18. Forge
CHAPTER EIGHTEEN
"BOSS, AYOS KA lang ba d'yan? Hindi ka ba sinaktan o pinarusahan? Sabihin mo lang at reresbak na kaagad kami rito." Tanong ni Buknoy nang kausapin ko sila sa hologram system ng relos. Nasa likod lang nila si Matilda at seryosong nakatingin rin sa'kin. Habang ang ilang bata ko naman ay nag-aalala ang mga itsura ng mukha.
Nginitian ko silang lahat. "Oo naman gago. Ako pa ba magpapatalo rito?" tugon ko sa kanila and I saw them breathing out.
"Pwede n'yo ba kaming iwan ni Matilda? May pag-uusapan lang kami." Anas ko sa kanila na agad naman silang tumango at lumisan na.
Nang maiwan kami ni Matilda ay mabilis itong lumapit sa monitor at seryoso akong kinausap. "Is that true? Our Queen already acknowledged her throne? The ground rumbled as if there will be an Earthquake but I knew better. It only happened when our Former King has been proclaimed as the King of Clubs."
Tango lang ang ibinigay ko rito at isang malawak na ngisi naman ang ibinigay n'ya sa'kin. "At last, after three years. Did they get back to each other?"
Natawa ako sa sunod na tanong ni Matilda. Hindi ko alam na may pagka-tsismosa pala ang babaeng 'to na pinaglihi pa sa sama ng loob sa kaseryosohan ng mukha.
"I think, that's something that we need to leave to our King?" I gave her an inverted smile.
"But things are getting worst, Matilda." Sunod kong wika rito na nagpaseryoso muli as itsura n'ya. "It seems like the Buffoons are really serious this time— No, scratch that. The Joker is being serious na nagawa nitong saniban ang isa sa mga nabihag namin para bigyan kami ng babala."
I saw her flinched when I mentioned the Joker. Surely, all of us in the army has a fair share of bad memories from that monster.
"The Kings should negotiate again to the Ancient Ones. They need the Relics if that's the case." Wika ni Matilda.
Marami pa kaming napag-usapan maliban sa problemang kinahaharap ngayon ng mundo. That was not just a problem of our country but the whole world as well. Lahat ng nakakaalam ng tunay na rason kung bakit nagkaroon ng World Revolution isang dekada na ang nakakaraan ay iisa lang rin ngayon ang nararamdaman. They knew what the Joker can do and fear his presence to rise once again. We ended our conversation by simply giving her orders to make the North Clubs secured as soon as possible. Matilda said that they're on it since Nicodemus ordered them the same before he left the town.
Sa pag-iisip ay nagawi ang pansin ko sa side table ni Amadeus. Napakunot ang noo ko nang matanaw na picture n'ya ito at may kasamang babae. Nilapitan ko 'yon para tingnan ng ayos. Umangat ang dalawa kong kilay dahil hindi ako makapaniwalang nakangiti si Amadeus sa larawan na 'to. His smile was... genuine. Pakiramdam ko'y hindi napigilan ng pisngi ko ang hindi pamulahan ng mukha at mapangiti nang hindi napapansin.
I must commend, Amadeus was gorgeous here. Mas gwapo ang loko kapag nakangiti. Sunod na nagawi ang mata ko sa babaeng nakayakap sa likuran nito at nakangiti ng wagas sa camera. Sobrang saya nilang dalawa. Parehas na hindi mapatid ang mga ngiti sa labi.
Hindi ko alam pero nakadama ako ng... inggit? Sino kaya ang babaeng 'to?
"T-Thyra, Cleo needs you." Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Amadeus sa barkong 'to at nakadungaw ro'n ang bagong Reyna ng North Clubs.
Kaagad akong tumayo ang sumaludo sa kanya bilang pagbibigay galang. "Yes, Your Majesty."
Mabilis kaming dumiretso sa kwarto nilang dalawa at mariin nitong sinarado ang kwarto para walang makapasok. Mukhang alam ko na kung bakit.
Dumiretso ako sa nakahigang katawan ni Cleo. I checked her pulse and breathing. "I saw and felt some electricity on her skin when I'm trying to wake her up. O-Okay lang naman s-s'ya 'di ba?" ramdam ko ang takot ni Savannah.
