23. Reveal

CHAPTER TWENTY-THREE

"THIS IS BULLCRAP!" napapitlag ako nang ihagis ng Chief Editor ang inabot kong folder na naglalaman ng gusto kong i-pitch para sa news coverage next week. "The Joker's Existence? Nahihibang ka na ba? Masyado ka na yatang nagbabasa ng mga fictional stories, Clementine! Baka nakakalimutan mong hindi fiction ang pagbabalita!"

"Chief," tawag ko rito tapos ay pilit na ngumiti sa kanya. Kahit na sa loob loob ko'y gusto ko na 'tong sapakin. "Hindi pa rin ba kayong naniniwala na may nililihim ang gobyerno sa'tin patungkol sa nagdaang digmaan noon? Isn't unusual to you na biglang nagdeklara ng away ang mga tropa natin sa Kanluran laban sa atin—"

Hindi ko natapos ang sunod sunod kong sasabihin dahil napapikit na si Chief at nakahawak na sa batok nito. I pursed my lips to stop myself from talking any further. May high blood kasi ito at mahirap naman kung ako pa ang maging sanhi ng pagkatigok n'ya 'di ba? Besides, bago 'yon, kailangan na muna n'yang aprubahan ang pitch ko. After no'n, pwede na s'yang bumulagta.

"Look, Clem. Alam mong isa ka sa mga pinagmamalaki ng istasyon na 'to. You're one of the bravest reporters we have." Wika nito, putting some sugarcoating words so he can simply deny my pitch. Ugh!

Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero tama naman ang sinabi n'ya. I really am one of their treasures. Kasi kung hindi dahil sa'kin, this station will be on the brink of bankruptcy. If hindi ko cinover ang mga controversial na headlines noon ay hindi matatawag pansin ang istasyon namin. Sino ba namang hindi? I'm always risking my life just to get a perfect scoop. For example, the recent scoop that I covered took me over three months because I became a hostage of an illegal rebel group in Mindanao. Kung hindi ako nagkakamali, I covered a drug syndicate performing a transaction between them and our mutiny. But I know better. Those mutinies? Alam kong myembro sila ng isang sikretong alyansa ng isang taong nagngangalang "Joker." They were called as Buffoons and it's connected with the reopening of the Primus City held two weeks ago.

"But we can't risk your life in a scoop which is..." ako ang tumapos ng sasabihin n'ya.

"... nonsense?" I rolled my eyes. "Bakit ba kasi hindi ka maniwala sa'kin na totoo yung mga nalaman ko? That's why I'm pitching this so I can get enough proofs!"

Isang malalim na hininga pa rin ang binigay n'ya sakin pero hindi ko s'ya hinayaang magsalita uli. Mabilis akong umupo muli sa upuan katapat ng working table nito at tumanghod sa kanya. "Look, Carlos. Alam kong hindi ka naniniwala na totoo ang mga nalaman ko. That's why you need to trust me on this. Hindi ko naman hahayaang may mangyari sa'king masama. And you know me, kapag iba ang kutob ko sa isang bagay, hundred percent, totoo 'yon!"

Carlos Roque— the Chief Editor, glared at me. "Hindi hahayaang may mangyari sa'yong masama? Baka nakalimutan mong muntikan na tayong masuspinde sa trabaho dahil sa pagpupumilit mong i-scoop 'yang ilegal na transakyon sa Mindanao!"

I grunted because I'm already losing patience. Talagang pinipilit ako ng lalaking 'to gamitin ang trump card ko.

"So, you won't agree on this?" kalmado kong tanong sa kanya. "Final answer?"

Mariin ang pagtango nito sa'kin. "Yes, that's final. Submit different pitch—" hindi ko uli s'ya pinatapos ng sasabihin nang bigla kong binagsak ang isang papel sa harapan n'ya mismo.

"Leave form?" takang tanong n'ya sa'kin nang silipin nito ang nilagay kong papel.

"Yes, since ayaw mo naman akong payagan then mag-f-file ako ng leave." Mariin kong wika sa kanya habang humahalukipkip at sumandal sa upuan.

Pinagsingkitan n'ya ako ng mata kahit 'di naman s'ya intsik. "I know what you are doing, Clementine." May pagbabanta sa tono nito. "Basang basa na kita."

Umikot muli ang mata ko sa kanya. "I have my right to file it as soon as possible dahil never pa ako nag-leave from the day I got regularized, excuse me. And... don't worry, hindi ako nag-file ng leave para lang matuloy 'tong scoop. Mahal ko pa trabaho ko."

