29. Vortex
CHAPTER TWENTY-NINE
MARAMI na ang nadadamay. Habang tumatagal ng tumatagal ang pagtatago ko at pag-iwas sa maaaring maganap ay nadadamay na pati ang mga kaibigan ko. Sa kagustuhan nila akong protektahan ay pati ang normal nilang buhay ay nagugulo nang dahil sa akin.
Muli kong naalala ang pangitain na nakita ko sa bulwagan kung saan sinama ako ni Stavros sa meeting niya kay Jose Clemente. Ang pangitain kung saan nakita ko ang apat na Kings at tatlong babae na natapakan ko na pawang mga nang walang buhay.
It's becoming clearer. Those three women are these ladies.
Napahawak ako sa aking bibig at pinipigilan ang pag-iyak.
When Clementine took my hands, my Augur job resurfaced and the ladies saw what I have seen too. Maging ako ay hindi makapaniwala sa nakita. I'm pretty sure from what I have seen. Kahit madilim ang vision, sigurado akong nakita ko ang sarili kong nakatayo kaharap ang sarili ko. Ang kaibahan lang ay buong katawan nito'y hindi na tao. That... creature became a Cyborg already and I can definitely feel the power it possesses. A power that came from the Joker.
Hindi ko alam kung nakita rin nilang tatlo na may taong nakasuot na itim na kapa ang nasa likuran ng Cyborg na 'yon. It's the Joker. I know. Lalo na nung nakita kong ngumiti sa akin ang nilalang na 'yon at ang mga labi nito'y itim na itim. Joker's mocking me that he already won. Sa pagkumpleto naming apat na babae ay pakiramdam ko'y mas nalalapit na nga ang kinatatakutan ng lahat na mangyari.
I'm torn of deciding what to do. Lahat kami ay ayaw magising ang Joker sa pamamagitan ko ngunit ayaw naman nilang mawala ako kapag pinatay ako ng Primeval. Alam kong ayaw nilang mapasakamay ng Council ang mga Relics kung kaya't ang hirap magdesisyon.
If only I could see another way to end this. Yung hindi na kailangang magising ng Joker at hindi na rin humantong sa kamatayan ko.
Napahawak ako sa aking dibdib at naalala ang medalyon na nakita nina Savannah at Thyra sa loob. Humihikbi pa ako nang ipikit ko ang aking mata. Nagbabakasakaling makahanap ng sagot mula rito. This medallion inside me gave that prophecy vision. Is that the official vision that we should be aware about? Kasi base sa mga nababasa ko sa libro noon, ang mga propesiya ay ibinibigay ng mga Seer sa pamamagitan ng mga matatalinghagang salita.
Iba ang naging kaso ko. I've seen the vision but there's no lines. Nito lang lumabas sa labi ko ang mga salitang 'yon.
Augur Cleo.
Kinilabutan ako nang may tumawag sa'kin. Nang buksan ko ang aking mata ay hindi ang kwarto kung saan ako dapat naroon ang bumungad sa'kin. Kung'di ay isang sirang mundo. It was like this has been destroyed hundreds of years ago. Wasak na mga gusali, malalaking biyak ng lupa, makulimlim na kalangitan ngunit may isang liwanag ang nangingibabaw.
A woman who's wearing an armor showed few inches in front of me. She has this golden hair that shines the devious land. Her skin is so fair and as white as milk. Her face screams like she's a goddess overthrown from the Sky. Innocence was written on it but you can definitely feel that she has bravery ready when needed. She smiled when she realized that I'm checking her out.
"S-Sino ka?" tanong ko when I felt the intimidation she exudes. Bahagya pa akong napaatras nang dahil sa ngiti niyang iyon.
"I am... Vortex."
Nanlaki ang mata ko nang wikain niya ang salitang pamilyar sa akin. Tama ba ang narinig ko?
"I am the Mother of the Custodians. The Bearer of Time and Space. Provider of Prophecies."
Parang kinapos ako ng hininga dahil sa pagpapakilala niya. So, ibig sabihin s'ya ang nagbibigay ng mga pangitain? Nabanggit niya na siya ang nanay ng mga Custodians. If I remember it currently, the Relics have familiars inside and they're calling themselves as Custodians. Like Anataklasi, the Custodian of Seas and Oceans.
Maraming bigla ang namutawi sa isip ko. Gaya ng anong klaseng nilalang ba siya? Saka taga saang mundo? Parte pa rin ba sila ng mundong ginagalawan ko? O totoo ang sinasabi ng mga Hari na galing sila sa ibang dimensyon?