"Kailangan na talagang palitan ang ilang parte ng kable at disk na mayro'n s'ya." Ani ko habang binubutingting ang leeg na bahagi ng dalaga.
"Uranggu," tawag ko sa isa kong bata sa suot kong earpiece. "Online ka ba?"
"Boss! O-opo, ano 'yon? Okay ka lang ba, Boss?" tugon nito sa tawag ko.
"Okay lang ako pero may kailangan akong ipagawa sa'yo." Seryoso kong wika rito.
"Ano 'yon, Boss?" tanong nito.
"Naalala mo pa ba yung ginawa kong software to disintegrate and clean up corrupted viruses sa database ko?" tanong ko rito.
Narinig ko naman sa background ng bata ko na umupo ito sa isang upuan at nagsimulang tumipa sa keyboard. "Andito pa, Boss."
"Good, I need you to send the files to my server. I need it now." Utos ko.
"Ginagawa na, Boss."
Binalingan ko si Savannah nang i-off ko saglit ang speaker mode ng earpiece. "She's going to be okay. Pero okay lang ba na pakikuha ng bag ko sa kwarto ni Amadeus? I know you're still pissed off sa lalaking 'yon. Ako rin naman kaso ando'n kasi sa bag na 'yon ang mga kakailanganin ko para ayusin si Cleo."
Tumango lamang si Savannah at mabilis na tumalima. Tinuon ko naman ang atensyon ko kay Cleo.
She's sweating too much. At ang init ng buong katawan nito. Kung normal 'tong tao, iisipin nila na nilalagnat ang talaga pero hindi. She's overheating.
Agad kong kinalas at binuksan ang mainframe drives nito kung sa'n nakalagay ang ilang mga kable at mga chips na nakakabit sa loob. Nang buksan ko 'yon ay tama nga ang hinuha ko. She's overheating.
Bumukas naman kaagad ang pintuan at pinasok n'yon si Savannah na takot na takot ang itsura.
"You need to make it fast, girl. Parating na raw sina Nico at Stavros."
Napamura ako dahil sa sinabi n'ya. If we don't want them to know that she's the Android they've been looking for, I need to make this fast. Mabilis kong inabot ang bag na nakuha ni Savannah at nilabas ro'n ang isang tela na may ilang tool kits. Mabuti na lamang at sinama ko itong nilagay sa bag kasama ng ilang gadgets na binigay ni Uranggu.
I carefully dismantled her inner parts and cleaned it up. Inilabas ko ang isang tablet and I connected few cables to her outlets.
"Sent na, Boss." Rinig kong anas ni Uranggu sa kabilang linya.
"Good, standby ka lang d'yan kapag kailangan ko pa ng tulong." Wika ko rito then I ended the call.
Binalik ko ang atensyon kay Cleo. Medyo napapitlag ako nang punasan ni Savannah ang ilang tumutulong pawis sa mukha ko.
"Hindi ko ine-expect na magiging nurse ako ng doktor ngayon, Cleo girl. Magpagaling ka." Anas nito habang nakatingin sa tulog na dalaga.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa mabuksan ko ang pinakagitnang bahagi ng dibdib nito. Parehas kaming nagkatinginan ni Savannah nang may mapansin kaming isang golden medallion na katabi sa tumitibok na puso ni Cleo.
The medallion was glowing in four different colors, red, blue, green and yellow. Nang busisiin ko ito, may ilang mga kable ang nakapalibot sa medallion at sa ilang parts ng katawan ni Cleo. I clicked something on my watch and it scanned her entire body. When I got the full scanned anatomy of Cleo, I was shocked to see on the hologram how this medallion became her veins althroughout of her body. Ito mismo ang nagkokonekta sa ilang parte ng katawan ng dalaga and the medallion became the source of its energy.
"Her life depends on this,"
"I-Ibig mong s-sabihin, kapag wala 'yan..." tumango ako at ako na mismo ang tumapos.
"She's as good as dead."
"Kung hinahanap ng Buffoons si Cleo dahil s'ya ang Android na hinahanap nilang makakagising sa Joker, then, they need this stone alone." Komento pa ni Savannah and I agreed through nodding. "This might be their main target."
