19. Antanaklasi
CHAPTER NINETEEN
NAPAPIKIT AKO NANG malasap ang tubig at bula na bumabalot sa buo kong katawan. Hindi ko napigilan ang hindi mapadaing dahil sa wakas ay nakatikim rin ako ng ligo. Sa bath-tub ako nagtatampisaw habang nakataas ang binti kong may sugat.
I was informed to stay here and take a bath. Sa kwarto mismo ni Amadeus. At first, humindi ako kasi bakit sa kwarto n'ya pa? Bakit hindi nalang ako ipadala sa isang kwartong bakante. Ang sabi na lang sa'kin ng tauhan ni Amadeus, hindi raw pwede dahil naka-reserve na sa mga bibisita sa party mamaya ng barko.
Umahon ako sa bath-tub at nagtapis. I walked inside of Amadeus room. Anakng, buti wala pa s'ya. Inayos ko ang pagkakatapis ng tuwalya sa aking dibdib. Huli na nang mapagtanto kong wala nga pala akong damit na dala dahil inaasahan kong matatapos ko ang misyon ng ngayong araw rin.
Dyahe puta!
Nawala ang pagka-badtrip ko nang may makitang isang malaking kahon sa maliit na kama ni Amadeus. The bed was just enough for his frame. Pang-isahan lang talaga. Binuksan ko ang kahon and I was astounded upon seeing a beautiful Cyan asymmetric sleeve ruched dress. It's shining beautifully as the green ornamental beads were perfectly quilted, from top to the short slit on the sides. My eyes went back to the box. May isang pares na silver stilettos na kasama ang naturang gown. Kinuha ko ang isang papel na nasa box rin. It's a note at may kasama iyong invitation card.
It's the cruise ship party auction. Ngayon pala ang unang araw ng pagbubukas ng barko na 'to. That explains the people and guests who got invited.
Binasa ko ang nasa note.
Wear this. Don't ask why, none of your business.
Umikot ang mata ko sa nakasulat. Halatang halata kung kanino galing 'to. Sa tunog palang ng sulat, wala nang mas arogante at bossy pa sa Amadeus Valmonte na nakilala ko sa loob ng ilang oras ng pananatili ko rito.
'Di ba ako pwedeng humindi rito? Hindi naman ako ma-party na tao. Ayoko ngang nagsusuot ng ganitong dress pero marunong akong maka-appreciate ng kagandahan.
Nagbuntunghininga ako at hindi na umapela pa. Kesa namang suotin ko uli ang suot ko kanina, titiisin ko nalang 'to.
As soon as I'm done wearing this... sinful dress, dumiretso ako sa full body mirror na mayro'n si Amadeus. Nagulat ako sa taong nasa salamin. Ako ba 'yan? Sinong chicks 'yang nasa repleksyon?
May mga nakalatag na mga make-up kit sa isang vanity table. Napairit ako ng bahagya sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis kong tinapangan ang mukha ko and I made my usual stance to defend myself.
"Hey, we come in peace." It was Haji. May kasama itong dalawang babae sa likod nito. His eyes roamed on my entire look and he gave me an inverted smile in which a sign that I reached his standard for a woman. "You look... different. Nice."
"Ano'ng ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong sa kanya habang pasimpleng binababa ang dulong bahagi ng suot ko dahil sobrang ikli niyon.
"They are here to fix you up." Haji replied. Hindi ko na napigilan pa ang magtanong lalo na nang bigla akong tinulak ng dalawang babaeng 'to sa harap ng salamin.
"Ano bang mayro'n at kailangan kasama pa ako sa party na 'yon? Pwede naman akong mag-stay rito, brad." Anas ko rito habang naiinis dahil medyo nasasabunutan ako ng isang babaeng nag-aayos ng maikli kong buhok.
"Blame, Deus for it." Turan nito tapos ay sumandal sa gilid ng pintuan, humalukipkip at nakangisi lang sa'kin. "Actually, I suggested it."
"Ano?! Ba't mo naman ginawa 'yon?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Kasi kailangan n'ya ng partner as his date. S'ya ang may-ari ng barkong 'to kaya marapat lang na may date s'ya." Haji replied while grinning at me. Parang tuwang tuwa sa pagkakabusangot ng mukha ko.
"Marami namang babae d'yan ang pwede mong itambal sa kanya bakit ako pa?" segunda ko. Baka sakaling ma-realize nito na tama ako.