"Nababanaag ko ang karamihan ng iyong katanungan base sa pagngiwi ng iyong mukha, Augur."
Napalabi ako nang mapahiya dahil napansin niya pala 'yon. Akala ko'y nabasa niya ang nasa utak ko.
"A-Anong lugar po ito?" tanong ko nang bahagya kong igala muli ang aking paningin sa paligid kung sa'n kami naroroon.
"We are in the Time-space called Vasileio, Augur. My domain. Ang nakikita ng iyong mata maliban sa'kin ay base sa kinababahala mo sa kasalukuyan." My forehead crumpled with confusion. Slightly didn't understand what she's trying to imply.
"Kinababahala ko sa kasalukuyan?" tanong ko.
Tumango ang babaeng kaharap ko na may pangalang Vortex. "People always worry what will happen in the future and once did something wrong, they would want to go back in the past and change it. They never bother to worry about the present. This place reflects people's mind of what time they would want to be in it. And as far as you can see it right now, you worry the future that reflects your mind today."
"Are you the medallion... placed inside my chest?" I asked next when I understood her reply. Though, it's quite nerve-racking.
"The same with my kids in which you all called, Relics. The medallion serves as my container. It allows my kids to be unified once called by my chosen Augur. Once combined, it exudes a powerful force that could open up different dimension. That's why I'm here pulling you from your subconscious self... to ask for your help."
Her voice was really soothing to hear. Para kang hinehele but at the same time, you can definitely note her power from here. Pero ano ang kailangan ng isang tulad n'ya sa isang kalahating robot?
"W-What kind of help?" I asked when she's waiting for me to respond.
Isang buntunghininga ang binitawan nito at kapagkuwa'y tumalikod sa'kin. She raised her right hand in the air and made a subtle movement to the right. When she did that, the scene has been changed.
Nanlalaki ang mata ko nang mapagtantong nakalutang kaming parehas sa kalawakan. Napapaligiran kami ng mga bituin at tanaw ko mula rito ang Earth.
"Nakikita mo ba ang tatlong ring forces na nababalot sa iyong planeta, Augur?" tanong ni Vortex sa'kin. Sinundan ko ang tingin nito sa ibaba.
Natatanaw ko nga ang gusto niyang makita ko. It was like a soft cloud-like ring that circling around the Earth. Tatlo iyon at may iba't ibang kulay: Black, White, and Blue. Umiikot silang tatlo sa magkakaibang pwesto. Yung black na nakapaling sa kaliwa, Blue na nakapaling sa kanan, at White na nakatayo sa gitna. Nangunot ang noo ko nang may mapansing hindi tama.
"Are they...?" I trailed off.
"Tama ang nakikita mo, Augur." Isang buntunghininga muli ang binitawan nito sa akin. "The three ring forces are slowly moving into one orbit."
"A-Ano po ba 'yon?"
"That's the... Vasileio." Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. "Your world is being protected by the Ancient Ones to any discordance in the Time-space because of the war happening to the other dimension. This symbolizes the three major time of life: Black represents the Past; Blue represents the Future, and White represents the Present. Upang hindi mabuksan ang lagusan patungo sa ibang dimensyon, these three forces should be remained separated. Hindi dapat kailanman sila magtatagpo at ikaw... bilang Gabay, ang may responsibilidad na pagkaingatan ito."
Muli akong napatingin sa Earth na may malalam na tingin.
"As the Augur, you hold the Present force. The power to see the future and the past is being activated if you want the Present force attached to either one of them in a short period of time. That's the reason why you can see visions."
"Ang pagsasanib ng tatlong forces na ito ay nangyayari sa dalawang paraan: Una, sa oras na napagsama sama mo ang apat na Custodians, it would serve as a machine to make these forces align all together and open the dimension with your own free will; at Pangalawa, kapag sapilitan itong binuksan ng isa sa mga tagabantay."
Nangunot ang noo ko.
"Tagabantay?"
Tumango si Vortex bago muling nagsalita. "The Ancient Ones."
I gasped when she named those Guardians. "P-Pero... sila po ang nagpapanatili nitong tatlong forces upang 'di ito mabuksan hindi ba..." natigilan ako nang may kongklusyong dumaan sa isip ko. "... huwag niyo pong sabihin na..."
Ngumiti ng may lungkot si Vortex. "Joker was once part of them."
