27. Viral

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"WHAT the fucking hell, Aurius? Y-You mean..." gulat na gulat na tanong ni Thibault sa binata habang tinuturo turo kaming dalawa. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pag-init ng aking pisngi dahil pakiramdam ko totoo nga ang sinabi sa'kin kagabi ni Aurius.

"You really did it with her?!" mas histerikal na tanong ni Thibault. Halatang 'di ito makapaniwala. "You... just gave your virginity to her, man?!"

Kung kanina si Thibault ang nanlalaki ang mata, ngayon pati ako. Samahan pa ng pagsinghap na talagang nagpagulat sa'kin sa aking narinig. Napatingin ako kay Aurius na masama na ang tingin na pinupukol sa kanang-kamay nito.

S-Seryoso ba 'yon? V-Virgin s'ya nang gawin namin 'yon?!

"Do you really have to mention it, fucker?" nakapikit ang mga mata ni Aurius habang nagpipigil na magalit kay Thibault.

Sumambulat naman ang sunod-sunod na tawa ni Thibault matapos niyon. And when I say tawa? Hagalpak 'yon. Iyong tipong wala nang bukas.

Hindi ko napigilan ang hindi mapalabi. I tried suppressing my giggle. Nang mapatingin ako kay Aurius ay sa'kin naman s'ya masamang nakatingin. His stares are piercing me. Bigla tuloy ako napaubo para mas mapigilan pa ang pagtawa.

"Tangina, p're. Akala ko talaga noon bading ka. Ni ayaw mong makipaglandian sa mga binibigay kong babae sa'yo. Ayaw mo ring landiin si Vicky. Puro ka kamay, pare! Kaya puro kalyo na 'yang kamay mo 'eh." Komento ni Thibault habang naiiyak na sa kakatawa. Clearly, he's enjoying mocking his Boss.

Hindi ko alam pero parang natuwa ang kalooban ko sa narinig kay Thibault. Hearing that makes my inner side partying. Ugh! Clementine Sullivan! Really? I bit my tongue to get my senses back. Ano ba 'yang mga iniisip mo? Ba't may pag gano'n?

"Tapos... here you are, nailed her?" dugtong pa ni Thibault tapos ay napatingin ito sa'kin at nagtanong, "What kind of seductress are you? Nagawa mo 'yon?"

Pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Gusto mong masapak?" makapagsalita 'tong lalaking 'to akala mo wala ako rito. Walang filter ang bunganga.

"Just leave us, Bault." sabi ni Aurius na naiinis.

Tiningnan naman ni Thibault si Aurius nang malisyoso. "Bakit? Anong gagawin n'yo rito, huh?"

"Ang daming kuda, lumabas ka nalang." Anas ni Aurius tapos ay pinagbabato nito ang binata ng kung ano ang madampot.

Ang makulit na si Thibault naman ay natatawang tumayo at umiilag ilag habang todo ang malisyoso nitong ngisi para sa aming dalawa. "Okay! Okay! Ito naman hindi na mabiro. Pero, Brad, okay lang 'yan. First time mo 'eh. Talagang hahanap-hanapin mo."

"You, son of a bitch!" nagulat ako nang biglang tumakbo papunta sa'kin si Thibault at nagtago sa likod. Nakikipagpatintero naman ito kay Aurius na nasa harapan ko naman at nag-aambang mahuli ang binata.

My eyes rolled because of what they're doing. Ito ba ang mga karespe-respetado? Damn these childish men.

"Don't fucking touch her!" sigaw ni Aurius nang makitang nakahawak sa magkabila kong balikat ang mga kamay ni Thibault.

Hindi ko man nakikita si Thibault sa likod pero ramdam kong ngumisi ito. Nanlaki naman ng unti-unti ang mga mata ko nang maramdaman kong pinadausdos ni Thibault ang mga kamay nito pababa sa braso ko.

"Ganitong touch ba?" Thibault teased.

"I'm going to kill you," banta ni Aurius sa galit nitong tono. Ang mga panga nito'y nakaigting at halata talaga sa mukha nito ang pagkadisgusto sa ginawa ni Thibault.