"Thyra, right? That's your name? You see, even if they're not the Kings of their towns, they still have a reputation to care. Hindi basta bastang babae lang ang pwede naming i-date sa kanila na ipapakita sa madla. Besides, maarte sa babae si Deus. He doesn't want to be paired with anyone— take note, he's been specific that he doesn't like a slutty woman to be paired up to him." Haji explained.
"And what makes you think that I'm the right candidate?" I asked while glaring at him in the mirror.
Haji's grin grew more. Hindi ko alam kung kanino kay Haji at Kassian ako dapat kabahan dahil sa mga ngisi na 'yan.
"We prefer someone who has achieved something already. You're a former Lieutenant General of North Clubs, right? That's one. Also, we need someone who... don't like his attitude and can easily pretend that you like his company." Haji answered.
Napakunot ako sa huling parte ng sinabi n'ya. "Taong may ayaw sa ugali n'ya pero dapat magpanggap na gusto n'yang kasama ang gagong 'yon?" I scoffed. "Guess what, I don't know how to act."
Kumibit balikat si Haji. "The former King of Clubs said that before you became LG, you've had the training to be a spy. In which, it requires you to act... and pretend."
Napapikit ako at napangiwi dahil nahuli ako ng loko na 'to. Talaga lang Nicodemus? Kailangan talagang ipaalam mo sa kanila ang bagay na 'yon?
"I hope you can still fight though."
Napabalik ang tingin ko kay Haji nang sumeryoso ang itsura nito habang nakatitig naman ngayon sa sahig.
"Bakit? Ano'ng mayro'n?" I asked curiously. Hindi ko gusto ang sinabi n'ya. Parang alam nitong— sandali.
"May mangyayari bang..." hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko dahil nasa tabi ko pa ang dalawang babaeng nag-ayos sa mukha at buhok ko. Pero ilang sandali lang ay walang tanong silang lumabas ng kwarto at sumaludo pa kay Haji bago ito tuluyang lumabas.
"Anong pinaplano ninyong mga Jacks, Haji? Kahapon pa ako nahihiwagaan sa mga kinikilos at sinasabi ni Kassian. He said that all of the Jacks are working together this time because of the threat arising. Ano ba 'yon?" tanong ko rito at halata sa boses ko ang desperasyong malaman kung ano ang binabalak nila. "Bakit gusto ninyong h'wag sabihin sa mga Hari ang tungkol kay—"
"Kay Cleo?" ito ang tumapos ng itatanong ko.
Haji closed the door and looked at me with his straight and impassive eyes. Nando'n na ako sa antisipasyon sa kaseryosohan ng topic namin nang bigla itong ngumisi.
"Kasi trip namin mangialam?" untag nito pero agad ko itong sinamaan ng tingin nang tumawa pa ito sa akin.
Nang hindi ako nagsalita at patuloy lang ang pagbigay ko rito ng sama ng tingin.
Haji sighed.
"Fine," muling nagbalik ang atensyon ko sa sasabihin nito. "Kailangang manggaling kay Cleo ang katotohanan na 'yon sa kanila. Hindi tayo."
Kumunot noo naman ako sa sinabi n'ya. "Pero bakit? Alam mo bang delikado ang buhay n'ya sa kamay nila lalo na kapag sinabi n'ya? They were tasked to bring her to the Primeval Union Council. And god knows what they will do to her!"
"Because she will be destroyed? Well, 'yun ang gusto ng Council. Pero..."
"Pero ano?"
"But the Ancient Ones happened." Haji continued. "They're the ones who ordered the Council to revive the Primus City and gave the job to the former Kings to look for her."
"What difference does it make? Gano'n din naman 'yon?" untag ko.
"They didn't say na sirain ang Android, 'yon ang pagkakaiba. It was the Council who prefers and suggested it but the Ancient Ones didn't respond anymore."
Natigilan ako at napaisip sa sinabi n'ya. Ibig sabihin...
"Oops! Don't go there yet. Ancient Ones may be thinking and might consider the Council's suggestion kaya h'wag muna tayong umasa. Especially na mabilis na nakarating sa Council ang nangyari kanina sa Buffoon. Clearly, that piece of an ass Joker clarified that the Android will help him to arise. But we need Cleo to confess she's the Android and try to persuade the Kings and the Council that she's not a threat." Haji suggested.
