13. Rescue
CHAPTER THIRTEEN
"BOSS, NAKITA NA namin ang sinasakyan nila!" rinig kong sigaw ni Uranggu— isa sa mga bata kong mahilig sa computer. Isa s'ya sa mga magagaling kong apprentice kapag hacking ang pag-uusapan. Kasalukuyan akong nag-aayos ng itim na gloves nang mapatingin ako sa kanya.
"Wow bossing! Ang chicks mo d'yan!" sabay sabay nilang sigaw at reaksyon nang lapitan ko si Uranggu.
"Ulul, wala akong panlibre ng alak sa inyo. 'Wag ako." Reaksyon ko sa kanila at nagkatawanan nalang kaming lahat.
Muli kong nilapitan si Uranggu nang igiya niya ang ginagamit na monitor. "Kahit 'di namin nagawang habulin kanina ang mga ungas na 'to, Boss, nagawa naman naming kabitan ng tracking device ang mga kotse nila. Kasalukuyan silang nasa may Port at mukhang papasok na sila sa boundary ng West Diamond Town."
Bahagyang nagtagis ang panga ko sa lugar kung sa'n sila patungo.
Bakit sila mangingimbang bakod? Dahil takot sila sa security na mayroon ang North Clubs?
"Bigyan mo ako ng coordinates ng tracking device. Ako lang ang susugod sa kanila." Wika ko habang may pinipindot ako sa suot na relos. Ang relos na suot ko ay isa sa mga imbensyon at innovation na nagawa ko sa mga panahong wala ako sa Squad.
Nagsimula akong maging mahilig sa mga gadgets siguro nung mga panahong buhay pa ang aking Lolo. Mahal ng Lolo ko ang pagbubuntingting ng kung ano-anong gamit kaya siguro sa kanya ko namana ang galing sa larangan na 'to na minsan nakikinabang ang buong Town nitong nakaraang mga taon.
Aside sa pagiging Lieutenant, I was assigned sa Engineering and IT Department ng Action force ng North Clubs. Masasabi kong ito ang strength ko maliban sa pagiging bihasa ko sa pakikipaglaban.
"P-Pero, Boss, 'di ka pa masyadong magaling." Daing ni Buknoy na ngayon ay kararating lang. Nasa likod nito ang ilan pa sa mga bata ko at mga kapwang may mga hawak na armas.
"Tapos tinanggal mo na agad 'yan." Dugtong naman ni Panot na ngayo'y nasa likod na ni Uranggu.
Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa habang tinatanggal ang nakabalot sa ulo ko.
"Kaya ko na, 'wag nga kayong ano d'yan. Saka matibay 'to. Tangina, kailan niyo ba ako nakitang mahina?" maangas kong tanong sa kanila habang nangingisi pa.
"Kanina lang," sabay sabay nilang tugon.
"Tangina n'yo!" angil habang isa-isa ko silang binigyan ng kutos.
Mga nakanguso naman sila matapos ko silang bigyan ng kutos. Tangina parang mas maganda kung bugbugin ko ang mga nguso ng mga 'to.
Parang mga 'di maton anak-ng-putsa!
"Kaya ko 'to mga bugok. Matagal tagal na rin naman ako natengga sa pakikipagsapakan kaya ibigay n'yo na sa'kin 'to. Mas gusto kong nandito kayo at kayo ang mag-guide sa'kin. Ang iba, sasama sa'kin pero hanggang doon lang kayo sa boundary para siguraduhing walang susugod na iba pang lalaban habang nililigtas ko 'yung dalawang babae. Naintindihan n'yo ba?"
Kahit mga hesitant pa rin ang itsura ng mga 'to ay mga kapwa wala silang magawa kung'di ang sumaludo at sumigaw ng pagsang-ayon.
"Good," komento ko habang nilalagay sa likuran ko ang Katana na gagamitin ko.
Bigla namang lumapit sa'kin ang eksperto sa mga sandata na bata ko. Si Butchikik.
"Master, ito na yung mga napili kong baril at armas na pwede mong gamitin na hindi ka mahihirapan sa pagdadala. Ang iba d'yan ay yung mga nakaraang imbensyon mo pa tapos ang iba ay mga bago kong gawa naman nitong nakaraang linggo lang." Anito habang nilalatag sa malawak na glass table ang mga dala.
Ngisian ko si Butchikik at tinapik tapik ang kanyang ulo. Nakita kong namula ang mukha nito at napatingin sa sahig dahil sa ginawa ko.
