3. Waitress
CHAPTER THREE
"MAY damit pa ba ako nito?" I asked Sav with disgust written on my face. I moved side by side to check it once again. Pero kahit anong gawin kong tingin ay hindi pa rin s'ya humahaba. Ano ba 'tong pinasukan ko?
"Ang arte mo! May damit ka pa naman! Sobrang ikli lang ng skirt pero 'di naman luluwa kayamanan mo." Sav said when she rolled her eyes.
Mas sinamaan ko s'ya ng tingin. "How 'bout the top? Kita ang cleavage ko, oh!" reklamo ko pa habang sinusubukang takpan ang pagkakalitaw ng dibdib ko. Jusko, nilagyan pa n'ya ng make up kanina para daw mas highlight ang guhit.
Makakasampal na talaga ako ng kaibigan!
"Girl, okay lang 'yan. Hindi ka naman itsurang bastusin 'eh." Kalmadong wika sa'kin ni Savannah habang nag-aayos na ito ng make up sa mukha. She's putting something like an eyebrow? Ewan, 'di ko alam ang mga gan'yan. "'Yung iba ko ngang waitress do'n, mas malala pa d'yan ang suot. It's their way to tell me na pwede ko na silang i-promote as escort."
Napabuntung-hininga ako sa mga sinasabi n'ya. Hindi ko talaga s'ya kinakaya. Pasalamat ang babaeng 'to, I support anything that she wants to do with her life. Malaki na naman s'ya 'eh. Hindi lang talaga ako sanay na ganito ang business na pinasok n'ya.
Well, it's not really hers. The Escort club that she's running is not really hers. Galing 'yon sa totoo n'yang tatay na pinamana lang sa kanya. I've already suggested to her before na ibang business nalang ang tahakin pero ayaw n'ya. She reasoned out that it was the only memory that she has with her biological Dad na nito lang n'yang nakilala.
Her club is legal naman. She's very strict when it comes to her workers and she's making sure that all of them are legal in age at ang proseso n'ya ng pagpapatakbo ng club.
Hindi nga ako makapaniwala na she's enrolling her Escorts sa isang martial arts training bago tuluyang magtrabaho sa kanya. Reason n'ya, it's better that her workers know how to defend themselves kapag binastos sila. Sa kanyang idea 'yon. Because before she took over her father's business, she's a martial art black belter sa university na pinasukan namin parehas. She's promoting women empowerment kahit gano'n ang business n'ya. Ang gusto n'ya, girls should know how to control men and not the other way around.
Iba rin ang mentalidad ng babaeng 'to. Her principles in life really made her tough dahil nanggaling ito sa hirap bago napamanahan ng tunay na ama.
"Okay, girls! This is Cleo, my friend! S'ya muna ang papalit sa um-absent ngayon so I expect all of you will treat her nice. Ayaw ko nang away at tsismisan, maliwanag ba?" she introduced me with her Assistance Department. 'Yon ang tawag n'ya sa mga hindi escort at tanging nagsisilbi lang ng food at tagalinis. "Now, let's work productively tonight, okay? Always smile! Ang makita kong hindi nakangiti, tanggal. Alam n'yo 'yan!"
"Yes, Mamang!" sabay sabay na wika ng mga trabahador n'ya at tuluyan nang nagsimulang mag-operate and club.
I roamed my eyes sa paligid ng buong club. It's indeed a high-end bar for different type of boys. Though, you can see that kahit na panlalaki ang bar ay mga nakikita pa rin akong mga babaeng customer. It's not an escort bar kung titingnan. High-end pa 'to sa high-end.
Attires are semi-formal. Bawal 'yung mga normal na pang-OOTD na outfit lang. Since high-end ang escort bar na 'to, pulos mga mayayaman at mga nasa alta-syodad ang nakikita ko. May natatanaw pa nga akong ilang celebrities na pumasok.
I put the order on their table and I smiled right after I told them my spiel. Kailangan daw ngumiti kahit na gustong gusto ko nang bumusangot dahil pakiramdam ko nahuhubaran ako ng ilang customers na lalaki dahil grabe sila kung makatitig.
"What's your name, Miss?" one of the customers asked me. May itsura ang lalaki pero halatang katawan lang ang hanap ng mokong na 'to. As much as I want to roll my eyes at him, I did the opposite.
"I'm sorry, Sir. We're not allowed to disclose our names. Bar policy." Magalang kong tugon bago tumalikod. Pero hindi pa man din ako nakakatapak ng isang beses ay naabot na ng lalaki ang palapulsuhan ko at ito'y tumayo at nilapit ang katawan sa'kin.