Naputol ang usapan naming dalawa nang may biglang kumatok sa pintuan. Parehas na tumalon ang puso naming dalawa ni Savannah. She immediately went there while hissing at me to make this fast.
Tapos na naman ako kaya mas minadali ko ang pagbabalik ng mga kinalas ko.
"Ikaw ba 'yan, Nico?" tanong ni Savannah habang nag-s-sign of the cross. Dinadalangin na h'wag magpumilit na pumasok.
"Yes, My Queen. Open this so I can see you." Nicodemus replied that made Savannah cringed and rolled her eyes.
"Pinagsasasabi mo d'yan. Maghintay ka nga, nagbibihis kaming dalawa ni Thyra dito." Tiningnan ko naman si Savannah sa ginawa nitong rason.
What the hell?
"W-What?" rinig naming tanong ni Nicodemus at bakas roon ang pagkagulat.
'Eh 'yon ba naman kasi ang idahilan nitong babaeng 'to. Pasalamat 'to at s'ya ang Queen of Clubs dahil kung'di baka nakutusan ko na 'to ng sampu.
Sinenyasan ko s'ya na tapos na at mabilis akong sumunod patungo sa pintuan.
When Savannah opened the door, a stoic and hardened expression welcomed us. Napalunok ako especially when he scrutinized his eyes on us.
"Ba't ka ganyan makatingin? 'Di ba kami pwedeng magkaroon ng girl bonding?" Mataray na tanong ni Savannah sa binata.
Nanlaki naman ang mata ko nang makitang nasa likuran ni Nicodemus ang dalawa pang Hari. Sina Stavros Callahan at si Amadeus. Tumagos ang tingin ni Stavros sa looban ng kwarto at tinanaw si Cleo habang parehas na tingin naman ni Nicodemus ang pinapamalas ng tingin ni Amadeus. It was like he's judging me because of what Savannah had said.
"Excuse me," untag ni Stavros sa dalawa tapos ay tuloy tuloy itong pumasok para lapitan ang natutulog na si Cleo. "What happened to her?"
It was Amadeus who replied in his usual cold tone. "It was the Joker. That asshole possessed his Buffoon. I don't know what happened when he held her hand but after that, she blacked out."
Tumango naman ako kay Stavros— The King of Spades, bilang pagkukumpirma ng sinasabi ni Amadeus.
Stavros gnawed upon confirming and he looked longingly to Cleo. Magkakilala ba sila? O close? O... magsyota?
"This has to end immediately." Nanggagalaiting wika ni Stavros.
All of them went inside upon hearing the King of Spades' words.
"If you want this to end immediately then we have to give up our freedom... again." Anas ni Amadeus. Halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa gustong mangyari ni Stavros. "You must know my stand on that."
"So, how do you think we could possibly end this?!" may halong galit na tanong ni Stavros kay Amadeus. "May buhay nang nakataya at madadagdagan pa 'yon kung wala tayong gagawin."
Amadeus looked warily to Stavros. "We have another option, and you should know that."
It was Nicodemus who spoke after. "Find the Code of Vortex."
Parehas kaming natigilan ni Savannah sa kinatatayuan namin. Hindi kami bobo para hindi ma-figure out ang sinabi ng sinaniban na Buffoon patungkol sa sinasabi nitong Code of Vortex kanina. Code of Vortex was no other than Cleo. The Code of Vortex was the android who can foresee the future.
Amadeus took a glance to Nicodemus. "No other than. The rumors are true now that the Buffoons are moving. It came directly to the Buffoon's mouth the fear of our Council. They want us to find the Code of Vortex and destroy it before they could get a hand on that trifling creature."
"No!" napatingin ang lahat kay Savannah nang sumigaw ito matapos marinig ang gustong mangyari ni Amadeus sa android.
Kaba naman ang namayani sa dibdib ko lalo pa't baka mahuli kami na nagtatago ng sikreto Kaagad kong nilapitan si Savannah at hinawakan ang magkabila nitong balikat at nginitian ang mga Haring kasama.
"Sorry, Queen Savannah was just... too exhausted from what all happened today. I'll assist her in her room."
