16. Wicked

CHAPTER SIXTEEN

"H-HE'S... BRUTAL." NAPALINGON kami ni Savannah kay Cleo nang mag-react ito sa ginagawang pang-i-interrogate ni Amadeus sa regalong sinasabi ni Kassian. Amadeus' Jack was able to get one of the minions of Elliad at 'yun ngayon ang kinakausap ni Amadeus para magsalita.

"He's a brutal King." Komento naman ni Savannah habang napapangiwi.

Miski ako ay hindi maiwasang mapangiwi sa ginagawang pag-torture ni Amadeus sa nahuling bihag.

The captured man was hanging on the tip of the ship facing the giant sea. Bago ang ginagawa n'yang pag-t-torture ay sinigurado muna nito na nakababa na ang lahat ng pasahero ng barko. The ship was now moving towards the West Philippines Sea. Sabi ni Amadeus, hindi naman daw sila lalayo ng sobra. Tamang distansya lang raw na kalaunan ay nahinuha ko kung para sa'n. Tapos, ang pagsabit na sinasabi ko ay hindi 'yung normal na pagsabit lang. Ang nakatali lang sa binata ay ang isang binti nito at nakabitin ito ng patiwarik. Nakatali ang magkabilang braso sa likod at ang isang hita na nakalaylay ay pulos sugat at paso.

"At ano nga palang ginagawa mo rito? Don't tell me that you save us from your... little drastic scheme of selling us?" anas ni Savannah sa'kin in a very harsh way.

"Sav," Cleo called her out with a warning.

Nagtataka namang nilingunan ito ng dalaga. "What? H'wag mong sabihing palalagpasin mo nalang ang ginawa n'ya sa'tin? She sold us baka nakakalimutan mo, girl. Muntik nang mapahamak hindi lang ang life ko pati na rin ang iyo!"

Napayuko nalang ako habang pinapakinggan ang galit ng kaibigan ni Cleo. Alam ko namang kasalanan ko.

"'Di ko naman nakakalimutan, Sav. And I'm not saying na palalagpasin ko ang ginawa n'ya sa'tin. It's just that... you have to understand the reason why she did that."

Sav's scoffed hard. "And what would that be?!"

Napalingon naman sa'kin si Cleo. "To save her grandfather's Bar. Tama ba, Thyra?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Her face was calm and... empathetic. Mabilis kong nilunok ang biglang nagbara sa lalamunan ko dahil pakiramdam ko maiiyak ako. No, don't effin' cry Thyra!

Tumango tango lang ako para ibigay ang sagot na gusto nito.

"Nagkaroon sila ng malaking utang ng dahil kay Kassian, remember? And that was the only way for her to pay all of it." Cleo added.

"Pero hindi pa rin tama ang ginawa n'ya sa'tin! She betrayed us!" reaksyon ni Savannah.

Nilingon naman ito ni Cleo at sinamaan ng tingin. "Betrayal is only applicable if you trusted the person who did something bad at you. And I clearly remember that you don't even trust her, Sav."

"Pinagtatanggol mo ba s'ya, bruha ka?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga kay Cleo.

Pilit lang na ngumiti si Cleo sa kaibigan. "In a sense that I understood why she did that. Kasi kung hindi s'ya nagkaroon ng malaking utang, malakas ang paniniwala ko na hindi n'ya 'yon gagawin sa'tin."

"At paano ka naman nakakasigurado d'yan?" Sav asked while rolling her eyes.

"Because..." Cleo stopped midair and looked at me with her unusual grin. "... she wants to know how I was assembled as an Android. A tech savvy person wouldn't miss the chance of knowing how to engineer an android like me."

Hindi ko alam pero tama ang mga sinabi n'ya. I wouldn't miss the opportunity na butingtingin s'ya.

"And besides, she didn't tell the King of West Diamond that I am a robot. It's an evidence to support my intuition."

Nagtaas ng dalawang kamay si Savannah na parang sumuko na. "Fine, ano pa bang laban ko? Ginagamitan mo na naman ako ng utak kita mo nang kaunti lang mayro'n ako n'yan."

"You're right," napalingon silang dalawa sa'kin nang magsalita ako habang nakatitig sa sahig. "Kaya gusto kong humingi ng patawad sa ginawa ko. Nakakahiya 'yon lalo na sa naging ranggo ko."

Parehas silang napakunot noo. Pawang nagtataka sa sinabi ko. Anakng, oo nga pala. Hindi nila alam 'yon.

"What do you mean?" they both asked.

