makes you both have the Link. Link of between your souls. Both of you will be one and all secrets will be revealed. Dagdag naman ni Terra.

"E-enough, Geo... Terra. Huwag! Utang na loob!" Pagmamakaawa ni Nicodemus.

"Then do you want me dead, Nico?!" Bulanghit ko sa kanya dahil sa inis. "I'll die if I don't face my fear because of the Canali! And clearly, hindi si Cleo ang pinakakinatatakutan ko! Mas gugustuhin mo akong mawala para lang itago iyang lintik na lihim mo hanggang sa hukay ko?!"

"It's n-not like that—"

I groaned because of frustration. "Then tell me what is it! Be brave enough to face the consequences of your malevolence!"

Who should we follow? Takang tanong ni Geo na tila ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Nico.

"Ako. Ako ang Reyna ninyo. Kaya sundin niyo ang gusto ko." I spit every words while I'm glaring at Nico.

Napapikit ng mariin ang binata. His lips were pursed and his jaws are tightening.

Hindi ko binitawan ang masamang tingin kay Nicodemus. Naiintindihan ko ang kinakatakot niya. But he's being such a pain in the ass because he keeps on insisting of keeping it away from me. They filled my curiosity. Kung malaking kasalanan man sa akin ang ginawa niya, ano bang laban no'n sa ginawa niyang pang-iiwan sa'kin noon? Sa pag-aakala niyang may relasyon kami ng tunay kong ama. I loathed him since then. What difference does it make? I wished for him to rot in hell but I never wished for him to die.

Making the ones at fault suffer is the best revenge of all. Killing them would only make their lives easier. And I'm no saint at all. I'm a living persona non grata of this lifetime. The living bitch of all bitches.

Isang malalim na buntunghininga ang binitawan ni Nicodemus bago ito tumango upang ibigay ang Go signal sa dalawang wolves. When the familiars saw it, their long tails immediately wrapped around me. Napalutang nila ako habang patuloy na pumapalibot sa akin ang itim at puti nilang buntot. Nang lumapat ang dulo ng kanilang buntot sa aking noo ay umilaw ng husto ang aking mata ng kulay green at silver. A flash of light made my subconscious state traveled somewhere.

"NASA'N AKO?" TANONG ko nang makita ang sarili sa isang magarang board room habang may malaking salamin sa aking tabi. Napasinghap ako nang makita ang luwang ng lugar sa labas ng kwartong kung saan ako naroroon. It was like I'm in the future because of the state of the arts facility that I'm seeing up from here. Nasa loob ba kami ng isang malawak na bundok?

Ang daming mga jet planes and kasalukuyang inaayos, kinukumpuni. Ilang malalaking trucks na may mga mga laman na iba't ibang kargamento.

This is the Operations area of Primus City. Back when it was still active. Tugon ni Terra na nasa aking gilid. Medyo nagitla pa ako dahil nag-iba ang size nito kumpara sa natural nitong laki kanina.

Dito ginaganap ang pagpupulong ng mga nakakataas ng Primeval Union. Dugtong naman ni Geo na nasa aking kaliwa.

"Where is this located?" tanong ko sa kanila

On the Northern part of Sierra Madre. Terra replied that made me gasped.

"You know that this is the best plan that we can have! Bakit ayaw ninyong apat?" Napalingon kaming tatlo nang biglang magbukas ang pintuan ng board room at pumasok roon ang ilang may edad nang mga kalalakihan at ang apat na Kings.

"We can defeat the Joker without using the Relics, Jackson." Wika ni Stavros na malamig ang tingin sa lalaking kausap.

That's Admiral Jackson. Rinig kong wika ni Terra, napansing hindi ko ito kilala.

"Admiral?" Tanong ko nang sumagi sa utak ko ang salitang ito mula nang banggitin iyon ni Stavros noong una naming pagkikita sa mansyon ni Nico.