Savannah glared at me and hissed. "This is my room."
Napakurap kurap ang mga mata ko nang ma-realize ang katangahang sinabi ko. "Yeah, 'yun nga ang sabi ko." Then I faced the Three Kings. "I hope you don't mind but will all of you move to another room to discuss this kind of important matter?"
Nagulat ako nang hindi ko napansing nasa tabi na pala ni Savannah ang Hari nito. Nicodemus held Savannah's arm and checked her neck and forehead. Inis namang tinaboy ni Savannah ang mga kamay ni Nicodemus at sinamaan ito ng tingin. "Leave us, hindi ako makakapagpahinga ng maayos kapag nariyan ka."
Nakita ko kung paano nasaktan ang itsura ni Nicodemus sa sinabi ni Savannah pero pilit nitong tinago 'yon at ako nalang ang tiningnan. "Take good care of my Queen."
"Take care of Cleo," utos naman ni Stavros sa'kin na s'yang kinatango ko nalang.
Nang si Amadeus na ang dumaan sa harap ko at bahagyang tumigil, tinaasan ko s'ya ng dalawang kilay. Inangasan ko nga, tanginang 'to laki ng problema sa buhay.
"We're not yet done." Untag nito tapos ay lumabas na rin ng kwarto.
I scoffed. Ano ang hindi pa kami tapos? Yung ginawa kong pag-utos utos sa kanya at yung pagtanggi kong sundin s'ya? And treat him like a King? I scoffed even more, hindi ang gaya n'ya ang magpapaluhod sa akin kahit ganyan pa s'ya kasaksakan ng gwapo.
"Kailangan nating maitakas si Cleo, Thyra. She's not safe with them anymore." Napatingin ako kay Savannah habang nakatitig ito ng matagal kay Cleo. "She's all that I have left and I can't let them kill her. Dadaan muna sila sa bangkay ko bago nila magawa 'yon."
I unconsciously saluted on her. "Understood, Your Majesty."
Inis na mukha naman ang ginawa nitong paglingon sa'kin. "Will you please stop addressing me that way? Nakakapangilabot, girl. Just Savannah or Sav will do."
Dadaing pa sana ako dahil 'yon ang nararapat. I was trained to serve the King or any Royal declared position in North Clubs. Pinanlakihan n'ya ako ng mata.
"Sige subukan mong umapela. Aahitin ko 'yang kilay mo."
Hindi na ako nakahuma sa sinabi nito at tumango na lang. "Sige... Sav."
Sav smiled at me. "That's better. Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos sasayangin ko lang para lang sa Your Majesty? Not me. Not so me."
Natawa na lang ako sa kanya. Hindi ko akalain na may ganito s'yang side.
"I won't leave... Stavros." Parehas kaming napalingon kay Cleo nang magwika ito. Parehas namin itong dinaluhan.
"Girl, okay ka na? Wala bang masakit sa'yo? Yung turnilyo mo maluwag ba? Yung malanding mong kable sa puso, okay naman?" sunod sunod na tanong ni Sav kay Cleo. "At anong 'di natin iiwan 'yang lalaki mo? You're not safe with them anymore! They're planning to look for you and give you to their... council? So, you can be destroyed!"
Cleo frowned. "Malanding kable? Well, I'm fine." Anas nito tapos ay sinubukang umupo mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman agad namin s'ya. "And I'm fully aware of that, Sav. Narinig ko ang usapan nila kanina bago n'yo sila pinaalis. My decision is final. I won't leave... Stavros."
"Kung gusto mo talagang manatili rito, then we need to know your plan. Kasi mahihirapan tayong tatlong gumalaw sa paligid nila gayong kaliwa't kanan ang gustong may kumuha sa'yo. Kapag nalaman ng tatlong Hari na 'yon na ikaw ang sinasabi nilang, err, Code of Vortex, then that's it." Komento ko sa gusto n'yang mangyari na h'wag umalis. "Sa ngayon, 'yon ang pinakamagandang gawin natin. Ang umalis rito at itago ka."
Nanghihinang tiningnan kaming parehas ni Cleo at bumuntonghininga tapos umiling iling. "Kung susundin ko ang desisyon n'yong dalawa, sige, papayag ako. Pero ako lang ang aalis. I can't afford na idamay pa kayong dalawa."