Mabilis na tumawa si Thibault at mabilis na lumayo sa'kin nang sugurin ito ni Aurius. Mabilis kong hinawakan ang binata sa braso nito para pigilan. He's breathing heavily. Animo'y kaya talaga nitong saktan ang sariling kanang-kamay.

"Someone's jealous. Akala ko gusto mo lang s'yang gawing reyna. But, you're mad too? Does the King of Hearts finally have a heart?" asar pa ni Thibault nang buksan nito ang pintuan ng opisina ni Aurius.

"Just... fuck off, Thibault." Ako na ang nagsalita. Ako ang na-s-stress sa kanilang dalawa. Para akong may alagang dalawang pasaway na bata.

"Ohhh," reaksyon ni Thibault tapos sa akin binaling ang malisosyo nitong tingin. "Gusto mo rin, ah."

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit nabaling ang atensyon ko kay Aurius nang gusto nitong atakihin uli ang kaibigan. Kinabig ko uli s'ya at sinaway, "Enough, Aurius."

Halakhak ni Thibault ang namayani sa kwarto. Bakit ba hindi pa 'to nalabas?

"Someone's transforming into someone's dog." He teased once again. "I must inform Nicodemus that he has another member of Bark Club."

Ako na yata ang nawalan ng pasensya sa binatang 'to. Mabilis kong inangat ang opening lid ng hawak kong ballpen at nilabas niyon ang isang matalim na patalim. I immediately threw it to Thibault na mabilis namang nailagan ng binata at tumusok ang ballpen knife sa hamba ng pintuan.

"That's my first warning, Thibault." Anas ko at tiningnan s'ya ng sobrang seryoso.

Thibault raised his both hands and made an inverted smile. "Fine, fine. Geez, bagay nga kayong dalawa." anang nito bago tuluyang umalis at sinara ang pintuan.

Nang maiwanan kaming dalawa ni Aurius ay agad ko 'yon pinagsisihan. Paano mo nakalimutan, Clementine, na sa tuwing nariyan ang binata ay nag-iiba ka? Na iba ang pakiramdam mo kapag magkasama kayong dalawa?

Tanga, tanga!

"I wouldn't want to piss you off." Umangat ang ulo ko at tiningnan si Aurius na hawak na ang ballpen knife ko. Sinuri n'ya pa ito bago bumaling sa'kin ang kanyang tingin. "Remind me... always."

Hindi ko alam kung paano ko napagsabay ang pag-ikot ng mata ko at pagbigay sa kanya ng masamang tingin but it just happened and Aurius manly chuckled upon witnessing it.

Awtomatikong gumalaw ang isa kong paa paatras nang magsimulang maglakad palapit sa'kin ang binata. I hissed when he noticed my reaction.

C'mon, Clem, just freaking relax! Hindi ka naman n'yan kakainin ng buhay.

But he's going to eat you down there, bitch.

Napakagat ako ng labi nang sumagi ang kahalayan sa utak ko. Gosh, ano? Epekto ng first time?

Napasinghap ako nang makita ko nalang ang mukha ni Aurius na sobrang lapit sa'kin at sakop na sakop ng labi nito ang labi ko. He gave me a one deep kiss. When I was about to respond, he detached himself and caught his breath afterwards.

W-What was that for?!

"Stop biting your lips or it will swell every time I kiss it, Clev."

Kasabay ng paghuhumerentado ng puso ko ang pagtataka sa tinawag n'ya sa'kin.

"Clev?" as far as I remember, Clem, ang palayaw ko? Did he mention someone's name? Akala ko ba wala 'tong nilandi na iba? O naging babae man lang?

Ang pagtawa ni Aurius ang naging dahilan para manumbalik ang atensyon ko sa kanya. He put his pointing finger on my forehead and pushed it lightly. "You're overthinking, it means you're thinking something absurd that will make you jealous."

'Di makapaniwalang mukha ang ibinigay ko sa kanya. Pinagsasasabi nito? Ako? Nagseselos? Ulul ba 'to?

"Don't be ridiculous," anas ko tapos umiling iling pa.

