28. Arrival

CHAPTER TWENTY-EIGHT

"ANONG ginagawa natin dito? Baka gusto mo nang sumagot?" pangsampung tanong ko na yata ito kay Thibault when he stopped his car in front of a grocery store. "Ngayon mo pa talagang naisip na mag-shopping?"

"You're too noisy, you know that?" nakangising tugon sa'kin ng binata habang pinapatigil ang sasakyan. Nang lumabas ito ng kotse ay gano'n na rin ang aking ginawa.

"Kung sinagot mo na kasi ang tanong 'eh 'di sana 'di na ako nagtatanong ng paulit ulit?" I rebutted.

Thibault chuckled, "Yeah, sabihin mo 'yan sa sarili mo kung 'di ka mahilig mag-follow up question." He replied like he wanted to remind me of my job.

Well, he got a point.

I groaned. "Ano nga kasi ang gagawin natin dito?" naiinip ko nang tanong. Gusto ko nang bumalik ng Manor.

"Baka nakakalimutan mong ngayon raw ang dating ng... kaibigan ni Aurius." Hininaan ko ang huling salita at pinalitan iyon dahil maraming tao sa paligid. Baka may Buffoons dito at makatunog sila na parating na rito ang hinahanap nilang Code of Vortex.

Thibault faced me and raised his both eyebrows. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa isang grocery store?" anito tapos ay ngumisi sa'kin bago nagpatiuna ng lakad.

He dragged me here exactly nine in the morning. Hindi pa ako nakaligo at kakalinis ko lang ng ngipin ko nang ipadampot ako ng lalaking 'to at dinala rito. Hindi pa man din ako nag-b-breakfast.

Umalis naman kanina raw ng sobrang aga si Aurius dahil may emergency ang isa sa mga Hangar ng kanyang airport. Well, I'm not sure if that's true.

Aurius was too preoccupied yesterday. Iyong 'di mo makausap ng ayos dahil ang lalim ng iniisip. Nagsimula 'yon nang marinig nito ang sinabi ng tatlo pang Hari. Yung sinasabi nilang paghahanap sa Relics nila kung kaya't kailangan na rin raw hanapin ni Aurius ang kanya.

Hindi ko ba siya nagawang guluhin pa no'n. Alam kong malaki ang rason kung bakit. Gaya ng sabi nila, they gave up their thrones to live normally.

I'm not sure how abnormal it was when they've been the King but one thing I'm sure about. It seems like these four gentlemen have been caged for so long to the throne that they don't want to have?

And there you go, my curiosity about it heightened. Na-curious na ako kung bakit tila isang sakal para sa kanila ang maging Hari muli despite the good things it may bring sa isang nagbabadyang panganib.

Well, I guess I have to wait then. For sure, malalaman ko rin 'yon.

Inirapan ko nalang si Thibault at sumunod papasok. Pagpasok palang namin ng grocery store ay grabe na kung makalingon sa amin ang mga tao— lalo na ang mga kababaihan. Naramdaman kong bahagyang nilapit ni Thibault ang kanyang bibig sa aking tainga at nagmayabang.

"Iba talaga ang gwapo 'di ba?" untag niya. Siniko ko nga sa tagiliran nito. Napangiwi naman kaagad ito dahil sa ginawa ko.

"Parang nagbibiro lang 'eh." Bulong pa ng lalaking 'to tapos ay nagpunta na kami sa loob at kumuha ng cart. habang nakanguso.

"Seriously? Inabala mo ang tulog ko para lang mag-grocery? Alam mo bang 'di pa ako tapos sa ginagawa kong report?" reklamo ko sa kanya nang magsimula na itong maglagay ng mga gulay. We started here sa mga veggies.

"I'm doing you a favor, Clementine." Wika nito habang seryosong tinitingnan kung sariwa ang isang gulay na tinitingnan nito. Napakunot noo naman ako sa sinabi n'ya.

"What do you mean?" takang tanong ko.

Nanlalaking mata naman ang ibinato sa akin ng binata na akala mo'y may ginawa akong kasalanan. Napaatras ako tuloy ng bahagya. "'Di ba sinabi sa'yo?!"

Mas lalong nalukot ang mukha ko sa tanong n'ya. Ba't ba ayaw pa ako nitong diretsahin? May pa-suspense pang nalalaman.

