22. Reporter

CHAPTER TWENTY-TWO

MY uncovered eye roamed the interiors of the submarine. I'm impressed because of the state-of-the-art weaponry of West Diamond. Aside sa cruise ship ni Amadeus, hindi ko alam na may ganito rin pala s'yang maipagmamalaking pandigmang pandagat. Clevan explained to us what's inside. Lalo na sa'min ni Savannah na ngayon palang nakapasok sa ganitong klase ng sasakyan.

Unlike Kassian and Haji. Clevan was a bit... farouche. Halos kabaligtaran ito ng dalawa pang Jacks. Haji and Kassian were a carefree type of a man, doesn't care what others would think of them, but this guy? He's somehow a follow-the-book breed of a man. Always following rules and adhere what their superior wants according to protocol.

Neptune 1311 is a nuclear submarine that serves as the sea soldier of the seas and ocean of the Philippines. It roams around the whole country to detect possible threats arising from different corners of the boundary. It has an upgraded sonar layout, loaded with tomahawk torpedoes and eighteen ballistic missiles. Length for about five hundred feet; speed of having thirty-five knots or equivalent to sixty-five kilometer per hour and with a total volume of displacement of ten thousand tons.

"Well, thank you very much with those... informative details of the ship and touring us around." Anas ni Savannah nang magtaas ito ng kamay upang sumingit sa sinasabi ni Clevan. "But, we have bigger problems to face and I hope you are fully aware of that."

Humingang malalim si Clevan bago nito tinanguan ang ilang mga security na nakasunod sa amin upang senyasan na lumabas sa quarter area ng submarine. Nang masigurong nakalabas na ang mga bantay ay mas seryoso kami ngayong tiningnan ni Clevan.

Tama rin kahit papaano ang assessment ko sa kanya. He's farouche at times but when the topic was getting more intense, he's more than humorless than Kassian and Haji.

"Why are you here? You're Stavros' Jack, ano'ng ginagawa mo brad sa isang submarine ng taga West Diamond?" si Thyra na mismo ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming apat.

"I'm just here for emergency purposes. I'm assuming that you three already knew that the Kings already figured out who you are... Augur." Untag nito at dumiretso ang tingin sa'kin sa huli nitong sinabi.

"And the part where all Jacks are doing something behind their plans..." Savannah added while crossing her arms on her chest.

Clevan moved his eyebrows once and gave us the look that we got it right.

"Well, my main part on our plan is to assist the Augur to East Heart for you to meet the busiest man on Earth. But we're still in tack of you following what's the best for your life, Augur." Mas sumeryoso ang tingin ko sa kanya. "If you really want to live then you must persuade the Primeval Union that you're not a threat."

"They want me dead so they can have the Relics on their own, Clevan."

Umigkas ang isang kilay ni Clevan sa sinabi ko. I'm pretty sure that he already knew that part. "Were you able to figure it out or was it Haji who made you realize the purpose of your death?"

"The latter, are you still going to insist to convince them that I'm not a threat?" I asked him while I'm squinting my eye.

"You must and I don't know how will you do it but I'm pretty sure that the Kings decided to hide you instead. Am I right?" we gave him the silence. "That's the dumbest plan that they have come up."

Umiling iling ang binatang ito sa amin matapos nitong sabihin ang huling mga katagang sinabi n'ya patungkol sa plano ng mga Hari. He sounded really disappointed.

"Let me think it through then." Untag ko nalang rito na kinatango ng binata. Persuading them is nonsense. For now, this is for the best. Letting him know that I'm not yet closing any door with their ridiculous idea.

"Kung may kailangan kayo, sabihin n'yo lang ang bantay sa labas. Our estimated time of arrival to East Heart would be around two hours. Will you excuse me, I need to make a few phone calls to the Jack of Hearts."

Hinayaan namin s'yang umalis at nang sumarado na ang pintuan ay madali akong dinaluhan ng dalawa.

"Don't tell me that you're still at it, Cleopatra Selene." May halong inis at galit na pangungumpirma ni Savannah sa'kin. "Alam mong hindi sila makikinig."

"Aren't they?" I mumbled.

Savannah scoffed at my reaction. "You're unbelievable! Gusto mo na bang mamatay talaga?"

"What? Of course not!" I replied exaggeratedly.

"Bakit mo pa kailangang pag-isipan?" it was Thyra who asked.

