33. Always
Chapter Thirty-Three
Thyra Zavaroni
NANG BUKSAN KO ang aking mga mata ay pagsinghap ang unang namutawi sa aking bibig. Muntikan na akong mapabitaw sa likuran ni Amadeus dahil hindi ko inaasahan na ang lugar kung nasaan kami ngayon ay sa kailaliman ng isang karagatan.
The ocean floor has no any life forms. Patag lang talaga ito at nakakatakot dahil parang may kung ano nalang ang lalabas sa kung saan.
"Don't remove your hands on me!" dagundong na utos ni Amadeus sa aming tatlo dahil halos kamuntikan na kaming mapabitaw. "You'll break the connection."
Napalabi ako at pilit na tinanggal ang nagbabadyang takot sa aking dibdib.
"Savannah, are you okay?" I asked her dahil kitang kita ang pamumutla nito sa lugar kung saan kami.
"I t-think so, Thyra?" kinakabahan niyang tugon sa akin.
"Nasaan tayo?" tanong ni Clementine habang nananatiling tahimik sina Amadeus at Cleo.
Cleo's face turned expressionless while her eyes are opened.
"We are at the Antanaklasi's domain. The Custodian of the Seas and Ocean." Tugon ni Amadeus habang nililibot ang tingin sa paligid.
Hindi namin makita ang ekspresyon nang binata dahil sa nakatalikod ito sa amin. Lumamlam nalang bigla ang aking mata habang pinagmamasdan s'ya mula rito.
Ligtas si Amadeus. He's... he's really okay. Noong isang araw pa ako nag-aalala hindi lang para kay Amadeus, kung'di para na rin sa iba pang Kings na nagpaiwan sa barko para lang iligtas kami.
Tangina, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Akala ko na ang kabang 'to ay para sa pag-aalala pero kahit na nandito na ang mokong na 'to na harsh, masungit, at walang kaeskpre-ekspresyon ang mukha ay gano'n pa rin ang pagdagundong ng dibdib ko.
Bigla ko tuloy naalala ang mapangahas kong paghalik sa kanya bago kami naghiwalay ng landas.
Fuck! Nakakahiya talaga brad! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin after no'n. Kung bakit mo naman kasi ginawa 'yon, Thyra! Nainggit ka ba kina Cleo at Savannah nung humalik sila kaya mo rin ginawa?
Tangina, 'di ko alam na may kalandian din pala akong taglay. Bakit? Tangina kasi! Ang sarap putangina! Gusto ko pa no'n umisa kaso tinamaan na rin ako ng hiya.
"It's really nice seeing you again... my King." Nanlaki ang aming mga mata nang marinig ang malalim na boses na 'yon sa kabuuan ng lugar. It's too deep like this place. "And you brought your friends?"
"Antanaklasi..." anas ni Amadeus. "... show yourself."
The water current became savage when something has moved. Bakas sa mukha namin nina Clementine at Savannah ang takot nang biglang may lumitaw na nilalang sa paligid namin. Lumalangoy ito paikot sa amin and his large frame made me want to gallop away from here.
"Relax, ladies. He won't harm you." Anas ni Amadeus.
"Okay lang ba si Cleo?" Clementine asked.
Napatingin rin ako kay Cleo na kasalukuyang nakahawak pa rin ang kamay kay Amadeus. Her face is expressionless ngunit nananatiling umiilaw ang kanang mata nito.
"She's fine. Her body is being used as the bridge of our world to Antanaklasi's domain. She needs to be like this while I'm talking to him." Amadeus replied.
Napairit kaming tatlo sa likod ni Amadeus nang biglang tumigil ang ulo ng gumagalaw sa harapan mismo ni Amadeus. The inertia was too strong when the Antanaklasi suddenly stopped.
Antanaklasi growled in front of Amadeus.