Aurius smirked at me, "Oh really? Sige, let me guess. You're thinking why I called you Clev instead of Clem. You're possibly concluding and at the same time doubting what Bault had said that I didn't flirt to anyone ever. You are thinking that I've mistakenly called you by someone else's name."

Kahit kuhang kuha nga n'ya ang mga nasa isip ko, as if namang kokompirmahin ko ang haka haka n'ya. Never!

Tinalikuran ko s'ya.

"Huwag kang assuming d'yan. As if namang maapektuhan ako kung nagkaroon ka na ng babae noon o maging hanggang ngayon, ano." Bira ko. Hanggang do'n nalang dapat pero itong bunganga ko, hindi napigilan. "Mas maganda naman 'ata 'yang si Clev kesa sa'kin. Oks lang, low-key lang naman ako."

Bungisngis ni Aurius ang narinig ko sa kanyang kinatatayuan. Damn, he's enjoying this. Itigil mo na 'yang bunganga mo, Clementine.

"Oo, maganda nga s'ya." Tugon nito na nagpaharap sa akin sa kanya.

"Kita mo na--" natigilan ako nang malapit na pala uli s'ya sa'kin.

"Clementine Victoria Sullivan," he whispered when we are inches apart. I'm facing his broad chest because he's tall for a six-footer. Ang pabango nito ang nagpadarang sa'kin. He held my waist and pulled it so I can feel his body better.

He bent over to my ear that made me stumbled. "They're calling you, Clem. I hate it. I want to call you that way so you would know that you're mine... Clev."

Inangat naman nitong sunod ang baba ko para matingnan s'ya and then he asked, "The question is... am I yours, hmm?"

Isang matinding lunok ang ginawa ko dahil sa tanong n'ya. Kung hindi ako nakahawak sa braso niya'y paniguradong tumumba na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod.

Damn his effect on me.

Magpapatihulog ba ako? This is bait. I know what is this but I know it's dangerous... but at the same time, it feels... good. Pagbibigyan ko ba ang sarili ko?

He's tracing his lips on top of mine when he groaned loudly because of being impatient waiting for my answer. Napangisi ako ng wagas sa reaksyon n'ya. Am I frustrating him? That's right, let's frustrate ourselves then.

Mukhang hindi na ito makapaghintay pa sa sagot ko, "Damn, you are Clementine. You. Are." Wika nito bilang pagsagot sa sariling tanong.

I chuckled because of that but I was startled when he attacked my lips for real. He claimed it as if he really owned it. Hindi mawala ang ngisi ko sa mga halik n'ya dahil natatawa ako sa pagka-frustrate niya nang dahil lang sa isang tanong na 'di ko sinagot.

I think I now know how to handle him.

"Don't let anyone touch you the way Thibault did, Clev." Wika nito nang bumitaw sa halik. Tila naalala nito ang dahilan ng pagkabwisit nito sa kaibigan.

Natawa ako sa sinabi n'ya at ako na ang nagbigay ng isang malalim na halik. "You, jealous freak." Komento ko.

Ipapangko na sana ako ng binata sa lamesa nito nang biglang may lumitaw na holographic figures sa isang device na nakalagay sa ibabaw ng mesa ni Aurius.

Napatili ako at mabilis na nagtago sa kanyang likuran nang lumitaw ang tatlong lalaki na kapwa mga sugatan. Gulat na gulat rin ang mukha nila gaya ng akin.

Yung dalawang lalaki ay kilala ko. It was Stavros and Nicodemus. Pero yung isang lalaki na sobrang lamig kung makatingin ay hindi ko gaanong tanda pero paniguradong nakita ko na ito somewhere.

"Talaga bang sa tuwing tatawagan ka namin, 'yan ang maabutan ko? Pinamumukha mo sa'king hindi pa kami bati ni Savannah, Aurius!" gigil na wika ni Nicodemus habang masamang nakatingin sa lalaking tinatabunan ako.

"Wow, you really are not gay." Komento ng lalaking nasa pinakakanan at natandaan ko na ang pangalan. He's Amadeus Valmonte. Poker face talaga n'yang sinabi 'yon? Wala man lang emosyon?