"Ano nga?" I frustratingly demanded. Napahiya pa ako ng kaunti kasi napapatingin na sa amin ang ilang tao. Lalo na ang mga fangirls nitong lalaking 'to. Gaano kagwapo koya?

"Hindi sinabi sa'yo ni Aurius na gusto niyang ikaw raw ang magluto today para sa mga bisita niya?" he asked unbelievably.

What?!

"H-Hindi..." mahina kong tugon. Ako ang magluluto? Bakit... ako?

"Well... now you know." Kibit balikat ni Thibault. "He asked my help na samahan ka sanang mamili. Tarantado rin 'yang syota mo, inutusan akong samahan ka pero ikaw 'di mo alam. Gago ang puta."

Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko nang marinig ko ang salitang syota. Pinagsasasabi nito?

"'D-Di kami magsyota," pagtatama ko pero binigyan niya lang ako ng baliktad na ngiti.

"Huwag tayong pabebe." Anas nito tapos ay nagtungo na kami sa dairy section.

Well, marunong naman akong magluto. Hindi naman sa pagmamayabang pero 'yon ang specialty ko. Ang pagluluto. Since, I'm only living alone, syempre kinailangan kong matuto ng lahat.

"A-Ano ba ang lulutuin?" tanong ko sa kanya at sumunod nang itulak nito ang cart.

"Ikaw bahala. I'm just putting the necessary commodities and condiments."

"Kumakain ba 'yung... taong bakal?" mahina kong tanong sa kanya tapos ay napapatingin tingin sa paligid.

Natawa naman ang lalaking 'to na kinagulat ko. "Taong bakal talaga?"

"Ano ba dapat?" if I use AI robot, baka may Buffoon sa paligid na nag-s-spy at malaman pa no'n ang tungkol sa arrival no'n.

Nagkibit balikat s'ya sa akin. "According to Aurius, she's still seventy percent human. May ilang parte lang ng katawan niya ang kinabitan ng metal parts. So mostly, baka pwede pa s'yang kumain."

Tumango tango habang nag-iisip ng mga putahe sa utak ko. Tatlo silang pupunta rito. Tatlong babae rin. Ang isa raw ay Lieutenant General, pwede ko bang i-assume na malakas s'yang kumain?

Nako, bahala na nga!

Nasa may cashier area na kami nang may maramdaman akong kakaiba. Parang may taong nakamasid sa aming dalawa. Pasimple kong ginala ang mata sa paligid. Maraming tao. Ang ibang mga lalaking natatanaw ko ay mga gwardya ni Thibault na naka-civilian pero mahahalata mong bodyguard dahil sa mga naka-black shades sila at may mga earpiece sa leeg.

Hanggang sa may matanaw akong lalaki na naka-cap. Nakatitig s'ya sa'kin pero nang mapansin n'ya ako'y bigla nitong binaba ang cap para mas lalong matakpan ang mukha at tumakbo ng mabilis.

"I-Imposible..." mahina kong wika nang makilala ang lalaking 'yon.

"Huh? Ano 'yon?" Thibault asked but I ignored him and started to move.

Mabilis akong tumakbo at hinabol ang lalaking 'yon. Dahil sa dami ng tao ay nahirapan akong tumakbo ng mabilis. Narinig ko pa ang malakas na tawag sa'kin ni Thibault pero binalewala ko ito. Nang tuluyang makalabas ng grocery shop ay mabilis akong tumakbo nang makita ko s'yang papunta sa may parking lot.

Binagtas ko rin 'yon at hapong-hapo na tumigil sa kakatakbo. Hingal ang pakiramdam ko habang iniikot ang aking mata sa buong parking lot. I can't see him! Saan 'yon lumusot?

Mabilis akong dumapa nang may maisip. Natandaan ko ang kulay ng sapatos n'ya.

Wala masyadong tao sa parking lot kaya nang sinilip ko ang semento at ilalim ng mga kotse. Nakita ko s'ya!

Muli akong tumakbo sa kotseng pinagtataguan niya pero napamura ako nang bigla uli itong tumakbo at nagdire-diretso sa wall na gawa sa mga metal wires! Umakyat ito ngunit mabilis kong nahawakan ang isa niyang paa dahilan para matigilan ito. Mas binigatan ko ang sarili ko para mahila ko s'ya ngunit mas malakas s'ya sa'kin. Nang makawala ay padarag akong natumba sa sahig, una ang pang-upo.

