14. Captain Speaking

CHAPTER FOURTEEN

KUMIBOT KIBOT ANG talukap ng mata ko habang sinusubukang dumilat. Umiikot ang pakiramdam ng utak ko at gano'n rin ang paningin ko sa t'wing may liwanag akong natatanaw. Binasa ko ang aking labi dahil ramdam ko ang pagiging tuyot no'n. Isang malaking paglunok naman ang ginawa ko nang makaramdam ng pagkauhaw.

"Drink this," rinig kong utos ng isang lalaking may malalim na boses. Sinubukan kong iiwas ang nilalapit nito sa aking labi pero nang mainis ang taong nasa harapan ko ay marahas n'yang hinuli ang ulo ko at itinapat sa labi ko ang isang baso.

Hindi na ako nag-inarte pang hindi inumin ang laman niyon. Ramdam ko ang matinding pagkauhaw.

Medyo may pagkamarahas at ang lalaking nagpapainom sa'kin. Parang walang pakialam kung may natatapong ilan sa baba ko na tumutulo patungo sa damit ko. Nang matapos ay binatawan n'ya rin ang baba ko tapos ay naupo sa aking harapan.

Malabo pa rin ang paningin ko. Blurry and I can't seem to understand kung bakit ako narito?

Wait, ang huli kong natatandaan ay tinatakasan ko ang mga naghahabol sa'kin sa loob ng barko tapos ay may—

Napabalikwas ako ng higa sa sofa kung sa'n ako nakahiga. Napangiwi naman ako nang maramdaman ang hapdi sa isa kong binti na may daplis kanina. Napansin kong nakabenda na 'to ngayon.

Anakng! S-Sino ang dumukot sa'kin-- hindi ko na yata kailangang tanungin pa 'yon dahil nagawi ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo ng prente sa isang pang-isahang sofa katapat ko. Nakadikwatro ang mga hita nito habang ang isang kamay nito'y nakadantay sa pisngi nito habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

Natigilan ako nang mapagmasdan ang itsura ng lalaking nakaupo.

The mysterious man was wearing just a simple white v-neck T-shirt where it hugged his huge frame. He has chiseled shoulders and chest—na obvious sa hapit na damit nito. Has strong jaws that being covered with slightly trimmed beard. He has natural brownish skin tone, on fleek eyebrows with a cut on his left brow. Nakasuot naman ito ng isang tracking pants at naka-sneakers pa. Mukhang kakatapos lang nitong mag-gym base na rin sa mga muscles nitong medyo namumutok pa ng ugat.

Bad boy looking. That's the totally of his physical and fashion features. But what had gotten me was his eyes. His emerald colored eyes. Parang ang lalim masyado kung titingnan mo. Para kang hinihigop ng mga mata n'yang seryoso.

"Are you just going to waste your time ogling at me?" napakurap kurap ako ng mata bago ako naibalik ng sarili ko sa reyalidad.

Anakng! Ano yung ginawa ko? Did I really check him out? Puta, anong nangyari sa'yo Thyra? Hindi mo pa ginagawa 'yan before. Para sa'yo, men were just plain and simple. And of course complicated. That's why you learned how to handle them. Kagaya ng ginawa mo sa mga alaga mo. Hindi ka kailanman tumingin sa pisikal nilang itsura dahil wala ka namang pakialam. Pero bakit sa lalaking 'to, wala ka talagang habas kung tumitig pa?

"Sino ka?" hindi ko alam kung sa'n ko pa nakuha ang lakas ng loob na magtanong ng gano'ng kadiretso matapos akong mapahiya.

Just deny that you're not ogling at him, Thyra! Damn it!

"Should I be the one asking you that?" he asked rudely. Napaatras namana ko nang hindi ko napansing may hawak pala itong baril sa kamay na may silencer at nakatutok na sa'kin. "Tell me why I shouldn't kill you."

Nagtagis ang bagang ko sa tahasan n'yang pagtutok sa'kin ng baril. I need to know who he was. Sino ba kasi 'to?