"Alam niyo kung gaano makapangyarihan ang Joker, mga Hijo. He's not an ordinary human like us." Wika ng isang ginoo na may takip ang isang mata. Nakaupo ito kaharap ng apat na Kings na sina Nico, Amadeus, Aurelius at Stavros.

The four gentlemen were just looking at their audiences with pure blank stares. Halatang may desisyon na silang ginawa at hindi kasama roon ang pagtanggap sa mga Relics.

So, this is the time kung saan pasibol palang ang digmaan laban sa Joker.

"We have good supply of our Ascendum-tech so why we are going to be bothered?" Nicodemus asked. "Our land battalion are always ready to attack."

"Even the jet planes with Ascendum-Tech are ready to launch an attack from the sky." Aurelius added.

"My war tank submarines with the same Tech are good to launch as well." Dagdag pa ni Amadeus.

"And even the solid plan that we've come up is ready to be followed and will start as soon as the Joker shows himself." Panghuling anas naman ni Stavros.

Biglang nagbukas ang pintuan matapos makapagsalita ni Stavros. Sa pagbukas niyon ay may apat pang mga ginoong mga nakasuot na pang-militar ang pumasok. Napatakip ako ng bibig sa gulat nang makita at makilala kung sino ang nangunguna sa apat.

Tumayo ang lahat ng nasa board room at binigyan ng salute ang lalaking kanyang pinakatititigan.

"General Schneider." Bati ng lahat.

"Dad..." mahina kong bulong na nagpaluha sa mga mata ko.

Hindi ko inaakalang totoong parte ang tunay kong ama sa Primeval Union. Yung lahat ng kwento na pinagsasasabi niya habang ito'y nakaratay ay base pala sa naging buhay niya noon.

Walang kaemo-emosyon ang ama kong pinaupo ang lahat bilang pag-acknowledge nito sa respetong binigay. Nang makaupo ang lahat ay doon na muling nagbalik ang usapan.

"The four of you... waking the Relics is not on your options?" tanong ng aking ama at bakas sa paraan ng pagkakatanong nito na kilala nito ang apat na Kings at kung gaano sila kakulit.

"Pride is all we have, General." Tugon ni Stavros. "Saving people is one of our lifetime goals but surrendering our humanity without the assurance that the Relics won't takeover our bodies is not on our options."

Nakita ko kung paano umiling iling ang ilan pang mga ginoo at bakas sa mukha nila ang disappointment sa desisyon ng apat.

"Waking them through the four of you is inevitable. You all know that. The Ancient Ones already prophesied that the waking of the Relics would be done in our time and given the circumstances that we are facing right now. It really is." Dad said while his face is still blank.

Tatay ko ba 'to? Ang hot 'eh. Sa kanya ko siguro namana ang hotness ko. Genes are real, indeed. Pati mukha halos magkamukha kami. Girl version niya ako but minus those oozing jaws and just make it small? Akong ako. Maganda. Sobra.

"Don't tell me you'll let this stubborn... Kings, to do what they want, Schneider? Buhay ng nakakararami na ang nakataya rito!" hindi na napigilan ng isa sa mga kasama ni Dad ang bumulanghit ng inis

"And how are you going to persuade these stubborn gentlemen, General Bennett?" my Dad asked and oh boy, ang angas niya ro'n! Proud daughter here!

Halata sa pagtangis ng panga ng tinawag ni Dad na Bennett ang inis sa nangyayari. 'Eh ba't nga ba kasi nila pinipilit nga naman ang apat na gisingin ang Relics kung kompiyansa naman ang apat na mananalo sila Joker?

"You're not suggesting to kidnap their love ones just for them to follow their own destiny, right?" napasinghap hindi lang ako kung'di ang iba sa naging tahasang pagsabi ng tatay ko ng gano'ng klase ng ideya. He got the guts to voice it out? Hindi ba nagbibigay lang ng motibo 'tong tatay ko na 'yon nga ang gawin ng umaalmang heneral?