Napangiwi ako sa sakit. Ngunit natuon ang mata ko nang makatalon na ang hinahabol kong lalaki sa kabilang bakod.

Halos mapugto ang hininga ko nang matanggal ang suot nitong cap at tumingin ito sa akin ng masama.

H-Hindi... hindi maaari. Patay na s'ya! Imposible.

"Clementine!" rinig kong sigaw ni Thibault. Lumingon ako nang makitang malapit na ang binata sa'kin ngunit napabalik ang tingin ko sa hinabol ko na kanina na ngayo'y tumatakbo na sa gitna ng mayungib at masukal na kakahuyan.

"Okay ka lang ba?!" nag-aalalang tanong ni Thibault sa'kin habang inaalalayan akong tumayo. Napapangiwi pa 'ko dahil bahagya iyong kumirot. "Sino ba ang hinabol mo?! Alam mo bang delikado para sa'yo ang mapag-isa lalo na't malapit ka ngayon kay Aurelius?!"

Nang makabawi ako ng hingal ay binalingan ko ang binata matapos nitong sermunan ako.

"N-Nakita k-ko s'ya..." naiiyak kong wika. Alam kong patulo na ang mga luha ko dahil sobra nang nanlalabo ang paningin ko habang sinasabi iyon kay Thibault.

"Sino?" seryoso nitong tanong sa'kin.

Humikbi ako at napatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig nang mag-sink in na sa akin kung sino ang nakita ko. Ang taong sumusubaybay sa'kin.

"N-Nakita ko ang kapatid ko..." tugon ko kay Thibault habang lumandas na ang mga luha sa mata ko.

Natigilan naman si Thibault sa sinabi ko tapos ay grabe ang pagkunot ng mga kilay niya sa sinabi ko.

"Ang kapatid mong namatay kasi na-tokhang?" sunod sunod na tango ang sinagot ko habang patuloy na umiiyak.

Jusko, buhay s'ya! Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!

"Baka guni guni mo—" natigilan ito nang bigyan ko s'ya ng masamang tingin. "Sige, ganito, papahanap ko s'ya sa mga bodyguards na kasama natin. Sa ngayon, we need to go back. Aurius is being a shit dahil kanina pa tawag ng tawag at 'di ko masagot dahil hinahabol kita."

Tumango tango lamang ako at inalalayan na ng maayos. Sinenyasan nito ang isang bodyguard na may hawak ng mga pinamili namin. "Ilagay mo na 'yan sa likod ng kotse. Pagkatapos, suyurin niyo ang buong area para hanapin ang isang kahinahinala."

"H-He's wearing a maroon cap, naka-white na sneakers, sobrang payat at kamukha ko." Humihikbi hikbi kong pagdedetalye ng itsura ng kapatid ko.

Thibault moved his hand to his pocket and grabbed his phone. He clicked something and a hologram figure of my younger brother appeared on it. "I've uploaded his face to your improvise glasses. Kunin mo ang kalahati ng team, Fernan. Report back as soon as you got something."

"Yes, Sir!" Malasundalo na tugon ng bodyguard na may pangalang Fernan. Agad 'tong kumilos na tinanguan ni Thibault.

We are now driving back to the Manor. Tahimik kaming parehas na dalawa matapos niyang may tawagan ng ilang tao.

"I haven't said anything to Aurius yet, Clem. Ikaw na ang magsabi but I'll continue searching for him."

Tango lang ang nagawa ko dahil sa nangyari. I was completely baffled na animo'y yinanig ang buo kong pagkatao. Muli kasing nanumbalik ang mga masasakit na naalala kung bakit ako nauwi sa ganito. Kung gaano kawasak ang buhay ko nang wala ang buong pamilya ko. How I blamed myself for my incompetence. Kung paano ko napabayaan ang kapatid ko dahil sa hindi ko nagawang labanan ang mga anxiety attacks ko noon because of the trauma we both got.

Melchor Adler Sullivan. What happened to you? I thought you died because of a drug operation? I attended your funeral kahit na sobrang lugmok na lugmok ako noon.

"We're here."

Napapitlag ako nang magsalita si Thibault. Agad na gumala ang mata ko sa harapan ng gate habang ito'y nagbubukas.

"Clementine," tawag sa'kin ni Thibault. Nilingon ko siya kahit na mapungay na ang aking mata dahil sa iyak. "I know that it shocked you. But I hope you can pretend that it didn't happen—"

Mabilis akong sumingit dahil alam ko ang patutungahan niyon.