"Persuade them? Sounds impossible ngayong sa sinabi mo ay nakarating na sa Council ang nangyari sa Buffoon na nahuli." I rebutted.
"Yes, kailangan n'ya mapabago ang isip nila kung gusto n'yang mabuhay pa."
"Pero paano?" I desperately asked. "Paano n'ya makukumbinsi na hindi n'ya gigisingin ang Joker?"
Kumibit balikat lang si Haji sa'kin. "I don't know but there has to be a way for her to persuade them. If she can really see the future and saw that the Joker will rise, then she should've seen how to prevent it. Visions are not just one-sided. It's like a coin with two faces. And from there, you must have gotten the idea of what am I talking about."
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kanina bago ako naligo. About Cleo seeing a glimpse of weapons to forge. Kung mangyayari palang 'yon then ang babala na sinasabi ni Haji...
"You asked me if I can still fight right?" I asked him.
"Yes," he replied slightly confused when I brought that up and my sudden change of mood.
Lumapit ako sa bag ko at kinuha ro'n ang baril na kakailanganin ko. "I'm always ready. Kung ano man 'yang mangyayari mamaya sa party? I can definitely fight."
* * *
THE auction has just started. Umarko paitaas ang isa kong kilay nang makita ang kabuuan ng bulwagan. It's the center area of the cruise ship where elegant parties were being held. An area where I do not really belong.
Humawak ako sa hand railings dahil nasa ikalawang palapag ako ng sentro ng bulwagan. From here, I can see all the people in the auction. People wearing formal attires and fancy dresses. And damn, don't forget to mention their million dollar bling hanging on their necks, earlobes, and wrists.
Humigpit ang hawak ko sa cyan colored pouch na naglalaman lang naman ng baril ko. I need to be ready any time lalo na't mukhang may mangyayaring hindi maganda mamaya gaya ng sinabi ni Haji.
Speaking of Haji, he's now downstairs. Kasama nito sina Cleo, Savannah at Amadeus. Hindi nakita ng mata ko ang dalawa pang Hari.
Haji raised his wine glass at me then his other arm snickered Amadeus to get his attention.
Tangina, oo nakaka-appreciate ako ng kagwapuhan pero nang lumingon sa gawi ko si Amadeus ay naiwan yata ang hininga ko nang makita ang kabuuan n'ya.
He's remarkably dazzling with his semi-formal get-up. Trousers which are awkwardly low, he's wearing a pair of wingtips shoes without socks. As for his upper garments, he's wearing a collar neckline military colored blazers with a v-neck white shirt as his inner cloth. His hair was waxed upward and it emphasized his slightly shaved beards.
Amadeus' expression was slightly different this time. My right brow twitched because of that. Wala pa rin namang ekspresyon but his lips are slightly parted when he's eyeing me from my top to bottom.
I decided to go down now. Medyo nahiya na ako sa paraan ng pagtitig n'ya at sumasabay pa ang nakakalokong ngisi nina Cleo at Savannah sa'kin. Halatang may kakaibang iniisip.
Parang dapat kong mas katakutan ang ngisi nitong dalawang babae na 'to na nakakaloko kesa sa mga Jacks, ah. Hanep!
Nang makalapit na ako sa kanila ay mas lalong lumawak ang ngisi ni Savannah sa akin at gano'n din naman si Cleo. Anakng! Both of them are extremely beautiful.
Savannah's wearing a simple crimson cocktail dress that matches her bitchy make-up as her lips scream blood and her hair-tips are waving at us. Her petite curvy form also screams lust to whoever man would see her. A villainous vixen.
"Hindi na ako magtatanong sa'yo kung first-time mong magsuot ng ganyang damit. Halata girl, but hell yeah girl! I thought you'll gonna wear your skimpy and boring clothes here. Akala nga namin ni Cleo ay mag-mi-military kang suot. You're making me a lesbian because of your total look!" histerikal nitong reaksyon matapos akong besuhan sa magkabilang pisngi.
"I totally agree with her, Thyra! My gosh, are you the lost member of Victoria's Secret Angels? Nakakatibo ka!" anas naman ni Cleo nang ito naman ang bumeso sa'kin.
I bit my lower lip. A mannerism whenever I'm being shy because of... praises.
"A-Ano ba kayo mga, tsong. Ako pa rin naman 'to." Tugon ko sa kanila pero bahagya akong napaatras nang duruin ako ni Savannah at tingnan ng masama.
May ginawa ba akong masama?