Ulul, Clem.

Tiningnan n'ya lang ako ng malalim. Glaring to be more precise.

Maniwala ka na, jusko naman oh!

I groaned frustratingly. "Fine! Just accept my leave and I promise that I won't be doing anything that would affect the company."

Ilang minuto pa ang nagdaan bago ito nagbitaw ng sama ng tingin at muling bumuntunghininga. "Sige, I'll approve this... but! Kapag nabalitaan ko sa kahit sino na may ginagawa ka patungkol rito sa pinipintch mo, ipapatawag ka agad kita and I'll send you off to another project you hate the most."

Naputol ang pag-c-cross fingers ko sa aking likod nang marinig ko ang banta n'ya sa'kin. No fucking way! Ang tinutukoy n'ya ay ang project kasama ang pinakaayaw kong makasamang journalist. Damn it!

"Nagkakaliwanagan ba tayo?" I hissed secretly dahil alam kong kaya n'yang totohanin 'yon.

Masama ang loob ko na tumango. "Fine,"

Nang mapirmahan ni Boss ang leave form ko ay kaagad akong nagpunta ng HR para i-submit iyon. Doon ko naabutan ang isang lalaki. Nakakasiguro akong bago lang ito dahil halos kabisado ko na ang lahat ng pagmumukha ng mga nagtatrabaho dito.

The guy was lean. Not hunky type pero masasabi mong may mga muscles sa ilalim ng suot nitong long sleeves. Kulay dirty gold ang buhok nitong malago. Busy itong nagsasalansan ng mga folders sa isang cabinet. Possibly, arranging the employees' 201 Files.

"Clementine Sullivan. Twenty-four years of age. Cum Laude of AB Communications in one of the most prestigious universities. A field reporter for a year now."

Napatigil ako sa paglapit sa kanya nang bigla nitong basahin ang mga impormasyon patungkol sa'kin. My smile eviscerated on my face.

"Sino ka?" malamig kong tanong at hinanda ang aking sarili dahil baka isa na 'to sa mga gustong gumanti sa'kin.

Humarap ang binata. Nakasuot ito ng malaking salamin katulad ng akin. Awtomatikong napahawak ako sa aking mukha at napansing hindi ko nga suot ang paborito kong salamin. Tapos ay napatingin ako sa binatilyong nasa harap ko habang nakangisi na ito ng wagas sa'kin.

That's my eyeglasses! How did he...?

He extended his other hand at me. "My name's Thibault Bradshaw, an Intern."

Hindi ko inabala ang sarili kong tanggapin ang kamay nito dahil baka kung ano pa ang gawin n'ya sa'kin.

"Cool, you're being careful. I like that." Komento nito nang mapansin na nga ng tuluyan ang ginagawa kong pag-iingat. "Been receiving death threats, aren't we? Is that your main reason why you're going to file a leave?"

"Namumukhaan kita," wika ko, ignoring his question and the shock that he knew my purpose of coming here.

Tumaas ang dalawa nitong kilay. Indicating that he's impressed... or not. "Took you what? Five minutes to recognize me?"

"You're the person-in-charge of Hartman Airlines." Untag ko tapos ay naglakad sa kalapit na office chair. Walang ibang tao rito ngayon. I don't know if the HR employees took their breaks or this man did something to make this face-to-face possible.

I have a hunch why he's here. At hindi ko maikakaila na na-e-excite ako. Is this what I've been waiting for?

Thibault did the same. Lumapit ito sa kalapit na office table ng HR Manager at doon ito umupo. He's still holding my 201 files.

"I must admit, you're a very clever and brave woman." Wika nito habang nakatingin sa mga papel ko sa folder. "But you're putting your life at the edge of the cliff."

"I'm aware," I replied.

"Not scared?" he probed. "Or maybe because... you're wishing to end your life that way?"

Nanlaki ang mata ko nang tumingin na ito sa'kin nang nakangisi. It sent shivers to me and I was totally appalled by him. He got me investigated. He was able to dig the deepest of the low of my life. A part where I didn't share to anyone.

Sunod na napakuyom ang aking kamao. I know what he's insinuating. He's trying to distract my emotional state so he can easily get rid of me. But, oh boy. I'm not an easy target.

I was about to counter-attack when he suddenly spoke. It was like he knew when I'll talk or not. "What if I tell you that you shouldn't have blamed yourself of your misfortunes in life?"

Natigilan ako sa sinabi n'ya. Totally stunned by what he had said.

"Family sacrificed themselves so you can live? A deceased Fiancé because of being murdered on the day of your engagement with him?"