His friends are cheering for him. He made me look at his eyes but I just gave my cold stare at him.
"Whoah, feisty. I like that." Komento nito while he's tracing his fingers on my chin. Marahas kong tinapik ang kamay nito.
"I'm not an escort, Sir." Paglilinaw ko sa kanya but I just heard him scoffed.
"Really? You don't look like one." Tugon nito tapos ay marahas na hinapit ang panga ko para halikan.
Mas mabilis akong umiwas at tinulak s'ya, medyo napalakas ang tulak ko para matumba ito sa mismong mesa nila. The man was now furiously looking at me with rage.
"Kung parokyano ka rito at kung kumukuha ka ng escort, hindi ka bobo para hindi mapansin ang uniform na suot namin. Huwag mong sabihin ang utak mo ay nasa ibang ulo?"
"P're, 'wag mo nang patulan." Wika ng kaibigan na pinipigilan akong sugurin.
"Puta, h'wag kang gagawa ng gulo. 'Pag nalaman 'to may-ari ay baka ma-banned na tayo rito." Wika naman ng isa.
"Anong pake ko? Puta, hoy babae! Escort ka man o hindi, pokpok ka pa rin." Pagduduro n'ya sa'kin at nang tuluyan na itong makawala sa kaibigan ay umigkas ang braso nito sa ere at panigurado akong sasampalin n'ya ako.
Natigilan ako sa nangyari at napapikit nalang habang hinihintay na lumapat ang kamay nito sa mukha ko. But I didn't feel anything.
Napadilat ako nang may maamoy akong pabango sa aking tabi. Napasinghap ako nang may isang lalaki ang humawak sa braso ng lalaking mananakit sa'kin. The man who helped me is wearing a white polo sleeves na naka-tack-in sa suot nitong fitted jeans. His sleeves are rolled up on his biceps.
"Sino ka ba, brad at nangingialam ka?!" sigaw ng bastos na lalaki habang sinusubukang bawiin ang kamay n'ya sa pagkakahawak ng tumulong sa kanya. The man who helped is a six-footer guy habang ang bastos na lalaki naman ay mga kasingtangkaran ko lang.
"You don't know how to respect a woman?" napalunok ako sa malalim nitong boses na may pagka-rough. His voice sent shivers on my body and I don't know why.
They're creating a scene and most of the customers are now looking at our position. Napatungo ako dahil sa sobrang hiya. Nahihiya ako dahil gumawa ako ng gulo sa mismong business pa ni Savannah. Ano nalang ang sasabihin n'ya?
"Ano'ng kaguluhan 'to?" napalingon kami sa dumating na babae. It's Sav who's holding a cute puppy on her arms. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa dalawang lalaki na mukhang magsusuntukan na.
"Nako, patay na." rinig kong wika ng isa sa mga kaibigan no'ng lalaking bastos.
"'Eh, eto kasing lalaking 'to nangingialam. Kinakausap ko lang naman 'tong isa sa mga escort n'yo. P're, ikaw ang h'wag bastos. We're here to enjoy." Tugon ng bastos na lalaki and I scoffed hard.
"Sinong escort ang sinasabi mo?" mataray na tanong ni Savannah sa lalaking bastos.
Nginuso naman ako nung lalaki. I felt the man who protected me walked and stopped behind me. Bigla akong kinabahan sa 'di malamang dahilan. Napalunok rin ako ng ilang beses at para akong natuod na ewan. Ang lakas ng dating ng awra n'ya para sa'kin.
Dahan dahan namang lumapit si Sav sa lalaking bastos matapos maibigay ang aso na hawak sa isang katiwala nito. Savannah looked the man from head to toe. "Gwapo lang at katawan 'yang mayro'n ka? Wala kang utak? 'Di ka nag-iisip?"
The man felt insulted sa paraan ng pagkakatanong ni Savannah. Napasinghap ito bago tiningnan ng masama ang kaibigan ko. "Hindi mo ba kilala ang kausap mo?" maangas nitong tanong.
"What do I need to know more from the only son of our local governor? Aside from the fact, na walang utak ang anak n'ya?"
"Aba't—"
"I know your father too well, Kuya. I'm one of those people who helped his campaign so don't brag that you're his son. You're nothing but his son. You haven't achieved anything kung makapagtanong ka kung kilala kita."
Natigilan ito sa sinabi ni Sav.
"At sa susunod, magbasa ka ng Membership policy ng bar ko to differentiate who are the escorts and who are the waitresses. All of them should be respected, 'yun ang number one rule ko sa bar ko. Ngayon, kung hindi mo kaya 'yon, then expect a letter to be delivered to your father."