"Looking for this?" napatingin naman ako sa isa niyang kamay na hawak ang bag ko mismo. "It's seems like you're a tech-savvy type of a human. Explain why you have these gadgets? Are you a spy? Robber? Assassin? Or... one of the Buffoons?"

Napabuga ako ng marahas na hangin dahil sa mga akusasyon n'ya. And what? Did he just compare me sa mga Buffoons?

"Wala sa mga nabanggit," tugon ko sa kanya habang nakatikwas ang isa kong kilay sa kanya. Ang ayaw ko sa lahat ay yung cinocompare ako sa mga taong pumatay sa Lolo ko. "Aww fuck!"

Nakailang mura pa ako habang hawak hawak ang kaliwang braso ko na may sugat galing sa daplis na ginawa ng lalaking 'to. Pinutok n'ya 'yon sa'kin ng wala man lang pag-aalinlangan.

"The next bullet would be on your head." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang dulo ng baril nito na nakatapat sa sentro ng noo ko. "This time, answer me properly."

"Sinagot ko ang tanong mo, wala ako sa mga nabanggit mo and this what I've received?! Damn you!" Singhal ko sa kanya.

"The clock is ticking, Stranger." Sunod pa nitong wika sa'kin.

I frowned at him and said, "Seriously dude?! You just hit me! 'Di ba pwedeng, aw shit!" kinasa ng binata ang baril. "I'm f-from the North Clubs! I'm a former Lieutenant General of our military unit!"

Nakita ko kung paano nanliit ang mata n'ya sa'kin. "Kung tiningnan mo talaga ang laman ng bag ko, paniguradong nakita mo ang wallet ko do'n. I have my tainted badge on it you asshole!"

Nakahinga ako ng maluwag nang tanggalin na ng binata ang pagkakatutok n'ya ng baril sa noo ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Ang kupal ng gagong 'to para tutukan ako!

"Lieutenant General Thyra Zavaroni. What seems to be your agenda of coming up here on my ship? You even caused chaos in the sea port." Wika ng binata habang bumabalik sa pagkakaupo. Kumuha ito ng isang malinis na tela tapos ay sinimulang punasan ang hawak nitong baril.

Natigilan ako sa isa parte ng sinabi ng lalaki. On my ship?

"May ililigtas akong mga... kaibigang, nadakip. They're currently here."

Sumagot ang kausap ko nang hindi ako tinitingnan. "A kidnapping case? It's hard to believe, Lieutenant. You think someone dared to use my own den for a crime a like that?"

Napatingin ako sa orasan ko. It's almost evening. Wala na akong oras. Baka kung ano na ang nangyayari do'n sa dalawa.

"You have to believe me. I'm not going to risk my life entering your... den, just to come up with a story. An unbelievable one, as you may have concluded." I replied.

Tangina, ngayon lang uli ako nakapag-ingles ng diretso. Ang sakit na ng ilong ko puta.

Natigilan ang lalaki sa pagpupunas ng baril nito at napaatras ako ng kaunti nang nagawi ang mga mata nito sa'kin.

I cleared my throat. Tangina gusto ko nang sapakin ang sarili ko dahil nakakailang beses na akong napapaatras sa mga tingin n'ya. Ano bang mayro'n at bakit ako nakakadama ng kaba sa kanya? Oo, medyo marahas s'ya. In a way na hindi man lang ito nagdalawang isip na barilin ang braso ko.

Speaking of braso.

"Kailangan ko nang umalis. Habang nagtatagal ako rito ay baka nawawalan na ng hangin ang pinaglalagyan nila. Maraming salamat sa pagtulong mo sa'kin kanina. Maniwala ka man o sa hindi—"

"Do you really think that you can easily get away from me?" tanong n'ya sa'kin na nagpakunot ng noo ko.

"Ano bang kailangan mo sa'kin? 'Di pa ba sapat na dinagdagan mo ang injury ko?"

"You're trespassing... my town. That's the issue here, Miss Zavaroni."

Nanigas yata ako sa kinakatayuan ko nang may ipagdiinan ito sa mga sinabi n'ya.

My town...