Mabilis na umentra si Savannah. "What?! No! Hindi kita iiwang mag-isa habang nagtatago ka! I'll be always on your side, Cleo, no matter what happens. I can protect you."
Sumang-ayon naman ako. "Tama si Sav, Cleo. Hindi ligtas na ikaw lang ang aalis. Kailangan mo at least... kaming dalawa."
Muling umiling iling si Cleo. "No, I stand to my decision. If you really want me to stay away and hide from the Buffoons and the Kings? I'll leave... alone. Wala akong isasama. Ngayon, kung ayaw n'yong mag-isa akong umalis, then, I'll stay here."
Savannah groaned with frustration. "Alam mo? Kung kailan sobrang delikado na ng buhay mo saka ka pa nagmamatigas ng ulo. Bakit ba ayaw mong iwanan si Stavros? Aside sa kumekerengkeng ka sa kanya, do you think he can protect you?"
"My... foster parents— the one who made me like this, said that I need to find them because they can protect me." Nagkatinginan kami ni Savannah. Halatang 'di rin n'ya alam ang tungkol rito. "Alam ko, magulo. Kasi binigyan sila ng utos na hanapin rin ako at dalhin sa Primeval Union na siguradong hahantong sa oplan-kalas-bakal na plano nila... pero, deep inside myself I know that they won't surrender me."
"You mean, hindi nila tatapusin ang utos at itatago ka rin sa kanila?" pagkompirma ni Savannah.
"They didn't oppose to any orders, Cleo. That's what they signed under the contract of Ancient Ones." Segunda ko naman para makita nito na walang kwenta ang gusto n'yang mangyari.
"But, they're not the official Kings." Untag ni Cleo na parang may nahanap na butas. "Pinaalala ni Amadeus Valmonte kanina na ayaw n'yang mawala ang Freedom na mayro'n sila so they won't resolve to reinstate their position."
Mukhang nakukuha ko ang gusto n'yang iparating. "Gusto mong sabihin sa kanila ang totoo kasi kaya nilang h'wag sundin ang utos ng Primeval Union? Sugal 'yang gusto mong mangyari. Paano kung ipagpilitan nilang dalhin ka sa kanila? You're the one needed by the Joker, Cleo. Mas uunahin nilang iligtas ang nakakarami bago ang isang tao."
Napatungo naman si Cleo sa sinabi ko. 'Di ko alam kung nasaktan ko s'ya sa sinabi ko. "Then I need to take the gamble. I just need to persuade them na h'wag akong dalhin sa Primeval Union."
Aapela pa sana si Savannah nang mapansin naming napahawak sa dibdib si Cleo. And as if on cue, we felt one heavy heart beat that made us stumbled on the floor. Napahawak rin kami ni Savannah sa aming dibdib dahil parang naramdaman din namin ang naramdaman ni Cleo.
"W-What was that?" Savannah asked.
"A warning," napatingin kami kay Cleo.
"Warning? From the medallion on your chest?" I asked and probed.
"Medallion?" takang tanong nito na parang 'di alam ang sinasabi ko.
"Hindi mo alam na may pang-first honor award kang medal d'yan sa dibdib mo? Girl, 'yan nalang ang bumubuhay sa'yo." Wika ni Sav. "'Yan ang rason kung bakit nagtagumpay ang mga magulang mong buuin ka as Android."
Seryosong nakatingin lang ngayon si Cleo sa sahig. Tila may napagtanto sa sinabi naming 'di n'ya alam. "I don't know about the medallion but if you think it's something special then siguro ito ang nagbibigay sa'kin ng mga visions. Katulad ng... nang nangyari three years ago. And the loud thud on our chest? It's a warning that the vision will happen soon."
Nanginig ang kalamnan namin ni Savannah dahil paniguradong tungkol sa Joker ang sinasabi nito.
"It gave me a warning. And at the same time, it's giving me a glimpse of something... helpful. Weapons to forge."
"The Relics." Napatingin silang dalawa sa'kin. "The medallion was giving you a sign how to prevent the Joker from awakening."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top