I took a deep breath. "That option is not out of the picture just yet. If I'm playing my cards properly, I can definitely use that tactic for my gain. Especially, ngayong nagsanga sanga na ang mga problema. Nagsimula sa vision ko three years ago, sa paghahanap ko sa mga Hari, sa pagiging Augur ko, sa mga Relics na kailangan kong kolektahin, Primeval Union na gusto akong patayin at ngayon, dumagdag pa ang medalyon na nasa dibdib ko na hindi ko pa alam ang pagkakakilanlan."

"Tama ka, napapansin ko nga rin ang pagdami ng problema. Nag-umpisa lang sa vision ng pagkabuhay ng Joker, tapos..."

Si Savannah naman ang sunod na nagsalita. "Tapos nakidagdag pa ang mga animal na mga Hari na 'yan na sobrang pabebe dahil ayaw na nilang tanggapin ang responsibilidad nila bilang Hari para man lang matapos na ang mga ito."

Tumango tango ako.

"So..." Napatingin ako kay Savannah, "You said you are going to use the Primeval Union for your own gain? It seems like you have something in your head... does the Angel became a Devil now?"

Binigyan ko s'ya ng isang makahulugang ngisi. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa noon kahit na kailan. "I may not physically good enough but I know how to use my brain... as the Android. They're underestimating me, so I'll definitely slap them what I've got."

Nagkatinginan sina Savannah at Thyra, sabay na ngumisi gaya ko.

"We're on it," Thyra said. "What do you have in mind?"

I craned my neck from left to right. "We need to know where to start first." Untag ko sa kanila, slightly sneezing.

"Given na ang root cause nito ay ang Joker." Anang Thyra.

"So, should we start knowing the Joker first?" Savannah suggested that got my attention. That's a great idea.

"Ang ibig mong sabihin ay kilalanin natin kung gaano s'ya kasama?" masungit na pangungumpirma ni Thyra.

Umiling ako. "No, we should start by learning what kind of Joker he once before he became like that,"

Thyra hissed beside me as if she doesn't believe it. "He's evil. 'Yon lang ang dapat nating malaman."

I frowned at her. "Every evil has their own stories why they ended up like that, Thyra."

"At ano ang gusto niyong mangyari? Ang ibalik s'ya sa dati? Patawarin s'ya sa mga ginawa n'ya? Sa mga taong pinatay n'ya?"

Nagulat kami sa biglaang pag-react ng ganito ni Thyra. Mabilis naman 'yon napansin ng dalaga at tumungo.

"I'm... s-sorry. Alam n'yo naman kung bakit. Hindi ko lang siguro kayang... alamin pa kung ano siya bago n'ya sinimulan ang digmaan noon." Mahina nitong wika sa amin ni Savannah.

Nagbuntunghininga naman ako bago ko pinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakakuyom pa. "We understand, don't worry, but we have to know it so we can get a lead how to stop him."





* * *





East Heart Underground Tunnel

WE just landed in an underground sea port area of the East Heart territory. Ang sabi ni Clevan sa amin, lahat ng towns ay may ganitong facility for the Neptune 1311. Nagsisilbing sikretong daanan upang itawid ang mga importanteng opisyal sa pamahalaan para iiwas sila sa kahit anumang balakid at kaaway.

"Act like these men while you are walking outside. I got an Intel, na nakamasid na ang lahat sa'yo Augur. Don't remove your caps as it will prevent your face to be recognized by the cameras. Primeval Union is now coordinating with the Philippine Government. Desperado na silang makuha ka." Paalala ni Clevan sa amin habang naglalakad kami paakyat sa lupa.

The Primeval Union, sa totoo lang, I'm really impressed with their organization. I don't know what's keeping them to make this everything as a secret pero nakakamangha lang na marami rami rin pala talaga ang myembro ng organisasyon nila. Hindi ko alam kung paano nila ito tinatago sa iba pang Pinoy na hindi alam na may ganitong pangyayari. Na may apat na towns, na pinamumunuan ng mga Hari; hierarchy system of power; at iba pa. I should ask Thyra more about this.

It's really intriguing.

I only have the gist of their organization's purpose but I still don't know the whole story. Kaya siguro ako na-f-frustrate. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nila ma-explain sa akin ng maayos ang lahat.

"You'll be escorted by one of our Generals to the former King of Hearts' Manor."

King of Hearts... the last King that I should face.

"Nandoon ba ngayon ang dating King of Hearts?" Tanong ni Thyra na nagpatuon sa'kin kay Cleven, anticipating his reply.

Umiling ito. "According to the Jack of Hearts, he's still in the Airship Hangars to test his newly integrated war jets, but he was informed about the three of you." He explained. "But rest assured that he made sure that no one could ever know that the three of you will be there."

"And you?" Savannah asked.

"Me?" Clevan asked and pointed himself. "What do you mean, Queen of Clubs?"