Pakurap kurap naman si Stavros bago tuluyang natauhan. "I'm s-sorry if we disturbed you two. Pero totoo na ba 'yan, Aurius? Akala ko ikakasal ka na kay Vicky? Virgin ka pa ba?"

Hindi ko na napigilan ang hindi matawa sa naging tanong ni Stavros. Agad naman akong binigyan ng isang nakakamatay na tingin nitong si Aurius. Napalabi tuloy ako ng wala sa oras. Baka bigla nitong maisip na patunayang 'di na s'ya virgin sa harap ng mga kaibigan n'ya.

Binaling naman ni Aurius ang sama ng tingin nito sa tatlong istorbo.

Talaga lang, Clementine. Sa'yo talaga nanggaling 'yang salita na istorbo.

"Huwag n'yong pakialaman ang sex life ko, a-holes. Baka gusto n'yong sabihin ang dahilan kung bakit kayo sugatan? Ano'ng nangyari?"

"Is it okay to discuss it with... her?" alanganing tanong ni Stavros bago sinulyapan ako.

"She's part of me, so yeah." Napipilan naman ako sa sinagot nito. Halata sa tono nito na natutuwa s'yang kanya ako.

"The Primeval Union attacked my ship, that's what, Aurius." Nabaling ang tingin namin kay Amadeus.

Wait, oo nga pala. Balita ngang binuksan na nito ang pinakamalaking cruise ship ng Asya. Pero ano raw? Inatake?

Isang buntunghininga ang ginawa ni Aurius bago muling tiningnan ang tatlo. "They're moving fast than we expected."

Tumango naman si Nicodemus. "They might have gotten the signal that we have the Code of Vortex when Anataklasi has been awakened and currently residing inside her."

"Yeah, I felt that last night." Wika ni Aurius at napatingin ito sa kanang palapulsuhan kung saan nagliliwanag ng bahagya ang Heart insignia nito.

Wait, kailangan kong makasabay sa usapan nila. Anataklasi? Hindi kaya iyon ang Familiar sa loob ng isa sa mga Relics?

"Paano napunta sa kanya ang Relic mo, Amadeus?" tanong ni Aurius.

Amadeus is one of the Kings, as expected. He manly rolled his eyes. "Jacks happened. Those fuckers did it."

So, ito ang tinutukoy ni Thibault kung bakit sila nangingialam sa ginagawa ng mga Hari.

"They attacked the Ship but the three of them was able to escape." Anang ni Stavros.

Parehas na nangunot ang noo naming dalawa. Mukhang nakuha naman ni Stavros. "The Code of Vortex has two companions as we speak. Savannah Albert, and Nicodemus' Lieutenant General—Thyra Zavaroni. They're both protecting her."

"Savannah Albert?" tanong ni Aurius tapos ay nilingon si Nicodemus na kasalukuyang namimilipit sa sakit dahil sa tama nito sa tagiliran. "Your Ex?"

Nicodemus growled madly. "She's now my Queen, a-hole!"

Bigla namang napataas ng dalawang kamay si Aurius, "Oh, chill ka lang. Malay ko ba na may Queen of Clubs na pala."

"Where they are heading?" Aurius asked next.

Sabay sabay na tumugon ang tatlo. "Sa'n pa ba? Malamang sa'yo."

Nanlaki ang mata ko. Papunta rito ang Code of Votex?

"Ni wala man lang pasabi ahead of time?" sarkastikong wika ni Aurius.

"Aba gago ka ba? Malay ba naming aatake ang mga 'yon kanina?" Nicodemus sneered.

"Just take good care of them, Aurius. Hindi nila mahahawakan d'yan si Cleopatra since patay na patay sa'yo si Vicky." Stavros commented.

Patay na patay? Ba't gusto kong gawing literal?

"Even my Savannah, a-hole. And don't... ever touch her!"

Napailing iling naman si Aurius. Hindi makapaniwala sa iniwang responsibilidad.

Tiningnan naman ni Aurius si Amadeus at tiningnan ng masama. "Ikaw? May papabantay ka ba? Someone I shouldn't touch?"