"I was... a Lieutenant General of Nicodemus army before I resigned." Pag-amin ko. Bahagya pa akong napangiwi dahil hindi talaga ako sanay na sinasabi ang ranggo ko sa kahit kanino. Proud naman ako syempre. 'Di lang ako sanay na pinapangalandakan 'yon kasi 'di naman dapat.

Parehas na napanganga ang dalawang dalaga sa sinabi.

"L-Lieutenant G-General?" utal utal na tanong ni Savannah.

Ngumisi naman si Cleo tapos ay hinampas ang balikat ng kaibigan. "Kita mo na! Hindi n'ya talaga intensyon na mangyari 'to. Kasi magagalit ang Hari n'ya kapag napahamak ng lubos ang Reyna."

I pursed my lips inwardly. Pinipigilan mapangisi dahil sa ginawang pang-aasar ni Cleo kay Savannah.

Savannah rolled her eyes and glared at Cleo. "Ako titigil tigilan mo 'ko sa pagtawag sa'kin ng Reyna, huh. Hindi ako Reyna ng kahit na sino lalong lalo na sa bwakanangshet kong Ex. Excuse me!"

"Nicodemus is like a dog." Napalingon naman ang dalawa sa'kin nang magkomento ako. "He barks loud to anyone but he would kneel to his Queen."

Nagulat nalang kami ni Cleo nang biglang natawa si Savannah pagkatapos kong sabihin 'yon. Nagtaka naman ako kung bakit.

"Baliw ka na, girl?" Cleo asked.

"Gaga hindi," Tugon ni Savannah tapos ay nakangisi itong nakatingin sa'kin. "I'm starting to like you. Gusto ko 'yan, natutuwa ako sa mga taong iniinsulto si Nico. Like the fuck? Dog? Suits him better."

Nakita ko naman ang pagbuntung-hininga ni Cleo tapos ay biglang humirit. "Akala ko naman kung ano na. Akala ko natuwa ka kasi cute ang doggies and baka naalala mong na-dogstyle ka na rin n'ya."

Parehas lumuwa ang mga mata namin ni Savannah sa huling parte ng sinabi ni Cleo.

Tangina, ano raw? D-Dog-style?!

Hinila naman bigla ni Savannah ang buhok sa patilya ni Cleo. "Aray naman!" reaksyon ni Cleo.

"Ano 'yang pinagsasasabi mong dog-style, dog-style? Sino ang nagturo n'yan sa'yo?!" histerikal na tanong ni Savannah pero kitang kita namin ang pamumula ng mukha nito.

Cleo rolled her eyes. "Kanino pa ba? Malamang sa'yo. Ikaw lang naman ang kaibigan kong hindi nabendisyunan ng Pari ang bunganga sa'tin, 'di ba?"

Savannah frowned at her then Cleo added some more. "Ano? Pa-virgin tayo, girl?"

Marahas namang napalingon sa'kin si Savannah at tinuro turo si Cleo sa'kin. "Double check mo nga kung may maluwag na turnilyo 'tong babaeng 'to. Pati yata ang kabirhenan ng bibig n'ya ay biglang nabago. Part ba 'yan ng pagiging tuleleng n'ya?"

Hindi ko na napigilan ang hindi tumawa ng malakas dahil sa kanilang dalawa. 'Yung tawang sobrang lakas at totoo. Tangina mga p're, 'di pa ako nakakatawa ng ganito sa tanang buhay ko. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganitong saya.

So, this was what a girl's company all about. Matilda told me before I left the Army that I should try to mingle with girls dahil laging mga kalalakihan nalang lagi ang mga tropa ko. Anong magagawa ko no'n? Mas okay maging kaibigan kasi ang mga lalaki dahil hindi sila sobrang arte. 'Di gaya ng mga kakilala kong babae noon na akala mo kasalanan mong maging maganda kapag nakita ka nilang nakaayos ng maayos. Tapos ang aarte pa minsan. Kaya kung minsan, naasar ako no'n na one of the boys ako. O 'di kaya tomboy. Kapag ba mas malapit ka sa mga lalaki, tomboy na agad? Yung iba namang mapanghusga, hindi raw ako tomboy, malandi lang raw akong tunay para madaling makabingwit ng lalaki. Tangina, mas maton pa nga ako sa kanila tapos malandi? Mga kingina nila!

Today, I think these two changed my view. I think having a woman friend was not bad at all?

Cleo has this innocent and angelic side. Hindi s'ya gano'ng kadaling manghusga. Iniintindi n'ya ang tao bago mag-react kung matutuwa o magagalit. Or maybe that's how she was designed? I mean, maybe the people who created her mainly focused on her logical thinking than being intellectual? I don't know. She's not a hundred percent android after all.