Hindi mawala wala ang panlalaki ng aking mga mata habang nakikita ng kabuuan si Antanaklasi. The Familiar is freaking a Sea Serpent. Sobrang laki nito na halos kasingtangkad lang namin ang kanyang mata. Ang kabuuan ay halos daig pa ang laki ng isang bundok. His entire physique screams blue and white combination. Just like the representation of water. His scales are creepy and the horn on its forehead lengths around two spears combined. Sa ibaba ng nag-iisa nitong sungay ay kumikintab ang isang simbolo.
Diamond Insignia. It's the same on Cleo's hand when it appeared.
"You know why I'm here." Wika ni Amadeus sa malamig nitong tono. Sinlamig ng tubig na nakapalibot sa amin ngayon.
"All of you wished to be normal, away from your true nature. What makes you think that I will still choose you as my King?" Antanaklasi replied.
"You know the danger and chaos we are facing right now, Antanaklasi. You really have the guts to ask me that?" may halong gigil sa sinabi ni Amadeus. Tila nawawalan ito ng pasensya dahil sa sinasabi ng Relic.
The creature laughed without even opening his gigantic mouth. It resonated in the entire domain. "When we took over your bodies, your humanity vanished in an instant and you became someone you didn't want to be. If I'm going to fuse myself to you once again, aren't you afraid that this time you might lose it... forever?"
Natamihik si Amadeus at hindi kaagad nakasagot. Gustong gusto kong tingnan ang reaksyon ng kanyang mukha dahil nararamdaman kong may takot itong nararamdaman sa likod ng tapang at kawalang ekspresyon na pinapakita niya sa iba. When Cleo mentioned that the Kings lost their sanity when they became the Kings, naalala ko nga ang balita noon.
Usap usapan noon na halos hindi na makilala ng mga nakakita sa mga Kings noon not because of their physical form. But their behavior instead. Hindi raw sila nagsasalita noon at literal na wala silang ekspresyon na kahit sa kanilang mga mukha habang walang habas na pumapatay ng mga Buffoons. Malayong malayo raw sa pamamaraan nila na tatanggalan lang nila ng malay ang kalaban at walang papatayin na kahit sino lalo na't mga tao rin na nadamay ang naging myembrong Buffoons. They killed them without remorse, according to the gossips. Hindi ko iyon pinaniwalaan dahil hindi ko naman literal na nakitang nagkagano'n si Nicodemus na s'yang King namin sa North Clubs.
They became someone they didn't want to be. Ngayon ay naiintindihan ko na si Cleo nang bigla siyang tumutol kanina na gawin ang Canali na 'to.
"You know the consequence, Amadeus. Once you lost your humanity while I'm inside you, you will be... gone."
Napasinghap ako naging warning ni Antanaklasi. Ang ibig niyang sabihin... maaaring...
"... your body will become mine."
Nagkatinginan kaming tatlo nang linawin ng nilalang na 'to ang mangyayari kapag pinagpatuloy niya ang pagtanggap sa pagiging Hari muli.
"I'm ready—"
"No!" natigilan si Amadeus sa pagsasalita nang sabayan ko s'ya.
Umigting ang panga ko habang nakakaramdam ng galit at inis sa nangyayari. My eyes are starting to be teary at ang kamay ko na nakahawak sa damit ni Amadeus ay aking nakuyom.
"Huwag mong gawin 'to, Amadeus. May iba pang paraan para maligtas natin ang iba pa. Hindi mo kinakailangan ang Relic na 'yan kapalit ng katawan mo para maligtas sila. We will think of another way—"
"Stop it, Lieutenant General. There's no other way!"
"There has to be!" I replied loudly that I almost choke. I didn't mind the tears flowed on my cheeks.
Naramdaman ko ang paninigas ng balikat ni Amadeus.
"There has to be. Alam kong kaya niyo piniling bitawan ang trono ay hindi lang dahil sa gusto niyo pang mabuhay na bilang kayo. Bawat isa sa inyo ay may kanya kanyang dahilan kung bakit."
"I have none." He replied that made my head shook with disagreement.
"You just got tired of searching for her... right?"
Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Amadeus na nagpakirot ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Muling namuo ang mga luha sa aking mata.