Savannah rolled her eyes. "You're one of the Jacks. If Kassian and Haji have been completely baffled us with their stints, what's yours?"

Pagkamangha ang namutawi sa ekspresyon ng mukha ni Clevan. Hindi inaasahan ang pagiging straightforward ng kaibigan. "As I've mentioned, my only help is for emergency purposes like this and of course reminding our dear Augur to fulfill her task."

I snarled as soon as he mentioned it. I suppressed myself of agreeing with what he wanted me to do with the Primeval.

"No something under your sleeves?" Paninigurado ni Sav.

Sunud sunod na iling naman ang ibinigay ni Clevan.

"Well, whatever," untag ni Sav nang makuha ang gustong sagot.

"By the way," muli kaming napalingon sa kanya. "Jack of Hearts said that you need to be careful with the woman you will meet later in the Manor. He's not there to protect you with that scheming bitch."

Sabay sabay kaming napakunot sa sinabi nito pero iginiya n'ya na kami sa dadaanan. He just smiled at us and made a salute gesture before he submerged himself back to the submarine.

We are currently in a secluded van. May mga kasama kaming mga sundalo ng East Heart but just like how they were trained, their ignoring the three of us. Though, nakahiwalay kami ng pwesto, but still, it's quite uneasy for us to talk over something.

When we arrived at the East Heart Manor— it's the same version of Nicodemus' ranch, we were welcomed by a dozen of maids lining up outside of the house. The three of us got shocked when two of the royal guards raised their swords and motioned it as a start of their play.

Pakiramdam namin para kaming prinsesa na may pa-welcome ganap.

Nagsimula kaming maglakad papasok, sa dulong bahagi ay may isang magandang dalaga ang nakatayo at ngiting ngiti sa aming tatlo. Nang kami'y tuluyan nang nakalapit ay mas nakita namin ang itsura ng dalagang sumalubong.

Her hair is blonde, a few inches taller than me, has fair skin and petite figure. Maybe what I don't like was her makeup and... hairdo. It's kind of OA.

She has a small wig with a greenish tiara in the center. Her makeup didn't match at all, why? Bluish color on her eyelids, matte red lipstick color. Para rin itong sinampal sa magkabilang pisngi dahil ang OA ng pagka-blush.

Pasimple kong tiningnan sa aking gilid si Savannah. S'ya ang natatanging tao na gusto kong makita ang reaksyon. She's a fashion enthusiast so therefore, a cringe face would more likely has been plastered on her. At 'di nga ako nagkakamali, mas malala pa nga kung tutuusin ang pagkadisgusto ng mukha nito sa dalagang sumalubong sa'min.

"Maligayang pagdating mga ginigiliw naming panauhin!" pagbati ng dalaga sa'min. "Maligayang pagdating sa East of Heart Grand Manor!"

A dead silence happened.

Muntik na kaming mapangiwi sa pilit n'yang pananagalog. Ako na ang bumasag ng katahimikan para matigil na rin ang pagngiti n'ya ng wagas. It's damn creepy.

"M-Maraming salamat," tugon ko rito at ako'y nagitla nang bigla itong lumapit sa'kin at ako'y yinakap.

"Hindi ako makapaniwala na may napili na palang mga Reyna ang iba pang mga Hari." Komento nito tapos sunod na yinakap ay si Thyra na kaparehas ng aking reaksyon ay nakangiwi rin at tila nagulat. Nang si Savannah na ang yayakapin nito ay mabilis na hinarangan ni Sav ang mukha ng babae at bahagyang tinulak.

"Uhh, si Queen Savannah lang ang totoong Reyna— damn it!" komento at reaksyon ni Thyra nang sikuhin s'ya ni Sav sa gilid.

Tumango tango ako sa harapan nang sumalubong. "Totoo 'yon, kami ang... nakatalagang bantay ni Queen Savannah." Komento ko.

Halos pandilatan ako ni Sav sa mga sinabi ko pero sinenyasan ko nalang ito na manahimik.

It's better off this way. May katotohanan rin naman 'yon. Hindi naman talaga kami Reyna ni Thyra.

"Ah, gano'n ba?" nagulat kami nang biglang sumeryoso ang tono ng dalaga at tila nandiri sa aming dalawa ni Thyra. Muling nanumbalik ang tingin nito kay Savannah at ngiting ngiting kumapit sa braso nito. "Kinagagalak kong makilala ka, Queen Savannah. Kung hindi mo nalalaman ay ako rin ang reyna ng lugar na 'to. So, I think, magkakasundo tayo."