Muli ako napasinghap nang isatinig nito ang sagot na nasa aking isip.
"Those five came from a different world who protects the linkage between different life forms. They chose this planet because it's the only world where everything seems to be normal. No power to be fought on."
Ako na ang nagdugtong sa susunod nitong sasabihin. "Until one of them chose a different path."
"Hindi dapat kasama ang Joker sa ginawang pagbyahe ng mga Ancient Ones sa inyong mundo. Joker is one of the destructive creatures of their world..." nagulat ako nang lumitaw sa harapan ko ang aking kausap. "... and the help that I want from you is related to him."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. She's asking for help that is connected to the Joker?
"A-Ano 'yon?"
Ilang sandaling natahimik si Vortex at tumitig lang sa'kin. Bago tuluyan nitong sinambit ang mga salitang hindi niya inaasahang marinig mula rito.
"... save him, Augur Cleo. Save the Joker."
Napalunok ako ng mariin at muling nagtanong. "Ngunit bakit? Saka p-paano ko gagawin 'yon? He's evil—"
"Follow the words you heard from the Medallion, Augur." Then she caressed my right face and trace her hands on my patched eye. "You also have this Eye of Vasileio, these will be your guide if you don't want your world cease to exist." Anas nito habang unti-unti itong nalayo sa'kin.
"T-Teka sandali!"
* * *
"AYOS ka lang?" napalingon ako nang may biglang magsalita sa aking tabi. Kasalukuyan akong nakaupo sa hardin ng napakagandang Manor ng King of Hearts. Tinatanaw ko ang madilim na kalangitan at kitang kita mula rito ang maliwanag na sinag ng buwan na sinamahan ng mga mumunting bituin na kumikislap sa tabi.
I decided to go here para magpatanggal ng stress. After ng encounter namin ni Vortex ay halos kapusin ako ng hininga nang muling kong idilat ang aking mga mata. Tulog pa rin daw sina Clementine, Savannah at Thyra. Nabanaag ko ang pag-aalala ni Mayordoma Hilda kanina pero ina-assure ko na s'ya na okay lang silang tatlo. They're just too exhausted from what they have seen. It consumed their energy too much and all they need right now is rest.
Vasileio... a place where the three Time forces are being brought together but separated to each other. A place where the environment will depend on sa kung ano ang kinababahala mo sa kasalukuyan. Pero iyon rin ang lugar kung saan ang lagusan patungo sa ibang dimensyon. Nanganganib ang lugar na 'yon ngayon nang dahil kay Joker. At mas lalong hindi ko inakala na ang Joker ay part ng Ancient One's noon.
Pinoproblema ko ngayon ay ang hiling na gustong ipagawa ni Vortex sa akin. Hindi ko alam kung magagawa ko 'yon kung ang Joker mismo ang puno't dulo ng kaguluhan ngayon. Paano ko s'ya maisasalba? May paraan pero hindi ko alam kung kaya ko.
Muli kong tiningnan ang lalaking nasa tabi ko.
"I-Ikaw ba si...?" I trailed off because this is the first time that I saw this man.
Ngumiti ito sa akin at isa lang ang naging sapantaha ko, ang ngiti niya'y waring isang ngiti ng anghel. "Aurelius Hartman. But I prefer to be called Aurius." Pagpapakilala nito at inabot ang kamay sa akin.
Mariin ko iyong tinanggap dahil tama ang hinuha ko. S'ya ang ikahuling Hari na dapat kong hanapin. "Cleopatra Selene Arguelles..." hindi ko natapos ang pagpapakilala nang dugtungan niya ito ng isang tanong.
"... the Code of Vortex?" kahit hindi pa ako sanay sa ganyang pangalan ay tumango sa kanya. May alanganing ngiti sa aking labi.
"You really are her..." bulong nito na nagpakunot noo sa akin.
"Ano 'yon?" tanong ko.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay nangingiti itong ngumiti sa akin at sumandal sa bench na inuupuan ko at tumingin rin sa langit.
"Alam mo ba kung bakit bumitaw kami sa aming tungkulin bilang Kings?" tanong nito makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.
His question got my attention. Umiling lang ako sa kanya pero nasisiguro kong natanaw niya ang ginawa ko. I remember something from Haji. That was the other night when Haji mentioned it. Kung bakit raw ayaw ng mga Kings na maging Hari muli sila.
Haji said na ayaw na raw nilang maulit ang nakaraan?