"You better skip those words you're using, girl. You are a full grown woman right now so better act like one. A'right?"
Napakamot ako sa aking buhok. "Sensya, nakasanayan lang—"
Mabilis na tinanggal naman ni Cleo ang kamay ko sa buhok ko. "Act means not just how the way you converse, silly. Pati na rin sa galaw. You move like a man. Reacts like a man. Wala naman kaming problema do'n because that's you. Pero kahit ngayon lang, please? Can we have a girl bonding experience with Savannah?"
Did I ever say that Cleo's pa-cute act was like a charmer? Like no one could ever resist it?
I rolled my eyes at them and said. "Fine."
Parehas na nagdiwang ang dalawa then Sav's pointing her fingers on my eyes. "That's it, girl! Roll that tantalizing eyes of yours! Crush it!"
I shushed them because they're getting people's attention. Then we three laughed silently.
"So, the former Lieutenant General's wearing... a very sinful dress, huh." Sinamaan ko ng tingin si Haji nang magkomento s'ya habang iniaabot n'ya sa'kin ang isang baso ng white wine. Para namang 'di n'ya ako nakita kanina kung maka-react ng gan'yan 'nakng.
Lumingon ito bigla kay Amadeus na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. "You really have a good eye making a woman more beautiful."
I heard him hissed then averted his gaze on the stage, completely ignoring me— or not...
"Come here," rinig kong utos nito sa'kin na pakiramdam ko ay nagpamula sa mukha ko.
Tangina, si Thyra Zavaroni pinamulahanan ng mukha?!
I was about to walk near him— and mind you, I didn't know why my feet suddenly move after Amadeus said that when Cleo and Savannah grabbed my both exposed shoulders and snatched me away from him.
"In case you haven't heard us, cold guy? We're going to have a girls bonding. Girl ka?"
"She's my partner," Amadeus replied, emphasizing each word.
Tinaasan naman ito ng isang kilay ni Savannah. "Partner lang naman pala, eh. Kung syota mo baka i-consider pa namin kaso... partner lang? User."
Sinamaan na ng tingin ni Amadeus si Savannah at parehas naman itong nagsukatan ng sama ng tingin. I rolled my eyes, dito pa ba sila mag-aaway?
Pumagitna na ako. Then, I faced Amadeus. I don't know what had gotten into me but I gave him my sweetest and genuine smile then I touched his clenching jaws.
Tila nagulat naman ang binata sa ginawa ko at biglang napaatras nang dumampi ang kamay ko sa panga nito. Maging ako ay nagulat nang mapaatras ito but I know that I need to make him calm. For sure, he's been waiting for this party to happen. It's one of his successes. This cruise ship was one of the biggest ships that has been sailed in the entire Asia. Kung magpapakita ito ng 'di kanais nais na pag-uugali sa harap ng madla ay baka makapagbigay ito ng pangit na impresyon.
I held his arm instead. Caressing it up and down. "We will just stay here. If you need me, just let us know." I said... in a very woman-like manner.
I left Amadeus and Haji stunned after I gave them another flash of my smile and wink. Tapos ay humarap na ako sa dalawang babae na nakatunganga rin. Bago pa maaksaya ang oras namin ay hinila ko na ang dalawa sa kalapit na standing table at doon kami nag-"bonding".
"Girl, pwede ba kitang i-hire as one of my escorts?" nakatulalang tanong sa'kin ni Savannah tapos ay singhap naman ni Cleo ang sunod kong narinig.
"Sav! Talagang pati 'tong friend natin o-offer-an mo ng trabaho sa night club mo? Nakakaloka ka." Nagugulantang wika ni Cleo tapos ay bigla itong tumingin sa'kin. "Oo nga, friend. Try mo lang mag-audition."
Pinanlakihan ko ang dalawang 'to dahil sa mga pinagsasasabi. 'Tong Cleo na 'to, akala ko naman sinaway talaga si Savannah, 'yun pala kukumbinsihin rin pala ako.
"So, anong eksena yung ginawa mo do'n, girl? May pakindat kindat ka pang nalalaman. Lakas mong maka-tomboy sa part na 'yon." Tanong ni Savannah.
"Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na do'n. He's... brutal. I actually didn't expect that he's more brutal than I thought." Wika ni Cleo tapos ay binulong ang huling parte ng sinabi nito sa'kin.