Savannah has the combination of being a bitch at mataray. Usual woman problem ko na ayaw ko maging kaibigan. Maybe what I like about her ay yung solid n'yang pagiging kaibigan kay Cleo. She's really protective of her. Daig pa nito ang nanay kung makasuri sa mga taong makakausap ng kaibigan. Hindi 'yon masama, in fact, Iyon nga mismo siguro ang nagustuhan ko sa kanya. A bitch but a loyal friend.

"Natotomboy ako, girl." Rinig kong wika ni Savannah kay Cleo habang titig na titig ito sa'kin.

"Ako rin, girl. Change preference na ba tayo?" dugtong naman ni Cleo na mas nagpakunot noo sa'kin but the smile on my face didn't fade.

"Kabog ang beauty ko. Masasabunutan ko 'to." Rinig ko pang komento ni Savannah bago may biglang pumasok sa kwarto kung nasaan kami si Amadeus.

"Anong balita, brad?" I immediately asked him.

Sinalubong naman n'ya kami ng seryoso nitong mukha. Hindi kailanman mababakasan ng kahit anong emosyon.

Imbes na sagutin ako ay nilingon nito ang dalawang kasama ko. "Nico and Stavros will be here in a while."

"Galit ba... sila?" tanong ni Cleo at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Nico," pauna nitong saad tapos ay tiningnan si Savannah "Of course he is... fuming mad I believed. He gave Kassian a black-eye as we speak."

Inikutan naman ng mata ni Savannah ang sinabi ni Amadeus.

"As for Stavros?" Amadeus continued then he looked straightly at Cleo. "For some unknown reason, he's as mad as Nicodemus and gave Kassian another black-eye."

Napatakip naman ng bibig si Cleo sa narinig.

"How about the man you're torturing? May sinabi na ba s'ya?" tanong ko sa binata pero ang mokong... he didn't look back. He ignored me!

"They will be here for about an hour. Feel at home on my ship, ladies." Untag nito tapos ay lumabas na ng kwarto nang hindi man lang pinapansin ang tanong ko.

Anong problema no'n? Did he just completely ignore me?

"Deadma ka, girl?" tanong sa'kin ni Savannah nang sumara ang pintuan.

"May kasalanan ka rin ba sa kanya?" Cleo asked and my head automatically shook to answer her.

"Ngayon lang naman kami nag-meet... kaso masungit nga s'ya. Gagong 'yon." Reaksyon ko tapos ay mabilis ko s'yang sinundan.

'Di ko alam pero naiinis ako sa ginawa n'yang pag-ignore sa'kin. Oo, lider man s'ya pero tama bang hindi nito sagutin ang tanong ko?

"Hey! Wait up!" I shouted while following  him. Paika ika pa ako no'n dahil ramdam ko pa rin ang kirot ng tama ko sa binti kahit na nakabenda na 'yon. Nang makalapit ay kusang lumapat ang kamay ko sa balikat nito at iniharap s'ya sa'kin.

"What?" he coldly asked. Wala pa rin akong mabakasan na emosyon sa mga mata nito.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." I replied.

Hindi s'ya sumagot o nag-react man lang matapos kong sabihin ang pakay ko kung ba't ko s'ya sinundan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, na-conscious yata ako bigla sa itsura ko dahil nakatitig lang ito sa'kin.

Damn, do I look like a mess? Nakapaghilamos naman na ako kanina. Nagpalit na rin ng damit. 'Di ko nga lang nasuklayan ang maikli kong buhok dahil hindi naman ako madalas na magsuklay. I feel like this was the perfect timing to comb my hair.

His phone rang after a minute of silence. Kinuha n'ya 'yon agad sa bulsa at sinagot.

"Nico," he greeted and I became attentive because he's speaking with my former Superior.

"She's here with me. Talk to her?" Nagitla ako nang bigla nitong iniabot sa'kin ang cellphone nito. "He wants to talk with you."

Nakakunot ang noo ko habang inaabot ang cellphone n'ya. Tapos ay pumasok ito sa kwartong katabi lang ng binata.

"Hello?"

"Lieutenant General Thyra Zavaroni?" rinig kong tawag ng kilala kong tao sa kabilang linya. Nang makilala'y awtomatikong dumiretso ang katawan ko at napa-salute.

"Yes, Your Majesty."

"Drop the name, Thyra. I want to know kung okay lang ba si Savannah? Hindi ba s'ya nasaktan? Nasugatan, napilay, nabalian?" sunod sunod na tanong ni Nicodemus sa kabilang linya.