Ilang sandali silang nagkatinginan ng walang ekspresyon ang mukha bago bumuga ng hangin si Amadeus. "Don't kiss, touch or talk to the Lieutenant General."

Isang ngisi naman ang bumalatay sa labi ng tatlong lalaki dahil sa sinabi ni Amadeus. Teka, 'di ako makasunod.

"Naka-moved on na ang puta." Mahinang komento ni Aurius pero binigyan lang s'ya ni Amadeus ng isang fuck-you finger.

"If they're on their way, probably they're using the submarine?" Aurius asked. Tumango ang tatlo. "Got it, we'll wait for them. Sakto rin na dito sila pumunta dahil kailangan ni Clev yung robot."

Kumunot ang noo ni Stavros. "Para sa'n?"

Mukhang ito na ang chance kong magsalita. "I'm almost done with my draft report if we really want to expose your organization publicly. I need at least a short interview from her since she's the center of attraction."

Napangiwi ang mukha ni Stavros. Parang 'di sang-ayon sa suhestyon ko.

"Is it necessary?" tanong nito.

Sasagot na sana ako nang pigilan ako ni Aurius at sa'kin na tumingin. "Much better if you can just take a picture of her. That's enough evidence for now."

Nagdugtong ang dalawa kong kilay. "Picture is useless. People would only treat that as if it was edited."

Umiling iling si Aurius. Ano bang iniisip nito? "Let's start with pictures first. Hindi natin ilalabas lahat kaagad ng isang bagsakan ang gusto mong i-expose.  That would too much to take. Baka hindi sila maniwala."

"I agree," napatingin ako kay Amadeus. "Start a headline with something exquisite and include her picture. It would catch their interest. We shouldn't care if they will judge it that it's edited. That's actually better."

Nagtanong si Nicodemus. "So, we need to make it viral?"

Stavros was the one who confirmed. "Yes, if it will be viral, we can gather millions of Netizens and they will start digging it. That's enough move to make the Primeval Union back off."

Namangha ako sa kanilang apat. Their minds synced in one. They can easily get each other's thoughts. Ngayon ko napapatunayan na sila nga ang likod sa pag-unlad ng Pilipinas. They brainstorm really hard and come up with one decision that would result for something good.

I must agree with their plan. Hindi ko 'yon naisip. Mas nag-focus ako sa paggawa ng report to expose all of it.

"But..." napalingon kami kay Aurius. "Since the new Augur has one of the Relics, that would be enough reason for them to stop killing her at least... temporarily. They won't kill her since she's protected with one of the Familiars."

"Naisip na rin namin 'yan kanina." Anas ni Nicodemus. "If what our sources reported were true about the Primeval's intention of owning the Relics, they might use her instead, against us."

May punto s'ya. If Primeval can't get the Relics, then they will manipulate the ones who are holding it.

"Then, let's just settle with our plan of making her viral." Anas ni Aurius. "In that way, Primeval won't just stop the plan of killing her, it would also lessen the chances of them manipulating her."

Tumango tango ako. I need to revise the whole report then.

Tiningnan ni Aurius ang tatlong lalaking nasa hologram. "I'll make sure that she will be protected here. Kailan ba kayo darating dito?"

"I'll head there alone once I'm done settling the casualties of Cleo's tsunami." Nanlaki ang mata namin ni Aurius sa sinabi ni Amadeus.

"For real?" pangungumpirma ni Aurius.

Tumango naman ang lalaki. "She had been given credit by Anataklasi. She's special." Anito tapos ay bumaling ang tingin nito kay Stavros na may kahulugan.

"She's powerful then," komento ni Aurius tapos ay tiningnan naman nitong sunod sina Stavros and Nicodemus. "Anong plano niyong dalawa if mauuna rito si Amadeus?"

Nagkatinginan naman sina Stavros at Nicodemus bago muling bumaling kay Aurius. Their answer made my knees in tremble.

I don't know what kind of tremble it was. Tremble in fear? Excitement? Bewilderment? Nonetheless, what they replied might the start of another war that's coming.

"As much as we hate the idea of being the Kings again... but we have to find our Relics. So, start looking for yours."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top