Nanlalaki ang mga mata ko naman silang tiningnan. "Ano ba 'yang pinagsasasabi n'yo? Ako? Magkakagusto do'n...?" Then I scoffed but I received a glare from both of them when I acted like a man again. I cleared my throat. "No way, I was just asked to be his... partner. Sabi ni Haji— The Jack of Diamonds, that Deus needs a partner for this special event."
Nginisian ako ng dalawa na pinagtaka ko. "What?" I asked.
"Deus talaga, huh." Untag ni Savannah. More like teasing.
"Nickname basis na agad?" Cleo added that made my cheeks burned.
"Nako nagsalita ang isa pang hindi maharot." Wika ni Savannah habang nakatingin kay Cleo ng nang-uusisa. "Anong sinabi ng 'I won't leave Stavros' mo kanina kay Thyra?"
It's time for Cleo to be on the spot at mabilis na nahiya sa sinabi. She immediately drank the wine on our table.
"Grabe ka! Ikaw nga lakas mong maka-angkin ng trono. Akala ko ba ayaw mo ng tinatawag tawag na Reyna? Bakit may pag-accept ka kanina? The Ancient Ones acknowledged your bravery, Sav." Sinubukang bumawi ni Cleo pero inikutan lang ito ng mata ni Savannah.
"As much as I don't want to accept it, kailangan kong iligtas 'tong si Thyra. She's the only one who can check on you." Savannah reasoned out.
Nagkatinginan kami ni Cleo at kusang umarko ang mga labi namin pababa. We both gave her an inverted smile. As if we both understood her reason.
"Sabi mo 'eh." Anas ko tapos ay ininom ko na ang wine na nasa table namin. "Nasa'n nga pala ang mga Hari ninyo?" I asked nonchalantly.
"Ayun sila." Parehas kaming napatingin ni Savannah sa likuran namin nang ngumuso si Cleo.
Just like what Cleo said, kakapasok lang ng dalawang Kings na sina Nicodemus and Stavros. The attention of the crowd immediately forwarded to those men. Mabilis na nagsilapitan ang ilang media sa kanilang dalawa maging ang ilang kilalang personalidad. Even few politicians did face the two men. Most of them didn't expect that the Kings of North and South would be here on the West. After the war they've come through, sobrang dalas nalang ng apat na Hari na magkita kita sa mga ganitong klase ng pagtitipon. Pare-parehas naman kasi silang apat na ayaw maging sentro ng lahat ng tao but it's really inevitable especially that all of them are good looking and sought-after bachelors in the Philippines.
Someone blocked my view. Napaatras ako ng kaunti dahil sobrang lapit ng mukha ni Amadeus sa'kin at ang mga tingin na ibinibigay nito ay nakakatusok. Jaws are clenching as if I did something... unforgivable.
"You're staring too much as if you want to rape them, Lieutenant." May diin sa bawat salitang sinambit ni Amadeus. "You're my date. So, act like one."
I frowned at him. What the hell did he just say? What the hell was he trying to imply?
Huminga muna ako malalim bago ko binigyan ng isang pilit na ngiti ang gagong 'to. Then, I put my both hands on his shoulders that his eyes immediately wandered on it. He looked at me with a question on his eyes.
I put my right hand on his raging jaws. "I didn't know that my date is too... selfish. You don't have to worry, Captain. My eyes are on you only tonight."
Geez, kinikilabutan na ako sa mga pinagsasasabi ko pero hindi ko mapigilan ang hindi matuwa sa reaksyon nito.
I know he tried to hide his gulp but I definitely saw it!
"Thyra, I thought you wouldn't be here." Napalingon kaming parehas ni Amadeus sa nagsalitang si Nicodemus nang ito'y makalapit kasama si Stavros. Nicodemus' hand immediately caught Savannah's waist.
Tinanguhan naman ako ni Stavros tapos ay parehas na hinukblit ang mga braso sa baywang naman ni Cleo.
Cleo and Savannah's faces are priceless. Lalo na si Savannah na pinipilit na huwag itulak si Nicodemus. Nahihiya lang itong ipahiya si Nicodemus sa dami ng tao rito ngayon.
Napalunok naman ako ng mariin nang maramdaman ko ang kanang kamay ni Amadeus na lumandas sa baywang ko. Tapos ay pasimple ako nitong hinila palapit sa kanya.
"F-For a c-change... I guess?" I replied, trying to concentrate because Amadeus' hands are moving gently on my waist. Damn it! Hindi rin nakakatulong ang tingin ng mga tao sa paligid namin. Indeed, we became the center of attraction.