Napakuyom ako ng kamao nang makompirmang alam n'ya ang lahat ng tungkol sa'kin.

"Ano'ng kailangan mo sa'kin?" I asked him the million-dollar question.

Ngunit imbes na sagutin ako ay mas lalo lang itong ngumisi sa'kin. "I hope you don't mind asking you this, but why do you want to end your life? Life is fruitful don't you know that?"

Mas lalong nagtagis ang aking panga dahil sa hindi n'ya pagpansin sa tanong ko at nagtanong pa ng mas sensitibo na ayaw kong sagutin.

"Wala kang pakialam do'n," I replied while glaring at him. My clenching fists are itching to give him a punch on his gut.

Nakatingin na ito ng mariin sa magkabila kong pulso. I immediately hid it behind me because he saw my wrist scars.

Nilapag ng talinpadas na 'to ang 201 file folder ko sa table tapos ay tumayo at namulsa sa harap ko. "Tell me, how do you want to die, Clementine? I might be a help."

"And why do you care?"

"Because I care, cheesecake. I value life the most. I'm living the most out of it. And here you are, dedicating your life with dangerous scoops, trying if they can end your life instantly. So, instead of stopping you, I'll push you instead to your end. How does it sound?"

Mas lalo akong napakuyom ng kamao. He's testing my patience.

"Enough," mahina kong untag. I'm sure that he heard that but he's being a bitch. He still continued.

"Aminin mo, the latest scoop na gusto mong gawin... it's not because you wanted the people to know about it. You want it for yourself. Gusto mong ibuntong ang galit mo sa ibang tao. Gusto mo lahat damay sa kamiserablihan ng buhay mo. Tama?"

Hindi ko na napigilan ang sariling galit ko at sinigawan na s'ya. "I said, enough! Ano'ng karapatan mong husgahan ako?! Wala akong pakialam kung 'yan ang paniniwala mo pero karapatan ng lahat ng tao ang malaman ang tinatago niyo ng gobyerno!"

Thibault raised his both arms as if he's surrendering but still grinning. "Oh, feisty! Chill ka lang, I'm not looking for a fight."

Gusto ko s'yang ikutan ng mata dahil sa sinabi n'ya pero mas pinili kong pigilan ang aking sarili.

Natuon ang atensyon ko sa kanya sa sunod nitong sinabi. "I'm here to negotiate,"

Kumunot ang noo ko at nagtanong, "Negotiate?" I asked. Pero dali daling nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin. "Y-You mean..."

Bago pa man din masagot ng lalaking 'to ang gusto kong marinig mula sa bibig n'ya ay s'yang bukas naman ng pintuan ng HR office at pinasok roon ang mga empleyadong nag-lunch break.

"Oh? Mayora Clem! Naparito ka?" pukol ng pansin sa'kin ni Sarah, ang HR Manager.

Pilit na ngiti naman ang ibinigay ko rito, "Magpapasa lang sana ako ng leave form rito, 'di ko napansin na nag-lunch kayo kaya naman nakakwentuhan ko 'tong intern ninyo."

Gulat na ekspresyon naman ang ibinigay sa'kin ng may katandaang ginang at kinuha ang inabot kong folder na naglalaman ng leave form ko. "'Buti naman at 'di ka nabagot rito, pero seryoso ka? Mag-l-leave ka? Himala yata, Hija. Dati pinag-f-force leave ka ni Carlos no'ng araw na bumalik ka mula sa kinasadlakan mo sa Mindanao pero tinanggihan mo. Anong hangin ang bumalot sa'yo ngayon para mag-leave?"

Gusto ko na namang umirap dahil nakalimutan kong may pagkatsismosa nga pala ang Manager na 'to. Ang daldal. Daming hada. Daming kuda.

"M-May napanalunan lang na bakasyon-grande mula sa isang kaibigan. Sayang naman at baka 'di ko na magamit, mukhang maganda kasi." Pagsisinungaling ko.

"Ay true? Maganda? Saan 'yan? Kailan at ilang linggo ka ro'n? You're filing a month leave so mukhang matagal tagal ka ngang mawawala."

My mannerism of tapping my feet non-stop has started on the floor. Ganito ako kapag nagmamadali. I need to talk with their Intern tungkol sa negosasyon na gusto nitong mangyari.

"Nako, chat ko nalang sa'yo later. May tatapusin lang akong field assignment today para next week ay bakasyon grande na. Uwi rin ako agad dahil alam mo na, Friday. Traffic is real." Pagtsika ko sabay lakad sa may pintuan nila.