"'Yan ang gusto ko sa'yo 'eh, boy scout ka ba Butchikik?"
"Banat ba y-yan, Boss?" nahihiya nitong tanong.
Sinamaan ko agad ito ng tingin. "Oo, babanatan kita para mas ramdam mo."
Nag-peace out sa'kin si kumag at pinaliwanag na nito ang mga tinutukoy kanina.
"Since ayaw mong pumatay kapag hindi mo calling, ito, stun gun. Mapapatulog mo lang kaagad ang mga kalaban mo sa isang patama lang." Tukoy nito sa isang maliit at handy na baril. "Yung bala niyan, may Mag naman na aabot sa sampu kada lagayan. Sa isang mag, may singkwentang maliliit na bala ang pwedeng ilabas."
Dinampot ko naman ang isang gintong kwintas.
"'Yan naman, tinatawag ko 'yang Latigo ni Darna." Tiningnan ko ng isang bagsak na tingin si Butchikik.
Seryoso ba s'yang 'yon ang ipapangalan n'ya sa kwintas?
"Ang korni no'n, fre." Anang ni Bugoy at pinipigilan ang sariling tumawa kasama ng iba pa.
Napanguso nalang si Butchikik sa asar ng mga kasama nila at tiningnan ako na parang humihingi ng pasensya.
Hindi ako nakisama sa tawa dahil alam kong baka mas mapahiya pa itong si Butchikik. Medyo mababa kasi ang confidence nito sa mga ginagawa nitong imbensyon at kahit paano ay ako ang nasasaktan kapag nakikita ko itong biglang nagiging malungkot.
Hinawakan ko ang kwintas at hinayaang nakaladlad ang dulong bahagi at mabilis kong winasiwas sa leeg ni Bugoy. Nanlaki ang mata ko nang bigla iyong humaba at pumulupot ng husto sa leeg ni Bugoy.
"What the fuck!" bulalas ko tapos ay pinagtulungan na nilang tanggalin ang kwintas sa leeg ni Bugoy.
Napalingon naman ako kay Butchikik nang marinig ko ang bahagya nitong pagbungisngis. Mabilis ko s'yang kinurot sa tagiliran. "Walang'ya ka rin pala," utas ko rito ta's pinandilatan ko s'ya ng mata.
"Paano tanggalin 'to?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat si gago pero inunahan ko na agad ng sama ng tingin.
"Grabe ka naman Boss, minsan na nga lang akong bumawi sa kanila 'eh." Anito tapos ay kinuha sa'kin ang dulong bahagi ng kwintas. Yung pendat na nasa bandang gitna ay kinuha n'ya tapos ay pinindot niyon ang gitna. Kusang natanggal naman sa leeg ni Bugoy ang kwintas mismo.
"G-Gago k-ka, Butchikik!" nahihirapang utas ni Bugoy sa pilyo kong bata.
"Asar ka pa gago, pakyu!" anas nito na may ngisi sa labi.
Napailing iling naman ako sa kanila. Lalo na sa bulinggit na'to. Minsan pala may paraan rin ang isang 'to para bumawi kapag pinagtutulungan na s'ya. Clever.
"Uy ano 'to? Mani? Pahingi!" sigaw ni Panot nang damputin nito ang isang lagayan na maliit.
"H'wag!" nagulat ako sa sigaw ni Butchikik at hinablot ang kinuha ni Panot.
"Ito naman, ang damot mo, ah. Ano? Lumalaban ka na? May buto ka na?" maangas na tanong ni Panot kay Butchikik na agad ko namang sinikmuraan. "Arekup, Master. Ang sakit!"
"Nagsisimula na naman ba kayong mang-bully?" sigaw ko sa kanilang lahat dahil parang napapansin kong may center of attraction sila lagi.
Hindi sila umimik. Sino nga ba ang taong aaminin sa mali nila?
"Sinasabi ko sa inyo, h'wag na h'wag n'yo akong susubukan at baka ibalik ko na naman ang parusang peyborit ko sa lahat." Banta ko sa kanila at doon ko naman nakita kung paano sila napalunok ng mariin.
"Ano ba kasi 'yan?" tanong ni Panot kay Butchikik doon sa maliit na lagayan na parang sisidlan ng barya.