"Then, you're declaring war against us." Maanghang na wika ni Stavros nang sundan nito ang gustong sabihin ng aking ama.

Muling nagsinghapan ang lima pang mga Heneral na kasama ng apat ng Hari dahil sa mas tahasang wika ni Stavros. Base sa nakita ko kanina, these gentlemen calling themselves as General are their superiors.

Gaano tayo katapang Stavros?

"Ingatan mo 'yang sinasabi mo, Stavros. Hindi ibig sabihin na kayo ang itinadhanang maging Kings ng Vortex ay may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harapan ng mga superior mo." Bantang anas ni General Bennett. "We're still in this position."

"Don't brag that you're part of the well-known Legend of Seven Elites, General Bennett." Pagbabato ni Stavros ng mas maanghang pa na pananalita.

"We're not trained to be under your umbrella, Sir." Magalang na dugtong ni Aurelius.

"Comparing your status over the royal blood running to our veins was too wicked, General." Anas naman ni Nicodemus.

Shit, ang hot n'ya do'n.

"Since you're bragging your status to us. Just let us remind you that we are the direct descendants of our Ancient families whom the Ancient Ones trusted even before they established the Primeval Union." Amadeus bragged with a smirk on his face. "You're nothing but a commoner."

"Enough, gentlemen." Mabilis na suway ng tatay ko nang biglang napatayo sa upuan si General Bennett at tangkang aatakihin ang apat na binata. "Relax yourself, Bennett."

Ramdam na ramda ko rin ang tensyon sa mga binitawang salita ng apat na lalaking 'to. Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para magsalita ng ganoon. Kahit saang anggulo mo kasi tingnan, the Seven Elites are still their Superiors.

"Tingnan natin kung hanggang saan 'yang tapang niyo." Malamig na untag ni General Bennett at nag-walk out kasabay ng iba pang Elites.

The scene has changed and I'm facing my father and Nicodemus.

Nakatayo si Nicodemus at naabutan kong kakapasok lang nito sa opisina ng aking ama.

"Pinatawag niyo raw ako, General?" tanong ni Nico matapos makapagbigay ng saludo sa ama ko.

"I'll be straight to the point, Saldevar."

"About what, General?"

"Leave my daughter alone."

Hindi lang ako nagimbal sa sinambit ng ama ko sa binata. Maging si Nico ay napanlakihan ng mata at kita ko ang pagpapawis nito matapos marinig iyon.

"Y-you knew?"

"Yes, do you think you can hide it from me? That you've already found my daughter and yet you're not telling me where the hell she is?!" My dad's tone is becoming louder.

Hindi ako makapaniwala. Nico already knew who's my biological father when we've met?

"What I asked you to do is to find her and not make her your lover!"

"B-but I love her, General." Bakas sa boses ni Nico ang takot sa sinasabi ng ama ko. Halata sa boses nito na tutol ito sa aming dalawa.

"You'll gonna get her killed, young man!" napatayo na rin ang ama ko sa kinauupuan nito. "Do you plan on making her your Queen--"

"She is already!"

Gulat na gulat naman ang ama ko sa biglaang pagsingit ni Nicodemus.

"Both of y-you... shagged already?!"

Biglang umiwas ng tingin si Nicodemus at pati ako ay pinamulahan ng mukha.

Nako, Dad. First night, unli-rounds. Walang humpay.

"Do you know the repercussion of being one of the Queens of Vortex?!"

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Nicodemus sa pinapakitang galit ng tatay ko.

"Do you even know their main role aside from being the second-in-command of your Division?"

My dad snorted when Nicodemus didn't respond.

"The Joker wants not just the Relics to open up the portal of their own dimension and bring chaos to our world..."

Biglang nagrigudon ang dibdib ko sa antisipasyon.

"He also needs the Queens because they're the final pieces. They are set to be sacrificed!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top