Nagawi ang mata ko sa kanang braso nito na malapit sa palapulsuhan. Tapos ay natandaan ko naman ang tattoo na nakita ko kanina bago ako nawalan ng malay.

Diamond tattoo.

"Y-You're the King of Diamonds. Ruler of West Diamond." Anas ko sa mahinang tono pero sapat na 'yon para marinig ng binatang nasa harap ko.

His stares didn't change. It's still cold as ice.

"And you just trespassed my town, Former Lieutenant General. And I have an absolute rule on my town. Who ever gets in without a proper permit, they die. Now, if you really want to go out. Feel free. Just say hi to the devil for me."

His words left a thousand shiver on my spine. It's the same feeling whenever I'm facing the North Clubs' King.

Lihim akong napamura sa aking sarili. Tangina, may ikakaswerte ka pa ba sa araw na'to Thyra? Kota ka na sa kamalasan.

"Pero sinabi ko na ang rason kung bakit ako narito—"

"Kneel," napakurap kurap ako dahil sa biglaan nitong pagputol sa sinasabi ko.

Can someone reminds me how many times he interrupted my speech? That's what I fucking hate the most!

Ang pasensya ko ay unti-unti nang nauubos at hindi nakakatulong ang patuloy na pagdanak ng dugo ko sa ginagawa kong pagtitimpi.

"Address me, Your Majesty. You're being rude to me."

So, the rumors are true. The King of Diamonds was nothing but a self-entitled asshole. A King who loves to use his throne to get what he wants. An arrogant King perhaps. The shivering feeling that I felt for him diminished because of his attitude. Napalitan 'yon ng inis at kapag inis ako, nawawala ang pagrespeto ko sa mga gagong katulad nito.

Dahan dahan kong idinipa ang magkabilang braso ko sa tapat n'ya. Sandali kong nakita ang pagtataka sa mata n'ya pero agad 'yong nawala.

"Kill me," I challenged him. "If that's what makes you happy. Tingin mo masisindak mo 'ko? Go on, pull the trigger. May point ka naman, Brad. I trespassed on your lawn without any permit. I caused chaos. However, aren't we so much entitled to be the King of this town whereas, alam naman nating parehas na hindi ka na ang mismong Hari dito?"

Nakita ko ang pag-igting ng panga nito dahil sa huling parte ng sinabi ko. Baliw na yata ako dahil natutuwa ako sa nakikita kong reaksyon sa kanya but at the same time, takot pa rin naman ako dahil baka nga tuluyan ako ng taong 'to.

Pero kailangan kong gumawa ng paraan kung gusto ko pang mabuhay at makaalis.

"You're nothing but a simple leader of this town. Sino ka para sabihan akong lumuhod sa'yo?"

Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari dahil sa bilis ng kilos ng Haring kausap ko. He's now gripping my neck habang galit na galit akong pinakatitigan.

"You have a stinging mouth,"

"Only for those I hate because of how they treat people." Paliwanag ko habang nahihirapang magsalita dahil sa higpit ng pagkakasakal n'ya.

"You know that I can kill you." Wika n'ya bilang paalala.

Nginisian ko naman s'ya. "I've faced enough deaths on my whole life, Former King. Pero kung papatayin mo 'ko ngayon, ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa oras na malaman ng iba pang hari ang ginagawa mong paghadlang sa'kin na bawiin ang mga na-kidnap ng isang sindikato?"

Doon ko nakuha ang kanyang atensyon. Nang ikunot nito ang noo ay alam kong nahiwagaan ito sa sinabi ko. At gaya ng inaasahan, binitawan n'ya ako at bumagsak naman ako sa sofa kung sa'n ako nakahiga kanina.

"What are you talking about?" he asked finally.

Umubo ubo pa ako ng ilang beses dahil hinahabol ko ang hininga ko bago ko s'ya sinagot.

Dapat ko bang sabihin na ang isa sa mga bihag ay isang Android?

"Nandito sa barko mo si Savannah Albert-- The Queen of Clubs. The Queen who doesn't know that she's the Queen because of Nicodemus. Kasama n'ya ang kaibigan nito na sa tingin ko'y may kinalaman naman kay King of Spade na kasalukuyang nasa North Clubs." Paliwanag ko rito.