Kitang kita namin kung paano umigting ang panga ng lalaking bumastos sa'kin pero wala itong ginawa kung'di ang samaan ng tingin si Savannah. Ang mga kaibigan naman nito'y pilit na hinihila ang binata para makaalis na pero hindi ito nagpapatinag. Pero kalaunan ay nagpatinuhod na ito. Pero bago tuluyan akong lampasan, dinuro pa n'ya ako at pinagbantaan na hindi pa kami tapos.
"Okay ka lang, girl? Shit, sorry. Hindi ko naisip 'to. Ang akala ko kasi tuluyan ko nang natanggal ang ganitong mga eksena with the use of the policy I've made sa mga members ng club. Pero sige na, umuwi ka na muna. You're not used to this."
Tinanguan ko lang si Sav dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng sabihin. Hindi pa ako nakaka-get-over sa nangyaring eskandalo.
"Ihahatid ko s'ya." Napalingon kami ni Savannah sa lalaking kanina pa nasa likuran ko. Parehas kaming natigilan dahil sa sinabi nito.
"And you are?" tanong ni Savannah but I can see her smirk beside me. Pasimple ko s'yang siniko dahil alam ko 'yang tumatakbo sa utak n'ya.
"Stavros... Stavros Callahan." Pagpapakilala nito kay Savannah tapos ay inabot ang naka-extend na kamay ni Stavros.
"I know you. You can be trusted. Please drop my friend at her house tonight. I know she got traumatized a bit. Thank you for volunteering. I actually don't know how to make hatid her sa bahay n'ya 'eh."
I gritted my teeth because of Sav. Talagang nabugaw na n'ya ako at isa 'yon sa mga gusto n'yang i-achieve sa'kin. Ang magkaroon na ng boyfriend. Damn it!
"I'll wait for you outside. Make it fast." Napalunok ako sa masungit at malamig na sinabi ni Stavros bago ito umalis. Pero bago ito tuluyang umalis ay nakita ko pa ang pasimple nitong pagtingin sa kabuuan ko then I saw how his jaw stiffened. Para s'yang galit na ewan.
Bakit? Hindi ba ako sexy? Most of the men here are ogling at me differently pero s'ya, ang titig n'ya ay parang galit. May sapak ba 'yon?
Napairit ako nang bahagya nang maramdaman kong tinapik tapik ni Savannah ang puwitan ko habang ngiting ngiti sa'kin. "Ang landi mo, girl! Sabi sa'yo may-epek 'yang new hair color mo at haircut 'eh. Ikaw ang pinakamagandang waitress ko rito. Now, go! H'wag mong paghintayin si pogi. Bet ka no'n for sure."
Sinamaan ko lang s'ya ng tingin pero mabilis na nga akong lumabas dahil gusto kong sabihan si Stavros na h'wag na akong ihatid dahil kaya ko namang mag-commute.
Nakita ko s'yang nakaupo sa harapang bahagi ng mamahalin nitong kotse. Halatang mamahalin dahil pang-dalawahan lang ang loob at mula sa sikat na brand 'yon. It's pure black and I think I took my breath away because I don't know that he can be more handsome kapag gano'n ang postura nito.
Handsome is an understatement to describe the man. Bruskong brusko ang datingan at ang tangkad pa. He has flat beard on his jaws and chin and I find it hot for him. Sobrang tangos ng ilong and his lips are puckered naturally at pinkish. Parang walang bisyo ang binata. His hairstyle is mid-fade type na pwedeng naka-brush up at pwede rin namang hindi. But right now, nakabagsak 'yon at mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan ng binata.
"Uhm, Stavros." I cleared my throat. He instantly looked at me and stared at my body again.
Well, I decided to just to put a large jacket to cover up the attire that I wore. Hindi ko na nagawang makapagpalit dahil ang daming tao sa closet area. Ayaw ko namang paghintayin ang binatang 'to.
"I c-can commute naman. You don't have to do this. May mga bus pa naman kahit alas dos na ng madaling araw."
Sheez! For real, Cleo? Kailangang mautal ka sa harapan n'ya? Lamunin mo na 'ko lupa. Nakaka-intimidate talaga s'ya.
"You will commute showing your bare legs? Are you fucking kidding me?" napaigtad ako sa pagmumura nito at samahan mo pa ang natural na accent na ginamit ng binata.
"It's not as revealing naman." I commented and stared on the ground. Hindi ko alam pero hindi ko kayang tumitig sa mga malalalim n'yang mata. Para n'ya akong nilalamon ng buo.
Dahil hindi ko s'ya makita dahil nakatungo ako sa lupa, narinig ko nalang ang pagbukas nito ng passenger seat and his order. "Get in."