Mabilis na umarko ang kilay namin ni Thyra lalo na ng hilain ng babaeng 'yon si Savannah papasok ng Manor. Sinenyasan ko si Sav na magtiis sa presensya ng babaeng 'yon at wala s'yang nagawa nang samaan ko s'ya ng tingin.

"S'ya ang... Queen of Hearts? Ba't parang... 'di kapani-paniwala?" komento ni Thyra sa aking gilid na s'ya kong sinang-ayunan.

"Kasi hindi naman talaga s'ya ang reyna." Napalingon kaming dalawa ni Thyra nang may magwikang isang ginang sa aming gilid. She's wearing a formal outfit with a pencil cut skirt and flat shoes. "Ako nga pala ang Mayordoma ng buong Manor. Tawagin n'yo nalang akong Hilda."

Mabilis kong kinamayan si Mayordoma Hilda at maging ni Thyra. "Kinagagalak po namin kayong makilala, Hilda." Pagbati ko rito.

Hindi yata fan ng pagngiti si Hilda. Seryoso ang mukha nitong tinanggap ang aming mga kamay at tumango lamang. "Halika na kayo, nasabihan kami ng Kamahalan na hindi kayo maaaring matanaw ng kahit na sinong taga-Primeval Union rito sa labas.

"Nasabi ho ba ng inyong Hari kung bakit?" tanong ni Thyra habang kami'y naglalakad papasok.

"Wala kaming karapatang magtanong ng kahit ano sa utos ng Kamahalan. Kung ano lang ang kanyang inutos ay iyon lamang ang aming tatanggapin nang walang tanong tanong." Tugon nito sa amin.

Ako naman ang sunod na nagtanong. "Pero paano nalaman ng babaeng 'yon o inakala most likely na Reyna kami?"

"Dahil nanggaling ang utos mula sa tatlong Hari ng North, South at West. Inakala ni Vicky na kayo ang reyna ng tatlong Hari."

Vicky. 'Yon pala ang pangalan ng babaeng sumalubong sa'min.

"Ang sabi n'yo ho ay hindi si Vicky ang Reyna talaga ng lugar na 'to, pa'no n'yo po nasabi? Sana ay okay lang itanong." Tanong ko sa ginang.

"Maaari naman Binibini. Isa kasi si Vicky sa mga anak ng myembro ng Primeval Council. Pilit silang pinagkakasundo kaya kung umasta ang babaeng 'yon ay akala mo s'ya na ang itinalagang Reyna ng East Heart." She replied.

"Pilit na pinagkakasundo? You mean, arrange marriage na ending?" pagkokompirma ni Thyra.

"Oo, hindi n'yo ba alam? 'Yon lagi ang laman ng mga balita ngayon sa Primeval Union. They want to pair up their daughters sa mga Hari. Dito palang sa East Heart may kongkretong pangalan kung sino ang ipapakasal sa aming Hari. Ang sa iba ay nananatiling tikom."

Napakuyom ako ng kamao dahil sa plano ng mga taga-Primeval. They're really desperate to get the power they want.

Nasa tapat na kami ng isang magarbong pinto na mukhang magiging kwarto namin. Hilda was about to open the door when the woman named Vicky suddenly appeared beside her. "Sandali, Hilda." Utos nito sa ginang.

"Ano ho 'yon... Kamahalan?" anang Hilda pero halata ang pagkadisgusto sa pagtawag nitong kamahalan kay Vicky.

"Ilipat mo sila sa kwarto ng mga maid. They're not the Queens of Diamonds and Spades, so why give them a luxurious room? Alila sila ni Queen Savannah kaya nararapat na doon sila matulog."

Now I see why Hilda hates this woman. Ibang iba ang ugali na pinakita nito kanina sa amin sa pinapakita n'ya sa'min ngayon. From goofy to being bitch ang naging ganap ni Vicky.

And I think she's the woman, Clevan, was talking about. Babala mula sa dating King of Hearts na mag-ingat kami.

"Hoy, sino'ng nagsabi sa'yong mga alila kami ni Savannah?" maangas na tanong ni Thyra na nagpagulat naman kay Vicky. Hindi inaasahan na may sasagot sa kanya ng ganoon.

"How dare you talk to me like that?!" sigaw nito sa amin. "I'm the Queen of Hearts and don't you dare—"

Pinutol s'ya ni Thyra. "You're the Queen of this town? Sige nga, where's your Acknowledgement Tiara as a sign that you've been acknowledged by the Ancient Ones?"

Napipilan si Vicky sa naging hamon ni Thyra. Halatang wala pa s'ya no'n katulad nang kay Savannah na lumitaw sa noo.