"Why they are here?" tanong n'ya and he's currently walking back and fort.

Shit, this is the part where I need to lie. "I made a bargain with one of the prime syndicate of India that they would have the Queen of Clubs in exchange of money at kabayaran ko rin sa mga utang sa kanila. I just later found out na yung sindikatong pinagkautangan ko ay mga merchants na nakipagkasundo sa mga Buffoons."

Napatingin sa'kin ang binata nang marinig ang huling salita sa'kin. Pero mas nagtagis lang ang panga nito.

"Why they need the Queen of Nicodemus?" he probed.

Nagkibit balikat ako. "'Di ko alam pero may hinala ako na may kinalaman 'to sa muling pagsasaayos ng Primus City. Gusto nilang mabuhay at magising muli ang Master nila, 'yon naman ang goal nila 'di ba? Nanahimik lang sila because they don't know how to do it. They might have found a way that's why they're now in search for hostages..."

"And our Queens will be the perfect collateral so they can get their revenge on us." Pagdugtong ng binata sa sinabi ko.

"Or they can use the Queens so they can have the full control on the four major towns."

When the Kings dropped their position after the war against the Joker before, the Primeval Union has to proclaim someone who would rule the towns. Base sa mga nabalitaan ko, binibigay ng Primeval Union ang kapangyarihan ng pamumuno sa mga Reyna ng mga Hari. Pero dahil kapwang wala pang mga reyna noon ang mga Hari, nagkasundong mananatili sa Kings ang pamumuno pansamantala.

Sa North Clubs, alam ng lahat na si Savannah Albert ang Queen ng bayan namin. Hindi s'ya aware sa part na 'yon dahil bago matapos ang digmaan sa Joker ay iniutos ni King Nicodemus na walang sinuman ang magsasabi sa dalaga na ito ang Reyna hanggang sa maging handa ito. Kaso biglang nawala si Savannah noon, kaya ang posisyon ay pansamantalang hawak ni Nicodemus ngayon.

"Ginagamit nila ngayon ang barko mo para makalayag ng walang nakakapansin." Dugtong ko pa.

Biglang may tumunog sa 'di kalayuan. His phone was ringing non-stop. Nang sagutin 'yon ng binata ay may halong galit ang tono nito.

"Stop searching for the culprit that your men saw a while ago. I need you to search the compartment and all containers. We have two female who have been placed inside of big container. Search for it and give me some updates."

Nang ibaba nito ang tawag ay ako naman ang tiningnan n'ya. "You mean to say... the Buffoons, they're here inside my ship?" he asked me while gnawing.

Tumango tango ako bilang sagot.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang maniwala ito sa sinabi kong kasinungalingan. Well, actually, kung ano ang sinabi ko sa kanya ay isang bagay na 'yon talaga ang mangyayari. May posibilidad pa rin naman na 'yon ang gawin ng mga Buffoons sa oras na malaman nilang hawak nila ang Reyna ni Nicodemus.

Pumunta naman ang lalaking kasama ko ngayon sa isang kwarto na 'di kalayuan. May dinampot itong isang bagay na may wire. It's like a walky talkie device.

"Good Afternoon, everyone. This is your cruise ship Captain speaking, Amadeus Valmonte. We pleased to inform you all that we are now in the exact area where we can see Whales. You may now go see the view."

Did he just announce it with goofiness on his tone? I can't believe it.

Nang maibaba ang tila microphone para makapag-announce ay may kinontak naman ito sa telepono. "I need you to stop the ship and close all possible way out. Deactivate all of our emergency boats. I'm announcing a total lock down and make sure no one will notice that we have a situation to handle."

After no'n ay may kinuha naman ito sa kabinet at naglakad papunta sa'kin at binato ang kinuha nito. "Fix yourself. You will help getting rid some rats."

Natulala nalang ako sa kanya pero mas natuon ang atensyon ko sa pangalan na kanyang binanggit. His name to be precised.

Amadeus Valmonte... The King of Diamonds

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top