I was about to say no when he glared at me before walking back to the driver seat. "I don't have to repeat myself. Just fucking get in."
Wala na akong nagawa at sumakay nalang sa kotse ng binata. Hindi ko naman nararamdamang mapanganib ang lalaking 'to katulad ng bastos na lalaki kanina. Hindi naman ako ipapahatid ni Savannah sa taong hindi n'ya mapagkakatiwalaan. And Sav is a type of woman who can identify if a person is trustworthy or hindi.
Habang nasa byahe, he's too quiet. Hindi ito nagbukas ng topic na pwede naming pag-usapan. Well, mas okay rin naman 'yon because I might just give him a one-liner answer. Bigla yata akong napipi nang dahil sa kanya.
Gusto ko ngang itanong kung bakit alam nito ang daan papunta sa bahay ko. Nahiya lang akong magtanong dahil baka isipin nitong assuming ako.
Pero natigil ang mundo ko nang magawi ang tingin ko sa gilid ng palapulsuhan n'ya habang nakahawak ang kanang kamay na nakahawak sa manibela.
A Spade tattoo.
Bigla akong napalingon sa mukha n'ya tapos ay pabalik balik sa scar nito sa wrist.
"Stop staring at me. You're being rude."
Napaigtad ako sa sinabi nito at mabilis na tumingin sa labas ng kotse. Grabe ang pagtahip ng dibdib ko dahil sa nakita.
So, he's the one who helped me last night. Kaya hindi s'ya nagtanong dahil alam nito kung sa'n ako nakatira. If he will deny that he's the man last night, he should've asked me where's my house.
"You're overthinking." Napalingon ako sa kanya nang magsalita ito. 'Di ko pa masyadong na-register ang sinabi ng binata pero nang maintindihan ay sumagot ako.
"I'm not." I replied.
"Your eyes are moving too fast, you always bite your lips, your hands are unconsciously gripping your legs and your toes are shaking as if you want to ask something."
Namangha ako sa mga sinabi n'yang pag-analisa sa'kin. I don't know how he does that pero tama s'ya. Those things that he mentioned are the mannerism installed on my program. Hindi ko alam kung bakit lahat nang 'yon ay in-install nina Mom and Dad kasi I find it obvious if someone would watch me closely.
Mabilis kong tinigil ang mga sinabi nitong paggalaw ko.
"Yes, I am that man from last night." Napalingon ako sa kanya nang sabihin n'ya 'yon na parang alam nito ang gusto kong itanong.
Partly, yes. Isa 'yon sa mga tanong ko pero yung sa scar n'ya ang gusto kong tanungin.
"Why are you there in that club?" Stavros asked while impassively looking at the road. "I never saw you there before."
Is he opening up a topic? Well, mas okay na rin 'to kesa naman mabaliw ako sa kakaisip sa tattoo na mayroon s'ya at sa vision na nakita ko kagabi.
"Pamalit lang ako sa um-absent na waitress ni Sav. I have a favor from her kaya pumayag ako kahit mataas ang tsansang mababastos ako."
I saw how his jaw clenched and the way he gripped the driving wheel.
"What favor?"
Natawa ako ng mahina tapos ay umiling uling sa kanya. "Don't mind it. Tapos na naman ang gabi. Sav will give her promised help."
"I just want to... know. If that's okay. Maybe I can help as well to make it easier?"
Natigilan ako dahil sa persistent n'yang malaman ang favor na hiningi ko kay Savannah. Bakit pa n'ya gustong malaman? Bakit s'ya willing tumulong? Pero sa 'di malamang dahilan, I feel like it's okay to share it. Na parang wala rin namang mawawala.
"I just need an appointment for Senator Jose Clemente. I have some... business, with him."
"I can help." Napalingon muli ako sa kanya. "I have a closed-door meeting with him later at lunch. I can arrange a meeting for the both of you."
Napakurap kurap ako sa kanya because his offer is very tempting. I can definitely have a chance to get close with the Senator this way. Kahit 'di ko pa alam kung anong klaseng help ang pwedeng i-offer ni Sav, mas mapapadali naman ang lahat sa offer ni Stavros.
But I know better.
"May kapalit 'to. What is it?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Of course, there is..." Sabi na nga ba 'eh. Parehas lang din s'ya ng ibang lalaki— "... just be my date later and don't fucking wear that sinful wardrobe."
I scoffed hard because of what he has said? D-Date?
"Date?"
Tumango tango ito. "Yes, for me to get you a closed-door meeting with him, I need you to be my date on our lunch. That's the only chance you have... that is, if it's really important."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top