Since he dropped the formality ay napangisi ako nang sumagot. "Bakit hindi mo tanungin ng personal, Lodi?"

Lodi ang tawag ko sa kanya kapag wala ako no'n sa serbisyo. Madalas ko 'tong kainuman noon. Kaya saksing saksi ko kung paano 'to nasaktan nang dahil kay Savannah.

I heard him hissing. "Para namang makakausap ko 'yon ng matino." Komento nito.

Naalala ko ang naging reaksyon kanina ni Savannah nang mabanggit ang pangalan ni Nico. "Pansin ko nga. Parang gulong na ang mata no'n kapag nababanggit lang ang pangalan mo 'eh."

"H'wag... mo nang banggitin pa 'yan sa'kin."

Natawa ako ng bahagya. I started walking while we are talking. Naramdaman kong biglang lumabas si Amadeus sa kwarto nito tapos ay pasimpleng sumilip sa'kin. Nagtaka naman ako kung bakit pero inignora ko nalang.

"Listen, Thyra." Nabalik ang atensyon ko kay Nicodemus. "I want you to help Amadeus to extract any single information that you can get from his hostage. Your specialty to let someone talk is very useful on this kind of situation. Stavros and I just finished attending an urgent meeting with the Primeval Union Advisors and they confirmed that Buffoons already figured out how to wake their Master."

Kinabahan ako bigla sa mga sinasabi ni Nico. "P-Paano raw?"

"They need the first android that their scientists had created few years ago. The Advisors confirmed that the Android is still alive and that's the reason why they're reviving the Primus City. Remember the rumored news about an Android who can see the future?"

"Y-Yeah,"

"It's true. That's why we need you to extract any information na alam ng bihag patungkol sa Android. We need to get the Android first before they do. We'll be there in an hour."

Tulala lang akong nakatulala matapos ang tawag.

Kassian already advised me about this before he pushed me to sell the Android to Elliad. Now it's becoming clearer.

This was part of the Jacks' plan. Alam na nila ang identity ng android pero hindi pa nila 'yon sinasabi sa mga Hari for some reason. Bakit hindi nalang nila sinabi sa kanila ang tungkol do'n? Kung totoong ang Android na 'yon ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng Joker?

Imbes na sabihin, they used Savannah as the Queen of Clubs. Magandang tyempo nga namang itago ang identity ni Cleo kapag katabi si Savannah ang gagamitin. Iisipin ng mga Hari na gagamitin ng mga Buffoons ang Queen of Clubs as their hostage para ibigay nito ang Android sa kanila.

Napamura ako sa katalinuhan ng mga Jacks. Pero may naiisip akong butas. Kung gano'n nga ang iisipin ng hari, surely, they would be eager to hostage a Buffoon as well. At gaya ng gustong mangyari nina Nicodemus, Stavros at Amadeus, malalaman nila ang plano ng mga Buffoons. Paano kung kilala ng mga Buffoons ang identity ni Cleo? Jacks' plan will be nonsense.

Hiding Cleo's identity was the Jacks' purpose. Or not? At 'yon ang kailangan kong malaman. Should I ask Kassian? No, for sure he wouldn't tell me anything gaya ng ginawa niya kaninang pagtawag.

"Are you done with my phone?" napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Amadeus sa likuran ko. Sapo sapo ang aking dibdib na hinarap s'ya at nanginginig ang mga kamay na inabot ang cellphone nito.

"Are you okay?" he asked when he saw my jitters.

"I a-am fine." I replied.

Amadeus was about to speak again when we were both interrupted by someone.

"Amadeus! My friend! It's nice to see you again!" sigaw ng isang lalaki tapos ay bigla itong tumakbo at bigyan si Amadeus ng brotherly hug.

"Haji Yamaguchi..." Amadeus uttered impassively.

"You're being too formal brother. Oh! You have someone with you?" nagulat ako nang harapin ng lalaking tinawag na Haji. "You must be the former Lieutenant General Thyra Zavaroni?"

Nanlaki ang mata ko nang alam n'ya kung sino ako. Hindi ko naman s'ya kilala kaya paanong kilala n'ya ako?

"Oh! I'm sorry for being rude. I'm Haji Yamaguchi... the Jack of Diamonds. We're in the same field that's why I know you." Anito sabay abot ng kamay sa'kin.

Napatda ako sa kinatatayuan ako. Then, I realized something. If I can't get any information from Kassian sa kung bakit gusto nilang protektahan ang identity ni Cleo then I can get it to someone else as wicked as Kassian.

Haji Yamaguchi, the Jack of Diamonds. In flesh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top