"We've never wanted this to happen before. Ang piliin bilang Kings. Kaming apat ay magkakaibigan na simula pa noong mga bata pa. Sabay kami lumaki, sabay na nag-aral at sabay na gumraduate. Our lives changed when we were needed to be part of the Military force of the Philippines. That was the time when the Government decided that all men should be trained how to be a soldier to protect our country. Pero lingid sa aming kaalaman na ang pamilya pala namin ay parte ng Primeval Union."
I'm aware of what he's talking about the military training. The same with the other nations, the Philippines decided to adopt it here as well.
"When these all explained to us, a war erupted. Iyon ang panahong kung saan tumaas na ang ranggo namin. Iyon rin ang araw kung saan pinili kaming maging Hari ng Ancient Ones."
I asked something, "What's so bad about being the King? I think it's a good way for you to help more people ng mga oras na 'yon."
Malungkot itong ngumiti at tumingin sa akin. "I agree, marami nga kaming natulungan noon. Pero kinain niyon ang buhay namin bilang tao."
Huh? Hindi ko naintindihan.
Natawa sa akin si Aurius nang makita ang lukot sa mukha ko. Halata bang hindi ko naintindihan? "Hmm, paano ba i-explain 'to." Untag nito sa sarili tapos ay muling tumingin sa akin. "Sabihin na nating... kapag naging King ka, your conscience dissolves. You won't know if what you are doing is right or wrong."
"Huh? Ang gulo naman no'n." Wika ko tapos ay napakamot ng ulo. Muli ko na namang narinig ang tawa n'ya tapos ay marahan na ginugulo gulo ang buhok ko na parang natutuwa s'ya sakin.
I don't know why but I felt... comfortable with him. Parang pamilyar sa'kin ang ginawa niya sa ulo ko.
"Even the way you talk and move..." bulong nito na nagpataka na naman sa'kin. What does he mean by that? "That time, when we became the King, we only have one mission. And that is to kill the Joker in more ways than one. Ibig sabihin, pwede namin gawin ang kahit ano para lang mapatay s'ya. You name it, gumamit ng tao? Pumatay ng walang rason? Even our emotions have been taken away from us. Sa madali't sabi, nawala ang pagiging tao namin, Cleopatra. We became a tool, a thing."
Lumamlam ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko ang sakit nang bigla iyong dumaan sa mga mata ng binata. "Marami ang nadamay noon na hindi naman dapat. Maraming buhay ang nawala nang dahil sa amin. We don't want to be the Kings again because it will only be a reminder to us that we became a monster like the Joker himself."
You better not ask... it's emotionally heartbreaking.
Naalala kong warning sa amin ni Haji noon kung sakaling gusto namin alamin kung ano ang rason ng mga Kings.
And indeed, even if he hasn't been detailed kung ano bang klase ang ginawa nila noon, base palang sa naging resulta ng pagiging Kings nila'y ramdam ko ang sakit at pasakit na naramdaman nila noon.
Dilim sa langit, wakasan ng sakripisyong sa mga Hari'y magiging pasakit.
That specific prophecy line rang a bell on my head. Napakuyom ako ng kamao. Why do I feel like tama ang sinabi ni Haji? Na maaaring mangyari muli ang sakit na naramdaman ng mga Hari noon sa magaganap ngayon?
"Dahil ayaw niyo na rin ang may magsakripisyo pa?" tanong ko sa kanya. Aurius only stared at me. I'm not sure if I really saw it but his eyes glittered with sadness.
Tumango ito. "Up until now, we don't really see the reason why we were chosen for the role. We are too undeserving."
Umiling iling ako sa kanya at nagwika. "Huwag mong sabihin 'yan. Lahat naman tayo pakiramdam natin hindi natin deserve ang mga bagay na natatanggap natin nang hindi inaasahan. Pero iyon nga ang challenge do'n 'di ba? If we think that having it will serve a greater purpose then you should do your best to prove that you are deserving and worthy."
Muli ako napatingin sa madilim na kalangitan. "Hindi lang naman ang mga nadamay ang nagsakripisyo, Aurius. Maging kayo ay nagsakripisyo rin. Pero tingnan mo naman ang naging resulta matapos niyon, 'di ba worth it naman? Those who sacrificed didn't die in vain after all. Yes, it hurts. Kasi baka mahal mo sa buhay ang nawala but that's how life works. We really can't tell... no one can tell."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top