Nakita kong bumaba ang mga mata nina Stavros at Nicodemus sa kamay ni Amadeus. Mas lalo akong napalunok nang ngumisi ang dalawa. Halatang gustong mang-asar but they stopped themselves. Kinahinga ko ng maluwag nang iniba nila ang topic.
"Have you moved on already, man?" Stavros asked. Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Move on? Sino? Si Amadeus?
"Should I be the one asking you that?" Pangbawi ni Amadeus tapos ay pasimpleng tiningnan si Cleo.
Natahimik ang dalawang binata. It was Nicodemus who broke the silence.
"So, what's so important with the Auction? I thought this would only be a party for the success of your ship?" Nicodemus asked.
Amadeus shrugged his shoulder. "I don't even know. Haji's the one who suggested to make this... livelier."
Stavros was the one who spoke next. "Speaking of your Jack, Amadeus." Napatingin naman kaming lahat rito. "Is your Jack doing something you don't know? Hindi ko makontak si Clevan— which is my own Jack. Even Kassian, he's not even reaching us."
Agad naman napalitan ng galit na eskpresyon ang mukha ni Nicodemus nang mabanggit si Kassian. "They're all definitely doing something behind our back. Kung hindi ko pa sinapak ang mukha no'n kahapon ay 'di ko pa malalaman na nakuha ng mga Buffoons sina Sav at Cleo. It's a good thing Thyra was there to save these ladies."
Napalunok ako ng mariin sa sinabi ni Nicodemus. Nagkatinginan naman kami nina Cleo at Savannah. Clearly, he doesn't know yet that they were kidnapped because of me.
Pilit kong nginitian si Nicodemus. "Hindi naman. N-Nagkataon lang na may... hinahabol akong Buffoon Leader na may atraso sa'kin."
"I'll talk with Haji to confirm if they're doing something. Right now, he's too busy with this event." Amadeus replied.
"Thanks, man. We need their help this time. Our Jacks are the best Hunters of our Towns so they can easily locate the... person we are looking for to end the madness of Joker. They're getting into my nerves." Stavros said.
Mas lalong sumikdo ang kabang nararamdaman ko lalo na sina Cleo at Savannah. Their uneasiness reflects on our faces.
Hindi ko alam kung paano nagagawa ng tatlong 'to ang hindi pansinin ang mga taong gustong lumapit sa kanila. Audiences were quite skeptical to see their Kings with women. Hindi lang makalapit ang mga ito dahil sa awra ng tatlong 'to. Awra na nagsasabing 'back off'.
"W-What if..." nanlalaki ang mga mata namin ni Savannah nang biglang magsalita si Cleo. "... what if, lumapit sa inyo yung taong bubuhay sa J-Joker tapos sabihin n'yang hindi n'ya 'yon hahayaan? A-Anong gagawin n'yo?"
"Cleo!" Rinig kong suway ni Savannah.
The three Kings were about to respond when we all heard Haji spoke in the stage.
"And for the main artifact that we will have to auction tonight? Are you guys ready?! Do your wallets are ready as well? This is going to be very... expensive."
Our attention immediately drifted off to him when the curtains hiding the last artifact to be auctioned has been removed.
All of us were shocked. Lahat gulat na gulat nang makilala ang artifact na gustong ibenta ni Haji sa madla.
"I'm proud to present to you... the Relic of the Sea. Owned by West Diamond Town that has been honored to our beloved former King— Amadeus. Ladies and gentlemen... The Antanaklasi."
No way! It's t-the... the Relic of Amadeus. The Spear with four diamond blades circling a center with a silver and blue color long handle.
As if on cue, Cleo, groaned in pain while she's holding her chest. Her left eye was glowing in oceanic blue and saw how a Diamond shaped glittered symbol appeared on it.
Nang ibalik namin ang tingin sa relic ay bigla iyong nawala.
Mabilis namang sinalo ni Stavros si Cleo nang mawalan ito ng malay. Mabilis na rumesponde ang mga guards at itinaboy ang mga taong gustong makiusosyo sa nangyari sa dalaga.
Habang buhat si Cleo ni Stavros ay napansin ko ang palad ni Cleo.
A glittered and glowed symbol of a Diamond appeared on it as well. I don't know if my imagination was playing with me but I have seen an image of the Spear on her palm... the Antanaklasi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top