"Alam ko, don't worry about me. I can handle it." Seryoso kong untag sa kanya nang hindi tumitingin sa kanyang mukha.

I don't want to see his serious look on me. Ayaw kong mabanaagan ang awa sa mga matang 'yon.

Bumuntunghininga si Thibault bago muling pinatakbo ang sasakyan. "We'll find him."

Tango lang uli ang ibinigay ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili. I have to erase my brother for the meantime. I don't want to create an impression to Aurius' visitors. I'm being a bitch sometimes kapag wala sa mood o 'di kaya ay galing sa iyak.

I have to use my other persona once again.

"Pinalagay ko na sa mga maid ang mga binili natin. I have to go, Aurius needed me in the Airport. Send my regards to his visitors, okay?" Paalala at bilin ni Thibault sa'kin at muli nitong binuhay ang sasakyan at umalis.

Isang buntunghininga pa ang ginawa ko bago ngumiti. Pilit pero kapani-paniwala.

"I'll deal with you soon, brother." Bulong ko tapos ay pumasok na sa Manor.

Sinalubong ako ng ilang maids na tropa ko na.

"Nako, Ma'am Clementine! 'Buti at dumating ka na!" Ani Maria.

"Oo nga po, jusko! Naghahasik na naman ng lagim si Ma'am Vicky. Pinapangalandakan sa mga sa bisita na siya ang Reyna rito." Untag naman ni Loleng.

"Tarayan niyo nga uli 'yon. Paepal na naman s'ya. Akala naman niya bagay sila ni Ser. 'Eh mas bagay kayong dalawa ni Ser Aurius nang 'di hamak." Ani Maria.

Kinunutan ko naman ng noo itong si Maria at nakaramdam ako ng kaunting hiya sa sinabi nito. "Ano ba 'yang sinasabi mo Maria? Anong bagay kami ng amo mo? Bisita lang ako rito."

Tiningnan ako ni Maria ng nakakalokong tingin. "Wusus! Si Ma'am naman in-deniers pa." Asar nito.

"In-deniers?" tanong ko, 'di nakuha ang ibig sabihin.

Si Loleng ang sumagot. "In-deniers, Ma'am Clementine. 'Yung deny ng deny pero deep inside, may kaharutang taglay." Wika nito tapos ay napabungingis silang dalawa sa harap.

At talagang sa harap ko pa talaga, ah!

"Nako kayong dalawa, maka-link kayo sa'ming dalawa, daig pa namin ang teenagers. Walang gano'n okay? Friends lang kami ni Aurius." Tugon ko sa mga iniisip nila.

"Nako, charot charot ka, Ma'am." Mapang-asar na bawi ni Loleng sa sinabi ko.

"Showbiz pa more!" Segunda pa ni Maria.

Sinamaan ko sila ng tingin at natawa nalang. "Kayo talagang dalawa, basta kaharutan, ang dami niyong alam. Pakihanda nalang ng mga pinamili ko tapos ay ako ang magluluto ng tanghalian namin."

Natatawa pa rin silang sumunod sa akin. Pero bago sila makalayo ay tinawag ko muli sila. "Ah, girls?"

Sabay naman silang lumingon sa akin.

"Pakihanda na rin ng lason, alam niyo na kung para kanino. Charot!"

Nagtawanan kaming tatlo dahil ro'n pero sumegunda pa ng isa itong si Loleng.

"Ano po ba ang gusto niyo? Zonrox nalang para mabilis, oh!"

Natawa naman ako sa hirit niya. "Joke lang ano ba kayong dalawa. Patola rin kayo 'eh." Ani ko.

"Handa na rin po namin, Ma'am, just in case kung kailangan na kailangan na."

Napailing iling nalang ako sa dalawang 'to at nagpatiuna na para hanapin kung sa'n dinala ni Vicky ang mga bisita.

Knowing that spoiled rotten bitch, for sure, may aapihin 'yon sa tatlo.

At 'di nga ako nagkamali...

"Ano? Sasaktan mo ako? Go! Kapag nalaman 'to ni Daddy, for sure, he can easily pull some strings para matanggal ka sa posisyon mo. Remember their power."

It's seems like someone triggered her, huh. Napatingin ako sa kasagutan nito. Maikli ang buhok nito at tila lalaki kung kumilos. Nakaigting ang panga at masama ang tingin kay Vicky.