"She's lovely. She's beautiful. Alam kong wala akong karapatang panghimasukan ang buhay niyo ng babaeng nasa picture frame sa barko mo pero alam ko na siya ang dahilan kung bakit ka ganito."
"Thyra," rinig kong bulong nina Clementine at Savannah.
Maging silang dalawa ay tila nakukuha at naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. They understood me even if I can't understand myself either. They knew the meaning of tears flowing on my cheeks and the pain that my heart feels.
We just barely knew each other but why do I feel this intense feeling towards him? The feeling that causes my heart to ache because I knew that this is something that can't be reciprocated. How unfair life must be, huh?
"Hindi mo tatanggapin ang maging normal muli kung naniniwala kang patay na s'ya."
"Enough,"
"We can still find her! Maghanap tayo ng paraan kung paano natin maliligtas ang mga kaibigan mo!"
"I said enough!"
Natigilan ako sa pagsasalita nang sumigaw na si Amadeus. His heavy breathing was evident and his rage. Alam kong nagulat ko ito sa mga nasabi ko pero wala na akong maisip na paraan para pigilan s'ya.
"I'm afraid, doing Canali will be your best option if you want to help your friends."
Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi ni Antanaklasi.
"But there's another way for him to be the King without summoning my existence to his."
Napatingin kami sa kanya. Anong ibig nitong sabihin?
"How?" ako na mismo ang nagtanong. Ramdam kong hindi inasahan ni Amadeus ang biglaang pakikipag-cooperate ni Antanakalasi.
"The most common way for him to be the King again is to accept me as the half of his life and he will be dedicating himself of keeping me away from enemies. Having two life existence in one body of a human is pretty much exhausting if the two life forms didn't combine properly, we—the Familiar tends to overrule the body of the chosen King. It has to be balanced, the King can either surrender his existence or decide to choose to keep us at ease. And the role of the Queen is essential for keeping the balance if the worst happens."
Naumid ang dila ko dahil sa akin na mismo nakatuon ang atensyon ni Antanaklasi.
"The Queen is not just a role to be filled with the absence of the King. The Queens do their role to be the balance of their Kings." Then Antanaklasi looked at Savannah.
Nagkatinginan kami ni Savannah. It seems like we're getting what this creature wanted to imply.
"Being the Queen can either be chosen by a King... or by us—Familiars."
"No! Don't you ever do that Antanaklasi! Just do the fusion with me!" nanggagalaitin nang sigaw ni Amadeus nang mapagtanto na rin nito sa wakas ang gustong ipahiwatig ng Familiar. Kung hindi lang masisira ang koneksyon namin sa domain ay baka nabitawanan na nito si Cleo at sinugod ang nilalang na 'to.
"If the circumstances are different, I may consider your request. However, choosing you again and wish to be dethroned after all of this was something that we—Familiars, won't tolerate it anymore." Antanaklasi said.
Napasinghap si Amadeus. "Is this... is t-this our punishment? You gave us a wish when we succeeded! We just took the opportunity to be normal again!"
"Indeed, logically accepted. But loyalty with the throne is something that a true King should be held accountable."
"That's why I'm here again! Giving you my body to take over!"
"This is my proposition, Amadeus Heron. If you want to be the chosen King of Diamonds again. Accept my condition."
Doon na tuluyang natigilan ang binata. Lumamlam ang mga mata ko at mariing hinaplos ang balikat nito. He tilted his head slightly to me as if he wanted to look at me directly to my eyes.
"You sacrificed enough, Amadeus." Hindi ko naiwasang na mapapiyok. Why am I being such a crybaby? Nasa'n na ang sigang si Thyra? "Let me be, this time."
Umiiling iling naman ito ng sunod sunod. Horror was evident on his face. Inangat ko ang hawak ko sa kanya mula sa likuran patungo sa kanang pisngi niya at hinaplos iyon habang ako'y malungkot na napangiti. "I want to see you smile again. Katulad ng ngiti mo sa larawan na 'yon. Hindi man ako ang dahilan dahil wala naman akong puwang, at least sa oras na matapos 'to at makita na natin s'ya... you will be happy again."