"Smokescreen," anas nito tapos naglabas ng isang piraso. Hugis mani nga. "Ginawa ko s'yang itsurang mani kasi kung sakaling mawala mo 'to Boss, at mapunta sa kanila. Kapag kinain nila 'yan, paniguradong tunaw ang mga lamang loob nila. Tapos gaya ng smokescreen, kailangan mo lang 'tong ibato sa lupa para makatakas ka kung sakali kailangan mo na."
Marami pa sana siyang gustong ipagamit sa'kin ngunit limitado na ang oras para magpaliwanagan pa. Kailangan ko nang kumilos kung'di, baka kung ano nang mangyari sa dalawang babaeng 'yon.
"Ingat ka, Boss!" sabay sabay nilang paalam nang ako'y makasakay na sa pinahiram na sasakyan ni Matilda.
Nagtanguan kami ni Matilda. "Ikaw na muna ang bahala sa mga bata ko. Kapag nangulit, sabihin mong naka-video sila at ipapanuod mo sa'kin bilang ebidensya. Ako nang bahala pagkatapos."
Isang tunay na ngiti ang ibinigay n'ya sa'kin. "It seems you've grown fond of these men, Thyra. You do really know how to handle difficult men."
Ngisi lang ang ibinigay ko sa kanya mula sa komplimentong natanggap.
Really? I can handle difficult men? I hope so.
Nang makarating sa daungan ng mga barko ay itinago ko ang kotseng dala sa lugar kung sa'n hindi makikita ng ninuman at para madali ko ring magamit sa pagtakas.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa hangganan mismo ng North Clubs dito sa may kanlurang bahagi. Nang matanaw ang isang matayog na harang na may mga wire ay sinimulan ko nang maghanap ng magagamit para makaakyat.
"Boss, may reading na may mataas na boltahe 'yang aakyatan mo. Ingat ka!" rinig kong warning ni Panot sa kabilang linya ng suot kong earplugs.
"Copy," untag ko tapos ay nakangising inilabas ang isa sa mga imbensyon ni Butchikik.
"Ingat ka boss sa pagkabit n'yan sa wire nila. Kailangang eksakto sa timing ang pagkabit mo ng clamp sa wire bago maubos yung naka-default na oras para tanggalin niya ang kuryenteng nakabalot sa buong area." Rinig kong paalala naman ni Butchikik.
Limang clamp na may mahahabang wire na kumukonekta ito sa isang maliit na device na hawak ko. Nang simulan kong i-activate ang timer ay mabilis ko na ring ikinabit ang mga clamp sa eksaktong lugar nito. Mayro'n lang akong ilang minuto para matapos na ikabit ang lahat.
"Shit," utas ko nang mapagtagumpayan ko ngang tanggalin ang kuryenteng nababalot ay siyang pagtunog naman ng alarm ng security ng West Diamond Town.
Muli kong isinuot ang black mask at mabilis na umakyat sa itaas bago pa man din akong paulanan ng mga bala ng baril nila.
Saktong paglatag ng mga paa ko sa lupa ang pagsambulat sa'kin ng mga bala. Mas dinoble ko pa ang bilis ng pagtago sa naglalakihang container ng daungan at pumasok sa isang nakabukas na siwang. Mariin ang aking pagsandal at pinigilan kong huminga nang kamuntikan na akong makita ng ilang tauhan.
"Hanapin n'yo sa area na 'yon! H'wag ninyong hahayaang makatakas ang magnanakaw na 'yon!" sigaw ng tila lider ng security nila.
Gusto ko siyang ikutan ng mata. Magnanakaw agad? Kapag may pumuslit 'yon ang agad ang tawag sa pagkakakilanlan?
Muli akong lumabas at hinanap ang kulugong si Elliad.
Alam kong nandito sila somewhere.
Hindi sila taga West Diamond kaya imposible na makakatagal silang mag-stay rito. West Diamond Town is known for having a strict King.
The King of Diamonds.
Masyadong mabusisi at maarte ang kanilang Hari sa mga pumapasok na hindi nakatira sa kanilang syudad. Muntik ko na nga palang makalimutan, ang Town nila ang kalaban namin minsan sa pagiging Top one sa may pinakamalakas na security sa buong Pilipinas.
Pero dahil sa mga Buffoons na umaatake ngayon, I doubt kung ligtas pa rin ba ang Town na ito sa mga kalaban. Kung totoo ang sinasabi ni Kassian, then, walang ligtas na lugar ngayon sa Pilipinas.
Napamura ako ng matindi nang sa wakas ay matanaw na sina Elliad. May kausap itong isang negosyanteng singkit at tila nagkakasiyahan sila lalo na nang ibigay ng singkit na 'yon ang isang suitcase na paniguradong naglalaman ng pera.