"Ay gano'n? Sige, tsika mo sa'kin 'yan huh. Enjoy ka do'n!" wika nito sa maligayang tono tapos bigla itong napatingin sa Intern. "Oh, Thibault, akala ko naka-half day ka today? You may go now. Mas maganda siguro kung magsabay na kayo nitong sikat naming reporter dito palabas. Hatid mo s'ya, huh?"

Ngumisi naman ang binata sa ginang tapos ay dali daling kinuha nito ang bag at nagpaalam na.

"Mission, done." Untag ni Thinault sa aking gilid habang sabay kaming naglalakad palabas.

"Let's talk somewhere else," ani ko rito at hindi naman umalma nang hilain ko s'ya.

"Helipad? Nice. Good choice of place but the most dangerous area because you're letting your enemies have an open access to give you a bullet on your head." Komento nito nang tumigil kami sa paglalakad at hinarap ko s'ya. "But then again, you want to die so, I think it's perfect for you but not for me."

"Totoo ba ang Joker—" natigilan ako sa diretyahan kong pagtatanong sa kanya nang hindi ko makapa sa aking bulsa ang always on ready na cellphone kong pag-voice record.

"Looking for this?" gulat na napatingin ako sa binata nang iwagayway nito ang cellphone ko sa ere habang nakangisi.

"P-Paanong...?"

"I'm not dumb to be tricked by a mere reporter like you. Para sa inyo, recording a conversation regarding about your scoop is your life-line. I've already met annoying reporters so don't underestimate me." He replied.

Napamura ako ng mahina dahil naisahan n'ya ako.

"And I know you'll be straightforward. Alam kong walang pag-iimbot kang magtatanong ng diretso lalo pa't alam mong malapit ka na sa inaasahan mong katotohanan." Dugtong pa nito.

"Then, let's cut the chase, genius," I rolled my eyes and crossed my arms on my chest. "Ayoko sa lahat ay yung paliguy-ligoy."

Napasinghap ako ng malakas nang biglang umatake ang binata sa'kin. He gave me straight punches, na mabilis kong nailagan. Akala ko hanggang do'n lang ang atake n'ya pero mas bumilis pa ang kilos nito at sunod sunod na binigyan ako ng sipa, suntok at kung anu-ano pa. Nagagawa kong ilagan ang iba nitong atake pero dahil sa bilis n'ya ay may ilang mga atake itong tumatama sa braso, pisngi at tiyan ko.

Nang makuha ko ang ritmo ng atake nito ay ako naman ang gumawa ng opensa. I'm making sure na sa bawat bira na binigay n'ya sa'kin ay doble ang lakas ang pagkakabalik ko sa kanya. He did few stances a while ago and techniques, I mimicked everything in a sense that he won't notice it right away. I rumbled it and it's effective. Bakas sa tono nito ang magkahalong pagkamangha, gulat at paghihirap dahil habang natagal ay nahihirapan na itong dumepensa. I did his final move a while ago—the Roundhouse kick, but in last few seconds, I already knew that he noticed his own moves already, alam n'yang ito ang gagawin ko bilang huling atake. And so, I changed it, instead clockwise style—just like his move, I did it otherwise.

Doon na ito tuluyang nawalan ng konsentrasyon nang tumama ang binti ko sa panga n'ya at mapatinuhod sa lupa.

The next thing that I heard was his laugh. Palakas iyon ng palakas at kung hindi ko alam na may pagkasaltik 'to? Iisiping kong tunay na 'tong nabaliw.

"Wow! Just wow! That's the second time I got defeated. To think na babae pa." Komento nito habang sinusubukang tumayo.

Hingal ko naman itong tiningnan ng masama. "No one ever beat me after him. Ikaw ang sumunod."

I'm still catching my breath, dahil hindi biro ang ginawa kong paglaban sa lalaking 'to. He's good. Pretty good actually, kung sobrang tibay ng stamina nito kanina at hindi ako tinigilan ay maaaring 'di na ako nakapag-opensa pa dahil sa mga naging atake niya.

"A famous Reporter who can definitely fight. Ibig sabihin, tama ang mga haka haka ng balita..." natuon muli ang atensyon ko sa sinabi n'ya. "... you fought those Buffoons alone, you did kill them. Hindi ang mga sundalo ng pamahalaan kung'di ikaw mismo. You revised the report on national TV and you gave the acknowledgment to them."

So, he attacked me to confirm his hunch about what happened that time? Gago pala talaga 'tong hayup na 'to.