Sunod kong tiningnan si Savannah, her Club symbol is shining beautifully on her forehead. Umiiyak rin ito na animo'y mawawala na ako. Hindi pa ako mawawala, sira ulo 'tong babaeng 'to.
"Sigurado ka ba rito, Thy?" bakas sa pagpiyok nito ang lungkot sa gagawin kong desisyon. "Baka may iba pang paraan."
Umiling iling ako sa kanya. "I'm the Lieutenant General of North Clubs, Savannah. I have to do my job to protect everyone."
"Are you going to be alright?"
Napalingon naman akong sunod kay Clementine. Bahagya pa akong nagulat dahil may nakita ako sa kaliwang braso nito. So, she's like Savannah now. The insignia of East Heart was now coiled on her left arm at hindi nito siguro iyon napansin.
Nang makita nito ang paningin ko sa braso niya ay napabalik s'ya ng tingin sa akin na parang 'di na nagulat.
Hindi ko naiwasang mainggit.
Buti pa ang dalawang 'to. Napili mismo ng kani-kanilang Kings to be their Queens.
"I'll be fine, Clem."
Hinarap ko na ngayon si Antanaklasi na tila hinihintay na lamang ako. "Don't ask him the permission to do this. Sa aming tatlong babae rito, I'm the best option to the role. Let's do this fast so we can help them... Antanaklasi."
Namalikmata yata ako dahil nakita kong ngumisi ang malaking Sea Serpent na ito sa akin. "Very well."
Napasinghap ako ng todo nang bigla akong lumutang at nawala sa pagkakakapit kay Amadeus. May bilog na tubig ang bumalot sa akin at nilapit niyon ako mismo sa harapan ng nilalang na magbibigay ng pag-asa sa amin para muling hirangin si Amadeus na Hari.
I saw how Antanaklasi put his two claws on top of my forehead and chest and then our eyes glowed while he's chanting our unification.
"Our lives will be linked and you will be my vessel. You shall be the strength of your King. You shall be his life to end this misery. Accept thy power and be with my chosen King."
The entire domain unleashed a full bright light. Nang unti unti iyong mawala ay dahan dahan tinanggal ng nilalang ang dalawa nitong kuko at muling nagwika.
"State your name together with the position you're destined to be."
I opened my eyes. I can see my full self on Antanaklasi's eyes.
My entire attire changed. A blue and white silk warrior wardrobe. My short hair has become white while my eyes reflect the eyes of the creature.
"Thyra Nicolette Zavaroni, the Queen of Diamonds."
Nakadipa pa ako habang pinagmamasdan ang sarili ko. Nang buksan ko ang aking kamay ay lumitaw ang isang mahabang spear na may patalim na halintulad sa sungay ni Antanaklasi. The Diamond Insignia on its end shines beautifully.
Nang mahawakan ko ito ay isang pagsinghap ang lumabas sa bibig ko at tumirik ang aking mga mata.
Nang buksan ko ang aking mata ay nagulantang ako nang nag-iba ang kapaligiran. Wala na ako sa domain ni Antanaklasi. Nilingon ko sila sa likod ko ngunit wala sila roon.
Tangina, anong nangyayari?
Muli kong ginala ang paningin sa paligid. Nasa isang lawa ako at nakatungtong sa dulo ng kahoy na dinadaan kung gustong mangisda o magbabad ng paa ang isang tao. Nakita kong may dalawang tao ang nakaupo roon at masayang nangingisda. Nakababad ang kanilang mga paa sa tubig, hawak ang kanilang mga fishing rods at tila naghaharutan.
"Huwag ka ngang makulit, Amadeus! Sasapakin na talaga kita. Kapag ako nahulog rito, makita mo lang." Wika ng babae na hindi mo malaman kung naiinis talaga o natutuwa sa harutan nila.
Amadeus? Iyon ang nakapukaw ng atensyon ko.