Nagngitngit ako dahil dapat amin 'yon! Pero hindi na'yon importante. Magbabayad ang Elliad na 'yan. Sisiguraduhin kong mababawi ko ang dalawang babae—
"Tangina naman oo," daing ko nang matanaw na ang kahon na pinaglalagyan ng dalawang babae ay kasalukuyan nang nilalapag sa looban ng barkong maglalayag.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon lalo na nang tumunog ng malakas ang Barko, hudyat na paalis na ito. Maging ang entrance mismo ng barko ay unti-unti nang inaangat para magsara. Tinakbo ko ang mahabang entrada papasok ng Port. Nang matanaw ako ng mga tauhan ng West Diamond Town at ng tauhan ni Elliad ay mabilis nila akong hinabol.
"Shit, kailangan kong umabot." Ilang mga tauhan nila ang pinatumba ko muna bago ako bumwelo nang malapit na sa ako sa barko.
Mas binilisan ko pa ang takbo at isang bwelong pagtalon ang ginawa ko.
"Yes— fuck!" daing ko nang makahawak ako sa dulong bahagi ng umaangat na pintuan ng barko habang ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa may binti ko.
Nadaplisan pa ako, shit!
Hingal na hingal akong nakasandal sa isang sulok ng barko habang pinapakiramdaman ang paligid. Naramdaman ko nalang bigla ang paggalaw ng paligid. Hudyat 'yon na gumalaw na at umalis ang barko sa daungan.
Nang pakiramdam ko'y okay na ang aking pakiramdam at kahit paano'y nabawasan ang aking paghingal, ay nilabas ko namang sunod ang stun gun na nakalagay sa itim kong bag. Chineck ko muna ito bago tuluyang gumalaw.
Sunod kong ginawa ay ang pagbalot ng isang malinis na tela sa nadaplisan kong binti. Napapangiwi pa ako dahil sa dugong naagos. Kailangan ko itong matakpan para hindi ako makapag-iwan ng traces mula sa dugo ko.
Tiningnan ko namang sunod ang suot kong relos na isa rin sa mga gawa ni Butchikik. He made some modifications aside from the usual features like the android system and such. Nagawa niyang kabitan ito ng system integrated software to connect it to any servers for a fast gathering of information.
I clicked a few buttons and a hologram appeared on top of it.
"Wicked cool," bulong ko habang impress na impress sa technology na nilagay ng alaga ko.
I hovered the area where it's pointing out kung nasaan ako ngayon. Nasa ilalim ako mismo ng upper deck. I searched for the area kung sa'n naka-locate and device ang pinagtataguan ng mga bihag. Nagtangis ang bagang ko nang makitang nasa kabilang dulo pa sila ng malaking barko na 'to.
Sinimulan ko na ang kumilos at maglakad patungo sa lugar kung nasaan sila. Tahimik ang kinalulugaran ko pero madalas na may mga nadaan kaya medyo nahirapan akong kumilos ng malaya.
Nang may madaanan akong salamin ay saglit kong nakita ang sarili. May mga galos na akong natamo nang pagtulungan ako ng mga tauhan ni Elliad at ilang tauhan ng mga taga West Diamond.
"Hoy! Sino ka?!" sigaw ng isang crew ng barko nang makita ako.
Mabilis akong tumakbo kahit na paika ika dahil sa natamong galos sa binti habang ang taong 'yon ay patuloy pa rin sa paghabol sa'kin. Hindi ko na alam kung nasa'ng parte na ako ng barko pero nakita ko nalang ang sarili kong nagtatago sa isang bahagi ng dingding na may isang kwarto sa aking likod. Mabilis ang aking paghinga dahil sa pagod at kasalukuyang hinahapo. Mas dumadalas na rin ang aking pagngiwi dahil habang natagal ay mas humahapdi ang daplis sa aking binti.
Napairit ako nang biglang may nagtakip sa bibig ko at pwersahan akong hinila sa isang kwarto kung sa'n ito naroroon.
Yung maliit na tela na pinangtakip n'ya sa'kin. Ramdam kong may pampatulog.
Unti-unting bumabagsak ang mga talukap ng mata ko. Ang huli ko nalang nakita ay ang kanang braso ng taong dumakip sa'kin at ang tattoo nito sa bandang palapulsuhan na may disenyong...
Diamond...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top