This might be the Lieutenant General?

"Ang ingay ingay na naman ng lugar na 'to dahil sa talak mo!"

Sabay sabay silang lumingon sa'kin.

"Ikaw na naman?!" nanggagalaiting tanong ni Vicky sa'kin habang binibigyan s'ya ng ngisi.

"Pagpasensyahan n'yo na 'yon huh? May sayad si Ati." Nakangiti kong wika sa kanila matapos mag-walkout ni Vicky.

"S-Salamat," untag ng kasama ng parang tomboy na babae. "Ano nga palang pangalan mo, tapos nasabi mo kaninang may appointment ka sa amo ng Manor na 'to? Teka, wait—" nanliit ang mga mata ko sa itsura n'ya dahil parang nakita ko na s'ya. I gasped when she finally recalled who am I. "Natatandaan kita! Ikaw 'yung nangulit kay Jose Clemente sa opening ng Primus City sa TV 'di ba? Yung reporter?"

Napahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib. Wow, I'm flattered. "Oh my, hindi ko alam na may Fan pala ako rito." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at nagpakilala.

I think she's the Code of Vortex. But why does she have an eyepatch?

Nagkatinginan muna silang dalawa ng kasama nito. Akmang aabutin nito ang kamay ko nang biglang may lumitaw na isa pang babae sa likuran nila.

These three women are so beautiful. Nakaka-insecure namang tumabi sa kanila. They all looked so important. I mean, yung awra nila ay pawang mga dapat na ginagalang sila kasi malaki ang bahagi nila sa nangyayari ngayon.

"Nasa'n na ang payaso na 'yon, Cleo? Narinig ko sa nag-aassist sa aking maid na tinarayan raw kayo ni Thyra? Aba, ilapit niyo 'yan sa akin nang mapinturahan ko pa ang mukha niya!" Gigil na gigil nitong wika nang makalapit sa dalawang ito.

"Ano ka ba? Mag-relax ka nga, Sav. Masyado ka namang gigil na gigil d'yan. We're both fine. Si Thyra dapat ang alalahanin mo, mas gigil 'yan 'eh." Tugon noong tinawag na Cleo.

So, that's her name? Oh yeah, I remember Stavros mentioned a name. Cleopatra. It suits her. She looks... medieval and very regal.

"Huwag na natin siyang pag-usapan..." anang ng kilos lalaki na babae. I'm assuming that she's Thyra. "Baka masapak ko lang ang siraulong 'yon."

"Actually, dapat tayong magpasalamat sa kanya."

Napapitlag ako nang nasa akin ang atensyon ni Cleopatra. Nakangiti ito sa akin. Sumunod naman ang tingin ng dalawa sa gawi ko.

"Oo nga, salamat tropa." Maangas na wika ni Thyra sa akin at ngumiti. "Walang palag yung taong payaso sa kanya 'eh."

Sinuri naman ni Sav ang kabuuan ko from staring at me from my head to toe. Nakataas ang dalawang kilay at tila mataray.

Sav. She must be Savannah. Yung sinasabing pangalan ni Nicodemus. His official Queen. Na-curious tuloy ako. Nag-sex kaya sila kaya naging reyna siya? Ugh! I'm curious! I want to know!

"Talaga? Gusto mo ba ng work? May opening pa ako ng Escort position sa club ko. Ano? Bet?"

Hinampas bigla ni Cleopatra si Savannah sa braso nito at pinanlakihan ng mata.

"Sav! Ayan ka na naman! Hindi tayo narito para mag-recruit ka!" Napalingon naman sa'kin si Cleopatra at nagtanong. "Oo nga, girl. Ang ganda mo. Model ka ba?"

Namula naman ang mukha ko sa papuring natanggap. Hindi ko alam kung ano ang i-react dahil ngayon lang ako napuri ng maganda.

"H-Hindi ako maganda." Tanging nawika ko.

Naging poker face bigla ang mukha ni Savannah nang marinig ang sinabi ko. "Aba, iba 'to. So, kung 'di ka maganda, ano pa kami? Kakaloka ka d'yan."

"Oh my! Sorry! Hindi ko pala sila napakilala." Anang ni Cleopatra at bakas sa mukha nito ang pagiging apologetic.