Ibig sabihin...
"Kiss mo nalang ako dali! Kulang na sa kiss si Amadeus mo." Lambing na wika ni Amadeus sa babae.
Nakangiti ito. Tangina, ganito ba talaga s'ya nakangiti sa personal? Natulala ako.
"Ang landi landi mo talaga kahit kailan nako. Saka anong kulang sa kiss? Halos minamaya't maya mo nga akong halikan tapos kulang? Siraulo ka ba?" nakaismid na wika ng babae.
Amadeus pouted his lips. What the fuck? Did he really... pout?! Fuck?! "'Di mo na'ko mahal. Ayaw mo na akong i-kiss."
Ugh! 'Di ko napigilang hindi umikot ang aking mata at halos gusto ko nang sumuka sa nakikita. Anak ng! Gusto ko s'yang makitang nakangiti pero... tangina, ba't kasama 'to? Ngiti lang ang gusto kong makita pero sobra sobra naman na pati paglalambing sa jowa nito ay talagang sinama?
"Nako, nagpapapabebe ka na naman d'yan. Halika nga, kulang ka lang sa lambing ko." Anang ng babae. She really is beautiful.
"I love you, Chelsea. Always." Seryosong wika ni Amadeus sa babae.
Chelsea smiled. "I love you too, Deus. Always."
I bit my lips.
"Tino-torture mo ba ako, Antanaklasi? It's not fucking funny." Nakapikit kong wika habang pinipigilang tanggalin sa utak ko ang paghaharutan ng dalawang magjowa sa harapan ko.
"This is what you want right?"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalitang lalaki sa mismong tainga ko. "The fuck?!"
Nagulat ako dahil mukha ni Amadeus ang nasa tabi ko ngayon. Tumatawa ito sa naging reaksyon ko. Isang tingin palang sa mata nito'y alam ko nang hindi talaga 'to ang binata.
He has the eyes of the Familiar.
"Binibigay ko na nga sa'yo ang gusto mong makita, ikaw pa 'tong galit." Nakangisi pa nitong dugtong.
Ay wow, kailangan ko pa bang magpasalamat dahil ro'n? Gusto ko nga... pero. Anak ng!
"... pero gusto mong sa'yo s'ya nakangiti ng ganyan?"
Napasinghap na naman ako na parang nabasa n'ya ang nasa isip ko.
"... of course, I can read your mind. We are one now, nababasa ko ang nasa isip mo. At nakikita mo ang nasa isip ko."
Napabaling ang tingin ko sa kanya nang marinig ang huli nitong sinabi.
"Ibig mong sabihin..." anas ko tapos ay tiningnan muli ang dalawang magjowa sa may dulo ng lawa. "... ito ang alaala ni Amadeus sa utak niya?"
"Mismo. When we became one, the first time he accepted me, nakita ko lahat ng kanyang saya, lungkot, ngiti at... sakit."
Nang banggitin nito ang salitang sakit ay biglang napalitan ang senaryo ng paligid.
"Bitawan niyo ako! Amadeus! Help! Amadeus!!!" sigaw ni Chelsea habang kinukuha ito ng mga Buffons at ibinigay sa Joker na nakatago ang pagkatao sa suot nitong itim na kapa.
"Chelsea!!!" napalingon ako sa kaliwa nang makita si Amadeus na kasalukuyang nakikipangbuno sa mga kalaban. Duguan na ang buong itsura nito at pagod na pagod ngunit pilit na hinahabol ang kasintahan.
"Give her back to me—No! Please, don't kill her!" pagmamakaawa ni Amadeus nang hawakan na sa leeg ng Joker si Chelsea.
"B-Bitawan... m-mo... a-ako." Pahina ng pahinang wika ni Chelsey habang tila hinihigop ng Joker ang life force nito.
"NO!"
Napahawak ako sa aking dibdib nang sumigaw si Amadeus. I felt his pain. I felt his rage. I felt his frustration. He's blaming himself. He's blaming everyone. I can definitely feel him.