"Ang nakakapagtaka, you fought for your life. That's your biggest chance to die just like you wanted. Why you did the exact opposite of your goal?"

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na tama ang tanong sa kanyang isipan.

I really did want to die. 'Yon ang rason ko noon kung bakit ko pinilit ang Chief na ako ang piliin na mag-cover ng news outbreak despite the danger it may have brought. That's my only chance before so I can end this misery of mine.

Napakuyom ako ng kamao nang muling maalala ang rason kung bakit ko ninais 'yon. At kung bakit ko pa rin ninanais 'yon.

"B-Because of that name I heard from them. The name, Joker." I immediately gave that reason to him. Alam ko sa sarili ko na hindi lang 'yon ang rason kung bakit 'di ko tinuloy. "And you're here to stop me from pursuing it? Hah! Guess what? You just confirmed that my hunches were true!"

Nakamulsa akong tiningnan ni Thibault matapos ko 'yong sabihin. Ni hindi ko naanigan ng pagkabahala na dapat itanggi n'ya na hindi totoo ang tungkol sa iniimbestigahan ko.

"Sino bang nagsabi sa'yong patitigilin kita sa bagay na nagbigay rason sa'yong mabuhay?"

Natigalgal ako sa sinabi n'ya. Does that mean...?

"I'm here to offer something you wouldn't resist to accept, ready to hear it?" Thibault said that made my heartbeat skyrocketed because of nervousness and excitement.

"W-What kind of offer?" I managed to ask.

Tumalikod sa akin ang binata at naglakad ng marahan habang ang dalawa nitong kamay ay nasa likuran nito at magkahawak. "I'll tell you things that you want to know in exchange of doing something for us. Can you do that?"

"What is it?" I asked impatiently.

Muli n'ya akong hinarap at nginisian. "Reveal us." Nalaglag ang aking panga sa gusto n'yang gawin ko.

Hindi ko inaasahan na 'yon ang gusto n'yang gawin ko. Ilalabas ko ang lahat ng nalalaman nila sa publiko? Ano'ng dahilan?

"Bakit ngayon pa? Bakit ngayon niyo lang napagpasyahang ibulgar sa mamamayan ang mga nililihim n'yo sa kanila? Dahil pare-parehas kayong corrupt? Sinasabi na nga ba!" I reacted.

Naging seryoso ang tingin sa akin ni Thibault matapos kong sabihin 'yon. "Katulad ka lang ng ibang kagaya mo, you easily judge the people you think they did something wrong. Gaano ka kalinis, Clementine Sullivan?"

Mas natigilan ako sa naging sagot n'ya sa'kin. He wanted me to feel guilty with my accusation. But it doesn't have to do with me! Ang kapal ng mukha nitong i-relate ang kalagayan ko sa mga ginagawa nilang anomalya sa bansa!

"Compare with my dirt, the secrecy that you are hiding to us was way deeper." Nangngangalit kong tugon.

Natawa ito sa sinabi ko at lalo 'yong nagpaningas ng inis ko sa kanya. "Galit ang kapwa marumi sa kapwa niya ring marumi. How ironic right?"

"You don't need to know kung bakit ngayon lang namin napagpasyahang gawin 'to. The job that we want you to do is way simple. Ibubulgar mo lang ang dami mo pang sinasabi. Ito naman ang gusto mo 'di ba? Impormasyon? Kaya h'wag ka nang magsalita ng kung anu-ano."

His harsh words are still lingering on my mind while we are riding a Helicopter. Dumating iyon matapos ang ilang sandali na pagpayag ko.

He's right. This was what I wanted right? Ang impormasyon patungkol sa Joker na 'yan? Bakit ko nga ba tinanong pa kung bakit ngayon lang nila napagpasyahang gawin 'yon?

He promised my security once this all done. Pero tinanggihan ko 'yon. Kung pagkatapos ng gagawin kong pambubulgar sa lihim nilang organisasyon sa madla ay dumami ang mga death threats ko, then so be it! I don't really care with my own life anyways. Ginago ako ng tadhana kaya gagaguhin ko rin s'ya.

Hindi ko na nagawa pang magtanong kung saan ang tungo namin. Hindi kami nagpansinan pagkasimula ng take off ng Helicopter. Pero makalipas ang ilang sandali ay may nilapag s'ya sa ibabaw ng hita ko na isang folder.

Nasagot ang nagbabadyang tanong kung ano 'to nang buksan ko iyon at bumungad sa'kin ang unang pahina ng isang dokumento.

Primeval Union

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top