"Ito nga pala si Thyra Zavaroni. She's a Lieutenant General. Then, ito naman si Savannah Albert. Matabil at harsh 'yan magsalita pero mabait 'yan. And I'm Cleopatra Arguelles, I'm... a nobody. Then guys? S'ya naman si Clementine Sullivan, reporter ng ABXGNA News."

Arguelles? Sounds... familiar.

Hindi ako nakahuma sa naging pagpapakilala nito. Savannah was the one who approached me first at bumeso. Matapos niyon ay bumulong ito sa akin. "Huwag kang maniwala d'yan kay Cleo. Mabait ako.... and girl? Pasok ka! Pak na pak ang ganda mo!"

Nginitian ko lamang siya pero pakiramdam ko ngiwi iyon. "N-Nice to m-meet you..."

Lumapit namang sunod sa akin si Thyra na nakalahad ang kamao nito sa akin. Medyo late ang response ng utak nang ma-realize na fist bump ang gusto niyang gawin with me. I awkwardly bumped my fist on her. Tapos ay nanlaki ang mata ko nang hapitin pa nito ang balikat ko palapit sa kanya. "Salamat at tinulungan mo kami ro'n. Ang solid ng pang-t-trash talk mo sa babaeng pintura. Tropa na kita."

Isang kiming ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya dahil kilos lalaki talaga s'ya at ang way niya ng pag-approach. Gusto ko tuloy tanungin kung... tomboy ba s'ya.

"Nope she's not." Napalingon naman ako bigla kay Cleo nang bigla itong magsalita at tila nabasa ang nasa utak ko. "Kilos lang 'yan pero may hinalikan na 'yang hot na hunk."

Nakita ko naman kung paano namula ang pisngi ni Thyra at napalabi dahil sa sinabi ni Cleo. Bumulong pa ito, "You d-don't really have to tell her that."

Napangiti na rin ako nang tawanan siya ni Cleo at Savannah.

Muling bumalik sa'kin ang tingin ni Cleo and I saw she extended her hand on me. "It's really nice to meet you."

When I held her hand... we felt a loud thud on our head and chest. Kasabay niyon ang unti-unti naming pagsalampak sa sahig.

Cleo's eye turned white then she uttered phrases and a vision enshrouded our minds.

Alaala ng kahapon, ituwid at ipaalala sa panahong puso'y naghikaos.
Pagmamahal na s'yang dahilan ng digmaan, ipinanganak ang budhi na tatapos sa kasaysayan
Sa muling pagkagising, buhay ang s'yang kapalit.
Dilim sa langit, wakasan ng sakripisyong sa mga Hari'y magiging pasakit.

Mga karununga'y pakatandaan
Pagdugtungin, sagot sa katanungan
Ikaw ang natatanging Gabay,
Kumpletuhin mga susi, tapusin yaring buhay.

Sa pagbigkas niya ng mga katagang 'yon, we saw ourselves in a scene we are not familiar. It's kind of blurry but one thing is for sure. The sky has been tainted with fiery blood. A lot of lifeless lives have been scattered around the place where we are standing at.

Nasa pinakalikod ako ng tatlong babaeng kasama ko. Seryosong nakatingin sa pinakaharap. Naningkit ang aking mga mata upang matanaw kung sino 'yon. Base on the body figure, the creature is a woman. Ngunit wala itong damit kahit isa. Ngunit nakadama ako ng takot nang biglang mag-angat ang mukha nito. Dahil madilim sa banda n'ya, hindi ko tanaw kung sino 'yon. Napaatras na lamang ako nang biglang pumula ang mga mata nito at tila may umiikot ikot roon. Doon ko napansin na tila may mga biyak ang pisngi nito at nakaguhit ang pula ring likido.

No, it's not blood. Iyon ang kulay ng isang metal kapag pinainitan.

Napaatras lalo ako nang ma-realize ang pagkakakilanlan ng babaeng 'yon. Sa pag-atras kong 'yon ay napahawak ako sa aking tiyan. I saw blood. I'm bleeding.

Umangat ang tingin ko nang mapansing bumagsak sina Savannah at Thyra... kapwa may tama katulad ko. Unti-unti rin akong bumagsak at tila nahihirapan nang huminga.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may natanaw pa akong dumating na isang hayop. It looks like a tiger but skinny version. This must be a Cheetah.

The fastest land animal. Natanaw ko pa ang isang mata nito na may hugis puso. A heart medieval symbol design that symbolizes one of the towns where I'm at.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top