Chelsea's eyes went full dark, she's not moving either. Nang bitawan ito ng Joker ay mabilis itong kinuha ng mga tauhan nito at dinala sa kung saan.
Napaluhod nalang sa lupa ang umiiyak na si Amadeus. Nakatulala ngunit patuloy ang agos ng luha. Tumatawa namang nilalapitan ito ng Joker.
"Love... is everyone's weakness." Komento nito sa napakalalim na tono tapos ay nilahad ang kamay sa harapan ng mukha ni Amadeus.
Bumaba ang tingin ni Amadeus sa nakalahad na kamay ng Joker tapos ay binalik nito ang tingin sa mukha nito na may halong galit.
"I summon you... Antanaklasi!"
"No!" sigaw ng Joker at tumalsik ito ng malayo nang palibutan ng liwanag si Amadeus. Nang mawala ang ilaw ay nagbago ang anyo ng binata.
He's wearing the same warrior outfit like mine. Nasa mata nito ang repleksyon ng mata ng Familiar na tinawag. Hawak naman nito ng mariin ang mahabang sibat na may patalim ng sungay ni Antanaklasi.
I can feel Antanaklasi's power dominating Amadeus' body. Napatakip ako ng aking bibig sa sunod na nangyari.
Pinaikot ikot ni Amadeus ang hawak na sandata at ibinagsak niyon ang dulo sa lupa. It formed a huge sea waves surrounding him. Sa lakas ay nadamay ang lahat ng nasa paligid. Inosente man o hindi ay namatay sa pagkalunod nang lumikha ang binata ng sarili nitong dagat sa gitna ng syudad.
Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng aking luha nang makitang nakalutang ang mga patay na tao. Ito ba ang sinasabi ni Cleo na nawalan sila ng puso nang tanggapin nila ang pagiging Hari?
"All of them were blinded with rage when they all summoned us." Wika ni Antanaklasi sa tabi ko na gamit ang pigura ni, Amadeus. "They let us take over their body to get the revenge that they all want."
I didn't expect this to be so serious. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit pilit nilang tinatanggi na maging Hari muli. They're all scared that something like this will happen again.
"Lahat sila ay takot na maging Kings muli dahil malaki ang tsansang magising muli ang galit sa kanilang puso na pilit nilang kinokontrol."
"At hindi ninyo sinabi na may isang paraan pa para hindi iyon mangyari noon 'di ba? Alam niyong apat na maaari niyong makuha ang katawan nila at iyon mismo ang gusto ninyong mangyari. Gusto niyong angkinin ang katawan nila upang makalaya kayo sa kulungan niyo." Nanggagalaiti kong komento sa kanya.
May punto ako! Dahil kung hindi katawan ng mga Hari ang gusto nilang makuha ay sasabihin nila na maaari silang pumili ng reyna na magiging sisidlan upang sila'y maging hari pa rin. But they chose not!
"Be mad at me all you want, Queen Thyra. Maniwala ka man sa hindi, gusto namin iyon sabihin kanila."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Our mother happened. They didn't want us to intervene the future. It's the destiny who had spoken for this to happen."
I gasped after he said those words. Nang muli kong idilat ang aking mata ay nagbalik kami sa teritoryo ni Antanaklasi. Nakapikit si Amadeus habang hawak pa rin si Cleo. Nag-aalalang mukha naman ang ibinigay sa'kin nina Clementine at Savannah.
Bumalik ako sa aking pwesto at muling hinawakan ang likod ni Amadeus. He's now wearing and shining like me. The diamond designed crown was now on top of his head. Mas lalo s'yang... gumwapo pusanggala.
Napabuntunghininga ako at muling tiningnan sina Clem at Savannah. Both of them have been chosen by their own Kings. Samantalang ako... I've been chosen as Queen by the Relic, not by the man who made me feel like a true woman today.
I smiled sadly on my own fate.
I will never be his Queen by his own choice.
But do remember this, Amadeus. I may not be your true Queen but I'm just here for you... always.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top