"M-Makukuha ko rin 'yon! Ikakasal na kami ng Hari dito kaya respetuhin mo ang magiging Reyna ng bayan na 'to!"

Ngumisi si Thyra, her usual boyish grin. "I don't take orders from anyone but my Queen. I'm her Lieutenant General and I'm here to protect her. Hindi ako alila katulad ng iniisip mo."

Si Vicky naman ngayon ang ngumisi. "Lieutenant General ka lang naman pala 'eh. Gano'n din 'yon, tuta ka ng Reyna, ibig sabihin, alila."

Akmang susugurin ni Thyra ang babaeng 'to kung'di ko lang s'ya pinigilan.

"Ano? Sasaktan mo ako? Go! Kapag nalaman 'to ni Daddy, for sure, he can easily pull some strings para matanggal ka sa posisyon mo. Remember their power."

Napakuyom ako ng kamao sa mga lumalabas sa bibig ni Vicky. Ngayon ko napapatunayan na ganid na nga sa kapangyarihan ang mga taong nakaluklok sa Primeval Union. A daughter of one of the members was using her father's position? Not a good idea.

"Ang ingay ingay na naman ng lugar na 'to dahil sa talak mo!"

Sabay sabay kaming napalingon sa babaeng biglang nagsalita sa aming likuran.

"Ikaw na naman?!" nanggagalaiting wika ni Vicky at nilapitan ang dalagang nakangisi rito.

"Oh, bakit? Ano'ng problema mo? Sasabihan mo rin ba ako ng gaya ng mga sinabi mo sa kanila? Tsk, be wittier, Vicky." Anang ng babaeng 'yon.

Nakasuot ito ng pang-reporter na damit, naka-cap, may hawak na writing board sa kamay habang nakapamaywang kay Vicky.

"Ano'ng ginagawa mo rito?! Umalis ka nga sa pamamahay na 'to!" inis na inis na irit ni Vicky rito.

"Ay nako 'wag kang mag-alala, gusto ko na ring umalis rito dahil nakita ko na namang 'yang mukha mong dinrawingan na naman ng mga bata. In fairness huh, poster color na ginamit nila sa mukha mo at hindi water color." Mapang-asar na wika ng dalagang reporter. "... I have an appointment later with your Fiance, bitch. Bakit? May magagawa ka ba? Alila ka rin naman n'ya 'di ba? Kahit anong sabihin n'ya, gagawin mo?"

Mas may ikakaiinis pa pala ang mukha ni, Vicky. Vicky screamed in annoyance before she left us alone and started walking out. The woman hissed while smirking. "Makapagsalita 'to sa iba na alila sila pero parang s'ya, hindi. Baklang 'to!"

"Ate Hilda!" nagulat kami ni Thyra nang biglang sinugod ng babaeng tumulong sa'min sa pang-aalipusta si Hilda. "Na-miss kita!"

"Nako kang bata ka oo. Na-miss ka rin namin dito. Mabuti't maganda ang timing mo at naligtas mo ang mga panauhin ng aming amo sa kamay ng babaeng 'yon." Anang ni Hilda.

The woman who helped us rolled her eyes. "Nakakapanawa na s'ya kaaway actually, walang thrill. Pero nakakabwisit pa rin ang pagiging feelingera n'ya." Untag nito tapos ay napagawi ang tingin nito sa amin ni Thyra. "Pagpasensyahan n'yo na 'yon huh? May sayad si Ati."

"S-Salamat," untag ko. "Ano nga palang pangalan mo, tapos nasabi mo kaninang may appointment ka sa amo ng Manor na 'to? Teka, wait—" nanliit ang mga mata ko sa itsura n'ya dahil parang nakita ko na s'ya. I gasped when I finally recalled who she is. "Natatandaan kita! Ikaw 'yung nangulit kay Jose Clemente sa opening ng Primus City sa TV 'di ba? Yung reporter?"

Napahawak ang isang kamay nito sa dibdib as an act that she's flattered. "Oh my, hindi ko alam na may Fan pala ako rito." Natatawang komento ng magandang dilag na 'to at kapagkuwa'y inilahad n'ya ang kanyang kamay sa'kin.

"Yep, tama ka ako nga 'yon. Yes, I'm here for an appointment..."

Nagkatinginan kami ni Thyra nang marinig ang opisyal nitong pagpapakilala sa'min at ang sagot n'ya sa naging tanong ko.

I think we got the best person to know the Joker's life.

"... I'm Clementine Sullivan, Head Reporter of ABXGNA News Department and I'm here for a special coverage documentary of the Joker's previous life."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top